Nag-excuse kaming dalawa ni Gavin ng lumapit ang ilang bisita ng lolo niya rito. Bumalik kami sa aming mesa saka pinagpatuloy ang pagkain. Iba ang sigla ni Gavin na pinapakita ngayon. Masasabi ko talagang masaya siya ng gabing iyon. Naistorbo lang kami sa aming pagkain sa paglipat ni kuya Geo ng mesa. Umalis ito sa mesa kung nasaan nakaupo ang kanilang magulang at sinamahan kami ni Gavin. "Dito na lang ako. Maysadong boring sa kabila," ang sabi pa ni kuya Geo ng pabulong sa akin. Naupo ito sa upuan sa aking kaliwa kaya napagitnaan ako nilang dalawa ni Gavin. "Istorbo ka kuya. Eksklusibo para sa aming dalawa ni Nixon ang mesang ito," sabi pa ni Gavin sa kanyang kuya. "You're kidding right? Lumipat na ako since my friends will be coming. And you know it will be too awkward kapag naupo ka