Kabanata 3

6283 Words
Pinilit ni Mip na sa kanya ako'y sumama umang mag-attend ng kaarawan. Hindi ko nais pumunta kasi baka naroon din si Gavin. Ngunit nang sinabi nito na iba ang pupuntahan naming birthday party sumama na lang ako. Paminsan-minsan kailangan ko rin daw lumabas sa lungga ko at makipag-socialize. Sa tagal niyang magbihis at kasama na ang naligaw na pagkakataon nalate kaming narating ang pinag-dausan ng birthday party. Sa unang tingin ko sa mga sumasayaw sa mga taong nasa bakuran ng bahay ay gusto ko ng umuwi. Hindi maganda ang pakiramdam ko kapag ganoong maraming tao. Hinimpil ni Mip ang kotse nito sa pinakagilid kalapit ng isang puno. Nauna na siyang bumaba at ako naman nanatiling nakaupo't pinagmamasdan sa bintana ang mga sumasayaw. Binuksan ni Mip ang pinto sa kinauupuan ko't sinilip ako. "Halika ka na. Timang ka talaga. Anong problema kasama naman ako," ang sabi nito sa akin. Ako'y bumuntong hininga sabay baba ng sasakyan. "May pagkain ba diyan?" ang aking tanong sa pagsara ko sa pinto. Kahit iyong pagkain na lang ang kasama ko kasi gutom na ako. Hindi pa ako nakakain mula ng galing sa lugar na pinuntahan namin. "Meron siyempre. Birthday party kaya ito," ang natatawang sabi ni Mip. Alam niya kasing matakaw ako. Ang hindi niya alam gutom na gutom na ako. Kami'y lumakad na papalapit sa mga nagkakasiyahan. Sa upbeat na tugtog mistulang mga isdang lumalangoy ang mga tao. Nang kami'y naglalakad sa tabi ng mga sumasayaw, mayroong tumawag sa pansin ni Mip. Isang babae na kung makakaway halos baliin nito ang sariling buto. Tiningnan ako ni Mip sabay senyas na lalapitan nito ang babae. Tumango ako upang payagan ito. Hindi naman puwedeng sa tabi ko ito habang nasa party kami. Panigurado hindi siya mag-eenjoy. Pagkalapit ni Mip sa babae'y nag-usap ang mga ito hanggang sa nilamon na sila pareho ng mga tao. Mayroon kasing mga taong nagsasayaw paikot na animoy mahabang uod. Dumiretso na lamang ako ng lakad upang maghanap ng pagkain sa pagkulo ng aking tiyan. May mangilan-ngilan ako nakasalubong na lango na. Napadaan ako sa gilid ng pool na napapaikutan ang kalahati ng kahoy na bakod. Dito ay may ibang naglalampungan habang ang mga paa'y nasa tubig. Hindi ko talaga gusto ang ganoong kasiyahan. Naiingayan ako sa malakas na tugtog at sumasakit ang ulo sa dami ng tao. Nakasalubong ko ang isang lalake na mukhang lango rin. Tanging short lang na asul ang suot nito. Tangan niya sa kanyang mga kamay ang bote ng alak. Sumusuray-suray ito sa paglalakad bago nahulog sa tubig. Muntikan pa akong mahagip mabuti ako'y napaatras. Tutulungan ko sana itong maiahon ngunit nang makitang mababaw lang ang pool, pinabayaan ko na lamang ito. Pero pansin kong sa akin ito nakatingin, kasi naman hindi akma ang suot ko sa kasiyahan. Balot na kasi ako ng sweater na abuhin ang kulay at pajama na polka dots. Ganito ang suot ko kapag gabi. Nagliwanag ang mata ko nang makakita ng pagkain sa gilid ng malaking bahay. Isang mahabang mesa ang kinalalagyan ng mga pagkain. Lumapit ako kaagad at hindi ko na pinansin ang lalakeng sa tubig ay nakipagkaibigan. Kumuha ako ng malapad na plato at nilagyan ng mga pagkain na puwede kong makain. Sa dulo ng mesa ay inumin na pamatid uhaw. Nilagyan ko ang basong disposable at saglit na inamoy ang laman baka may halong alak, mabaliw pa ako. Nang masiguradong wala naman, pinuno ko na ang baso at naghanap ng puwestong mapagkakainan. Inikot ko na ang labas paikot ng bahay, ngunit wala parin akong mahanap na puwedeng maupuan. Kung hindi madilim mayroon namang naglalaro ng apoy. Anong nangyayari sa mundo? Puro na lang tusok-bunot ang alam ng mga nakikita ko. Napagdisesyunan kong sa loob na lang ng bahay kumain. Para makatakas narin ang aking taenga sa sobrang lakas ng tugtogan. Sa kusina ako pumasok upang doon sana kumain kaso ang tugtog talaga'y nakakabingi. Sa mesa sa kusina'y naka-display ang puwedeng laklakin na inumin. Puwedeng kumuha ang sino man hanggat kaya mo. Umakyat na lamang ako sa ikalawang palapag mula sa hagdan pagkalabas ng kusina. Kung makapaglakad ako'y parang sa akin ang bahay. Pinatong ko ang inumin sa pinggan na dala pagkarating sa taas at binuksan ko ang mga pinto ng ilang kuwartong naroon pero nakasara. Isa na lang ang hindi ko nabuksan at iyon ang kuwartong nasa dulo. Pinihit ko ang doorknob na ikinatuwa ko dahil bukas ang kuwarto. Binuksan ko ang ilaw bago ako tuluyang pumasok. Ang kama sa gitna'y napakalapad. Sa sobrang linis ng kuwarto sa banyo ako kumain. Kung malinis ang kuwarto ang bathtub naman ay kumikinang. Sa banyo na ito'y hindi ko gaanong naririnig ang tugtog. Inakyat ko ang bathtub at doon ko nilamon ang dalang pagkain. Ang kaso naubos ko ang kinuha kong pagkain at sumikhab pa ako sa sobrang busog pero nababagot parin ako. Kung sanang naroon si Gavin baka sakaling hindi ako mabored. Napagisipan kong mahiga sa bathtub, pero bago iyon pinatay ko ang ilaw sa banyo at nahiga. Eksakto sa haba ko ang bathtub kaya komportable akong nakahiga. Nakatitig lang ako sa madilim na kisame, nag-iisip ako kung gusto ko nga ba si Gavin kahit imposible naman iyon. Malamang binibiro lang ako nina Mip. Habang ako'y nag-iisip ng aking gagawin narinig ko ang pagbukas sara ng kuwarto na kasunod ay paghagikhikan. "Sandali lang, kailangan ko lang magbawas." Nanginig ang kamay ko nang marinig ang boses ni Gavin. Hindi ko alam kung gagalaw ako o tatayo sa bathtub para umalis na lang. Sa huli nanatili lang ako sa bathtub na nakakubli. "Bilisan mo. Nag-iinit na ako," ang sabi ng babaeng kasama niya. Ilang saglit pa'y bumukas ang pinto ng banyo kasabay ng pagpuno ng ilaw sa loob. Bahagya akong nasilaw kaya pinikit ko ang aking mata sa likuran ng suot kong salamin. Narinig ko ang pag-baba ng zipper ni Gavin at ang kanyang pag-ungol sa paglabas ng mainit na likido. Sa bandang uluhan ko siya nakapuwesto kaya dinig na dinig ko talaga. Hindi man lang niya ako napansin kahit sa paglabas niya ng banyo at sa muling pagpatay ng ilaw. Doon ko napagtanto na naisahan ako ng kaibigan kong si Mip. Pareho lang pala ang birthday party na pinuntahan namin ni Gavin. Ano bang inaalala ko? Wala namang kung ano sa aming dalawa? Tama nga naman kaya bumangon na ako't umalis ng bathtub. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng banyo kaya't nasaksihan ko ang karumaldumal na pangyayari sa itaas ng kama. Ewan ko ba't tinusok ng punyal ang aking puso ng makailang ulit. Hindi man lang inabala ng dalawa na patayin ang ilaw sa kuwarto kaya kita ko talaga. Hubot hubad na ang babae habang nakapatong sa kanya si Gavin. Sinasamba ni Gavin ang dalawang lobo habang ang isang kamay ay abala sa pagmasa sa isa. Wala na siyang pang-itaas na damit at pantalon na lang ang suot. Ang babae ang nagtanggal ng kanyang sinturon. Ikinalunok ko ng laway nang sumilip ang ulo ng kaangkinan ni Gavin sa suot niyang brief. Sa laki nito'y tumatakas sa telang nakaharang. Binaba ng babae ang kanyang pantalon kasama na ang suot niyang brief. Ang babae pa ang nagpabuhay sa malahigante niyang kaangkinan. Umiinit ang ulo ko sa nakikita ko. Saglit na tumigil si Gavin sa pagmasa sa dalawang lobo at tuluyang hinubad ang naiiwang saplot sa kanyang matikas na katawan. Itong babae'y sinakmal nito ang kaangkinan ni Gavin at tinutok sa kuwebang dumidilim ang pasukan. Nakangisi pa silang pareho sa isa't isa. Sa puntong magtatagpo na ang talim sa kapatagan, lumabas na akong ng banyo ng tuluyan. Kapwa natigil ang dalawa sabay pang napatingin sa akin. "Ituloy niyo lang iyan. Pasensiya naka-istorbo," ang sabi ko pa upang maikubli ang pagkirot ng aking kalamnan. Hindi ko dapat maramdaman ang ganoon ngunit bakit pinipilit ang aking dibib. Ang kasagutan sa naramdaman ay hindi ko malaman. Maliban pa dito'y hindi ko matingnan ng mata sa mata si Gavin kaya ako'y lumabas ng kuwarto sabay sara sa pintuan. Tumakbo ako sa pasilyo kahit wala naman akong dapat takasan. Pagkababa ko sa hagdanan nakasalubong ko ang lalakeng kanina'y sa pool lumangoy. "Anong ginawa mo sa taas?' ang tanong nito na mukha nahimasmasan. "Wala," ang aking sagot naman sa kanya at hindi na ito kinausap pa ng mahaba. Naghanap ako ng maiinom kasi ako'y nauuhaw. Nang maalalang nasa kusina ang mga inumin doon ako pumunta. Pinangtabon ko ang hood ng suot na sweater sa aking mukha upang ako'y hindi mahalata. Nakailang lagok ako sa hawak kong alak na masyadong matapang. Hindi ako gumamit ng baso. Kung bakit ako lumalaklak ay hindi ko alam. Lumingon ako sa aking likuran nang makaramdam ng kamay na sa aking balikat ay pumatong. Sumalubong sa akin ang mukha ni Gavin na nagtatanong. Tanging pantalon pa lang niya ang naisusuot kaya nakalantad parin ang matigas niyang dibdib. "Pupunta ka rin pala rito, bakit 'di ka na lang sumabay sa amin kanina?" ang sabi niya habang sinusuot ang pulang tshirt. Umaakto siyang wala akong nasaksihan. Lumayo ako sa kanya ng kaunti sapagkat masyado siyang malapit. Naamoy ko pa nga ang ibang pabangong sa kanya'y nakakapit. "Napilit nga lang ako ni Mip. Saka 'di ko rin alam na rito ang punta niyo," pagkuwento ko. Sumandig ako sa lababo habang umiinom. Kumuha siya ng beer saka uminom din siya. "Ganoon ba. Sa nakita mo," pagsisimula niya upang magpaliwanag. Itinaas ko ang kamay ko para siya'y pigilan. Hindi naman niya kailangang magpaliwanag sa akin. "Bakit ka nga ba bumaba? Pasensiya na mukhang hindi niyo naituloy. Sa kasarapan na kayo tapos lumabas pa ako. Dapat hindi na lang ako nagpakita." Bigla niyang binagsak ang bote ng beer sa mesa. Mabuti na lang hindi ako magugulatin. "Wala ka bang ibang sasabihin tungkol doon?" ang mariin niyang saad. Sa tono ng pananalita niya nagsisimula na naman siyang mainis. "Ah, kung anong tingin ko?" Ginalaw-galaw ko ang labi ko bago magsalita ulit. "Hindi ba masarap ang ganoon. Kaya niyo ginagawa diba." Isang malaking kasinungalingan ang lumabas sa aking bibig. "'Di yan ang gusto kong marinig," aniya sabay lapit sa akin. Inilagay niya ang mga kamay sa kanto ng lababo kaya ako'y kanyang naharangan para makaalis. "Hindi ka na dapat pumunta ditto," sabi pa niya. Naamoy ko ang kanyang hininga na nahaluan ng alak. Pinakatitigan niya ko sa mata. "Bakit naman hindi?" "I just don't want." Mahahalata ang galit sa kanyang boses. Sa pagkasabi niya ng ganito para bang pag-aari niya ang bahay, pati ako. Tumaas ang aking kilay sa kanyang sinabi kaya siya'y aking tinulak ng malakas. Umalis ako ng kusina bitbit ang alak. Pagkalingon ko'y lumapit sa kanya ang babaeng inaayos ang suot na bra. Kumapit pa ito sa braso ni Gavin na parang tuko. Ang mga mata nito'y mapanuring nakatitig sa akin. Uminit lang ang ulo ko kaya tuluyang akong humakbang paalis. Hinanap ng mga mata ko si Mip sa mga tao ngunit hindi ko siya makita. Naupo na lang ako sa upuan sa tabi ng pool. Tumitig sa tubig habang laman ng isip ang aking nasaksihan. At kung bakit nagalit si Gavin. Sumasakit lang ang ulo ko kaya tumigil na lang ako sa pag-iisp. Pinagpatuloy ko ang pag-inom hanggang sa maubos ko ito. Sinilip ko pa ang loob ng bote kung may laman pa nga o wala. Ngunit wala na talaga kaya tinapon ko na lang sa gilid ang bote. Pinakrus ko ang aking paa't pinagmamasdan ang mga taong nagkakasiyahan sa kabilang ibayo ng pool. Hinila ko ang hood hanggang sa matakpan ang aking mata. Kung sanang katulad ako ng mga taong nagkakasiyahan, posibleng makakahanap ako ng magpapasaya sa akin kahit panandalian. "Here," ang naring kong sabi ng isang lalake. Sa akin ay binibigay nito ang isang bote ng beer. Ito ang lalakeng nahulog sa pool. Nakapag-bihis na ito ng shirt na itim na pinatungan ng jacket na asul at pantalon. "Salamat na lang," pagtanggi ko sa kanyang alok. Naupo ito sa katabi kong upuan at inilagay ang bote ng beer sa aking naka-krus na paa. Hinawakan ko na bago pa mahulog sa lupa. "Kunin mo na. Bawal tumanggi sa nagpaparty," sabi nito na ikinatingin ko sa kanyang mukha. Singikitin ng bahagya ang mga mata nito. Matangos ang ilong at namumula ang labi. Ang higit na kapuna-puna sa kanya'y ang dalawang biloy na lumabas sa kanyang pagngiti. "Ibig sabihin, bahay niyo ito at ikaw ang may birthday?" tanong ko naman. Hawak ko parin ang bote ng beer na binigay nito. "Oo, kaya dapat batiin mo ako," aniya sabay tungga sa hawak na beer. Umiinom na naman kahit kanina'y sumuray-suray. "Eh 'di happy birthday, sayo brad!" Tinapik-tapik ko siya sa kanyang balikat. Bago ko ininom ang hawak na beer. "Salamat. Sa susunod punta ka ulit rito. Sino kasama mo pumunta rito? Ngayon lang kita nakita," anito. Maging ito'y sa tubig narin nakatingin. "Kaibigan kong si Mip." Napatingin ako sa kabilang ibayo ng pool nang makita ang paglabas ni Gavin mula sa loob ng bahay. Siya'y mayroong hinahanap at iyon pala'y ako kasi ng makita akong nakaupo tumigil siya sa paglingon. Itinaas niya ang kamay sabay senyas sa akin na lumapit. Hindi ko siya sinunod at nanatiling nakaupo. Ang mukha niya'y lalong sumama. Inulit niya ulit ang pagsenyas sa akin na lumapit. Sa tubig na lang ako muling tumitig. "Ikaw ba ang tinatawag ni Gavin?" sabi ng lalake sa aking tabi. Hindi na ako nagtaka kung magkakilala sila. "Bayaan mo siya," ang sabi ko't inubos ng inom ang beer. Nang tingnan kong muli si Gavin naglalakad na siya paikot ng pool papalapit sa aking kinauupuan. Ang mga titig niya'y pamatay at ano man oras puwede siyang mangbigwas. Hindi ako natatakot sa galit niya kahit magwala pa siya. Tumigil siya ng may ilang hakbang sa pagitan naming dalawa. "Nixon, lumapit ka rito," ang pagtawag niya sa akin. Kung ano ang kanyang problema ng gabing iyon ay hindi ko alam. Marami akong 'di alam sa pinapakita niya. Mababaliw lang ako kung iisipin ko pa. "Bakit na naman?" ang sabi ko sa kanya pabalik. Tumuwid ako ng pag-upo sa pagngalay ng aking tuhod. Pinagmamasdan lang kami ng lalake na tila baga nag-aantay ng mga mangyayari. "Sumunod ka na lang!" sigaw niya. Uminit din ang ulo ko sa pag-uugali niya, lalo pa't nasalinan ng alak ang aking isipan. "Ayaw ko," ang mariing kong saad. Tarantado ang baliw na ito kung makapag-utos sa akin. Palipat-lipat ng tingin sa amin ang lalake. "Kung hindi ka lalapit. Hindi ko itutuloy ang pagsali sa project!" pagbabanta niya sa akin. Tumayo ako't tinitigan siya ng masama. "Gawin mo kung gusto mo! Akala mo naman natatakot ako ha?" ang sigaw ko sa kanya. Napapabuntong hininga na lang itong lalakeng nakaupo. Sa galit ni Gavin sa akin, lumapit siya't hinawakan ang aking braso. Inalis niya ang hawak kong bote ng beer saka niya tinapon sa gilid. Basag ang bote kung kaya't natapon ang laman. Doon na tumayo ang lalakeng kanina pa nanunuod. "Masyado talagang mainitin ang ulo mo Gavin. Relax lang. Kung ano man iyang pinagaawayan niyo. Mapag-uusapan iyan, ng mahinahon" sabi pa ng lalake. Hindi ko nga alam kung anong pinagaawayan naming dalawa ni Gavin. "Tumahimik ka Tristan. Hindi ikaw ang kausap ko!" bulyaw ni Gavin kay Tristan. Kulang nalang suntukin niya ang lalake sa sobrang galit. Inalis ko ang kamay ko sa paghawak ni Gavin bago pa may mangyaring hindi maganda. "Huwag mo akong lalapitan Gavin!" ang sabi ko sa kanya sabay layas. Pinabayaan ko ang dalawang nakatayo. Lumapit ako sa mga nagsasayawan hanggang sa gitna upang hindi ko na makita ang dalawa. Doon lang ako sa gitna. Pinapanalanging mawala ang nagpapagulo sa aking isipan. Nakatayo lang ako't hindi sumasayaw habang ang mga nakapaikot sa akin ay nababangga pa ako sa kanilang paggalaw. Tumingala ako sa langit kung saan hindi nakikita ang mga tala. Nang walang anu-ano'y may namuong kaguluhan. Nagsi-alisan ang mga nagsasayaw upang makisaksi. Habang ako'y naiwang nakatayo na nagtataka sa mga nangyayari. Ang tugtugan pa'y natigil kaya maririnig ang pag-udyok ng mga tao sa gusto nilang manalo. "Hindi ka dapat pumunta rito! Hindi ka naman invited!" ang sigaw ng malakas ni Tristan. "Kahit anong birday party puwede kong puntahan tandaan mo iyan!" Nang marinig ang sigaw na iyon ni Gavin lumapit na ako sa nagkukumpulan. Pinaikutan na ng mga tao ang dalawang nagsusuntukan. Hindi ko pa makita kung sino ang nanalo at hindi sa away na iyon. Ang tanong anong pinag-awayan nilang dalawa? Sa bawat pagtama ng suntok ay kasabay na pagsigaw ng mga tao na naririnig ko lang. Nagsumiksik ako sa mga tao para makita ang dalawa. Pagkalapit ko'y nakadagan si Gavin kay Tristan at pinagsusuntok ito sa mukha. Walang gustong tumulong at awatin ang dalawa. Lalapit na sana ako kaso naharangan na naman ako ng dalawang lalakeng ang mga katawan ay parang pader sa sobrang laki ng mga muscle na parang mga bato na. Hindi ako makadaan. Ipinagpasalamat ko nang niluwa ng dagat ng mga tao ang dalawang kaibigan ni Gavin na sina Li Ming at Xiao. Nilapitan nila si Gavin sabay pigil sa dalawang kamay nito. "Tigilan mo na nga iyan!" pigil ni Li Ming habang hila nito sa kamay si Gavin. "Dapat hindi ka na lang talaga pumunta rito," ang sabi pa ni Xiao. "Huwag niyo akong pipigilan!" sigaw ni Gavin. Sa lakas niya'y natumba ang dalawa niyang kaibigan sa sa paghila niya sa kanyang kamay. Tumayo ulit ang dalawa upang pigilan si Gavin sa muli niyang pagsuntok sa kawawang si Tristan. Putok na ang kilay nito at ang labi ay nabiyak. Samatalang si Gavin ay isang galos lang sa mukha. Ngunit ganoon parin ang nangyari tumalsik parin ang dalawa nang ipagtutulak sila ni Gavin. "Bayaan niyo na!" ang sigaw ng lalake na nakaharang sa akin. "Tingnan natin kung sinong matibay!" udyok ng kasama nito. Itong mga gagong ito. Makakapatay na nga si Gavin nakuha pa nilang manuod na parang palabas lang sa sinehan. Pinagsusuntok ulit ni Gavin ang walang kalaban-laban na si Tristan. Sa laki ba naman ni Gavin wala talagang panama si Tristan. Hindi na ako nakatiis na basta na lang panuorin siya. Ang dalawang kaibigan niya pinabayaan na lang siyang mangbugbog kasi tingin ko'y kahit pigilan nila hindi titigil si Gavin. Iyon ang unang beses na nakita ko si Gavin na parang naging demonyo talaga. Kahit pumuputok na ang mukha ni Tristan sige parin siya. Sinipa ko ang tuhod ng lalake nasa harapan ko na ikinaluhod nito bago ako dumaan. Tinapakan ko pa ang kamay nito na nasa damuhan. Sa puntong susuntukin ulit ni Gavin ang mukha ni Tristan. Ikinumyos ko ang kamay ko sabay suntok ng malakas sa kanyang mukha. Nagsigawan pa ang lahat lalo na ang babae sapagkat hindi nila inasahan na susuntukin ko si Gavin. Sa lakas ng pagsuntok ko nawala siya sa balanse't napayuko sa damuhan. Galit siyang tumingin sa akin ngunit nang malaman niyang ako ang sumuntok nawala ang galit sa kanyang mukha at napalitan ng ekspresiyon ng pagdadalawang isip. Hindi ako nagsalita. Maging siya'y wala ring lumabas sa kanyang bibig. Umuusok ang ilong ko sa inis. Umalis siya sa pagkadagan kay Tristan na tinulungan ni Li Ming at Xiao na maitayo. Naupo siya sa damuhan sabay pahid sa pumutok na labi. Magsasalita na sana siya ngunit hindi ko na inantay pa't umalis na. Binigyan pa ako ng mga tao ng daan kaya nakaalis ako sa lugar na iyon. Sa hindi kalayuan ay naririnig ko pa ang ingay ng mobil. Marahil may tumawag ng pulis. Hindi ko na nakita ang kaibigan ko kaya umuwi na lang akong mag-isa kahit maglakad man ako. Hindi ako lumingon sa kasiyahan. Diretso lang ako ng lakad. Nadaanan pa ako ng mobil, masuwerte't hindi ako tinanong kasi hindi naman akong mukhang umattend ng party. Minasahe ko ang aking kamao na namanhid sa pagsuntok ko kay Gavin. Sa paglayo ko sa kasiyahan pakiramdam ko'y mayroong sumusunod sa akin. Paglingon ko naman sa may kadiliman ng lansangan, wala naman akong nakitang taong nakasunod. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Makalipas ang ilang sandali'y naririnig ko na ang yabag ng sumusunod sa akin. Pagkaliko sa kanto kung saan maraming halaman nagtago ako. Hindi ako makikita ng sumusunod sa akin sapagkat malayo ang ilaw ng poste sa dakong iyon. Inantay kong makasunod ang taong sumusunod sa akin. Nang maaninag ko ang bulto ng lalake lumabas ako sa pinagtaguan ko't tinulak ang lalake hanggang gumulong kami sa kalsada. Aakma ako susuntukin siya habang nakadangan ako sa kanya na hindi ko naituloy sa kanyang pagsasalita. "Ako ito," ang sabi ni Gavin na nagpsiklab na naman sa inis ko. "Ano bang problema mo? Parang gusto mong patayin si Tristan!" ang sabi ko sa kanya. Inalis ko ang katawan ko ngunit pinigilan niya ako. Niyakap niya ako habang nakahiga sa malamig na daan. "Tama lang iyon sa kanya. Masyado siyang pakialamero," ang sabi naman ni Gavin. Hindi mababanaagan ang boses niya ng konsensiya. Alam kong ang lapit ng aming mukha kasi nararamdaman ko ang init ng kanyang paghinga. Naamoy ko pa nga. Sa ibabang parte ko naman ay nararamdaman ko ang umbok niya tilang bundok na tumama sa aking hita. "Hindi parin tamang bugbogin mo iyong tao. Porket pinakailaman ka. Mananakit ka na. Huwag ganoon, Gavin." "Kulang pa nga iyon. Matagal na akong nagtitimpi sa taong iyon." Sa puntong iyon, nainis na ako sa kanya. Kahit makipagdiskusyon pa ako, wala namang mangyayari. Sinuntok ko sa tiyan para bitiwan niya ako kaso tiniis niya ang sakit at lalong hinigpitan ang pagkayakap sa akin. Inipit niya ang mga kamay ko para hindi ako makapumiglas. Ilang saglit pa'y natamaan kami ng headlight ng paparating na sasakyan. Bumusina ng malakas ang sasakyan pero si Gavin ay hindi ako nais bitiwan. "Pakawalan mo na ako. Kung gusto mong mamatay ng maaga. Huwag mo akong isama." Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Tumahimik lang siya kaya ang ginawa ko'y kinagat siya sa kanyang baba. Diniin ko ng diinin ng nagpaungol sa kanya. Sa huli ang pagkayakap niya'y kanyang kinalas. Tumayo na ako bago pa makarating ang sasakyan. Maging siya'y tumayo narin habang hinapo ang babang aking kinagat. "Ang sakit ng pagkagat mo ah!" ang sigaw niya sa kain. Sa aking paglalakad ay nakasunod parin siya sa akin. Nalampasan kami ng sasakyan sa pananatili naming sa kalye. "Huwag mo nga akong sinusundan," ang sabi ko sa kanya. "Hindi kita sinusundan. Dito lang talaga ang daan ko." Nilingon ko siya't binigyan ng masamang tingin. Isang ngiti lang ang binigay niya sa akin. Akala naman niya matutuwa ako. Minamasahe parin niya ang kanyang baba pati ang pisnging nasuntok ko. Apektado ako sa nakikita ko sa kanya. Pinag-isipan ko kung dapat ba akong humingi ng sorry sa kanya. Pero bakit ako? Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya. Pinatigil ko lang naman siya. Saka siya itong nagagalit na lang bigla na parang leon. Nabangga pa niya ako sa pagkaestatwa ko kasi hindi naman siya tumitingin. "Masakit ba?" ang tanong ko sa kanya. Pinagsalubong niya ang kilay sa akin sapagkat alam niyang inaasar ko lang siya. "Galing ano. Hindi lang sarap naranasan mo ngayong gabi pati sakit." Ngumisi lang siya kaya sinuntok ko siya sa braso. Pinalo niya ako sa braso na parang batang bumabawi lang. Sinuntok ko siya ulit sa braso. Pinalo niya ako sa mukha, hindi niya nakontrol ang puwersa kaya para akong nasampal. Bumawi ako ng suntok sa tiyan bago ko siya muling iniwan. Parang umalis ang kaluluwa ko. Hinapo ko ang aking pisngi na namanhid. Pagkalagpas sa isang kanto bigla ba namang umulan. Napamura ako ng malutong sa isipan. Tumakbo ako para maghanap ng masisilungan. Nilingon ko si Gavin na nakasunod sa akin ng takbo. Sinuot ko ang aking hood para hindi mabasa ang aking ulo. Itong si Gavin biglang sinapian, hinubad ang kanyang suot na tshirt saka pinagtabon sa aking ulo kahit na may suot akong hood. "Ipagtabon mo para hindi ka mabasa," ang sabi ni Gavin sa akin. Sinapian siya ng pagkabaliw ano pa ang halaga ng damit niya gayong nakasuot na nga ako ng hood. Masyado bang mainit ang kanyang katawan kaya nakakaya niya ang lamig. Inayos pa niya ng pagkatabon ng tshirt sa aking ulo habang nababasa siya ng ulan. Naamoy ko ang pabango ng babae kaya kinuha ko ang tshirt sabay tapon sa kanya. Itinapon ko sa kanyang mukha. "Isuot mo nga iyan. Ikaw itong abnormal. Ang lamig ng panahon tapos topless ka. Ano? Nagpapasikat ka ba sa akin? Para makita ko maganda ang katawan mo?" sabi ko sa kanya. Sinuot niyang muli ang tshirt sa patuloy na pagpatak ng ulan. "Bakit nagagandahan ka ba? Gusto mo ganitong katawan? Tulungan kita." Tumatalsik ang tubig ulan sa kanyang pagsasalita. "Ulul ka Gavin. Mas maganda katawan ko sa'yo! Bahala ka na nga diyan! Huwag ka ng sumunod!" Muli akong tumakbo sa kalyeng iyon. Nang makakita ng convenient store sa hindi kalayuan binilisan ko pa ang pagtakbo. Sumilong ako sa siwang nito. Pagkatayo ko'y siya rin pagdating ni Gavin. Pinagmasdan ko ang loob ng convenient store sa salaming mga pader nito. Walang gaanong customer ang tindahan. "Tara. Pasok tayo." Hinila ako ni Gavin sa kuwilyo ng suot na jacket. Hindi niya man lang ako tinanong kung gusto ko bang pumasok. Basta niya lang akong isinama na parang aso. Dumiretso kami sa panindang mga damit. Binitiwan niya ako para maghanap ng puwedeng maisuot na jacket. Napansin ko ang namumula niyang kamao dahil sa sugat na resulta ng makailang pagsuntok. Lumingon ako't nakita ko ang dapat kailangan. Kumuha ako habang hindi siya nakatingin pati ang babaeng kahera sabay suksok sa bulsa ng sweater. Pagkatapos ay tinulungan ko siyang maghanap. "Ano bang gusto mong kulay?" ang tanong ko sa kanya habang pinapasunod ang bawat jacket. Napalingon ako sa counter nang makita ang babaeng kahera. Naglalaway na itong nakatingin kay Gavin sapagkat lumalabas ang laki ng katawan niya dahil sa basang damit. "Iyong babagay diyan sa suot mo," ang sabi niya ng hindi sa akin tumitingin. Namimili parin siya pero ako may nakita na. "Bakit naman?" ang tanong ko sa paglipat niya sa kabila ng mga hilera ng damit. "Gusto ko lang. Kailangan kong bumili diba iyong jacket ko na sa iyo." Tinigil niya ang paghahanap upang ngumiti lang sa akin sabay patuloy. "Masama ba?" "Hindi naman," sabi ko. Kinuha ko ang nakita kong jacket kapareha ng suot kong abuhin na sweater. Kulay itim ang sweater na may salitang cool na naka-print sa harap. "Ito ang kunin mo. Itim nga lang." Inilagay ko sa harapan niya't namili ng puwedeng mabili na makakain sa katabing mga paninda. Iyong jacket niya na suot ko kanina ay nilabhan ko kaya nakasampay siya sa tabi ng hinihigaan ko. "Nice," aniya ng matingnan ang jacket. Saglit niyang pinatong sa rack ang sweater na nakahanger at mayroon siyang inilabas na puting tshirt. "Okay na?" tanong ko. Tumango siya bilang sagot. Kumuha ako ng dalawang balot ng nova at piattos. "Bayaran mo ito ha," sabi ko ng maipakita ko sa kanya. Lumapit siya sa akin. Tumutulo ang tubig mula sa kanyang buhok nang ako'y kanyang tingnan. "Dagdagan mo," suhestiyan niya. "Sigurado ka?" ang tanong ko naman. Imbis na sumagot dinagdagan niya ang bitbit kong dalawang balot ng tsitserya. Lumakad kami patungo sa counter kung saan ubod ng lapad ng ngiti ng babaeng kahera. Nilagay ko sa counter ang napili kong kainin katabi ng tshirt at sweater na bibilhin ni Gavin. Nang makakita ng vending machine sa gilid nanghingi ako sa kanya ng pangbili. "May sampu ka?" tanong ko. "Tingnan mo sa bulsa ko," sabi niya habang hinahanap niya ang tamang credit card na ibibigay sa babae sa kanyang makapal na wallet. Nag-alangan pa ako kung kukuha pero sa huli sinuksok ko ang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon sa harapan. Wala ring masama ang ginawa ko. Bago pa ako may makuhang pera nasagi ko ang isang bagay sa loob ng kanyang pantalon. Ibinigay ni Gavin ang credit card sa babae. Tiningnan ko ang kanyang pantalon na kapansin-pansin ang paninigas ng kanyang kaanginan. Mabuti nalang hindi pansin ng babae sa pagkatalikod nito. Inirapan ko siya ng masama bago kinuha ang mga barya niya sa bulsa. Binatukan ko siya ng makuha pa niyang ngumisi. Lumapit ako sa vending machine na ilang hakbang din ang layo sa counter. Marami ang nakuha kong coins na mahigit limampong piso. Pagkalapit sa machine nilagay ko sa slot ang sampung piso. Pinili ang gatas na mainit-init. Matapos ang makailang ulit na 'ting' bumagsak ang gatas na in can. Kinuha ko iyon at inalapit sa akin pisngi upang maramdaman ang init nito. Nakapagbayad si Gavin sa babae kaya lumapit siya sa akin, pinatong niya sa aking balikat ang jacket at tshirt. Maghuhubad siya ng basang damit doon mismo kaya pinigilan ko siya kaagad. "Diyan ka pa magbibihis ng pang-itaas, kita mong nakikita ka?" ang sabi ko sa kanya. Nakasunod na naman ng tingin sa kanya ang babae. Ilang saglit may pumasok na iba pang mga customer na grupo ng mga kabataan na marahil ay galing din sa kasiyahan. "Eh ano naman?" reklamo niya. "Dito ka." Tinuro ko ang gilid ng vending machine kung saang puwedeng siya magtago. "Ayaw mo lang makita ng iba katawan ko." Sumunod siya sa akin at nagpuwesto sa likuran ng machine. "Nakakatawa Gavin. Ako ang nahihiya sa pinaggagawa mo kaya diyan ka na magbihis." Pinagmasdan ko ang paghubad niya sa damit at pagpalit niya ng tshirt na aking inabot sa kanya. Matapos maisuot ang tshirt binigay ko sa kanya ang sweater. At ininom ko na ang hawak kong in can na gatas. "Bilhan mo ako ng kape," ang sabi niya habang inaayos ang sarili. Sinuot niya ang napiling sweater. Pinagmamasdan niya ang kanyang kabuuan sa repleksiyon sa vending machine. Binilhan ko naman siya pera naman niya iyon. Hindi pa siya nakuntento sa kape kaya kumuha siya ng malaking botilya ng juice sa freezer na kasunod ng vending machine. Nang makuha ko ang kanyang kape na in can. Initsa ko sa kanya na kanya namang nasalo ng isang kamay kahit sa kamay ay hawak ang basang damit, at ang juice. "Sino ba iyong babae na kasama mo kanina?" ang hindi ko maisawang itanong. Ininom ko ang hawak na gatas. "Hindi ko kilala. Doon ko lang iyon nakita sa party." Nakuha pa niyang ngumiti kaya ako'y nabwisit sa kanya. "Seryoso ka?" Tinaas-taas niya ang dalawang kilay. Sinipa ko ang paa niya na kanyang kinaaray. "Ano bang klaseng tao ka? Ha?" Sinundan ko pa ng isang sipa ang kanyang paa. Mga katulad niyang taong masyadong matakaw sa mga laman, dapat sinasaktan. Umatras siya na tumatawa habang hinahapo ang paa. "Anong masama roon?" "Marami." Sinipa ko siya ulit kaya lang nakailag siya't nagtago sa likuran ng estante. "Kung girlfriend mo iyon maiintindihan pa kita. Pero hindi naman eh. Sarap mong iumpog sa pader." "Asus, inggit ka lang." "Ba't naman pati ako maiingit? Hindi maganda iyon basta ka lang nakikipaghindot sa isang tao," pagpapaliwanag ko. "Oo na. But I have my needs," aniya sabay lapit sa akin. "Needs. Ba't ako?" Siniko ko siya sa tagiliran. "Iba ka naman kasi. Ganito na lang hindi ako makikipaglaro sa iba. Pero ikaw paglalaruan ko?" ang mahina niya sabi. Pabulong na nga't sa taenga ko pa binanggit. Ikinanlaki ko ang mga narinig mula sa kanya. Pinagsisipa ko ulit siya sa paa kaya lumalayo siya habang tumatawa. "Ulul! Anong akala mo sa akin?" bulyaw ko sa kanya sabay siya'y iniwan. Lumabas ako ng tindahan habang siya'y kinuha ang mga pinamili. Binayaran niya narin ang nakuhanag juice. Naiinis akong naupo sa upuan sa harapan ng tindahan. Pakiramdam ko natapakan ang p*********i ko sa sinabi niya. Ano bang tingin niya sa akin? Maisip ko lang na ako'y pinag-iisipan niya ng ganoong bagay, kumukulo dugo ko. Kaya nang maupo siya sa upuan hindi ko siya pinansin. Inilagay niya sa tabi ang mga pagkain at umisog sa akin. Pero ako'y lumayo sa kanya. Hanggang nasa dulo na ako dahil sa kakaisog. Umisog siya ulit pero lumipat ako sa kabilang dulo. Sinundan niya parin ako. Nilagay ko na lang sa pagitan naming dalawa ang mga pagkain at juice para hindi na siya makadikit. Pakiramdam ko para akong bata sa nangyayari na nagtatampo. "Biro lang iyon sa akin uy," sabi niya pa. Tiningnan ko lan gsiya. Aalisin niya ang pagkain kaya kinuha ko ang sa kamay niya. "Akin ito. Kung gusto mo kumain, bumili ka," sabi ko sa kanya. Inilapat ko ang hawak na in can na gatas upuan sabay bukas sa tsistserya. Ngumiti lang siya't pinagmasdan ang pagbagsak ng ulan mula sa bubong ng tindahan na tumatama sa sementadong daan. Pareho naming tinitigan ang ulan. Kumuha siya ng nova sa hawak ko kaya pinabayaan ko na lang siya. Habang kami'y nanahimik naisipan kong siya'y tanungin. "Ano bang ikinagagalit mo kanina ha?" "Umalis ka kasing hindi ako inaantay na magpaliwanag sa nakita mo," aniya habang kumakain. "Ganoon? Hindi mo naman kailangang magpaliwanag. Ang pinagtataka ko lang nagagalit ka samantalang ako nga di nagagalit sa'yo." "Hindi raw." Siniko-siko niya ako sa braso. Sinamaan ko siya ng tingin na ikinitawa niya. "'Di naman talaga." Pagkasuksok ko ng daliri sa plastic nalaman kong ubos kaya binuksan ko ang piatos. "Magkaiba naman tayo. Iba kasi ang tingin ko sa'yo. Kapag ganoong may mali kang nakikita sa akin. Naiinis ako. Pagkatapos nakita pa kitang kausap ang Tristan na iyon kaya lalo lang akong nagalit." "Nakikipag-usap lang naman." Inabot ko sa kanya ang piatos para makakuha siya ng maayos. Inubos ko ang gatas saka tinapon ang lata sa basurahan. Eksakto namang nagshoot. Pagkatingin ko kay Gavin nakatitig na siya sa akin. Niyuyupi niya ang lata ng naubos na kape. Matapos maitapon ang basura, tumaas ang kanyang kamay at idiniin ang hinlalaki sa gilid ng aking labi. "Ayaw ko kasing may ibang taong nakikipag-usap sa'yo lalo na kapag lalake," ang sabi pa niya sabay pahid ng hinlalaki upang maalis ang gatas. Matapos nito'y dinilaan niya ang hinlalaki na may bahid ng gatas. Nasamid ako sa ginawa niya na nadagdagan ng kanyang sinabi. Binuksan niya ang kaagad ang malaking botilya ng juice saka pinainom sa akin. Binigay ko sa kanya ang piatos upang ako na ang humawak ng botilya sa pag-inom ko. Nang matapos nilagay ko sa tabi naming dalawa ang juice. Inabot ko ang kanyang kamay na kanyang kinatigil. "Lilinisin ko," ang sabi ko baka ano pa ang kanyang isipin. Malambot ang kanyang kamay. Inilabas ko mula sa aking bulsa ang bulak at panglinis ng sugat. "Saan mo nakuha iyan?" ang tanong niya. Pinatong ko muna sa aking hita ang kanyang kamay. Pinitik ko ang sugat niya nang pisilin niya ang hita ko. "Diyan sa tindahan," sagot ko. Nailing-iling na lang siya ng ulo kasi nalaman niyang hindi nabayaran ang bulak pati ang panglinis. "Magaling ka rin pala sa pagpupuslit," Aniya. "Ako pa," ani ko na may pagmamalaki. Noong bata kasi ako gawain ko iyon. Diniin ko sa daliri niya ang bulak. Marahas kong nilinis ang sugat sa kanyang kamao. Ngiwi siya ng ngiwi habang ginagawa ko ito. Nang matapos binitiwan ko na ang kamay niya't sinuksok ang kamay sa bulsa ko ng sweater. Pareho ulit kaming tahimik habang siya'y hinihipan ang sugat sa kamao. Inubos niya ang piatos sabay ininom ang juice sa pamamagitan ng pagtungga. Naghalo na ang mga laway namin sa bunganga ng botilya pero wala lang sa kanya. Ang tagal tumila ng ulan kaya sa malayo na ako tumingin. Ilang sandali pa'y may pumulupot na kamay sa aking beywang kasabay ng pagpatong ng baba sa aking balikat. Si Gavin niyayakap niya ako na parang ako'y mawawala sa kanya. Nagsitayuan ang balahibo ko sa buong katawan. "Ano ba? Hindi ako babae para yakapin mo ng ganyan," sita ko sa kanya. Inaalis ko ang kamay niya kaya lang lalo lang humihigpit. "Gusto kong yakapin ka. Mali ba ang ganito ha? Hindi naman ah. Ano naman kong hindi ka babae? Mula't sapol alam ko namang lalaki ka." "Basta ayaw ko. Bitiwan mo na ako. Sapak ang aabutin mo sa akin, Gavin." Bumibilis ang t***k ng puso sa pananatili naming ganoon. "Saglit lang naman. Masyadong malamig kaya kailangan ng yakap." "Naka-jacket ka na nga. Nilalamig ka pa." Hindi niya na ako sinagot. At hinayaan ko na lang din siya na yakapin ako. Matagal din kaming ganoon ang estado. Sa pagtila ng ulan bigla siyang may ibinulong sa kain. "Sorry, Nixon." "Ha? Anong sorry pinagsasabi mo?" "I felt like I have to." Kumalas siya't ginulo ang buhok ko. Pagkatapos nito'y iniwan niya na ako. Mabilis siyang lumakad papalayo samantalang ako naghahanap ng kasagutan kung bakit siya nagsosory sa akin. Hanggang sa hindi ko na mmakita ang kanyang likod. Nagsorry ba siya dahil bas a nakita ko? O sa biglang niyang galit na pinapakita? O sa pagbugbog niya kay Tristan? Ang gulo ng taong iyon. Pagkatapos na guluhin ako iniwan na lang akong mag-isa. Tarantado rin naman talaga. Doon ko lang nagpagtanto wala akong mapasahe pauwi. Nasagot ang aking problema nang makita ang papalapit na kotse ni Mip. Akala ko nakalimutan na nito ako. Huminto ito sa harapan ko't pagkasakay ko'y may lumabas sa bibig niyang hindi ko nagustuhan. "Kamusta ang date niyong dalawa ni Gavin?" sabi ni Mip. Pinakatitigan ko ito kasi hindi ko alam kung anong date pinagsasabi nito. "Anong date? Hindi kami nag-date. Hang-out lang iyon." Inilagay ko ang seatbelt sa aking katawan. "Paano iyan, Gavin. Hindi raw date?" Lumingon si Mip sa backseat. Napalingon narin ako. Hindi ko agad napansin si Gavin sa likuran kasi walang ilaw ang kotse ni Mip. Alam ko tinitigan lang ako ni Gavin. Wala siyang sinasabi. Narinig ko lang ang pagbuntong hininga niya ng malalim. Kinabahan ako bigla sa pananahimik niya. Ito si Mip nakuha pang tumawa sa aming dalawa ni Gavin habang binuhay nito ang sasakyan. Umayos na lang ako ng upo. Nakakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit nanahimik si Gavin. Kahit sa pag-andar ng sasakyan ganoon parin siya. Ako naman ay hindi maibuka ang bibig. Bigla akong natakot sa kanyang pananatiling walang kibo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD