Kabanata 5

5022 Words
Pagdating ng hapon ay wala akong klase kaya minabuti ko na lamang na tumungo sa study hall upang mag-aral. Matapos kong masagutan ang dapat bigyan ng solusyon na mga katanungan sa calculus. Binasa ko ang libro na pinapa-summarize sa amin at kasama na ang pagbibigay ng opinyon. Nasa huling kabanata narin ako ng libro kaya malalampasan ko na ito. Tumigil ako sa pagbabasa upang pagmasdan ang ilaw sa aking harapan. Naglalaro ang isang moth sa bombilya nito. Naroong lilipad na tila hirap na hirap saka dadapo. Tahimik sa loob kaya maririnig ang ilang paglipat ng pahina ng ibang mga estudyanteng nag-aaral. Napatingin ako sa lalaking estudyante na kasunod ko, umalis ito matapos maligpit ang kanyang mga gamit. Paglisan nito sa silid ay sumusunod na rin ng alis ang iba pa. Kaya ako na lang ang naiwang mag-isa na palaging nangyayari sa akin. Ang napansin ko sa katabi nang umalis ito'y ang bitbit nitong shake katulad ng binili ko kay Gavin. Naisip ko ulit iyong pagtago ni Gavin sa baso kasama na ang mga papel. Hindi ko naman alam kung anong gagawin niya roon. Pero napangiti ako ng malapad. Masaya lang ang pakiramdam ko dahil may isang taong gumagawa ng ganoong bagay sa akin, at si Gavin pa. Ang taong hindi ko inakala na makikilala ko. Naiiling pa ako kasi wala naman sa pagiging mayaman ang ugaling maging basurero, ngunit pagdating kay Gavin nagbabago ang lahat. Puno ng galak na pinagpatuloy ko ang pagbabasa. Hindi na naalis ang ngiti sa aking labi. Ilang saglit pa'y mayroong nagbukas sa pinto, at hindi ko na pinag-abalahang tingnan kung sino ang pumasok. Nakikita ko sa gilid ng aking mata na naupo ang pumasok sa upuang inalisan ng lalaki. Natigil ako sa pagbabasa nang marinig kong magsalita si Gavin. "Anong nginingiti-ngiti mo ng mag-isa?" Kaagad akong lumingon kasi akala ko imahinasyon ko lang ang aking narinig. Siya'y nakaupo sa aking tabi. Lumingon-lingon pa ako baka namali lang ako ng narinig. Baka may iba pang pumasok. Pero bakante naman ang mga cubicle na naroon. "Anong ginagawa mo rito?" sabi ko imbis na sagutin ang kanyang tanong. "Mag-aaral," ang isang salita niyang tugon. Nilabas niya ang kanyang mga gamit mula sa dalang bag. Sa kanya namang kaliwa ay supot na papel na may lamang pagkain. Itinabi niya ang supot kadikit ng bombilya na kanyang binuksan sumunod. "Talaga? Ito ang unang beses na pumunta ka rito. Hindi mo kailangang pumunta rito," ang sabi ko sa kanya dahil hindi naman niya talaga ugali ang pumunta roon. Nasabi ko kasi palagi akong naroon sa study hall. Alam ko nga kung sino-sino ang mga pumupunta roon kahit sa itsura lang ng mga ito. "Sinong may sabi sa'yo na hindi ko kailangang pumunta rito?" ang may inis niiyang turan. "Sinasabi ko lang. Malay ko ba may iba kang dahilan kaya ka pumasok dito." Tuwid niya akong pinagmasdan sa mata kaya sa iba ko binaling ang aking tingin. Hindi na siya sumagot matapos ng aking sinabi. Pinabayaan ko na lang siya sa kanyang pag-aaral. Tahimik lang kaming nag-aaral. Siya'y may sinasagutan. Ako naman ay nagbabasa parin. Huminto ako sa pagbabasa nang medyo may hindi ako maintindihan na salita sa libro. Naghanap ako ng dictionary sa bag ko pero wala akong makita. Tumayo pa ako para tingnan kung may naiwang dictionary ang iba sa inuupuan nila. Sa kasamaang palad, wala rin. "Anong hinahanap mo?" Nakasunod lang ng tingin sa akin si Gavin. Tumungo ako sa ibang hilera ng mga cubicle. "Puso ko, nawawala," pagbibiro ko kasi masyado nang nakakabagot kasi kaming dalawa lang ni Gavin ang naroon. "Ba't mo hinahanap? Nandito kaya sa akin." Hindi ko masyadong narinig ang kanyang sinabi dahil pabulong niya iyong winika. Saka naghahanap ako sa kabila kaya hindi naging malinaw sa aking taenga ang kanyang mga salita. "Anong sabi mo?" ang tanong ko na lang. "Ang sabi ko ang bobo mo," aniya na wala namang basihan. Bumalik ako sa aking upuan ng walang dalang dictionary. Dinala siguro ng iba ang mga libro nilang mahahalaga. "Alam ko kaya nga lagi akong naglalagi rito," ang sabi ko pa sa kanya. Kamot ulo kong pilit inintindi ang mga salita sa libro. May pagkakataong hindi gumagana ang utak ko lalo pa't may gumugulo sa likuran ng aking isipan ngayon. Napapatingin ako kay Gavin kasi kanina pa siya nakatitig sa akin. Kulang nalang idikit niya ang kanyang mukha sa akin. "Bakit? Anong mayroon?" "Wala naman," ang sabi niya sabay tutok sa sinasagutan. Nagkibit-balikat na lang ako. Hindi na ako nakatiis kaya pinakita ko na lang sa kanya iyong dalawang salitang hindi ko maintindihan. Nilagay ko pa sa harapan niya sabay turo sa salitang 'pent-up emotion'. "Alam mo ito?" ang tanong ko sa kanya. Kinuha niya ang libro sa akin at sinadyang hawakan ang aking kamay. Pakiramdam ko lang sinasadya niya iyon. Sapagkat hindi naman niya kailangan kunin ang libro sa kamay ko para makita niya ang sinasabi ko. Binasa niya ang salita na tinuro ko sabay balik sa akin. "Ganyan nararamdaman ko ngayon," ang kanyang pagbibigay alam. "Di iyan ang sagot. Ang gusto kong malaman ay ang kahulugan." Pinagmasdan ko ang moth sa paglipad nito papalayo. "Sa katauhan ko na ang sagot. Hindi mo ba nakikita?" aniya na para bagang gusto niyang magpaliwanag tungkol sa nararamdaman. Ngunit hindi ko naman siya maunawaan. Sinubukan kong basahin ang kanyang mukha pero wala naman akong makitang kakaiba. "Wala naman akong nakikita," sabi ko pa. Nag-iba ang linya sa kanyang noo, kumunot. Sinabayan niya pa ng malalim na pagbuntong hininga. "No wonder, wala kang kasintahan. Simpleng emosyon hindi mo maipaliwanag." Pumanting ang taenga ko sa kanya. Bago pa ako makapagpigil nasuntok ko na siya sa braso. Gumalaw lang ang katawan ko na hindi ko nalalaman. "Kailangan talagang banggitin? Wala namang koneksiyon iyon sa tinatanong ko." Binalik ko ang aking kamay sa silya nang sinamaan niya ako ng tingin. "It does. You just can't see it," pagbibigay diin niya. "Puwes hindi ko talaga makita. Ba't 'di mo na lang sabihin para matapos na." Parang gusto kong punutin ang hawak na libro. Nakakainis siya. Hindi pa niya sabihin kung alam niya. Hinahalungkat pa ang dapat hindi pagusapan, wala namang problema sa akin kung walang girlfriend. "No." Nakapako ang kanyang mata sa kanyang kwaderno. Ang isang salita na iyon ang mas nagpuno sa akin. Kapag kasama ko talaga ang lalaking ito hindi ko malaman ang nararamdaman ko, maya't maya nalang akong nakangiti at naiinis. Ito ba ang sinasabing 'pent-up emotion'? Hindi ko talaga maarok. "Eh 'di wag." Halos punutin ko ang pahina ng libro sa paglipat ko. "Pinapatay mo iyang libro. Hindi naman sa'yo." Hindi ko siya tiningnan, pinagpatuloy ko lang ang paglipat sa mga pahina para patayin din ang oras. Wala na ako sa mood na tapusin ang libro. "Ano naman? Hindi rin naman sa'yo." Sinara ko na lang ang libro. "Sa akin iyan, tingnan mo pangalan ko sa pabalat sa likod." Sinunod ko naman ang sinabi niya, nakita ko nga na may pangalan niya sa taas ng pabalat sa likod. Hindi lang mapansin kaagad kasi maliit ang pagkasulat ng mga letra. "Kay Mip mo iyan nakuha diba. She asked me kung may ganyan akong libro. Since you're the one who's borrowing binigay ko na." Binalik ko na lang sa kanya. "Ayan, binabalik ko na." "Di ko naman kinukuha ah." "You don't sound like one." Ibig sabihin alam niya ang laman ng kuwento. Tatanungin ko na lang sana siya kung anong opinyon niya sa libro, pero hindi ko na lang tinuloy. Sa sumunod na subject na lang ako nag-aral, economics. Pabagsak pa niyang nilagay ang libro sa mesa. Nanglaki ang mata ko sa pagpitas niya sa limang pahina ng libro na hindi ko pa nababasa. Saka inipit sa notebook ko. Nagsalubong lang ang kilay ko. Wala naman siyang sinabi sa pagsuksok niya ng libro sa kanyang bag. Matapos nito'y pareho kaming natahimik, siya abala sa pagsasagot sa kung anong katanungan at ako naman ay abala sa pag-uunawa sa isang sitwasyon ng ekonomiya. Patuloy kami sa aming ginagawa nang mayroong napansin si Gavin sa aking damit. "May something sa collar mo?" "Anong something?" Pilit kong tiningtinan ang aking collar sa likuran pero hindi ko naman makita ang sinasabi niya. Sumuko na lang ako. "Akin na tingnan ko," suhestiyon niya. Lumapit siya sa akin sabay hawak sa aking collar. Sa ginawa niya'y napakiskis ang kanyang daliri sa aking batok na ikinatayo ng balahibo ko sa katawan. Nakikiliti ako. Hinayaan ko lang siya habang tiningnan niya kung ano man iyon. "Patay na moth," dagdag niya. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga na dumadapampi sa aking batok. Binubuhay ang damdaming matagal nang natutulog. Napapapikit ako na tila nababaliw sa sensasyon na aking naramdaman. Nang maisip ko ang nangyayari, natauhan ako kaagad. Pinalo ko ang aking noo. "Nakuha mo na. San na?" ang tanong sa hindi pa niya pagtanggal ng daliri sa collar ng aking damit. "Patingin." "Tinapon ko na," aniya sabay umayos ng upo. Pinagmasdan ko siya kasi pakiramdam ko wala naman talagang patay na moth. Kasi iyong moth na nakikita ko bumabalik ng lipad sa bombilya ng ilaw. Kinuskos niya ang kanyang ilong. Pagkatapos binasa ang mensahe sa kanyang cellphone na katatanggap lang. Nagligpit siya ng kanyang mga gamit saka umalis na walang sinasabi. Narinig ko na lang ang pagbukas-sara ng pinto. Binalik ko ang aking atensiyon sa ginagawa ko. Tinakpan ko ang aking bibig sa aking paghikab. Napangiti ako, kasi masaya akong nakakasalamuha ko si Gavin kahit magulo siyang tao. Noong una iyon lang talaga ang nakikita kong rason. Iyong katagalan nagbago na. Sinubukan ko pa ngang lumayo, pero sadyang mapaglaro ang tadhana, hindi iyon nangyari. Sa malalim akong pag-iisip ng mga oras na iyon, napalingon ako sa dako ng pinto nang mayroong pumasok. Isang estudyanteng babae na napapatingin pa sa akin. May mahaba itong buhok na sumasayaw sa kanyang paghakbang. Didiretso sana ito ng lakad sa kabilang hilera ng mga cubicle ngunit nang makita ako'y lumapit ito sa akin. "Hi!" pagbati nito na may kasamang ngiti sa labi. "Hi, Mia!" sabi ko naman. Ngumiti ako ng napakalapad kasi sabi ni Mip hinahangaan ako nito. "Puwede ba kitang tanungin?" ani nito na animo'y nahihiya. Inisip ko na baka gusto nitong magtanong kung may kasintahan ako para kung wala masabi niya na hinahangaan nito ako ng personal. Ang ideya na ito'y malayong-malayo sa sinabi nito sumunod. Iyong pag-asang may magkakagusto sa akin ay biglang nawala ng tuluyan. "Oo naman. Ano ba iyon?" ang tanong ko naman. "Close ba kayo ni Gavin? Nakita ko kasi na galing siya rito. It seems like you both are hanging out. It's not the first time I saw you with him," pagkuwento nito. Wala akong mahanap na tamang isasagot sa kanya. Kasi maging ako 'di ko rin alam kung malapit ba kami ni Gavin sa isa't isa. Binalikan ko ang mga nagdaang araw sa aking isipan, nakikita ko na malapit nga kami. Siyempre kung hindi kami malapit, hindi siya maiinis sa akin, sisigaw-sigawan dahil lang sa may ayaw siyang ginagawa ko, biglang nagiging palakapit na usual na ginagawa ng magtropa, pagkatapos tinatago-tago pa niya ang iyong baso ng shake. "Oo," ani ko nang mahanap ko ang tamang sagot. "Puwede mo bang matanong si Gavin ng mga likes at dislikes niya? At sabihin mo sa akin." Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa kanya. Ibig sabihin ba nito wala talaga sa akin ang interes niya. Mas dumagdag ang kawalan ko ng pag-asa nang sabihan nito ang salitang hindi ko gusto marinig. "Crush ko kasi siya. Matagal na." "Akala ko ako ang crush mo. Sabi ni Mip sa akin." Dumiin ang hawak ko sa ballpen. "No. No," pagtanggi nito. Tinataas pa nito ang kanyang mga kamay. "That was my mistake. Sa sobra ko kasing hiya pangalan mo nasabi ko kay Mip." Isang napakalalim na buntong hininga ang pinakawalan ko sabay titig sa mga pinitas ni Gavin na pages ng libro. Walangyang lalaking iyon kung bakit kasi naging guwapo pa. Hindi ko naman mapakinabangan. Lahat na lang tao sa kanya nagkakagusto. Sobrang perpekto sana naman binahaginan niya ako kahit kaunti man lang. Hindi parin umaalis si Mia sa tabi ko kaya muli ko itong nilingon. "Bakit hindi na lang ikaw ang magtanong sa kanya?" Gagawin pa ako nitong utusan. Kung may gusto sila kay Gavin sila dapat ang lumapit sa lalaki. Hindi ako tulay para gawin ang gusto nila. "Alam mo naman ang temper ni Gavin. Pero kahit ganoon siya, gusto ko parin siya." Sa sinasabi nito parang hindi ito natatakot na sabihin ko kay Gavin ang kanyang inilahad. Nang mapansin ko ang pagkinang ng mga mata nito dahil sa pagtama ng ilaw, ako'y nakaramdam ng kaunting inis. "Sorry, pero hindi kita matutulungan sa ganoong bagay," sabi ko't niligpit ang aking mga gamit sa loob ng aking bag. "Please. Anong gusto mong kapalit para tulungan mo ako?" anito na ikinalingon ko sa kanya. Kapag mga ganito ang sinasabi ng tao lumalabas ang pagkagahaman ko. "Give me money," sabi ko sa kanya. "Sure ka? Magkano ang gusto mo? Hindi problema sa akin ang pera basta malamn ko lang dislikes at likes ni Gavin." Doon ko napagtanto na may mga taong talagang nahihibang pagdating sa taong hinahanggan nila. Gagawin ang lahat para lang mangyari ang gusto nila. Ang mga ganitong tao ang madaling utuin. "Five kyaw," ang sabi ko sabay taas ng aking palad, pinapakita ang limang daliri. Nanlaki ang mata ni Mia dahil hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. Sakto ang pera sa limang buwan kong renta. Wala akong proproblemahin kung makukuha ko. "Ang mahal naman noon," reklamo nito. "Sabi mo 'di problema sa'yo ang pera. Saka kung tatanungin ko si Gavin ng mga ganoon, para akong nakikipaglaban sa mga halimaw. Alam mo naman iyon," pang-iigganyo ko. "Sige, sige. Pero iyong bayad ay kapag nakuha mo na ang gusto ko," sabi nito saka binigay sa akin ang isang notebook na kulay pink na may heart-heart pang disensyo sa harap. "Diyan mo ipasulat." Tinanggap ko ang notebook. Kinuha ko ang supot na naiwan ni Gavin na may lamang mga pagkain. "Kita na lang tayo pag-uwian sa gate," sabi ko kay Mia. Tumango ito sa akin at ako'y lumakad na para sa isang misyon, iyon ay ang tanungin si Gavin. Nakasalalay sa kanya ang bayad ko sa upa. Hinahanap ko na naman si Gavin. Ganito na lang siguro ako lagi, palagi ko siyang hinahanap. Pumasok ako sa nadaanang library dahil mahilig siyang magbasa kaya baka naroon siya kaso wala siya roon nang ako'y sumilip sa bintana. Bahagya akong nag-isip kung saan ko siya makikita. Papunta-paparito ang mga estudyante. Wala akong alam na lugar nahirapan nga ako noonh hanapin ko siya tapos ngayon nangyayari ulit. Pinagmamasdan ko ang pagkain sa supot nang may tagapag-ligtas na napadaan sa kinatatayuan ko. "Oh, ba't mukhang problemado ka?" tanong ni Luna sa akin pagkalapit nito. Gumuhit ang ngiti sa labi ko kasi puwedeng ito na lang ang tanungin ko patungkol kay Gavin. "Hindi naman. Puwede ba kitang makausap?" Tumaas ang isang kilay nito sa akin. "Sure. Bakit pakiramdam ko may kinalaman si Gavin sa itatanong mo." Tumango-tango ako na parang aso. "Sa, labas na lang tayo mag-usap kung ano man iyan." Nagpatiuna siya sa paghakbang habang ako'y nakasunod. Kung maglakad ito'y parang modelo. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makahanap ng puwesto. Naupo kami sa mesa sa ilalim ng lilim ng puno. Sa hindi kalayuan ay may mga estudyanteng naglalakad. Pinatong ko muna ang supot sa mesa bago naglabas ng ballpen sa aking bag. Inaantay lang ni Luna na magsalita ako. "Simula na tayo," sabi ko na tila baga nasa isa kaming iinterview ni Luna. Ako ang tagatanong, ito ang magsasagot. "What's with you? At kailangan pa ng pink na notebook na iyan," ang hindi mapigilang komento ni Luna. "Importante ito. 'Dito ko isusulat ang mga isasagot mo," sabi ko naman. "Anong dislikes at likes ni Gavin?" pagsisimula ko. Binuklat ko ang notebook kung saan nakasulat ang mga dislikes at likes magmula sa pagkain hanggang sa sinusuot, magkabilaang column. "Anong nagtulak sa'yo at sa akin mo tinanong iyan? Stupido ka ba? Kaya ka kinakaibigan ni Gavin, sa pagiging stupido mo." sa sinabi nito'y sumagi sa isipan ang unang araw na nagkita kami ni Gavin. Iyong mga salita niya kung bakit siya pumayag na bumalik sa grupo. Hindi naman ako nasaktan sa sinabi nito. Nasanay na ang sarili ko. Kaya kong tanggapin dahil iyon naman talaga ako. Kung susumahin ang lahat na panget na depinasyon, mapupunta sa pagiging walang kuwenta kong tao. Lumingon si Luna sa kaliwa nang may mapadaang lalaking na may itsura rin naman. Kung ikukumpara kay Gavin, mas malakas ang dating ni Gavin. Binalik ni Luna ang mata sa akin sa pagpapatuloy ko. "Eh diba nga nagdedate kayo dati dahil sa arrange marriange. Naputol lang dahil hindi na gusto ni Gavin," pagkuwento ko sa kanya na ikinasalubong nito ng kilay. Naisip ko tuloy kung may nasabi ba kong hindi maganda para sa kanyang pandinig. "Paano mo nalaman? Pamilya lang naming dalawa ang nakakaalam ng tungkol sa pagdi-date naming dalawa at pati iyong arrange marriage," hindi makapaniwala nitong turan. "Sinabi niya sa akin." Napaupo ito ng tuwid dahil sa aking inihayag. "Seryoso ka?" Tumango ako. "Ni ayaw niya ngang pag-usapan ang tungkol sa pagdate namin pati ang arrange marriage tapos pagdating sa'yo sinabi niya. I'm smell something fishy sa inyong dalawa." "Ano yun?" tanong ko naman kasi hindi ko alam ang ibig niyang ipahiwatig. "Hay naku! Bahala na nga kayo. Saka wala akong masasabi sa'yo. 'Di ko alam. Ask him yourself." "Hindi ko naman alam kung saan siya sumuksok." "Ba't 'di mo tawagan?" "Wala akong phone," pagbibigay alam ko sa kanya. Napabuntong hininga ito ng malalim sabay labas ng cellphone mula sa bulsa ng suot na skirt. Nag-dial ito ng numero saka inilapit ang cellphone sa taenga. Nag-antay ito ng ilang segundo bago sumagot ang kanyang tinatawagan. "Huwag mo akong sinisigawan!" Inilayo ni Luna ang cellphone sa kanyang taenga nang sagutin ang tawag. Inilapag nito ang cellphone sa mesa sabay pindot sa loud speaker. "I'm only doing a favour this stupid guy sa harap ko." "Sino naman iyan? I told you kapag sa ganyang bagay itigil mo na. 'Wag mo akong sinasali," ang naririnig kong sabi ni Gavin sa cellphone. Walang pinagbago ang tinig niya sa personal at sa cellphone. Buong-buo parin na malalim. "Sino pa ba?! Eh di si Nixon!" sigaw nitong si Luna. Nawawala ang pagiging maganda nito sa kasisigaw. Napagtanto ko na ganoon sila mag-usap ni Gavin, sigawan. "Don't call him stupid," ang mariing sabi ni Gavin na ikinaangat ng kilay ko. Kung hindi lang niya sinundan ang sinabi baka natuwa pa ako. "I'm the only one who can call him that," dagdag niya. Kung naroon lang siya baka nasuntok ko na siya. Magsasalita sana ako kaso tinaas ni Luna ang kanyang daliri para pigilan ako sa pagsasalita. Nagsenyas ito na ang pagsasalita ay sa kanya. At ako naman ay pakikinig lang ang dapat gawin. "Oo na! What's with you anyway? Is he that important to you?" ang tanong ni Luna sabay ngisi. Inaantay niya na sumagot si Gavin. "I know he's listening. Don't ask me those kind of question, b***h,"ang walang pigil na sabi ni Gavin. Namula si Luna sa narinig, kung puwede nito lang sigurong matapon ang cellphone naitapon na nito. "I'm not a b***h! Damned you Gavin. Saan ka ba raw?" Kinuha ni Luna ang cellphone niya mula sa mesa. "Sa rooftop ako ng science bulding Nixon." Tumalon ang t***k ng puso ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Narinig ko na lamang ang pagpatay niya sa tawag. Nakasimangot na sinuksok ni Luna ang kanyang cellphone sa bulsa ng skirt. "Alis na, Nixon. Kabadtrip lang," pagtataboy ni Luna na tila nasaktan sa pagtawag ni Gavin sa kanyang bruha. "Salamat." "Para iyon lang. But I'm warning you, don't get to close with him. Baka magsisi ka sa huli," ang makahulugang nitong saad. Tumango na lang ako kahit hindi naman masyadong naintindihan kung bakit nito nasabi ang ganoon. Kumaway ako sa kanya indikasyon ng pagpapaalam saka ako lumakad upang puntahan si Gavin sa rooftop ng science building bitbit ang notebook kasama ang supot ng pagkain. Hapo akong nakarating sa science building na kalapit ng pader. Sino ba ang hindi hihingalin kung mabilis ang paglalakad. Para akong may hinahabol. Hindi ko kailangang pumasok ng building para lang makarating sa rooftop kasi may hagdanan naman sa gilid nito. Pinagpawisan ako nang maakyat ko ang apat na palapag. Habol ang hininga ko nang makarating ako sa taas. Naging presko naman dahil mahangin sa rooftop na iyon. Nililipad pa nga ang may kahabaan kong buhok. Hinanap ko kung naroon nga ba si Gavin. Pero wala akong makitang tao. Akala ko ba'y naroon siya. Sa aking paglingon sa kanan, biglang may tumulak sa akin. Pagka-pihit ko ng katawan sumalubong sa akin ang nakatayong si Gavin na kakaakyat lang din ng rooftop. Akala ko ba'y naroon na siya ibig sabihin nang umaakyat ako nasa hulihan ko lang siya. Mapapansin ang pawis sa kanyang noo na kanyang pinahid ng panyo. Nang mapunas niya ang pawis, inihampas niya sa mukha ko ang panyo. Kinuha ko ng isang kamay bago liparin. "Punasan mo iyang mukha mo," sabi niya sabay lakad. Nilampasan niya ako't tumungo siya sa ginta. Doon siya naupo. Tiningnan niya pa ako na tila baga inaantay niya akong gumalaw sa kinatatayuan ko. "Kung sinabi mo sanang paakyat ka palang din. Hindi na sana ako nagmadali," reklamo ko sa kanya sa aking paglapit. Naupo ako sa kanyang tabi. Nilagyan ko ng ilang pulgada ang pagitan naming dalawa. Inilapag ko ang supot ng pagkain katabi ng pink na notebook. "Nadali ka ano?" walang buhay niyang sabi. "Hindi naman." Inalis ko ang backpack kong dala. Pinagpatuloy ko ang pagpunas ko ng pawis sa aking mukha. "Ba't ka kasi nagmamadali? Kailangan bang makita mo ako kaagad samantalang kakausap lang natin." Humarap siya ng upo sa akin. Kinuha niya ang panyo sa aking mga kamay kaya nakaramdam na naman ako ng kakaibang kiliti sa pagkiskis ng aming balat. "Naiwan mo itong supot," sabi ko habang pinagmamasdan ko ang kanyang mukha. Sa malapitan makapal ang kanyang kilay at pilik mata. Pinunasan niya ang pawis na hindi ko napunasan sa gilid ng aking pisngi. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa iyon sa akin. Ako'y natamimi lang, paano ba naman kasi hindi ako sanay na may gumagawa sa akin ng ganoon. Nang matapos siya sa pagpunas binalik niya sa kanyang bulsa ang panyo. Gusto ko siyang tanungin kung bakit siya ganoon sa akin? Pero binaliwala ko na lang katanungan na iyon. Paano kung ang isasagot niya ay hindi ko magustuhan? Sagot na hindi ko kayang tanggapin. Kaya imbis na bigyang kahulugan ang mga ginagawa niya, pinalampas ko na lang katulad ng hanging humahampas sa aming mga mukha. "Sa'yo kaya iyan. Binili ko iyan para sa'yo. Alam ko kasing patay-gutom ka." Nahiga siya sa sahig gamit na unan ang kanyang bag. Dahil sa papalubog na ang araw hindi na nakakasilaw pagmasdan ang kalangitan. Kaaya-aya pa nga ang kalangitan sa manilaw-nilaw na sinag ng araw. Sinipa ko siya sa hita. "Sinabi mo sana agad," sabi ko't tiningnan ang supot na may lamang macaron ng goldilacks. Napatingin ako sa kanyang mukha. "Bakit mo naisipang bilhan ako nito?" "Gusto ko lang. Bakit ayaw mo ba? Akala ko ba paborito mo iyan?" Muli siyang naupo't kinuha ang supot. Nilabas niya ang macaron saka sinuri. "Nagkamali lang siguro ako ng dinig. Mali ang nabili ko." "Akin na." Hinablot ko sa kanya ang macaron. "Sino may sabi sayong paborito ko ito?" Binuksan ko ang macaron nang makaramdam ng gutom. Ang totoo niyan hindi ako kumain ng tanghalian sa sobrang pagtitipid. "Si Mip," aniya kaya pala niya alam. Susubo ako ng macaron nang umisog siya sabay ngumanga sa harapan ko. Gusto niyang subuan ko siya, pero hindi ko muna ginawa. Binigay ko lang sa kanya ang macaron. Siya naman ay nilagay sa hita ko ang macaron. Pumuwesto siya ulit ng nganga kaya kitang-kita ko ang puti ng ngipin niya't ang mamula-mula niyang dila. Bumuntong hininga ako ng malalim. "Hindi ka naman bata para magpasubo ka pa," sabi ko pa taliwas sa aking galaw. Nagsubo muna ako ng macaron bago ko siya sinubuan. Sa ginawa ko'y tila tumigil ang oras habang patungo ang aking daliri sa kanyang bibig hawak ang macaron. Salubong ang aming mga mata. Nang marating ng aking daliri ang pakay, bumalik ang takbo ng oras. Nginuya-nguya niya ng dahan-dahan ang macaron bago magsalita. "Masarap," aniya. Napansin niya ang pink na kuwarderno kaya kinuha niya ito at tiningnan. "Kanino ito?" "Sa akin," ani ko na may laman ang bibig. "Hindi ito sa'yo." Ito ang sinabi na isang katotohanan. "Alam mo naman palang hindi sa akin. Tinanong mo pa kung akin o hindi." Nirolyo niya ang notebook sabay hampas sa aking mukha. Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag kang mamilosopo, baka gusto mong mabugbog." "Nanghahamon ka?" pag-udyok ko. "Baka nakalimutan mo, naupakan kita." "Sigurado ka? Gusto mo? Ibang bugbog sinasabi ko," sabi niya pa na may ngisi sa labi. Kinuha ko ang hawak niyang notebook at siya naman hinampas ko nito. Tumawa siya ng malakas. Pinagpapalo ko siya ng paulit-ulit sa sobrang inis. Hindi ko gusto ang biro niya. Natigil lang ako dahil sa aking pagkasamid. Naubo-ubo ako para matanggal. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa inis. "Gustong gusto ko kapag naiinis ka." Kinurot niya ang pisngi ko kaya pinalo ko ang kanyang kamay. "Aba. Kaya kinakaibigan mo ako dahil para may pagtawanan ka." "Hindi ah." "Maniwala ako sa'yo. Lagyan mo nga iyan ng dislikes at likes mo." Pinasa ko sa kanya ang notebook saka pinagpatuloy ang pagkain. Sinubuan ko siya ulit nang muli siyang ngumanga. Binuksan niya ang notebook saka kumuha ng ballpen mula sa kanyang bag. Nagsulat siya sa notebook na hindi nagrereklamo. Nang matapos sa pagsulat sinara niya ang notebook saka tumayo bitbit ang kanyang backpack. "Huwag mong tingnan ang nilagay ko. Malilintikan ka sa akin." Tumingala ako sa kanya. Kinurot niya ng pisngi ko bago siya umalis. "Mauna na ako. Umuwi ka narin," dagdag niya sa kanyang pagalalakad. Sinundan ko siya ng tingin hapo ang aking pisngi. Nanatili ako roon sa rooftop habang inuubos ang macaron. Saka gusto kong mauna si Gavin ng baba ng hagdanan. Nalingonan ko ang notebook na pink at parang gusto kong tingnan kung anong nilagay niya. Nang masiguradong nakababa na si Gavin, tumayo narin ako't lumakad bitbit ang notebook. Sa aking likuran ay ang aking backpack. Nilamukos ko ang papel na supot sabay tapon sa gilid kasi ubos narin ang macaron. Sa aking pagbaba naroon parin si Gavin na nakaupo sa baitang ng hagdanan. Nilampasan ko lang siya kasi nakangisi siya ng malapad. Hindi naging maganda ang pakiramdam ko sa ngisi niyang iyon. Kaya walang pagaatubili kong tiningnan ang sinulat niya sa notebook. Nang tingnan ko ang mga nilagay ni Gavin, nawala ang puso ko sa dibdib sa sobrang pagkakabog. Puro pangalan ko ang nakalagay sa likes. Sa dislikes ay wala siyang nilagay na kahit ano. Kumunot ang noo ko. "I told you not to read it," aniya sa aking likuran. Nilampasan niya lang ako at nauna siyang bumaba ng hagdan habang tumatawa. "Ano ito?" ang sigaw ko sa kanya sa kanyang pagbaba. Lumakas lang lalo ang kanyang pagtawa sa akin. Uminit ang ulo ko sa kalokohan niya. Paano ko makukuha ang pera kung ganoon ang nakalagay. Kaya ang ginawa ko'y pinitas na lamang ang pahina ng page. Muli kong sinulat ang mga lalagyan ng likes at dislikes. Nang mailagay ko ang mga bagay na tingin ko'y gusto at hindi gusto ni Gavin, bumaba narin ako. Dumiretso na ako sa gate pagkababa ko ng hagdanan. Napapatingin ako sa mga estudyanteng papauwi narin. Ang langit ay bahagya nang dumidilim. Nagsisimula na ngang bumukas ang mga ilaw sa campus. Kumaway ako nang makita ko si Mia sa bukana ng gate kalapit ng puno. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Mabilis akong lumapit sa kanya sabay bigay sa kanya ng notebook. "Okay na?" tanong nito sa akin. Binuklat nito ang notebook na ikinataas ng kanyang kilay dahil sa pitas. "Oo." Bago pa ito magtaka kung bakit ganoon, ginawan ko ng kuwento. "Piniatas ni Gavin iyong una niyang sinulat kasi hindi niya masyadong nalagay iyong mga gusto niya. Pero iyan sure na sure na." "Paano ako makakasigurado na si Gavin ang nagsulat nito?" Pinakatitigan nito ang nakasulat kaya hindi nito maiwasang ngumiti. "Ako ang nagsulat niyan. Sinasabi lang ni Gavin kung anong dapat ilagay." Pagsisinungaling ko ulit. "Para makasigurado, tanungin mo na lang si Gavin." "No. Okay na ito." Binuksan niya ang bitbit na pouch saka inilabas ang kanyang wallet. Binigyan niya ako ng limang libo na kaagad kong tinanggap sabay suksok sa bulsa. Lumakad na siya matapos nito akong mabigyan ng bayad. Binabasa nito ang notebook habang humagikhik. Nailing nalang ako, kung alam lang nito na gawa-gawa ko lang ang nakalagay sa notebook. Sumakay ito sa kotseng naka-park sa labas ng gate. Pero sigurado ako hindi nito matatanong si Gavin. Tumawa pa ako dahil nagkapera ako sa madaling paraan. Natigil lang ako sa pagtawa dahil may pakiramdam akong may nakatitig sa akin. Pagkalingon ko nga'y naroon si Gavin mga sampung hakbang ang layo sa akin na may masamang tingin. Tinaas niya ang kanyang kamay sabay senyas ng daliri upang lumapit ako. Lumingon ako kaliwa't kanan kung ako ba ang pinapalapit niya. Tinuro ko pang sarili ko para makasigurado ginantihan niya ako ng tango. Ngumiting aso lang ako sabay karipas ng takbo papalabas ng gate. Hindi ako lumingon hangga't hindi ako nakakalayo. Tumigil ako sa gilid ng kalsada para magpahinga, pagkatingin ko sa likuran, ang akala kong hindi nakasunod na Gavin ay ayun malapit na sa akin. Bago pa ako makatakbo naabutan na niya ako sabay inipit ang aking leeg sa kanyang siko. "Anong ginawa mo ha? Anong nilagay mo roon sa notebook?" sa sinabi niya'y alam kong alam niya na pinalitan ko ang pinaglalagay niya. Hinawakan ko ang kanyang kamay kaso lalo lang niya lang ako sinasakal. "Bitiwan mo nga ako," reklamo ko. Kami lang ang taong sa gilid ng daan. "Hindi. Sabihin mo muna ang nilagay mo doon sa notebook. Doon pa sa may crush sa'yo binigay." "Baliw ka! Sa kanya iyon. Saka hindi naman ako ang crush noon kundi ikaw. Kaya ko nga nilagyan ng kung anu-ano lang iyong notebook," pagpapaalam ko sa kanya. Lumuwag ang kanyang kamay pero imbis na pakawalan ako hinawakan niya ako sa kuwilyo. "That's good to hear. Sabi ko sa'yo walang magkakagusto sa'yo eh." Inalis niya ang kanyang kamay sa kuwilyo ko't hinawakan ako sa baba. "Tingnan mo itong mukha mo. Kung hindi lang sa suot mong salamin baka naisip kong alien ka. Wala talagang magkakagusto sa'yo na babae." Siniko ko siya kasi hindi ko gusto ang paraan ng pananalita niya. "Ikaw na ang gustuhin!" Nakakaramdam na naman ako ng inis. Inalis niya naman ang kanyang kamay kaya lumakad na ako. Pero bumalik ako sabay sipa sa kanyang paa saka muling tumakbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD