Kabanata 6

5239 Words
Palagi kong tinatanong si Mip kapag may pagkakataon tungkol sa itsura ko. Aaminin ko madali akong panghinaan ng loob pagdating sa itsura. Hindi naman ako maka-porma ng maayos dahil wala rin naman akong maisuot na pormal na damit. Kung bibilangin ko ang bawat tanong ko sa kanya baka umabot na ng mahigit isang daan. Nagsasawa na nga siya sa akin. "May nagkakagusto naman sa'yo ah, si Mia," sabi pa nito sa akin. Hindi nito alam ang mapait na katotohanan. Ininom nito ang kape. Hindi mapigilan ng mga taong naroon sa coffee shop na tingnan kami pareho ng aking kaibigan. Nagtataka ang mga ito kung bakit kausap ng magandang babae ang isang lalaking napag-iiwanan ng panahon. Hindi ako nararapat sa lugar. "Si Gavin ang gusto noon. Sabi niya sa akin. Nagkamali lang siya ng nasabi sa'yo," pagpapaalam ko sa kanya. Iyong reaksiyon ay inasahan ko na kasi tinawanan niya lang ako. "Bakit kasi hindi ka maghanap ng liligawan sa school natin?" "Hindi ko gusto. Puro sosyal mga tao doon. Tulungan mo akong makahanap." Para akong bata ng mga oras na iyon, nagmamaakawa sa kaibigan ko. Nginitian lang ako nito. "Kaya nga kita dinala rito. Kasi nagsasawa na ang taenga ko sa kamamaktol mo ng 'bakit 'di ako gustuhin', bakit 'di ako guwapo'. Kita mo iyang restaurant sa kabila." Tinuro pa nito ang resto na kaharap ng coffee shop sa abalang lansangang iyon. Ang mga ilaw sa loob ng resto ay nagdadala ng marangyang pamumuhay. "May pakulo sila na blind date. I already filled up a form para sa'yo. Ang kailangan mo lang gawin ay pumasok diyan." "Sigurado ka?" ang hindi ko makapaniwalang tanong. Hindi ko lubos maisip na ginawa nito iyon para sa akin. "Oo." Tiningnan nito ang oras sa relos nito sa kamay. "Tara na ihatid na kita. Malapit na silang magsimula," pagyaya nito sabay tayo kahit hindi pa nauubos ang kanyang kape. Ako namang itong utu-uto pumayag naman sa aking kaibigan. Baka nga naman magkagustuhan pa kami ng makaka-date ko sa blind date na iyon. Kahit papaano'y na-excite rin naman ako. Lumabas kami ni Mip ng caffe shop, ang paglalakad nito'y may kasiguraduhan. Nasa hulihan lang ako nito na tila baga ako'y kanya lamang bodyguard. Pumasok kami ng resto, at hindi ko maiwasang kabahan. Paano ba naman kasi sa amin nakatingin ang mga taong kumakain. Lumakad kami sa gilid ni Mip hanggang makarating sa isang pasilyo. Nilakad namin ito hanggang makarating sa counter kung saan naroon ang isang babae na nakasuot ng taenga ng koneho at pang-maid na damit. Naiwan si Mip sa counter at ako'y tuloy-tuloy ng lakad. Kinausap nito ang babaeng koneho. Ako naman ay inabala na lang ang sarili sa pagtingin sa mga litratong nakasabit sa pader. Mga litrato ng mga couple na nakipagblind date. Lumingon lang ako sa gawi ng counter nang magsalita ang babaeng may taenga ng koneho. Tapos na itong kausapin ni Mip. "Dalhin ko na po kayo," sabi nito. Tiningan ko si Mip sa likuran nito na may malapad na ngiti. Iba ang saya na nakikita ko sa mukha nito. Pakiramdam ko'y may mangyayari na hindi maganda. Pero inalis ko ang isipin na iyon, dapat mag-enjoy na lang ako sa blind date. "Sa coffee shop lang ako ha. Doon mo ako puntahan kapag natapos na blind date mo," pagbibigay alam nito. Tumango ako bilang sagot saka ito lumakad na kinakaway ang kanyang kamay. Pagkatingin ko sa babaeng koneho ay naglalakad na ito kaya kaagad akong sumunod. Tumigil kami sa pintuang may naka-dikit na malaking puso. Binuksan ng babaeng koneho ang pinto saka nagsenyas itong pumasok ako. Humakbang naman ako papasok. "Antayin niyo na lang po ang pagsisimula," sabi ng babaeng kaneho. Magtatanong sana ako kaso sumara ang ng tuluyang ang pinto. Napabuntong hininga na lamang ako't napaupo sa upuang naroon. Inantay ko na lang ang susunod na mangyayayari na nakatitig sa pinto. Ilang sandali pa'y bumukas ang pinto sa aking harapan. Sumilip ang isang babaeng naka-costume ng koneho at natatabunan ng maskara ng parehong hayop. Inalis ko ang aking bigat sa upuan upang makatayo at lumapit ako rito. Dinala ako nito sa pinto na may nakasulat na numero sa kulay ginto. Huwag sana akong malalasin. Dahil pagod na ako na palaging ganoon. Bago ako pinapasok ng babaeng koneho binigyan ako nito ng blindfold na may disenyong puso sa dalawang takip. Nagsign ito na isuot na ang blindfold na kaagad ko namang ginawa. Kinakabahan ako ng kaunti kasi unang beses iyon na masali ako sa ganoon. Hinawakan ako ng babae sa braso at iginiya papasok sa loob ng pinto. Pinaupo ako nito sa upuan bago ko ito narinig na umalis. Pagkasara ng pinto nanuot sa aking ilong ang amoy ng rosas na nagdadala ng romantic na feeling. Humalo ang rosas sa pagningas ng kandila. Tumataba tuloy ang aking puso at tumitibok ng patalon-talon. "Nasa harapan niyo na ang magiging partner niyo sa blind date na ito," ang sabi ng boses ng babae sa intercom. Napalunok ako ng laway sa narinig. Hindi ko lang talaga napansin ang kapartner ko sa blind date na iyon sa aking harapan dahil sa piring. "Huwag pong maging kj at magsaya lang po tayo. Puwede niyo na pong tanggalin ang blind fold upang makipagsimula na tayo." Kakaiba ang naramdaman ko sa sinabi ng boses. Dahan-dahan kong inalis ang blindfold at unang nakita ko ay ang mesa na nababalot ng table clothe na pink. Katabi ng bulalak ang tissue. Kasunod naman ng tissue ay ang numero ng table sa loob ng ginupit na pusong papel. Nasa gitna rin ang tatlong mabangong kandila na tanging umiilaw sa kuwarto. Nang tuluyan kong matanggal ang blindfold naghalo-halo ang aking narandaman sa sobrang gulat. Hindi isang babae ang nasa harapan ko kundi isang lalaki. Hindi lang basta isang lalaki kasi ubod ng guwapo. Dahil sa itsura niya napilitan akong sabihin sa isipan. "Anong ginagawa mo rito?" ang sigaw ko ng malakas dahil sa pagkabigla. Napalingon-lingon ako sa kaliwa't kanan kasi baka nagkamali lang ako ng napasukan. Ang bawat table ay napapagitnaan ng makapal na dingding na gawa sa kahoy kaya hindi ko makita ang mga katabing kalahok. "I should be the one asking you that, Nixon?" ang sabi pa ng lalaki. Tila iyon ang pinakasimpleng puwedeng sabihin niya. Bahagya siyang nag-isip kaya pansin ko na kaagad niyang napagtanto kung anong nangyari. At kung bakit pareho kaming na sa mesa na iyon. Samantalang ako ay natagalan bago ko marealize ang dahilan kung bakit nasa pareho kaming mesa. Ngumiti pa siya na parang walang mali sa kinalalagyan naming sitwasyon. "Lalaki ba ang gusto mo? O mali lang ang napasukan ko?" ang sabi ko na lang. Niluwagan niya ang necktie ng suot na navy blue na suit. "Hindi. Oo," ang sagot naman niya. "Ang malas ko naman." Hinampas ko ang aking ulo sa mesa. Umingay ang naroong muwebles na ikinabigla niya. Tumuwid ako ng upo habang nag-iisip ng gagawin. Iyon ang unang beses na nakakita ako ng kaedaran na lalake na nagsuot ng suit. "Hindi ako naniniwala sa ganyang bagay," ani ng lalaki. "Mahilig ka sa blind date?" ang nakuhang kong itanong para mabawasan ang hiyang nararamdaman. "Sinubukan ko lang for a change," walang hirap niyang sabi. "Puro ka for a change. Ikaw na may sabi na kahit sinong babae kaya mong makuha. Tapos ngayon nakikipagblind-date ka." Hindi ko mapigilan talagang magtaka bakit ko siya kaharap ngayon. "Nagkamali lang siguro sila ng ibinigay sa aking partner," dagdag ko. "Marahil iyon ang naging dahilan," pag-sangayon naman niya. "Excited pa man din ako. Akala ko may makakadate akong magandang babae." Umayos siya ng upo dahil sa sinabi ko. "Dapat matuwa ka nga kasi ako ang naging partner mo," ang sabi pa ng lalaki na may pagmamalaki sa kanyang boses. Sa pandinig ko naman ay isang biro ang sinabi niya. Hindi ako puwedeng malinlang ng kanyang kalokohan. "Nakakatawa ang sinabi mo Gavin. Pero sorry, hindi ako tumatawa," seryoso kong sabi sa lalaki kaya sumalubong ang kilay niya. "Ma'am, papalit po ako ng table. Mukhang nagkamali po kayo," sabi ko na nakatingin sa camera na nakabit sa taas ng pader. "Sir sa table 12 puwede pong tumahimik kayo. Wala na po tayong magagawa. Iyan po ang gusto niyo kaya mag-enjoy na lang kayo. Hindi po masama ang kapareha mo ay lalaki. Mas masaya po iyan base sa aking opinyon. Subukan niyo po muna bago magreklamo, okay," ang sabat naman ng babae sa intercom na lalong dumagdag sa hiya na nararamdaman ko. "Wala akong susubukan," sabi ko para sa aking sarili. "Takot ka ba na may gagawin tayong kakaiba o natatakot ka dahil gagawin mo iyon kasama ang isang lalaki? Higit sa lahat ako pa ang partner mo" ang makahulugang sabi ni Gavin. Sinamaan ko siya ng tingin. Habang tumatagal hindi ko na masakyan ang kanyang kalokohan. "Anong pinagsasabi mo? Nabagok ba ang ulo mo?" "Sinasabi ko lang sa'yo, magsaya lang. Kakain lang naman tayo at mag-uusap," pagpapaliwanag niya. Para namang ang dali ng sinasabi niya. "Iyon na nga. Ang kasama kong kumain ay isang lalaki, hindi babae. Hindi ko talaga lubos maisip na may ganitong blind date rito." Hindi ko parin matanggap. "Gusto ko ng umalis." "Gusto ko rin namang umalis kagaya mo. Pero hindi ka makaalis hanggang 'di natatapos ang blind date na ito sa pagkakaalam ko." Nabahiran ng kaunting inis ang sinabi niya dahil sa huling narinig niya sa akin. Nasasaktan ko ba siya sa pagtanggi ko. Wala akong balak na alamin. Sa sinabi niya'y tumayo ako't sinubukang buksan ang pinto. Pero naka-lock iyon sa kabila. Sa huli ay naupo ako ulit. Masyado lang siguro akong nagiging paranoid. Wala namang ibang mangyayari. Masyado lang akong nag-iisip ng hindi maganda. "Just go with the blow. Ang ibig mong sabihin?" wika ko at tumango siya sa aking katanungan. Bumuntong hininga ako't tinanggap na lamang ang sitwasyon. Tinatak ko na lang na kami'y magbarkada na kumakain. Sa puntong iyong muling nagsalita ang babae sa intercom. "Una po ay magpapakilala mo na kayo sa isa't isa. Puwede po kayong magpalitan ng number kung gusto niyo," ani ng babae. "Saan ka nga ba nakatira, Nixon?" si Gavin ang nagsimula sa pag-uusap naming dalawa. Ang baduy ng unang casual niyang tanong. "Huwag mo ng alamin," ang akin namang sagot. "Okay, that's better." Sa timbre ng boses niya'y bigla siyang tinamad. "Nag-palitan na ho ba kayo ng number?" sabi ng babae na parang nasa tabi lang. "Hindi na kita hihingan ng number kasi wala ka namang cellphone," ang sabi ni Gavin nang ilabas niya ang mamahaling iphone 6. Sa sobrang nipis kapag nahulog ay baka mabasag. Nahulog nga ang cellphone niya nang ipapatong niya ito sa mesa. Ngunit hindi napano ang cellphone sa sobrang tibay. Pinulot niya ang cellphone mula sa lapag at medyo natagalan sa pagkayuko. Sinilip ko siya sa ilalim ng mesa kasi pakiramdam ko may iba siyang tinitingnan. Nagkasalubong ang aming mga mata sa ilalim. "Anong tinitingnan mo?" "Wala," ang sabi niya saka umayos ng upo. Tumuwid din naman ako ng upo. "Grabe ka. Nakatsinelas ka lang. Hindi mo man lang pinaghandaan itong blind date." "Sa komportable akong naka-tsinelas lang," sabi ko sa kanya. Hindi talaga ako mahilig pumorma katulad ng gabing iyon. Naka-jacket lang ako ng itim, black and white stripes na shirt, panatalong itim na may mga butas at tsinelas. Malaking kabaliktaran ni Gavin na handang-handa. Bagong gupit pa ito dahil manipis ang buhok samantalang ang sa akin sa sobrang haba natatakpan na ang taenga't mata. Tinatamad akong magpagupit, iniisip ko kasing gagastos pa ako roon. "Mukhang tapos na po kayo sa pagpapakilala kaya ipapasok na po namin ang appetizer," pagkasabi ng babae nito bumukas ang pinto na nasa likuran ko at pumasok ang waitress na naka-costume parin ng koneho. "Pinili po namin ng maayos ang appetizer na akma para sa inyo." Tumaas ang dalawang kilay ko nang mailagay ng waitress ang appetizer namin ni Gavin. Samantalang si Gavin ay walang reaksiyon sa nakita. Saging ang appetizer na nilagyan ng condense milk sa dulo at sa puno naman ay dalawang sunny side up na itlog. Kabaliwan ang nasa aking pinggan. Napa-facepalm ako sa paglabas ng waitress. Si Gavin ay tahimik na tinusok ang saging gamit ang tinidor. Itinikom ko ang aking bibig baka isipin ng kaharap ko na masyado akong apektid, samantalang pagkain lang naman iyon. Matatapos din ang blind date na iyon. Kailangan ko lang maging matatag. "Naibigay na ang mga appetizer niyo," pagsingit ng babae sa intercom. "Magsusubuan po kayo. Ang unang susubo po ay ang nasa kaliwa. Hindi po kayo makakatakas kaya huwag kayong umiwas. Kita po namin ang lahat ng inyong ginagawa. Para sa inyo ang ginagawa namin." "Seryoso? Kailangan talaga?" tanong ko kay Gavin. Hindi ko naman puwedeng tanungin ang sarili ko kasi alam ko na ang isasagot. Naglagay siya ng slice ng saging sa tinidor sabay taas upang makain ko. "Here, isubo mo na," aniya na tila may ibang gustong isatinig. Ngumisi pa siya ng matalim. Pinagsalubong ko ang aking dalawang kilay sa kanya. "Bilisan mo para matapos na," dagdag niya. Sa sinabi niya'y pakiramdam ko'y hindi niya rin gustong tumagal sa lugar na iyon. Isinubo ko na nga lang ang saging at nginuya. Siya'y binalik ang sarili sa pagkain. Ako naman ay malaking slice ang nakuha ko sa pagtusok ko ng tinidor sa saging. Nanginginig ang kamay ko habang inilalapit ang tinidor sa mukha ni Gavin. "Ito sa'yo," ang sabi ko pa dahil sa kaunting kaba. Imbis na isubo agad ni Gavin, nakuha pa niyang magkumento. "Nanginginig ka ba?" Tinitigan pa niya ang aking kamay. Nakuha pa niyang magtanong. Nakikita naman niya kung anong nangyayari. Ako'y naiinis. "Hindi," ang sagot ko at sinubo bigla ang saging sa bibig niya. Mabuti nalang nakanganga na siya kaagad. Pero nabilaukan siya sa sobrang laki ng slice ng saging. Dali-dali siyang uminom ng tubig at umubo-ubo. "Papatayin mo ako ah," aniya matapos malunok lahat ng saging. Uminom siya ulit ng tubig at nagpunas ng bibig. Binigyan ko siya ng pekeng ngiti sabay lapag ng tinidor sa pinggan. Hindi ko na tinapos ang pagkain sa saging sa pagkawala ng gana. Sino namang gaganahan kung ganoon ang itsura ng pagkain. Sa pagtunong ng bell, muling pumasok ang waitress at kinuha ang hindi nauubos na pagkain. Nakasunod lang ang mata ko sa likuran ng babae dahil sa malaking puwetan nito. Inilagay nito ang main course para sa gabing iyon sa mesa. Hanggang sa paglabas ng waitress nakasunod parin ang mata ko sa likuran ng babae. Pagbalik ko ng tingin kay Gavin masama ang mukha niya habang sinisimulan ang pagkain sa beef steak. "Ano ha?" udyok ko sa kanya kasi parang may naiisip siyang hindi maganda. Sinubukan kong i-slice ang karne sa pinggan pero parang walang talas ang hawak kong kutsilyo. "Wala naman," sagot niya habang nag-slice ng karne. Napansin niyang nahihirapan akong mag-slice dahil sa walang talas na kutsilyo. Naguluhan ako sa sumunod niyang ginawa. Pinagpalit niya ang aming pinggan. Hindi man lang ako nahiyang kinain ang beef steak kahit hindi ako naghirap. Patuloy siya sa pagslice habang ako'y kumakain. Pinagmasdan ko ang tangos ng ilong niya, ang mapula-pula niyang labi at matang serysong nakatitig sa pinggan. Nahuli niya ako ng nakatitig. "Ano ha?" siya naman ang nagtanong katulad ko kanina. "Parang nakikita ko may nakain kang hindi maganda. Ibang-iba ka sa nakikita ng mga tao," sabi ko. "You got it all wrong," aniya saka kinain narin ang beef steak. Binibigyan ko nga siya ng compliment ayaw pang maniwala. Mali siguro ang paraan ng pagkasabi ko. Ang inisip ko na lang ay may topak siya na anumang oras ay mawawalan ng bait. Natapos kami sa pagkain. Makailang ulit din kaming nagtitinginan habang hindi nakatingin ang isa sa amin. Para kaming naghuhulihan na magnanakaw. Hindi ko nga alam bakit ganoon ang nangyari dahil siguro sa dalawa lamang kami sa mesa kaya wala ng puwedeng tingnan maliban sa isa't isa. Matapos kaming makainom pareho ng tubig, muling nangabulabog ang babae sa intercom. Lalong nakakagulat ang ipinihayag nito. "Para po sa pagtatapos ng blind date na ito. Kailangan niyo pong mag-selife na magkapareha para remembrance." Pagkarinig ko rito ay kaagad akong tumayo patungo sa pinto para makalabas na. Sumasagi sa isipan ko ang mga litrato ng couple na nakasabit sa dingding sa pasilyo. "Huwag niyo naring subukang umalis kaagad dahil hindi po bubukas ang pinto hanggang 'di pa po tapos." Sinubukan ko ulit pihitin ang door knob pero naka-lock nga talaga. Tinatamad kong binagsak ang sarili sa upuan. "Grabeng blind date ito. Sapilitan," pagmamaktol ko. "Maganda naman ah," ang sabi ni Gavin na ikinasama ko tingin sa kanya. "Sa kanila, oo. Sa atin hindi." Itinuro ko pa ang kasunod naming kapareha sa likod ng dingding. Mataman niya lang akong pinagmamasdan. "At para lalong maging malapit ang magkapareha sa isa't isa, halikan niyo po ang partner niyo. Gawin niyo na dahil may sorpresa kami pagkatapos! Bahala na kayo kung anong klaseng halik ang gusto niyong gawin!" dagdag ng babae sa intercom. "No way!" ang hindi ko mapigilang sigaw. Malaking pagkakamali talaga ang pumunta sa blind date na iyon. Tumayo si Gavin upang sa akin ay lumapit. Kaagad ko siyang pinigilan. "'Wag mo ng ituloy kung anog balak mo." Ako naman ang tumayo at umikot ng mesa nang hindi siya nagpapigil. Nakabuntot lang siya sa akin ng lakad sa pag-ikot namin mesa. "Bilisan mo. Sa pisngi lang kita hahalikan. O baka gusto mo sa labi pa?" "Kasuka ka. Wala ka sa matinong pag-iisip," sigaw ko sa kanya. Hindi bale ng pagtawanan ng mga katabi huwag lang mangyari na hahalikan ako sa pisngi ni Gavin. Natatakot ako kahit hindi ko alam ang dahilan ng aking takot. "Saglit lang naman. Dampi lang," aniya ng mukhang enjoy na ako'y asarin. "Tumahimik ka. Kung anu-ano pumapasok sa kokote mo!" "Huwag ka ngang lumayo para pareho na tayong makauwi. May pupuntahan pa ako. Ang arte mo." Nagsubukan kami ng tingin ng dalawa sa pagtigil namin sa pag-ikot. "Fine!" Nilapitan ko siya sabay hawak sa kuwilyo at inilapit ko sa kanyang katawan ang aking sarili. "Walang lalabas ng ano mang nangyari rito. Lalo na ito, naintindihan mo?" sabi ko sa kanya. Isang inch na lang ang namamagitan sa aming mga mukha. "Sure," pagsangayon niya. Hinawakan niya ako sa ulo ng dahan-dahan na tila baga nilalasap ang aking buhok. Hindi na rin nagtagal hinalikan niya ako sa pisngi. Nakaramdam ako ng kakaibang damdamin na nagpanginig sa buong kong katawan sa paglapat ng labi niya sa aking pisngi. Tinulak ko siya nang matapos. "Done. See. Selfie naman." Pinahid ko ang aking pisngi na hinalikan niya. Gusto ko lang mawala iyong naramdaman ko. Pinagmasdan ko siya saka pumuwesto sa tabi niya para makapagselfie. Nawaglit sa aking isipan na nilalagay ang mga litrato sa pasilyo. Itinaas niya ang hawak na cp sa aming harapan. Tumingin ako sa kanyang mukha dahil hindi ko makakaila ang saya na nakikita ko. Kumikislap ang kanyang mga mata. "Mukhang enjoy ka. Baka into guys ka," ang bigla kong sabi sa kanya. "Hindi ah. Pero kung ikaw ang para sa akin. Puwedeng puwede." Ngumisi pa siya ng matalim. Nakakabingi ang sinabi niya kahit hindi naman siya sumigaw. Inakbayan pa niya ako kaya siniko ko siya sa tagiliran. "Marunong ka rin palang magbiro. Pero hindi nga lang maganda," sabi ko sa kanya. "Ang daldal mo," ang sabi niya kahit hindi naman ako nagdadaldal. Pinindot niya ang camera kahit hindi ako nakangiti. "Ngumiti ka naman. Balita ko may premyo itong blind date kaya ibigay mo na ang pinakaguwapong mong ngiti." Pinisil pa niya ang aking balikat. Sa narining na premyo ngumiti ako ng malapad kahit pilit. Pero siya hindi naman kailangan ng mga premyo, ngunit bakit gusto niyang manalo. Pagkapindot niya sa camera naging tunay ang aking ngiti na gumuhit ng kanya lang. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa akin. Kaya humiwalay ako sa pagkakapit ni Gavin at lumakad na tinutumbok ang pinto. "Matapos kayong makalabas pumunta lang po kayo sa counter sa dulo ng hallway pagkalabas niyo ng pinto. Doon niyo ipapasa ang selfie para sa premyo. Oo, may premyo at hindi lang basta premyo dahil trip for two sa palawan ang premyo na makukuha ng the best couple ngayong gabi. Puwede niyo ring totohanin ang maging magkasintahan matapos nito para masaya ang buhay!" sa sinabi ng babae sumunod-sunod ang palakpak. Hindi ko na inantay si Gavin at nauna ng lumabas. Itinabon ko ang suot na hoody sa mukha nang makita ang paglabas ng dalawang babae sa magkabilaang pinto, tatlong pinto mula sa nilabasan ko. Ang isa sa mga ito ay si Mia na nagkakagusto kay Gavin. Iniwan ko ang tingin sa mga ito habang kausap ng mga ito ang kanilang naging blind date na lalaki. Ako lang talaga ang minalas. Nilampasan ko lang ang apat habang nakayuko ang ulo. "Oh, si Gavin ka diba? Anong ginagawa mo rito?" ang rinig kong sigaw ng isa sa mga babae. "Sino naka-blind date mo?" ang tanong pa ni Mia. Pareho silang hindi nakakuha ng sagot mula kay Gavin. Dahil sa mga ito binilisan ko pa lalo ang paghakbang. Nakalampas ako sa pasilyo at nadaanan ang counter. Tinawag pa ako ng babae na nasa likuran nito na naka-konehong taenga pero hindi ko ito nilingon. Umalis ako ng resto na iyon saka lumabas sa salaming pinto. Tinanggal ko ang hood sa mukha ng marating ang coffee shop. Pagkakita ko sa kaibigan kong si Mip tumimo sa aking isipan na naisihan ako nito. Nakuha pa nitong kumaway samantalang nilagay ako nito sa sitwasyong labis akong nakaramdam ng kahihiyan. Mabuti na lang mabait akong tao. Pumasok ako ng coffee shop upang malapitan ito na blangko ang mukha baka mahulaan nito ang balak kong gawin. Sa kasamaang palad hindi pa nga ako nakakalapit tumayo na ito kaagad bitbit ang pouch nito't tumakbo papalayo. Hinabol ko ito kaya nagmistulang playground sa amin ang coffe shop. Naguguluhan ang mga taong naroon. Pinagtitinginan kami ng mga ito. "Huwag kang magpapahuli sa akin," sigaw ko habang patuloy ako sa paghabol. Kapag hahabulin ko ito paikot ng mesa, iikot parin ito. "Di mo ako mahuhuli," ang sabi nito sabay takbo palabas ng coffee shop. Agad ko itong sinundan kaya ang nangyari sa kalsada kami naghabulan. Masuwerte ito kasi medyo masakit ang paa ko dahil sa pagkatisod na hindi ko inasahan. "Ano bang nilagay mo sa form ha? Pahamak ka talaga! Plinano mo ang lahat ng ito!" ang sigaw ko kay Mip. "Akala ko naman mabuti kang kaibigan!" "Wala naman akong nilagay na hindi maganda. Ayaw mo noon! Para makahanap ka ng kasintahan. Malay mo naman lalaki talaga ang para sa'yo at hindi babae kaya lagi kang busted," ang sigaw nito pabalik. Pumasok ito sa isang boutique sabay tago sa likuran ng mga nakadisplay na damit. "Anong walang masama doon?" Hinanap ko si Mip at ang sama na ng tingin sa akin ng saleslady. "Wala naman talaga!" sagot naman ni Mip. Lumabas ito sa pinagtataguan racks ng damit na nasa harapan ko lang. Kumaripas ito papalabas saka muling tumakbo ng matulin. Nakasunod parin ako rito habang pinagmamasdan ang likuran nito. Lumiko ito nang makarating sa isang kanto. Dinagdagan ko ang bilis sa pagtakbo kahit masakit ang paa. Baka mawala sa aking paningin ang kaibigan. Sa bilis ko sa pagliko hindi ko kaagad napansin na may tambak ng mga basura roon na nakasupot ng plastic. Huli na para ako'y makapagpreno kaya ang nangyari, nadapa ako, bumagsak, namudmod sa mga basura. Mabuti na lang wala akong nakain. Nakarinig ako ang malakas na tawa ni Mip. Iniangat ko ang aking ulo kaya nakita ko ito sa paglabas nito sa tinaguan sa likuran ng basurahan. Tatayo na ako ng may mapakan akong madulas kaya muli akong bumagsak sa mga basura. Lalo lang lumakas ang tawa ni Mip. Inuupo ko ang aking sarili sabay sipa-sipa sa mga basura, napapatingin sa akin ang mga napapadaan. Pagkaangat ko ulit ng ulo nasa harapan ko na si Gavin. Nakalahad ang kanyang kamay para ako'y alalayan sa pagtayo. "Tulungan na kita," sabi niya pa. Hindi ko pinansin ang kamay niya't mag-isang tumayo. Pinalo ko ang kamay niya pero hindi niya ako hinayaan. Kumapit ang kamay niya sa galanggalangan ko't sabay hila sa akin patayo. Sa lakas ng pagkahila niya sa akin, bumangga ako sa kanyang dibdib. Kami'y nagkatitigan sa ganoong ayos. Nangungusap ang kanyang mga mata na hindi ko maunawaan. Kung hindi lang sa kaibigan kong si Mip baka hindi ako kumalas kay Gavin. Nilinis nito ang kanyang lalamunan kaya nabalik ako sa reyalidad. "Ikaw Gavin naging ka-blind date ni Nixon?" tanong ni Mip na may sigla. "Parang ganoon na nga," sagot naman ni Gavin. Hawak niya ang isang puting envelope. "Tingnan mo nga naman ang tadhana," sabi pa ni Mip. Sinamaan ko si Mip ng tingin. "Parang hindi mo naman alam na siya," mariin kong saad. "Hindi naman talaga," pagsisinungaling nito. Sa tingin ko talaga isa iyong kasinungalingan. "Umuwi na nga tayo," sabi ko't lumakad na pero hindi ako nakalayo dahil sa pagkahawak ni Gavin sa kamay ko. Pinakititigan ko siya para tanggalin niya ang kanyang kamay. Sa kasamaang palad hindi niya inaalis. "Sama muna kayo sa akin sa ktv bar. Hindi pa tapos ang gabi Nixon," ani Gavin ng mariin. Hindi siya nag-antay ng isasagot ko basta na lang niya akong hinila. Pilit kong inaalis ang kamay ko sa pagkakapit niya pero lalo lang iyong humigpit. Ni hindi siya lumingon. Halos kaladkarin niya ako sa paghila sa akin. Hanggang sa marating namin ang ktv bar na kalapit lamang ng resto. Asahan na ganito dahil nasa lansangan kaming kung saan makikita ang puwedeng mga paglibangan. Si Mip ay nakabuntot lang na naka-plaster ang ngiti sa labi. "Hoy! Hindi naman ako pumayag na sasama sa'yo kaya bitiwan mo na ako," ang sabi ko sa kanya nang kami'y nasa bukana ng gusali. Hindi naman siya sumagot. Nagpadala na lang ako sa kanya. Pagkapasok namin ay walang sinabi si Gavin sa babae a receiving area basta diretso lang siya ng paghila sa akin na tila baga alam kung saan siya pupunta. Tumigil lang kami sa isang pinto sabay pasok rito. Nasa loob ang dalawang kaibigan ni Gavin na si Easton at Li Meng. Naabutan naming kumakanta si Easton na wala sa tono habang nakaupo sila pareho ni Li Meng sa mahabang sofa. Sa harapan nila ang mesa na kinalalagyan ng mga inumin, pagkain at pulutan. "Akala ko ba'y hindi ka pupunta rito?" ang sabi ni Li Meng ng pasigaw para marinig ni Gavin. "Kasama mo pa si Nixon." Hindi sumagot si Gavin. Nabaling ang mata ni Li Meng sa kaibigan kong Mip sa pagpasok nito. Pinalapit pa ni Li Meng si Mip at itong kaibigan ko naman ay sumunod sabay upo sa tabi ni Li Meng. Nag-usap silang dalawa na hindi ko marinig. Naupo si Gavin sa pangdalawahng sofa sabay hila sa akin kaya napatabi ako sa kanya. Inalis niya ang kanyang kamay sa aking galanggalangan kaya doon naramdaman ko ang sakit dahil sa higpit ng kapit niya. Gumalaw ang kanyang ulo papalapit sa akin hanggang sa taenga saka mayroon siyang binulong. "Huwag kang umalis or else rereypin kita sa harapan ng dalawa." Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya kaya sinuntok ko siya sa braso. "Tapos na ang blind-date. Huwag kang magsalita ng walang kabuluhan," sigaw ko sa kanya. Tinanggap niya lang ang pangalawang suntok ko kasabay ng pagtawa. Pinabayaan ko na lang siya't nanahimik. Inalis niya ang jacket ng suot niyang suit kaya ang naiwan ay ang long sleeve na polo shirt na puti. Sinuksok niya ang puting envelope sa bulsa ng jacket sabay lapag sa aking hita ang damit. Binalik ko sa kanya pero pinatong niya ulit sa hita ko. Ako na lang ang tumigil para tumigil narin siya. Nirolyo niya ang sleeve ng suot na polo hanggang sa siko bago siya kumuha ng beer sa mesa. Natapos ang pagkanta ni Easton kaya nag-usap silang tatlo nina Li Meng at Mip na sila lang. Hindi kami kasamang dalawa ni Gavin. Nagtatawanan pa nga ang mga ito na patingin-tingin sa aming dalawa ni Gavin. Tahimik lang si Gavin habang umiinom. May pakiramdam ako na kami ang pinag-uusapan ng tatlo. Ang kaibigan ko pa ba, hindi rin iyan magpapahuli sa kalokohan. Kumuha ako ng maiinom pero bago ko pa mailapit sa bibig ang bunganga ng bote, pinigilan ako ni Gavin. "You can't drink," sabi niya sa akin na para siya'y aking boss. Inalis niya ang bote sa akin sabay lapag sa mesa. "Huwag mo akong pigilan." Kinuha ko ang bote ulit. Nilapag niya ang hawak na bote sa mesa sabay kuha ng hawak ko. Kumapit ang kamay niya sa batok ko sabi pa niya. "I told you not to drink. Huwag ng makulit." "Kayo nga umiinom. Ba't hindi ako puwede?" reklamo ko naman. Makaasta ang hinayupak sobra pa sa tatay ko. "Simple. Ikaw ang magmamaneho ng kotse ko. Baka malasing ako." Tinulak ko siya nang marinig ko ang kanyang sinabi. "Pakialam ko kung malasing ka." Nilayo ko ang kanyang mukha dahil papalapit pa iyon sa kain. Wala na siyang nagawa sa katigasan ng ulo ko. Alangan namang sundin ko siya, gusto ko ring uminom. Naupo na lang siya't hinayaan akong uminom. Nagkakasabasy pa kami sa paglagok. Pagkalingon ko sa tatlo nagbibigayan sila na makahulugang tingin sa isa't isa sabay tingin sa amin ni Gavin. Nagbulungan pa ang mga ito. Itong si Gavin hindi nakatiis kaya kinuha ang unang naroon saka tinapon sa mukha ng kanyang kaibigan na si Li Meng. "Tigilan niyo iyan. Alam ko iyang mga bulungan na iyan," sabi pa ni Gavin. Tumigil naman ang tatlo kaya nagpatuloy kami sa pag-iinom. Iyong tatlo lang ang kumakanta habang kami ni Gavin ay walang kibuan habang umiinom. Iyong bote na wala ng mga laman nakapasunod sa harapan namin ni Gavin. Nakarami na kami ng inom. Doon ko lang napansin na tila nagtatagisan kaming dalawa na hindi namin alam. Hanggang sa sinapian ng kung ano si Easton dahil siguro sa tama ng alak. Nag-request ito kay Mip na napunta sa akin. "Mip, strip dance ka nga," sabi ni Easton sa kaibigan ko. "Sige na, Mip," udyok naman nitong si Li Meng. Halatang may gusto kay Mip. Pinapatong pa nito ang pisngi sa balikat ng kaibigan ko. "Mga ulol. Anong akala niyo sa akin." Nagtawanan ang dalawa. Ito namang si Mip tinuro ako bigla. "Ito si Nixon pasayawin niyo. Magaling sumayaw iyan, hindi lang halata. Pero kailangan niyo bigyan ng pera parasumunod." Paglaglag sa akin ni Mip. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para tumayo. Naglabas ng pera ang dalawa na kinuha ko naman sabay suksok sa bulsa. Pumili ako ng tugtog na puwedeng sabayan ng sayaw bago ako pumagitna. "Galingan mo! Nixon!" sigaw pa nitong si Mip. Sa hiyawan ng dalawang kaibigan ni Gavin naudyok pa akong sumayaw talaga. Sa pagsisimula ng tugtog, nagkakagat-kagat labi ako. Salubong ang kilay ni Gavin na nakasunod ng tingin sa akin. Tinaas ko ang suot na jacket pati ang tshirt habang dahan-dahang gumigiling upang maipakita ang aking tiyan na may matigas din naman dahil sa abs. Naghiyawan pa ang tatlo habang tumatawa. Samantalang itong si Gavin ang sama ng tingin. Binitiwan niya bigla ang hawak na bote kaya nahulog sa sahig. Tumayo siya't lumapit sa akin. Binaba niya ang itinataas kong tshirt bago niya akong binigyang ng masasamang tingin. "Stop dancing! Damned you! Are you out of your mind? They're just teasing you," aniya na halos pasigaw na. "Alam ko naman iyon. Pero binigyan nila ako ng pera. So, binabalik ko lang sa pagsasayaw." Pinagmamasdan ko ang kanyang mukha. "Hindi puwede. Kung gusto mo babayaran kita para sa harapan lang kita sumayaw. Naintindihan mo? Maupo ka na, bago pa ako magalit sa'yo baka ano pang magawa ko." Kinuha niya ang pera sa bulsa ng aking pantalon ko't hinagis sa mukha ng dalawa niyang kaibigan na ikinatawa na naman ng dalawa. Tumigil lang sila ng masamang titig ni Gavin ang iginanti sa kanila. Imbis na bumalik sa upuan, nag-excuse na lang muna ako. "Iihi lang ako," sabi ko sabay labas ng silid. Naglakad ako hindi patungo sa banyo kundi umalis ako ng ktv bar. Pagdating ko sa kalsada naupo ako't tumitig sa kalangitan. Natawa na lang ako para sarili ko sabay palo sa aking ulo. Matagal din akong nanatili sa kalsada bago ko naisipang umuwi na lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD