Kabanata 16

4613 Words

Pagkagaling sa kasiyahan ay tumuloy ako sa isang inuman. Hinawi ko ang kurtinang plastic na nagsisilbing harang sa pintuan. Mangilan-ngilan lamang ang mga taong nag-iinom ng gabing iyon. Pinili ko ang bilugang mesa nasa pinakadulo ng inuman malayo sa okupadong mga mesa. Itinaas ko ang aking kamay upang tawagin ang pansin ng matandang babaeng nagbabantay sa inuman. "Isang beer nga ho at saka sisig," ang sabi ko sa ginang. Kaagad naman nitong inihanda ang aking inorder. Habang ang kanyang asawa'y abala sa pagluluto ng ihaw-ihaw sa tabi ng counter. Ibinaba ko ang aking kamay sabay pangalumbaba sa mesa. Ginulo ko ang aking buhok sa pagpasok ni Gavin sa aking isipan. Ilang sandali pa'y dumating narin ang inoder ko bitbit ng ginang. "Ngayon ka na lang ulit napunta rito ah," ang sabi pa sa aki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD