Pumasok ako ng unibersidad na sumasakit ang ulo. Kahit na pumipitik ang kirot sa aking bungo, pinilit ko pa ring makapunta. Mahirap na kapag hindi ko mabalitaan ang mga pagbabagong disesyon sa pagtatapos ng semester kung mayroon man. Mabuti na lang hindi ako ginulo ng nakakatanda kung kapatid na magandang nangyari nang araw na iyon. At sana naman huwag itong pumunta sa unibersidad kahit sa mga sumunod na araw. Alam ko na magkikita kami ni Gavin, at alam kung makakaramdam ako ng pamimilipit ng aking puso, sinasabayan ng ilang piraso ng tinarak na punyal. Nangyari nga iyon kaagad at hindi man lang ako nakapaghanda. Humimpil ang isang kotse sa tabi ng daanan habang ako'y naglalagay ng kadenang may lock sa aking biseklitang ginamit. Mula sa kotse na ito'y bumaba si Gavin. Pagkalabas ng kany