Kabanata 14

5411 Words
Sa paglabas ko sa computer shop nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Marami-rami na ang namamasyal sa unti-unting paglaho ng init ng panahon na napapalitan ng malamig na simoy ng hangin. Pinagmasdan ko ang paglalaro ng mga kulisap sa bilugang ilaw ng poste na aking nadaanan, habang dinidilaan ko ang popsicle na aking hawak. Lumampas sa kinatatayuan ko ang isang magkasintahan kaya nakaramdam na naman ako ng inggit. Pinagmasdan ko ang magkahawak kamay ng magkasintahan. Sa pagkakaroon ng bakanteng espasyo sa aking puso, nagpatuloy ako sa paglalakad, tumawid ng kalsada kahit na may mga paparating na sasakyan. Dahil sa lusaw na ang popsicle na aking hawak, nahulog na ito sa daan. Pumutok ang busina ng mga kotse kasabay ng nakakasilaw na headlight na tumatama sa akin, umiwas na ako't nanakbo sa kabilang ibayo ng kalsada. Pinabayaan ko na lang ang nahulog na popsicle na makipaghalikan sa daan. Tinapon ko ang naiwang stick na kahoy sa gilid na harang na bakal para sa pedestrian. Sa aking paghakbang tila may nakasunod sa aking kotse kaya ako'y lumingon. Hindi nga ako nagkamali dahil kapansin-pansin ang kotse sa aking kanan na mabagal ang andar, sumasabay sa aking paglakad. Binilisan ko pa ang paghakbang sapagkat hindi ako sigurado kung si Gavin ang sumusunod. Dahil sa pagkakaalam ko hindi pa niya nakukuha ang kanyang kotse. Sumagi sa aking isipan na baka ang taong may-ari ng sasakyan ay may kinalaman sa dati kong gawain. O 'di naman kaya ay ang pinakaiiwasan ko sa lahat ng tao sa mundong ibabaw. Sa aking pagliko papasok ng lansangan na ang daan ay kinatatamnan ng halaman sa gilid, nakasunod parin ang kotse. Pinakawalan pa ng nagmamaneho ang busina ng kotse ng magwala na tila tinatawag ako. Sa aking muling paglingon ay siya ring pag-silip ng may-ari ng sasakyan sa paghinto nito. Kumakaway ang lalake sa akin habang sinasambit nito ang aking pangalan. "Nixon! Saglit lang!" pagtawag ni Kuya Geo. Malapad ang ngiti nito sa labi kaya nakahinga ako ng malalim. "Bakit kuya?" ang tanong ko sa paglapit ko rito. "Akala ko kung sino na ang sumusunod sa akin." "Pasensiya na. Hindi kasi ako sigurado na ikaw iyan. Bago na itsura mo ngayon eh," anito saka isinabit ang siko sa bintana. "Kinailangan kasi na baguhin. May kailangan ka ba sa akin kuya?" tanong ko rito. "Wala naman. Tatanong ko lang sana kung nakita mo si Gavin." Pinagmamasdan nito ang aking mukha. "Hindi pa kasi nagpapakita mula ng umalis sa bahay matapos ng almusal." "Tawagan mo kuya para hindi ka mahirapan sa paghahanap," suhestiyon ko. "'Di nga ako sinasagot. Nagbabasakali lang baka nagkita kayo. Alam ko kasi pagdating sa'yo parang asong ulol iyon," ani Kuya Geo sabay tawa. Sa pagtawa niya'y kumunot ang aking noo habang nakatitig sa kanya. Nawala rin naman ang tawa sa kanyang lalamunan pagkatagal. "Ano Nixon? Nagkita ba kayo?" Pinag-isipan ko kung dapat ko bang sabihin sa kanya. Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita. "Nagkita kami kina Mip kanina bago magtanghali," pagbibigay alam ko kay Kuya Geo. "Pagkatapos noon, 'di na kayo nagkita nitong hapon?" tanong nito sa akin. "Hindi na. Wala namang rason para magkita kami," sabi niya sabay tingin sa malayo para makaiwas sa klase ng tingin ni Kuya Geo na hindi makapaniwala. "Wala nga ba talaga?" ani Kuya Geo sabay taas-taas ng dalawang kilay. Sumimangot ako sa kanya na kanyang ikinatawa. Lalakad na sana ako para siya'y iiwan na lamang ngunit ako'y kanyang pinigilan. "Sandali lang. Samahan mo muna akong bumili ng regalo. 'Di ko kasi alam ang bibilhin." "May pupuntahan pa ako," sabi ko naman. "Parang wala naman. Umiiwas ka lang," panunubok nito. Nagtinginan kaming dalawa mata sa mata, walang nais magpatalo "Pumayag ka na," dagdag nito indikasyon ng pagsuko. Huminga na naman ako ng malalim na hinga. "Sige, pero saglit lang." "Buti naman. Sakay na," magiliw nitong sambit. Umikot ako ng sasakyan para makasakay sa passenger. Pagkabukas-pagkabukas ko sa pinto ay siya ring pagbuhay ni Kuya Geo sa makina ng kotse. Sumakay ako na nakayuko sabay sara sa pinto. Hindi ako nagsalita sa pag-usad ng sasakyan papaalis ng lansangan na iyon. Kahit matutuyuan ako ng laway hindi ko ibinuka ang aking bibig. Sa labas nakapako ang aking mata kaya't hindi ko alam kung pinagmamasdan ako ni Kuya Geo. Ang alam ko lang nais niyang makausap ako ng masinsinan. Sapagkat nagsimula siyang magtanong sa akin ng mga bagay na hindi ko alam kung papaano sasagutin. "I'll ask few things Nixon. Answer me clearly, okay?" panimula nito kaya napalingon ako sa kanya. Seryoso ang kanyang mukha pero naroon parin iyong senyales ng kagalakan sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng mga oras na iyon. Ang tanging nagawa ko lang ay huminga ng malalim sabay sandig ng aking ulo sa upuan. "Sige ba. Basta hindi masyadong mahirap ang tanong mo," nasabi ko naman kahit papaano. "I'm just wandering what did you do para magkaganoon sa'yo ang kapatid ko?" nagbago ng kaunti ang tono ng kanyang pananalita na tila baga sinusubukan niya ako, inaalam ang lahat. O masyado ko lang naisip na ganoon? Kung iisipin ko sa ito'y dahil sa nakakatanda itong kapatid ni Gavin. "Anong ibig mong sabihin?" ang aking tanong sa pagliko niya ng kotse papasok sa lansangan kung saan naroon makikita ang restaurant na ginanapan ng blind date na nasalihan namin ni Gavin. Isang pihit pa'y nalampasan nga namin ang restaurant na kasulukuyang buhay na buhay parin. Kitang-kita ang paggalaw ng mga tao sa loob sa salaming bintana nito. Habang naiisip ko ang gabing iyon, nakakabaliw nga. Hindi rin ako nagtaka kung bakit doon piniling pumunta ni Kuya Geo, iba't iba ang tindahan sa lugar na iyon. "There must be something kung bakit iba ang tingin sa iyo ni Gavin. Iyon ang gusto kong malaman." Tumingin siya sa kaliwa sa paglampas namin sa tindahan ng antique. "Bakit ano bang tingin sa akin ni Gavin, kuya?" sabi ko. Gusto ko ring malaman sa ibang tao kung ano ako para kay Gavin. "Let me see," aniya sa pag-iisip sandali upang may maalala. "Well, how can I describe the way he sees you?" "Kailangan talaga pag-isipan." "Of course. If you only know how he acted when I asked him about you. Simula ng makilala ka niya, malaki ang kanyang pinagbago," pagkuwento nito. Nakikinita ko naman kung anong ibig nitong sabihin. Pero sa kabila nito'y mayroon parin akong pagdadalawang isip patungkol dito. Nagbago nga ba siya dahil sa akin? O dati na siyang ganoon? Hindi niya lang talaga mailabas. "Okay. So, ano nga ako para sa kanya?" "Isa kang druga para sa kanya," aniya sabay hinto sa sasakyan sa harap ng isang tindahan ng puwedeng pagbilhan ng mga pang-regalo. Sa harapan nito'y nakadisplay ang malalaking stuff toy kasama narin ang ilang mga damit na trend. "Ah, hindi na nakapagtataka," sabi ko sabay kibit-balikat. Sa pagbukas ko sa pinto sumilay ang isang ngiti sa aking labi. Hindi ko alam kung napansin iyon ni Kuya Geo. Masaya ako dahil ganoon ako kay Gavin kahit hindi pa ako sigurado sa lahat. Alin nga ba ang dapat kong pakaisipin? Ang nararamdaman niya para sa akin? O ang nararamdaman ko para sa kanya? "Mukhang gusto mo ang narinig mo mula sa akin ah," biro ni Kuya Geo sa paglabas nito sa sasakyan. Tiningnan ko lang siya ng tuwid na walang sinasabi. Ngumiti rin ito para sa akin. Sinara niya ang pinto sa patuloy nitong pagbibiro sa akin. "Nasa anong stage na ba kayo ng kapatid ko?" "Stage saan kuya?" sabi ko sa paglapit ko sa kanyang kinatatayuan. "Para namang 'di mo alam ang ibig kong sabihin." Ginulo nito ang aking buhok kaya marahas kong inalis ang kanyang kamay. Natawa ito sa ginawa ko. "Basta, hinay-hinay lang ha. 'Di ko na gustong makakita ulit ng nasasaktan na tao na malapit sa akin." "Huwag kang mag-alaala. 'Di naman kami aabot sa ganoon. Malapit lang kami isa't isa," sabi ko na lang sa kanya. "Alam mo nakikita ko ang kaibigan ko sa'yo? You're like him when we're still in college. Not sure of how he feels and what he will say." Pinalo nito ako bigla sa likuran na aking ikinaubo. Tumawa pa ito sabay lakad patungo sa tindahan. "Tara na." "Sinong kaibigan?" ang aking pahabol na tanong. May pakiramdam ako na kilala ko ang taong sinasabi nito. Ngunit hindi naman nito sinagot upang mabigyan ng tugon ang aking akala. Pumasok na ito ng tuluyan sa tindahan. Nanatili ako sa labas na nag-iisip na dapat nga ba akong umalis na lang. Kung hindi pa sumilip si Kuya Geo sa pintuan hindi na sana ako tutuloy. "Halika na," pagtawag nito sa akin kasabay ng pagkaway. Huminga ako ng malalim bago ako sumunod sa kanya. Hindi na ako dapat sumama sa kanya. "'Di na dapat ako pumayag," ang nasabi ko na lang sa hangin. Sa pagpasok ko sa tindahan binati ako ng mataas na kisame. Kahit saang dako sa loob ay kinalalagyan ng mga panindang hindi ko kayang bilhin sa maliit ko na kita. Si Kuya Geo ay tumititingin sa mga estante sa gitna ng mga pangdislplay na fegurin. Habang ako'y pinaikot ko ang aking mata sa kabuuan ng tindahan. Lumapit sa kanya ang isang babaeng tindera na halos hindi makatingin ng maayos. Marahil naguwaguwapohan ito kay Kuya Geo lalo pa't maporma ito ng araw na iyon sa suot na polong stripes at puting pantalon na tinernohan ng kulay puting sapatos. Napadako ang mata ko sa estante ng mga cellphone kaya doon ako lumapit. Pinagmasdan ko ang mga nakadisplay habang iniisip kung dapat nga ba akong bumili. Sa ayos ako na ganoon nang lumapit sa akin si Geo. "Gusto mo ba ng isa?" tanong ni Kuya Geo. Tinuro pa nito ang cellphone na pinakamalapad na nakadisplay. "Ito maganda oh." "Kung kaya ng budget," sabi sabay bunot sa aking bulsa ng pera kong natitira. Sa kasamaang palad, isang libo lamang ang aking papel. "Bilhan kita gusto mo?" Ngumiti ito ng malapad sa akin. "Huwag na," sabi ko na lang. Binalik ko sa bulsa ng aking pantalon ang isang libo. "Titingin-tingin ako sa kabila," paalam ko saka ako lumakad. Muli akong lumingon kay Kuya Geo na tinuro ulit ang cellphone para makita ng saleslady na lumapit sa kanya. Kumunot ang aking noo dahil mukhang seryoso nga ito na bibilhin ang cellphone. "Sino bang pagbibigyan mo ng regalo kuya?" ang aking tanong na kaagad nitong ikinalingon. "Lolo ko, birthday niya ngayon," sagot naman nito. Tumango-tango ako saka nagpatuloy sa paghakbang. Tiningnan ko ang bawat estante para makita ang mga tinda na babagay pang-regalo sa matanda. Mayroong mga alak, fishing equipments, kitchen utinsels at marami pang iba na hindi ko alam ang tawag. Wala naman akong nakitang magandang pang-regalo. Dahil bibili man ng mga pang-display sa bahay panigurado marami na sa kanila. Doon ko lang napagtanto tama nga bang doon kami namimili ng pangregalo? Habang abala sa pagtingin sa mga tasa na may mga pinta ng chinese scriptures, sinundan ako ni kuya Geo. Sa paglapit nito sa akin ay iniabot nito ang naka-paper bag na cellphone. "Ano naman iyan?" tanong ko kahit alam ko kung ano ang kanyang dala. "Tanggapin mo na. Bilang pasasalamat ko sa pagsama mo sa akin," anito. "Sigurado ka kuya? 'Di ko talaga tatangihan iyan," sabi ko rito na ikinatawa nito kasabay ng isang tango. Kinuha ko ang paper bag sabay labas sa cellphone na nakakahon parin. "Nakakatuwa ka talaga," anito saka muling ginulo ang aking buhok kaya sinamaan ko nga ito ng tingin. Lalo lang nitong dinagdagan ng lakas ang kanyang pagtawa. Pansin ko nga na natutuwa ito sa akin dahil kanina ko pa napapansin tawa ito ng tawa. "Ano bang gusto mong i-regalo sa lolo mo kuya?" tanong ko habang inilalabas ang cellphone. May libreng sim card kaya hindi na ako namomobrelema. Pinatong ko muna saglit ang paper bag at kahon ng cellphone sa estante para mailagay ko ng maayos ang sim card at ang baterya. "Iyong hindi niya makakalimutan," sagot naman nito habang sinusuri ang patindang alak sa kanyang harapan. Sinuksok ko ang sim card sa lagayan kasunod ng baterya. Isinara ko ng mabilis ang takip sa likod ng cellphone sa sobrang excitement. Binuhay ko ang cellphone saka nanlaki ang mata kasabay ng malapad na ngiti. Nagkacellphone ako ng walang kahirap-hirap. Kinuha ko ang charger at earphone sa kahon saka nilagay sa aking bulsa. Nang tingnan ko si Kuya Geo nakataas ang dalawang kilay nito sa akin. "Kung gusto mo ng hindi niya makakalimutan, wala tayo sa tamang lugar. Doon tayo sa kabila kuya," sabi ko rito saka naunang lumakad. Nang mapadaan sa trash can sa may pintuan doon ko tinapon ang paper bag na may laman ng kahon ng cellphone. Tumuloy ako sa boutique na kasunod lang ng tindahan na nilabasan namin. May parehong kasarian na binibinta ang boutique kaya eksakto ang pagpunta. Diretso-diresto lang ako sa part kung saan naka-display ang mga underwears para sa babae. Naguguluhanng nakasunod ng tingin sa akin si Kuya Geo habang namimili ako ng magandang design at kulay. "Don't tell me ganyan ang ireregalo ko?" Tinuro ni Kuya Geo ang hawak kong itiim na lingerie. "Oo, bakit? Masaya kaya ito. Panigurado hindi niya makakalimutan. Sabi mo gusto mo ng ganoon. Naisip ko na kahit anong ibigay mo sa kanya na iyong pangsosyal wala masyadong impact. Diba nga mayaman naman kayo. At least kapag ito, panigurado magugulat iyon?" "May point ka," pag-sangayon nito sa akin kasabay ng tango. Tahimik lang na nakatingin sa amin ang saleslady sa dulo ng estante. "Tapos pabubuksan mo sa lolo sa harapan ng maraming tao," dagdag ko. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay kaming tumawa nang makuha nito ang ibig kong mangyari. "Sige, mukhang masaya. Pili ka ng magandang design. Hanap lang ako ng magandang isusuot," anito saka tumungo sa kabilang side ng boutique para sa men's wear. Hindi rin nagtagal nakahanap ako ng magandang design. Kulay black na two piece underwear na may laces. Natatawa ako sa utak ko sa mangyayari sa kaarawan ng lolo nina Gavin. Pinuntahan ko si Kuya Geo na may hawak na polong asul saka puting pantalon. "May nakita na ako kuya," pagbibigay alam ko rito. Pagkalapit na pagkalapit ko'y binigay nito sa akin ang hawak na damit. "Isukat mo nga," sabi nito sa akin. Kinuha nito ang hawak kong pares ng underwear saka pinagtutulak ako sa bihisan na nasa gilid lamang. Sinara nito kaagad ang pinto sa harapan ko kaya hindi na ako naka-reklamo. "Ano ito kuya?" tanong ko na nakatitig sa damit. "Isuot mo. Sumama ka sa akin sa birthday party ni lolo." "Ha? Ayoko," pagtanggi ko. "Dali na. Sasama ka lang naman para makilala ka ng pamilya namin." Bigla akong kinabahan sa narinig ko. "Mas lalong hindi ako sasama." Sigaw ko para marinig nito ako sa kabila ng pinto. "Pumayag ka na. Matapos nito, 'di na kita yayain sa iba," anito. "Okay," sabi ko na lamang saka nagpalit ng suot na damit. Habang sinusuot ko ang damit naririnig ko na may kausap si Kuya Geo. Inayos ko muna ang pagkabutones ng polo bago ako lumabas bitbit ang hinubad kong damit. Pagkalabas ko nga'y nakikita kong naka-video call si Kuya Geo sa kung sino ang kausap. Ito'y nakaupo sa sofa bed na naroon. Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Magaling pumili ng maisusuot si Kuya Geo kasi bagay na bagay sa akin ang damit. Ang hindi lang bumagay ay ang suot kong tsinelas. Lumingon ako kay Kuya Geo para sana mag-request ng sapatos, inabala narin ako nito mabuti pang pagsamantalahan narin ang kagalantihan nito. "Look who's here. Akala mo nagbibiro lang ako," sabi ni kuya Geo sabay pinaharap sa akin ang cellphone nito. Tiningnan ko ang mukha ng kausap nito kaya bahagya akong nagulat. Pansin kong nakaupo siya sa mahabang mesa na kinalalagyan ng ilang mga folder. Hawak pa nga niya ang isang ballpen na binagsak niya nang makita ako. Si Gavin ang kausap ni Kuya Geo na kaagad na sumalubong ang kilay. "Anong ginagawa mo diyan?" tanong niya sa akin sa walang buhay na tono ng pananalita. Bago pa ako makasagot ibinalik ni Kuya Geo ang cellphone sa kanyang harapan sabay patay sa tawag. "Ba't kailangan mo pang tawagan, kuya?" tanong ko rito. "Ayaw maniwala na kasama kita," anito sabay tawag ng mahina. Ibinigay nito ang sapatos na nasa kanyang tabi. Isinuot ko na lang rin na nakasimangot. Si Gavin tawag ng tawag sa Kuya Geo niya. Kaya lang si Kuya Geo ay may pagkabaliw din. Pinapatay nito ang tawag ni Gavin. Nakailang tawag din si Gavin bago ko naisuot ng maayos ang sapatos. Tinitingnan ko ang sapatos nang lumapit ang saleslady sa amin. Iyong two piece underwear na pangregalo ay nakabalot sa pink na pabalat na binigay ng saleslady kasabay ng credit card ni Kuya Geo. Tinupi ko na lang ng maayos ang damit kong hinubad. "Let's go, baka nagsisimula na ang birthday party," pagyaya ni Kuya Geo sa akin. Sumunod ako ng lakad sa kanya. May kadiliman na nga sa labas ng makabalik kami sa kanyang sasakyan. Pagkasakay na pagkasakay ay binuhay kaagad nito ang kotse. Nilagay ko sa likuran na upuan ang hinubad kong damit. Dadalhin ko na lang sa aking pag-uwi. Habang nasa biyahe patungo sa kung saang lugar na hindi ko alam, kumukuha ako ng bidyo gamit ang cellphone na binili ni Kuya Geo para sa akin. Akala ko'y malayo pa ang pupuntahan namin ngunit sa isang hotel lang din naman kami pumunta. Sa parking area kami dumaan at hindi mismo sa harapan ng hotel. Sumusunod lang naman ako sa nakangiting si Kuya Geo kasi hindi ko alam ang gagawin ko kasi'y kinakabahan din naman ako. Sumakay kami sa elevator pataas, tumunog ang cellphone ni Kuya Geo nang may magtext sa kanya. Tumabi pa nga ito sa gilid para hindi ko makita ang kanyang kausap sa text. Hindi ko narin ito inintindi baka nga naman may sekreto itong malupit. Tumigil sa ikalimang floor ang elevator. Pagkabukas na pagkabukas ay lumabas narin ako. Hindi ako nakatuloy ng lakad nang biglang may humila sa aking kamay mula sa gilid. Dahil nga sa nakatalikod ako hindi ko kaagad nalaman kung sino. Hinila ako ng taong ito paharap sa kanya hanggang sa bumangga ako sa kanyang dibdib. Napahawak ako sa pader nang pinakatitigan ako ni Gavin na masama ang tingin. May butil ng mga pawis ang kanyang noo dahil sa pagtakbo. Bahagya pa ngang tumataas-baba ang kanyang balikat dahil sa paghabol ng hininga. Nang makita niya ang itsura ko ng malapitan nawala na ang pagkakunot ng kanyang noo. Unti-unting napalitan ng masayang mukha. Hinawakan niya ako sa pisngi kaya sinuntok ko siya sa tagiliran. Napangiwi siya sa ginawa ko kaya kumalas ako sa pagkahawak niya. Ang suot niya'y ganoon parin noong kinausap siya ni Kuya Geo. Polong long sleeve na kulay puti na may kurbata pa. Mukhang nagtratrabaho siya nang tinawagan siya ng kanyang kuya. Pinagpapawisan pa siya kahit may kalamigan sa hotel. "Sumali ka ba sa marathon?" sabi ko. Ewan ko ba't bigla akong naawa sa kanyang itsura sa aming paglalakad. "Hindi. Pero tumakbo ako papunta rito sa fifth floor para maabutan lang kita sa paglabas ng elevator," aniya na ikinatuwa ng kalooban ko. Pinapahid ng likuran ng kanyang kamay ang pawis sa kanyang noo. Huminto ako sa paglalakad sabay hawak sa kanyang balikat. Natigil siya nang may kinapa ako sa kanyang bulsa. Nakapa ko ang kanyang cellphone kaya sa kabila namang bulsa ako kumapa. Medyo may bukol kaya sinuksok ko ang kamay ko para makuha ang panyo na naroon. Mapapansin ang paglunok ng laway ni Gavin kasabay ng pagpigil ng hininga. Tiniklop ko ng maayos ang panyo sabay pahid sa pinagpapawisan niyang mukha. Napapangiti siya ng malapad sa ginagawa ko, nakahinga narin siya ng maayos. Matapos mapunasan ang kanyang pawis sa mukha pati narin sa leeg sinuksok ko sa kanyang bibig ang panyo para maalis ang malapad niyang ngiti. Napalayo ako sa kanyang nang mapagtantong naroon nga pala si Kuya Geo. "Akala ko'y diyan lang kayong dalawa," sabi pa ni Kuya Geo saka na naunang lumakad na natatawa. Nag-echo tuloy ang tawa nito sa pasilyo ng palapag na iyon. Kinuha ni Gavin ang panyo na nakabusal sa kanyang bibig sabay suksok sa bulsa. Susunod narin sana ako kaso muli akong pinigilan ni Gavin sa kamay. Pinagmasdan niya ako ng tuwid sa mata saka mayroong inilabas na sticker na korteng puso mula sa bulsa ng pantalon. Hinalikan niya ang harapng sticker sabay pilas sa likod saka idinikit sa aking dibdib. "Ayan na ang puso ko," sabi pa niya saka idiniin ng maayos ang sticker sa aking suot na polo. Nabatukan ko siya sa kanyang ginawa. "Buang ka ba?" sabi ko sa kanya. "Sumunod na nga tayo." Hinawakan ko ang sticker na ikinagiti niya. Pinalo ko siya sa mukha bago kami lumakad. Sa pasilyo palang ay maririnig na ang ingay mula sa bulwagan kung saan dinadaos ang kaarawan. Kinakabahan ako ng hindi ko mawari pagkapasok na pagkapasok namin ni Gavin. Sa unahan lang namin si Kuya Geo. Ang kalaparan ng bulwagan ay kinalalagyan ng mga bilugang mesa. Sa magkabilang panig nakalagay ang mga pagkain kung may nais na kumuha. Mayroong din namang mga waiter at waitress na papunta't paparito. Sa pinakagitna ng bulwagan kadikit ng pader ay naroon ang mesa na birthday celebrant. Kahit nasa malayo makikitang malakas parin ang lolo ni Gavin. Puting tuxedo ang suot nito na nagblend sa upuan nitong dirty white ang kulay. Malapad ang ngiti nito habang nakikipag-usap sa isa pang matanda na marahil ay kaibigan nito. Inakbayan ako ni Gavin sa balikat nang mapansing hindi ako gumagalaw sa aking kinatatayuan sa pintuan. "Kinakabahan ka ba?" sabi niya nang tingnan niya ako. "Medyo," sabi ko rin naman. "Don't worry. Dito naman ako," sabi niya saka pisil sa aking baba. Pinalo ko siya sa noo bago nagpatuloy kami sa paglalakad na magkatabi. Katulad ng inaasahan puro sosyal ang mga taong naimbitahan sa kaarawan na iyon. Hindi na ako nagtaka dahil kilala naman ang pamilya ni Gavin. Sa paglapit namin ni Gavin sa gitna dumagdag ang pagkabog sa aking dibdib. Kalapit ng kinauupuan ng lolo ni Gaviin ay ang mesa ng kanyang pamilya. Sa tingin ko talaga pamilya niya at hindi ako nagkamali dahil doon lumapit si Kuya Geo. Ang lalakeng naka-formal attire na may masungit na ekspresiyon sa mukha ay ang daddy ni Gavin katabi ang ginang na eleganteng white gown ang suot. Sa kaliwa naman ng daddy ni Gavin ay isa pang babae na halos sumasabay sa ganda ng suot sa ginang. Nakikita kong ate ni Gavin sapagkat kamukha nito ang ginang. Hinawakan ko si Gavin sa likuran ng kanyang suot kaya napatigil siya sa paghakbang. Nilingon ako ni Gavin sabay ngiti ng malapad. "Uuwi na lang ako," sabi ko sa kanya ng mahina para hindi marinig ng mga nakaupo sa kalapit na mesa. "Gusto mo ba? Alis na lang tayo. Wala namang problema sa akin," sabi naman ni Gavin. Kinurot niya ang dalawa kong pisngi na kitang-kita ng kanyang pamilya. Inalis ko ang kanyang kamay sabay suntok ng mahina sa kanyang dibdib. "Pero kaarawan ng lolo mo tapos aalis ka," sabi ko naman sa kanya. "Wala naman sa akin kung kaarawan niya," aniya na ikinasalubong ng kilay ko. Sinuntok ko siya ulit ng mahina sa dibdib. Naisip ko tuloy kung malaki ba talaga problema niya sa kanyang pamilya. Alam ko kasi ang pakiramdam ng nararamdaman niya ngayon. "Lumapit na nga tayo," ang sabi ko sa kanya sabay tulak na siya ring pag-upo ni Kuya Geo sa upuan katabi ng nakakabatang kapatid na babae. Sa paglapit namin ay sumeryoso ang mukha ng daddy ni Gavin na sinasabayn naman niya kaya napapatingin ako sa itsura ng dalawa. Walang halong biro, pagkamukhang-pagkamukha. Sa kakapalan ng kilay. Sa katangusan ng ilong. Sa ayos ng labi. Parehong-pareho. Natawa ako ng kaunti kaya tinakpan ko ang aking bibig ng kuwilyo ng aking suot na polo. Sinamaan ako ng tingin ni Gavin nang mapagtanto niya kung bakit ako natatawa. "Alam ko ang naiisip mo," sabi pa niya sa akin. "Wala naman akong naiisip," sabi ko sa kanya sabay baling ng atensiyon sa pamilya ni Gavin na sa akin nakapako ang mga tingin. Nag-bow ako sa kanila sabay sabi ng, "Magandang gabi po." Tumango naman ang ate ni Gavin pero ang magulang niya seryoso parin ang mga mukha. Naala-ala ko tuloy ang mga magulang ko sa kanilang dalawa. "Who are you?" tanong ng daddy ni Gavin na may kalaliman ang boses. Uminom ito ng alak sa kopita ng hawak. Nag-aantay ang dalawang babaeng kasama nito ng aking isasagot. "Ako po si---." Hindi ko naituloy ang sasabihin sa pagsingit ni Gavin. "Special someone ko," sabi niya saka akbay sa akin. Natigil sa pagkain ang dalawang babae. Nagpunas ng bibig ang ginang habang ang daddy ni Gavin ay uminom pa lalo ng alak. Ito namang ate niya'y napapangiti sa narinig lalo pa ng may idagdag si Gavin. "Is there a problem with that? Puwede naman na kaming umalis." "Did I say there is a problem?" seryosong sabi ng daddy ni Gavin. Napapatingin lang si Kuya Geo na para bagang may inaantay na mangyari. "Don't play with words, dad. You sound like one," ani Gavin kahit pabalang ang pagkasabi niya. Kahit papaano tinawag parin niyang dad ang kanyang tatay. Binatukan ko nga siya na lalong ikinangiti ng dalawang nakakatandang kapatid. "Nagbibiro lang po siya. Pasensiya na po," paghingi ko ng paumanhin sa kanyang magulang. Sabay baling kay Gavin ng atensiyon. "Kausapin mo kaya ng maayos ang daddy mo," bulong ko sa kanya. "He started it," aniya na rinig ng kanyang magulang. Napakamot ng marahas ako ng aking ulo. "Anong nagtulak sa'yo at pumunta ka sa kaarawan ng lolo mo for the very first time, Gavin," sabi ng mommy ni Gavin matapos nitong hawakan ulit ang nabitiwang kutsara. Tiningnan ko si Gavin kung anong isasagot niya. "You don't need to know," aniya kaya inipit ko ang kanyang paa. Tumingin siya sa akin. "Ano?" ang mahinang niya sabi na tinitiis ang sakit sa paa. Mabuti na lang nagsalita si Kuya Geo kaya natabunan ang hiya kong nararamdaman. Ako ang nahihiya para sa ugali nitong si Gavin. "Actually, it's because of him," sabi ni Kuya Geo na nakatingin sa akin sabay baling sa magulang. "Ginawa ko siyang pain para pumunta rito si Gavin. Request ni lolo kahit isang beses lang pumunta siya rito. Kaya mom, and dad wala munang away ha? Matuwa na lang tayo kasi it's very rare na pumunta sa kaarawan ng nino man sa ating pamilya ang kapatid ko." Wala naring sinabi ang magulang ni Gavin matapos nang sinabi ni Kuya Geo. Napabuntong hininga na lang ang mga ito bilang pag-sangayon sa sinabi ng kanilang anak. Naunawaan ko kung bakit pinipilit akong sumama ni Kuya Geo na sumama. Tiningnan ko si Gavin na nakatingin rin sa akin. Hinila niya ako patungo sa bakanteng kasunod na mesa at doon kami naupo. "Ganoon mo ba talaga kausapin magulang mo?" tanong ko sa kanya pagkalapat ng aking puwetan sa upuan na hinila niya para sa akin kaya tiningnan ko siya ng masama. Tinulak niya ako sa balikat sa aking pagtayo upang ako'y muling mapaupo. "Oo, masasanay ka rin," sabi niya pa na para bagang walang mali sa paraan ng kanyang pakikipag-usap sa magualng. Naupo siya sa katabing upuan. Pinagmasdan niya ako sa mukha sabay ayos sa kuwilyo ng suot na tumabingi. Sa ginawa niya'y tila tumigil na naman ang oras. Kaya bago pa mahuli ang lahat inalis ko na ang kamay niya. "Hindi ka ba napapagod sa ganoon?" pag-usisa ko sa relasyon niya sa kanyang magulang. Umayos siya ng upo sabay niluwagan ang kurbata sa suot na polo. "Dati, minsan. Pero sa ngayon hindi na," sabi niya naman. "Bakit hindi na?" tanong ko kaya napatingin siya sa mukha ko. Pinakatitigan na niya ako sa mata. "Dumating ka kasi sa buhay ko. Wala na akong ibang dapat i-please kundi ikaw lang," aniya sabay ngiti ng malapad. Tumalon ang puso ko sa narinig. Tinulak ko siya sa mukha na ikinatawa niya ng bahagya. Wala narin siyang sumunod na sinabi saka tinaas ang kamay para magtawag ng waiter. "Anong gusto mong inumin at kainin?" tanong niya sa akin sa pagbaba ng kanyang kamay. Lumapit sa amin ang isang waiter na nakapansin sa pagtawag. "Kahit ano lang," sabi ko na nakatingin kay Kuya Geo. Tumayo na kasi ito bitbit ang regalo na napili namin para sa lolo nila. Ngumiti pa nga ito ng malapad sa akin saka lumakad papalapit sa matandang nag-aantay sa gitna. "Gusto mong kumain ng hotdog?" ang biglang tanong ni Gavin sa aking gilid. "Ha? Hotdog?" sabi ko kasi nakapagtataka. Sosyal ang hotel tapos magserve ng hotdog lang. "Mayroon ba iyon dito?" "Mayroon. Nasa tabi mo. Pagmamay-ari ng lalakeng kausap mo," sabi niya. Bumalik sa ala-ala ko ang gabing pumunta kami sa rest house nina Mip. Inipit ko ang kanyang leeg sa tinupi kong kamay habang siya'y tumatawa. Tumigil lang ako ng tuluyang makalapit ang waiter sa aming dalawa. "Ano pong sa inyo, sir?" tanong ng waiter. "Sa inumin ay kahit juice drink na lang. Sa pagkain naman, dalhan mo na lang kami ng kahit ano. Iyong wala ng sasarap pa sa katabi ko," sabi ni Gavin kaya nasiko ko siya braso. Wala namang naging reaksiyon ang waiter sa narinig. Basta na lang itong tumango at umalis para dalhin ang sinabi ni Gavin. Masuwerte talaga 'di naririnig ng pamilya niya ang lumabas sa kanyang bibig. Napako ang aking paningin sa lolo ni Gavin sa pagbukas nito sa regalo. Umalis na ang kausap nitong matanda. Nakatayo lang sa tabi nito si Kuya Geo. Pinunit nito ang pabalat sabay itinaas pa nito ang two piece underwear para matingnan ng maayos. Mayroong sinabi si Kuya Geo sa matanda kaya nagtawanan sila pareho na tumagal din ng isang minuto. Pinagtitinginan tuloy sila ng lahat ng taong kalapit nila sa lakas ng tawa. Napalingon si Kuya Geo sa amin at kumaway ito para kami'y lumapit na dalawa ni Gavin. "Hoy, Gavin, pinapalapit tayo ni kuya sa lolo mo," sabi ko kay Gavin. Tumayo narin ako. "Bakit daw?" tanong niya sa kanyang pag-alis sa upuan. "Ewan ko. Lapit na tayo para mabati ng happy birthday lolo mo," sabi ko at sabay kaming lumakad patungo sa kanyang lolo. Mabuti na lang hindi na namin kailangang dumaan sa table ng kanyang magulang. Sa aming paglapit sa lolo ni Gavin ay nakatingin ito sa amin. Pagkalapit na pagkalapit namin ni Gavin nagmano siya sa kanyang sa lolo sabay bati dito. "Happy Birthday, lolo. Ang lakas mo pa," ito ang sinabi ni Gavin kaya nabatukan siya ng kanyang lolo. "Bata ka. Kung hindi pa ako nag-60 'di ka pupunta sa kaarawan ko," anito kay Gavin na ikinakamot ng ulo ng apo. Binaling nito sumunod ang atensiyon sa akin. "Happy birthday po," sabi ko na lang. "Nagustuhan niyo po ba ang regalo na napili namin ni Kuya Geo sa inyo?" Ngumiti na lang ng malapad ang matanda. "I did, but I will not used it. Wala narin ang asawa ko. Nauna na sa akin. She loved this kind of design. I-display ko na lang ito na naka-frame, ano?" "Magandang idea, po," sabi ko na lang na ikinatawa nito, napatawa narin ako pati si Kuya Geo na nakatingin lang sa aming pag-uusap. Maliban kay Gavin na nakasimangot. "Mas close pa kayo ng lolo ko ngayon ah kaysa sa akin," reklamo ni Gavin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi naman," sabi ko na lang. "Ewan ko muna kayo ha. Gavin samahan niyo muna si lolo para may makausap siya," ani Kuya Geo bago ito umalis. Tumango naman si Gavin at himalang hindi nagreklamo. Naupo kami ni Gavin sa mahabang upuan katabi ng kanyang lolo. Ako ang mas malapit sa matanda kasi ba naman pinagtulakan ako ni Gavin. "What's your name, apo?" tanong ng matanda. "Ako po?" ang tanong ko naman na nakaturo ang daliri sarili. Tumango ang matanda kaya sumagot na ako. " Nixon po." "Good name. Thank you for bringing Gavin in my birthday ha? It really made me happy," sabi ng matanda na parang kaunting tulak na lang magiging emosyonal na. "Wala po iyon 'lo. Saka hindi naman po ako ang dahilan kaya pumunta siya rito," sabi ko sa matanda. Inilagay ni Gavin ang kanyang kamay padipa sa sandigan sabay di-kuwatro ng paa. "But you had part on it. I'm still thankful," ani ng matanda. Nakikinig lang naman itong si Gavin habang pinaglalaruan ang buhok sa likuran ng aking ulo. Nilingon ko siya sabay tulak sa kanyang mukha. "Wala pong problema, lo," ani ko pagbalik ng tingin sa matanda. "Lo, kung thankful ka talaga bigyan mo siya ng kotse, lupa at bahay," sabi pa ni Gavin na ikinatawa ng kanyang lolo. Sinamaan ko siya ng tingin sabay siko sa kanyang tagiliran. "Huwag kang mag-alala marami pera iyan," dagdag niya. Huminto lang sa pagtawa ang matanda nang matigil sa pagsasalita si Gavin. Sumunod ay mayroon itong sinabi kaya ang atensiyon ni Gavin ay rito ulit. "Ano ka ba Nixon ng aking apo?" sabi ng matanda. Hindi ko alam kung paano sasagutin. Natagalan pa nga ako sa pag-iisip kaya ang nagsalita ay si Gavin. Nainip siguro sa aking sasabihin. "He's my future, lo," sabi niya sa matanda. "What future? You mean?" ani ng matanda na naguguluhan din naman. "Future boyfriend. Future asawa. Future katuwang sa buhay," ang proud na sabi ni Gavin. Nilingon ko si Gavin sabay sakal sa kanya na ikinatawa ulit ng matanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD