By Michael Juha
getmybox@h*********m
fb: Michael Juha Full
---------------------------------
At may itinuro din naman ako sa kanya: ang pagtugtog ng gitara.
"Tol... ito ang unang ituturo ko sa iyong kanta. Paborito ko kasi ito at sana, magugustuhan mo. Basta i-memorize mo lang ang chords." Sabi ko sa kanya sabay kaskas sa gitara at kumanta na. Ang buong akala niya, tinuruan ko lang siyang maggitara. Lingid sa kaalaman niya, lihim kong ipanaabot ang mensahe ng kanta na iyon para sa kanya. Wish ko lang...
Alam kong hindi mo pansin, narito lang ako
Naghihintay na mahalin, umaasa kahit di man ngayon
Mapapansin mo rin, mapapansin mo rin
Alam kong di mo allin, narito lang ako
Hinihintay lagi kita, umaasa kahit di man ngayon
Hahanapin mo rin, hahanapin din
Pagdating ng panahon baka ikaw rin at ako
Baka t***k ng puso ko'y maging t***k ng puso mo
Sana nga'y mangyari 'yon, kahit di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin, pagdating ng panahon
Alam kong hindi mo alam, narito lang ako
Maghihintay kahit allin, nangangarap kahit di man ngayon
Mamahalin mo rin, mamahalin mo rin
Di pa siguro bukas, di pa rin ngayon
Malay mo allin araw, dumating din iyon...
"Waaaaahhhhh! Ang alling!!!" sigaw niy sa akin pagkatapos kong kantahin ito. "Sana ganyan din ako kagaling kumanta at gumitara tol! Gusto ko pati ang kanta, paborito ko yan tol!"
Natuwa naman ako na nagustuhan niya, at paborito din pala niya iyon. "Alam mo, bago ko kinakanta iyan, binubulong ko ang wish ko."
Ewan kung bakit ko rin ba nasabi iyon sa kanya. Ang wish ko lang naman ay malaman niya na para sa kanya ang bawat mensaheng nakasaad sa kantang iyon.
"Talaga?" ang sagot niyang excited sa narinig. "Ano naman ang wish mo?"
Natawa ako, feeling naipit baga, nagsisi kung bakit sinabi ko pa sa kanyang may wish akong ibinulog. Ngunit ang naisagot ko na lang ay, "Sa akin na lang iyon..."
"Waahhh! Ang daya!" sagot niya. "Sige kapag ako naman ang kumakanta niyan sa harap mo, may wish din ako, sikret din!" dugtong niyang parang may tampo na hindi ko sinabi ang totoo.
Ngunit pareho na lang naming tinawanan iyon.
Halos wala na akong mahihiling pa sa sobrang close namin ni Rigor. Sobrang saya ko na sa wakas, naging close din kami sa isa't-isa.
Ngunit habang tumatagal, mas masakit pala ang ganoon. Kasi, nand'yan siya sa tabi ko ngunit di ko magawa-gawang sabihin sa kanya ang totoong naramdaman ko. Nagsusumigaw ang aking damdaming yakapin siya at hagkan ang kanyang mga labi, ngunit mistula akong isang paslit na tulo-laway na nakaharap sa isang napakasarap na ice-cream at ang tanging nagagawa lang ay ang tingnan ito...
At sa paglipas pa ng mga araw, patindi nang patindi ang nadaramang kalungkutan ng aking puso. Para bang tino-torture ang aking isip at kululuwa. Nand'yan lang ang taong mahal ko, abot-kamay ko na lang sana ngunit parang nasa isip lang ang lahat; napakalayo at hindi ko kayang abutin.
Sobrang sakit, grabe. Nagmahal ako ng patago, nalilito kung bakit sa kapwa lalaki pa, at kung bakit ko naramdaman ang ganoong klaseng pagmamahal sa kanya. Ang masaklap, hindi ko masabi-sabi iyon kahit kanino. Kaya feeling ko sasabog na ang utak ko sa sobrang tindi ng naranasan at pagkalito. Napakahirap tanggapin. Kasi, alam ko, lalaki si Rigor at imposibleng maging akin siya.
"Ano ba ang pangarap mo tol?" tanong ko sa kanya isang beses na nagkuwentuhan kami sa ilalim ng lilim ng puno ng talisay na nasa gilid lang ng ilog at malapit sa kubo niya.
"Ang magkaroon magandang trabaho, iyon lang."
"Bakit?" tanong ko.
"Syempre, kapag maganda ang trabaho mo, mabibili mo ang lahat ng kailangan mo, di ba?"
"Ayaw mo bang magkaroon ng pamilya?"
"Syempre, gusto." Sagot niya habang napansin ko ang biglang paglungkot ng kanyang mukha. "Kaso... ayokong matulad sa akin ang magiging anak ko tol na maraming kahati sa pagmamahal at sa mga kapiranggot na mga bagay-bagay sa pamilya. Ayokong danasin din ng magiging anak ko ang hirap..." At nakita ko na lang ang pamumuo ng mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.
May sundot din sa puso ko ang narinig. Alam ko, nahirapan na rin siya sa kalagayan ng kanyang pamilya. Ngunit nalungkot din ako dahil gusto rin pala niyang magkaroon ng pamilya. Ibig sabihin, imposibleng mangyari pa ang wish ko na maging kami. "Pasensya ka na tol sa tanong ko ha?" Ang nasabi ko na lang.
Ang mga pangarap niyang iyon ang tumatak sa aking isip. At sa bawat sandaling maalaala ko iyon, may kirot akong nadarama sa aking puso.
Isang araw, naabutan ko si Rigor sa may puno ng talisay at umuukit ng pangalan. "Ano iyang ginagawa mo, Tol!" Tanong ko.
"Inuukit ko ang pangalan ko tol!"
"Bakit may bakanting linya sa ibaba?"
"Kapag nahanap ko na ang babaeng mamahalin ko, d'yan ko ilagay ang pangalan niya!"
"G-ganoon ba?" ang malungkot kong sabi bagamat hindi ko ipinahalata ito.
"Mag-ukit ka na rin ng pangalan mo. At lagyan mo na rin ng bakanteng linya sa ibaba!"
Tumalima naman ako bagamat para sa akin ay walang kahulugan ito.
"At upang malaman nating orihinal na tayo ang umukit ng mga pangalan natin, ibaon natin ang pako sa pinakahuling letra ng ating pangalan." At humugot nga siya ng pako sa bulsa niya at ibinaon ito gamit ang isang batong pamukpok sa gitna ng huling letrang "R" ng pangalan niya. Halatang pinaghandaan niya ang pag-uukit niyang iyon.
Sumunod naman ako. Ibinaon ko ang pako na iniabot niya sa gitna ng letrang "N" ng pangalan kong Ryan.
Akala ko ay tuloy-tuloy na ang ganoong setup namin kung saan palagi kaming nagkakasama. Ngunit sadyang nababalot ng hiwaga ang buhay. Mapaglaro ang tadhana, sumusulong ang panahon, at dumarating ang samut-saring pagsubok na siyang magpabago sa takbo ng lahat...
(Itutuloy)