Kabanata 7

5191 Words
Nang gabing iyon hindi ako kaagad naka-uwi. Ako'y nanatili lamang na nakatayo sa gilid ng tawiran. Ni ayaw gumalaw ng paa ko dahil sa katamaran. Ang aking mga kamay ay isinuksok ko sa bulsa ng aking jacket kasabay ng malalim na buntong hininga. Pinagmamasdan ko lang ang mga taong napapadaan sa akin. May bumangga pa ngang lalaki sa balikat ko. Imbis na magalit hinayaan ko lang na lumampas ito. Sa paglipat ng stoplight sa berdeng kulay doon na ako tumawid. Alam ko na may dumadaang mga sasakyan pero diretso lang ako sa paglalakad. Imbis na ako ang huminto, ang mga sasakyan ang tumigil kasabay ng malalakas na busina. Paulit-ulit ang busina hanggang sa makarating ako sa kabilang ibayo ng kalsada. Mula dito naglakad na lang ako ng naglakad. Patingin-tingin ako sa mga tindahang nadaranan. Walang direksiyon ang paglalakad ko. Lumingon ako nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Ngunit pagpihit ko'y wala naman akong nakitang nakasunod. Mga tao lamang na naglalakad papunta't paparito. Marahil ay gawa lang ng aking imahinasyon ang mga titig na aking ramdam sa aking likod. Sa pagpihit ng katawan ako'y nagpatuloy. Napatingin ako sa gilid sa mga nakasarang tindahan dahil sa mga pulubing natutulog, kahit na ang kalapit na kalsada'y dinadaluyan ng mga maingay na sasakyan. Nagbabalik sa aking likuran ng isipan ang mga araw nang ako'y bagong salta sa siyudad na iyon. Ako'y naging palaboy. Kung sa anu-anong grupo ako nasali upang mabuhay lamang ng mag-isa. Sa edad na siyam na taong gulang natuto akong magnakaw at magbinta ng druga. Kung hindi ko nakilala si Mip baka pagkahanggang sa mga oras na iyon nasa dati kong gawain parin ako. Lumapit ako sa mga pulubi upang maghanap ng mapuwepuwestuhan. Ako'y nakahanap naman sa dulo ng mga pulubi na tahimik na natutulog. Tumingala ako sa langit para malaman kung uulan. Sa tingin ko naman ay hindi kaya kumuha ako ng karton sa uluhan ng sinundan kong pulubi. Nilatag ko ang karton at dito humiga ng patihaya. Sanay narin ako na natutulog sa lansangan dahil katulad ng mga pulubi naging pansamantala ko ring tirahan ito. Itinabon ko ang aking hoody hanggang sa mata sabay pikit. Sa aking pagpikit naririnig ko ang ingay ng mga dumadaang sasakyan at ng mga taong naglalakad. Pinilit kong makatulog pero hindi naman nangyayari. May isang mukha ng tao ang lumalabas sa aking isipan. Mukha ng taong kailangan kong tiisin. Iniisip ko pa nga lang siya naririnig ko na naman ang kanyang boses. Nagmadali akong buksan ang aking mata kaya ang mga matang puno ng pagnanasa ang nakikita ko. Pagnanasang hindi ko dapat masilayan. "Hanggang kailan ka mananatili rito?" sabi ni Gavin kaya nagtaka ako kung paano siya napunta roon samantalang iniwan ko sila sa ktv bar. Inalis ko ang aking hoody kaya tuluyang sumalubong sa akin ang nakabaliktad na mukha ni Gavin. Naaaninag ko naman dahil sa mga ilaw ng dumaraang sasakyan. Nakaupo siya sa akin sa uluhan na nakayuko ang ulo. Hindi maganda ang posisyon naming dalawa sapagkat kaunting usog ko na lang mababangga ko ang hindi dapat magalaw na kagamitan niya. Sa sobrang lapit ng mukha niya naamoy ko ang kanyang hininga. Nanunuot sa ilong ka ang singaw ng halo-halong alak na kanyang nainom. Hindi ko maiwasang magtanong sa aking sarili kung gaano karami ang nainom niya. Sa kanyang pagdila sa kanyang labi at lalong pagbaba ng mukha, hinawakan ko siya sa noo sabay layo sa kanyang mukha. Hindi ko nagugustuhan ang mga galawan niya na ganoon. "Anong ginagawa mo rito?" ang tanong ko sa aking pag-upo. "I should be the one asking you that. Hindi ka naman pulubi tapos matutulog ka rito." Tumabi siya ng upo sa akin sa karton. Naparami nga talaga ang kanyang nainom kasi medyo tumabingi siya sa kanyang paggalaw. Kung hindi ko pa siya hinawakan sa suot niyang long sleeve na polo baka sumubsob siya sa semento. "Gusto ko lang," sabi ko sa kanya. Nang tingin ko'y hindi naman siya mapapano kahit maraming alak ang laman ng tiyan, ako'y tumayo sabay iwan sa kanya. "Hanggang kailan ka ba maglalakad? Kung saan-saan ka pumupunta. Napapagod na ako sa kasusunod." Ibig sabihin ng kanyang sinabi'y siya ang sumusunod sa akin. Sa estado niyang ganoon nakuha pa niya akong sundan. "Sinabi ko ba sa'yo na sumunod ka?" ang sabi ko sabay suksok ng mga kamay sa bulsa ng suot kong hoody jacket. Tumigil ako sa paghakbang upang siya'y antayin. May konsensiya rin naman akong tao kahit hindi ko ipakita. Bumuntong hininga ako nang makatayo naman siya ng maayos. Matibay kasi matatag kahit marami ang nainom. "I'm worried kaya kita sinusundan. Lalo pa yong pagtawid mo. Baliw ka doon kahit dati ka ng baliw." Lumakad siya papalapit sa akin. Ang mga mata'y nakatutok sa aking mukha. Itinaas pa niya ang kanyang kamay upang ako'y hawakan sa pisngi. Binaba ko kaagad bago pa marating nito ang pakay. Hindi ko na masyadong inisip kung anong nangyayari sa kanya ng mga oras na iyon. Basta natatawa na lang ako sa itsura niya kasi nagmukha siyang leon na nawalan ng lakas. "'Di ko kailangan ng pag-aalala mo Gavin." Sinimulan ko ang muling paghakbang. Hinabol niya ako sa aking paglalakad at pilit sumasabay sa akin kaya binilisan ko pa. Ganoon din naman siya. "Umuwi ka na. Ako'y uuwi na rin," biro ko. "'Ihahatid na kita," aniya. Ang mga kamay niya'y inaabot ang aking mga kamay upang mahawakan. Pinalo ko ang kanyang kamay bago pa magtagpo ang aming palad. Sa hindi ko nagugustuhan iyon pero kailangan kong huwag hayaang mangyari. Baka matagpuan ko ang aking sarili na nagtatanong na naman. Pangalawang beses na iniwas ko ang kanyang kamay kaya gumuhit na naman ang pagkadismaya sa kanyang mukha. "Huwag na. Gusto mo lang alamin ang tinitirahan ko," sabi ko sa aming paglampas sa isang bar. Hindi narin siya nangulit sa aming paglalakad, iyon pala'y naghanap lang ng tiyempo kasi matapos kaming makaalis sa lansangan nasapian siya ng kung anong demonyo kahit na demonyo na siya. Sa kasamaang palad nakasulubong namin ni Gavin ang hindi ko dapat makita nang gabing iyon. Isang grupo ang nakasalubong namin na may sampung katao. Wala sa itsura nila ang pagiging adik pero mga adik ang mga ito, lalo na ang lider na kalbo. Kahit kaedaran ko lang ang mga ito halang na ang mga kaluluwa. Kaya nga ako umalis sa grupo na ito dahil sa dahilan na iyon. "Kamusta na kaibigan?" ang sabi ng lider na kalbo. Ang ngiti nito'y ngiti ng isang taong mapanglinlang. "Hindi tayo magkaibigan, Anton," ang sabi ko. Itong si Gavin ay nakatingin lang sa grupo na tila pinag-aaralan niya ang mga ito. Ang iba sa mga kasama ni Anton ay mukhang naka-hithit kasi singhot ng singhot sabay kuskos sa ilong. Tumawa ng mapakla si Anton sa sinabi ko. "Kung makapagsalita ka, parang wala tayong pinagsamahan. Baka nakakalimutan mo na may utang ka pa sa amin," pagalit na sabi ni Anton. Lumilitaw ang ugat sa kanyang ulong walang buhok. "'Di ko nakakalimutan ang atraso ko sa inyo. Mababayaran ko kayo," pagsisinungaling ko kahit wala naman talaga akong bala silang bayaran. Sapagkat hindi ko naman kailangang bayaran ang nawala sa kanila. Iniisip lang ng mga ito na ako dapat ang magbayad. Hinarap ko si Gavin na nababahiran ng pagtataka ang mukha. Kung bakit hindi siya nagsasalita ay hindi ko alam. Siguro'y nag-iisip lang. "Natatagalan ka Nixon. Sisingilin ka namin ngayon. Kung hindi alam mo na ang mangyayari sa iyo," babala nito. Tiningnan ko ng tuwid ang mukha ng kalbo. Hindi ito nagbibiro sa kanyang sinabi, mapipilitan akong magbayad. Nagsawa ako sa kakatingin sa mukha nito kaya nilingon ko si Gavin na nakatayo sa aking kanan. Inilahad ko ang aking kamay sa harapan niya. "Bigyan mo ako ng 50,000. Uutangin ko. Babayaran naman kita," sabi ko sa kanya. Pinakatitigan niya lang ang palad ko. Nangalay na ang kamay ko't lahat lahat wala pa rin siyang binibigay. Habang wala siya sa matinong pag-iisip sasamantalahin ko na. "Gavin, bilisan mo. Hindi nagbibiro ang mga iyan," pagmamadali ko baka lumukso ang isang turnilyo ni Anton. Tumaas ang kamay niya sabay gumuhit ng numero sa aking palad, isang lima at apat na zero. "Fifty thousand just like what you want," aniya matapos gumuhit. Sinuntok ko siya sa tiyan. "Totoong pera ang kailangan ko," reklamo ko sa kanya. Nginitian niya lang ako kaya nahampas ko siya sa mukha. Nakatingin lang sa amin ang grupo ng mga adik. "Wala na akong pera. K-in-ut ang mga cards ko kaya iyong mga cash ko naubos na," wika ni Gavin na isang masamang balita. Hinapo-hapo niya ang kanyang mukha. "Seryoso ka?" ang aking tanong. Tumango siya sa akin. Kung minamalas ka nga naman. Nilapit ko ang aking bibig sa kanyang taenga at ako'y bumulong. "Pag bilang ko ng tatlo, takbo na!" Lumayo ako sa kanya sabay sigaw ng: "Tatlo." Hindi ako dumaan ng isa at dalawa sabay sinimulan ko ang pagtakas. "Duwag ka na, Nixon!" sigaw pa ni Anton. Hindi ko lang nais na makipagbugbogan ulit. Sawa na ako kaya kailangan kong umiwas saka kasama ko si Gavin baka mapahamak pa siya dahil sa akin. Nakatakbo na ako bago ko napagtantong walang kasabay na Gavin. Binalikan ko siya na nakatayo lang. Hinila ko siya sa kamay kaya nagtagpo ang aming mga palad. Ako'y nakaramdam ng kiliti pero hindi iyon ang oras para bigyan ng pansin. "Baliw ka ba?! Sabi ko sa'yo tumakbo!" sigaw ko sa kanya habang hila-hila ko siya. "Sundan niyo!" utos ni Anton kaya biniisan ko pa ang pagtakbo. Sumunod nga ang grupo habang naiwan si Anton na nagmumura. Si Gavin ay tumakbo narin kaya magkasabay na kami halos. Humigpit ang pagkakapit niya sa kamay ko sa aming pagtakbo. "Kaya naman nating labanan iyong grupo," ang sabi pa ni Gavin. "Kung akala mong pareho sila ng mga nakakaaway mo. Nagkakamali ka! Saka ang dami nila! Mananalo nga tayo pero panigurado madadala parin tayo sa ospital," paalala ko sa kanya habang lumalayo sa kapahamakan. Binilisan pa namin pareho ang pagtakbo. Hindi ako makatakbo ng maayos dahil sa magkahawak na kamay ni Gavin. Binalak kong alisin ang kamay niya pero ayaw niyang bitiwan. Hinayaan ko na lang at nagpatuloy kami sa pagtakbo kaysa matingga kami sa daan, maabutan pa kami. Naririnig ko pa ang pagsigaw ng sumusunod na grupo. Pinagana ko ang utak ko para kami makalayo, hindi naman ako pinabayaan ng aking isipan. Inikot ko ang aking paningin sa paligid. Dumaan kami sa mga taong lugar at niligaw ang grupo. Nakailang liko pa kami ni Gavin bago ko naisipang pumasok sa eskenita na may mga basura sa gilid. Nagtago kami sa likod nito. Umupo kami ni Gavin sabay sandig sa malamig na pader habang habol ang hininga. Pinigilan ko ang aking paghinga nang marinig ko ang mga boses ng grupo. Mabuti na lang lumampas ang mga ito sa pinagtataguan namin ni Gavin. Gumalaw ang kamay ni Gavin, hinahapo ng isa niyang kamay ang likuran ng aking kamay, kaya napagtanto kong magkahawak kamay nga pala kaming dalawa. "Dito muna tayo," suhestiyon niya nang binalak kong makatayo. "Umalis na tayo rito. Babalik ang mga iyon." Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin sabay tayo. "Saan ang kotse mo?" ang aking tanong sa pag-alis ko ng basurang kumapit sa aking suot na pantalon. "Nasa likod ng ktv bar." Tumayo narin siya't pinatong ang ulo sa aking balikat. Doon ko napansin na mabilis ang paghugot ng kanyang hininga kahit nakapagpahinga na kami. Hinawakan ko ang kanyang mukha sabay eksamin baka may nararamdaman siyang hindi maganda. Sa kanyang pagngiti ng matulis abot taenga nakasigurado akong wala. Pinitik ko siya sa ilong sabay layo at naglakad. Sumunod narin siya na tila nasa alapaap. Pagkalabas namin ng eskenita luminga-linga ako baka naroon parin ang grupo. Ngunit wala naman kaya nagpatuloy kami. Sa kasamaang palad bumuhos ang malakas na ulan. Malalaking butil ang tumatama sa aking katawan. Iyong napapamura ka na lang sa sunod-sunod na kamalasan. Nangyayari sa akin. Wala na kaming inaksayang oras ni Gavin kaya tumakbo kami ulit. Nararamdaman ko ang pagkabasa ko kahit sa suot kong t-shirt. Nakailang ulit kami ng ng liko bago makarating sa likuran ng ktv bar. Itong si Gavin pinasunod pa ang mga kotseng nakahilera para alamin ang kotse niya. Hindi ko naman alam kung anong kulay ang kotse niya. Ang seste basang-basa na talaga kami. "Bilisan mo naman," ang sigaw ko sa kanya sa kabila ng pagbuhos ng ulan. Naghanap ako ng puwedeng masisilungan pero wala akong makita. Dumiretso siya sa dulo sabay balik sa kinatatayuan ko iyon pala sa unahan lang ang kotse niya na kulay abo. "Ito ang kotse ko," ang nakakaloko niyang sabi. Sinipa ko nga siya sa paa sa kabuangan niya. Lumayo siya sa akin habang kinukuha niya ang susi sa kanyang bulsa. Madadagdagan ko talaga iyang p*******t ko sa kanya. Tumatawa pa siya ng buksan niya ang kotse. Inikot ko ang kotse at ako'y pumasok. Nakahinga ako ng malalim nang makatakas sa pagbuhos ng ulan. Sa lakas ng ulan na tumatama sa bubong ng kotse para tuloy may paulit-ulit na tugtog na naglalaro sa aking taenga. Pagsara niya sa pinto, eksakto ring dumaan ang grupo ni Anton, mabuti nalang hindi tiningnan ang nakaparadang sasakyan kaya hindi kami napansin. "Mabuti na lang bangag ang mga iyon," inalis ko ang jacket ko kaya kitang-kita ang pagkabakat ng katawan ko sa basang t-shirt. Kahit ang katawan ni Gavin ay bumakat lalo pa't puti ang kanyang suot. Napapatingin ako sa katawan niya na para bagang magnet iyon. Hindi ko naman alam kung saan ko ilalagay ang basa kong jacket kaya sa hita ko nalang pinatong. Pagkalingon ko kay Gavin nakatitig siya sa akin. Bago niya binuhay ang kotse ginulo niya ang buhok ko, sinukaly-suklay at itinabi. Inayos pa niya ang suot kong salamin. Ngumiti pa siya kaya hindi ko mapigilang sumimangot. "Nilalamig ka?" tanong niya sa akin nang pihitin niya ang susi upang umandar ang kotse. Ininom niya ang matapang na alak na nilagay niya sa gitna ng aming inuupuan. Inubos niya ang laman at walang tinira. Sinaid talaga hanggang sa huling patak. "Nauuhaw ako eh," dagdag niya kahit hindi ko naman siya tinatanong kung bakit siya lumalaklak. "Hindi," ang sabi ko kahit nilalamig naman talaga ako ng kaunti. "Sinungaling. Yayakapin kita para mainitan ka." Napatingin ako sa mukha niya ng sinabi niya iyon. Hudyat ng pagsisimula ng kanyang kabaliwan. "May alam akong puwede nating mahiraman ng damit. Kasi wala na talaga akong pangbili." Kumapit ang kanyang kamay sa manibela. Narinig ko talaga ang paglungkot ng kanyang boses. Kaya naniwala na talaga akong wala siyang pera. "Ulol. Basa karin Gavin. Huwag kang loko-loko. Drive na," ang sabi ko para sa una niyang sinabi. Sumunod naman siya sa sinabi ko kaya nagmaneho na siya papaalis ng ktv bar. "Kapag magkasama tayo palagi na lang umuulan," ang nasabi ni Gavin habang nagdra-drive. Pagkaalis sa lansangan kalapit ng ktv bar humalo ang kotseng sinasakyan namin sa mga sasakyan sa kalsada. Nakatingin lang ako sa unahan, sa likuran ng mga kotse. "Tingin mo anong ibig sabihin nito?" "Hindi dapat tayo nagsasama sa iisang lugar." Ito ang nasabi ko sa nais niyang itanong. "Mali ka. Ang ibig sabihin nito'y we shoud hug each other palagi. Kaya umuulan para mabasa tayo't magbigayan ng init sa isa't isa sa pamamagitan ng pagyakap." Mabilis ko siyang tiningnan sabay pakawala ng matatalim na tingin. Ngumisi lang ang hinayupak sa pagliko niya ng kotse sa kalsadang walang masyadong dumadaan na sasakyan. Hinawakan ko ang manibela saka hinila-hila kaya gumigiwang ang kotse. Naalarma siya't sumalubong ang kilay sa akin kasi muntikan na kaming bumangga sa kotse sa aming unahan. Mabuti na lang nabawi niya kaagad. Natawa na lang ako sa itsura niya. "Hindi ko alam na takot ka palang mamatay," ang aking komento. "I'm not," pagtanggi niya. "Sus. Kita ko ang takot mo." Sinuntok ko pa siya sa braso na kanyang ikinangiwi. "Ang takot ko ay hindi dahil sa mamatay ako. Natatakot ako para sa future nating dalawa. I'll kiss you first before I can die." Ginulo ko ulit ang pagmamaneho niya. "Okay. Stop it. Ititikom ko na ang bibig ko." "Hindi ako babae para diyan sa sinasabi mo." Nakuha pa niyang sabihin ang mga ganoong salita. "Who told you, babae lang ang puwedeng kong halikan ha? Remember you have your own red soft lips." Sa sinabi niya'y napasiksik ako sa pinto. "Ang lakas ng pagkalasing mo ah." Iyon lang ang alam kong dahilan kaya siya nagkakaganoon. "Oo, lasing na lasing talaga. Nalalasing ako sa katitingin sa'yo kanina pa." Ako na mismo ang tumapak sa preno ng sasakyan para tumigil ang bibig niya. "Tumigil ka na sa mga biro mo. Puwede ba ha? Lalabas ako rito." Nagkuwari siyang zinipper ang bibig bago ako nagpatuloy sa pagsaslita. "Ako raw itong baliw. Pero ikaw nga diyan ang baliw." Kapag wala siyang masabi, ngumingiti lang siya na ginawa na naman niya. Nakailang liko pa ang kotse bago namin narating ang sinasabi niyang lugar na isang buy and sell ng mga kotse. Dahan-dahan na minaobra ni Gavin ang kotse papasok ng gate. Napapatingin ako sa mga kotseng naliligo sa ulan. Pinarada ni Gavin ang kotse niya sa harapan ng tanggapan ng buy and sell na tindahan rin ng hardware at motor parts na nakikita ko sa salaming dingding nito. Pinatay ni Gavin ang kotse bago siya lumabas. Sumunod ako sa kanya't pareho kaming pumasok sa gusali ng tindahan. Dala-dala ko ang aking basang jacket. Walang katao-katao maliban sa lalaking nakaupo sa likuran ng counter. Pagkakita nito sa amin ay kaagad na gumuhit ang pagtataka sa kanyang mukha. Nagbabasa ito ng magazine, kung susumahin ko ang edad nito'y mga nasa late 20s palang ito. Pagkakita nito kay Gavin agad itong tumayo sa kinauupuan at binaba ang binabasang magazine. Nanatili lang ako sa likuran ni Gavin habang palingon-lingon sa mga estante. "What happened to you?" sabi ng lalaki. "I'm was just out having fun." Ngumiti ng malapad si Gavin saka inakbayan ako kaya siniko ko siya. Kung having fun iyong blind date at iyong kalokohan niya para sa kanya wala akong masasabi. "Yeah, nakikita ko nga. You're obviously drunk. Hindi ka ba nakikinig sa kuya mo? He told you not to drink ever again," pangaral ng lalaki. Sa nakikita ko at naririnig ko mula rito mukhang matagal na nitong kilala si Gavin. Nabanggit pa nga nito ang kuya ni Gavin. Naisip ko tuloy kung anong klaseng pamilya ang mayroon siya. "Ngayon nga ulit ako uminom. Nakokontrol ko pa ang sarili ko." Sinungaling ang hinayupak, sa pagkakaalam ko uminom siya sa party ni Tristan. "Alam ko. Pero hindi mo kayang kontrolin libido mo. Who's this?" ang sabi ng lalaki kaya naisip kong dahilan kaya pala ganoon nalang lumalabas sa bibig ni Gavin nang kami'y sa kanyang sasakyan. Nakaturo ang kamay ng lalaki sa akin. "Don't point your finger at him," ang may inis na sabi ni Gavin sa lalaki. Nagsalubong ang kilay ng lalaki sa pagkabigla. Pero nawala rin kaagad. "Buti di ka nagdala ng babae ngayong lasing ka ulit," ani ng lalaki. Tinitingnan ko ang kabuuan ni Gavin. Hindi narin ako nagtaka. Napatingin sa akin si Gavin sabay ngisi. "Wala ka bang pangpalit ng damit. Nilalamig na kami pareho," sabi ni Gavin. Doon lang bumalik sa isipan ko na basa nga pala kaming dalawa. "Mayroon. Halika kayo sa tulugan ko," sabi ng lalaki saka ito lumabas ng counter. Nauna pa ng lakad si Gavin kaya nasabi kong alam nitong ang tulugan ng lalaki. Tumabi sa akin ang lalaki saka ito nagsenyas na sunod na kami. Pinagmamasdan ko lang likuran ni Gavin sa aming paglalakad. Lumiko siya sa maliit na pasilyo sa ibaba ng hagdan sa dulo ng mga estante. "Did anything happen before coming here? Did you found him having s3x with a girl in public?" ang biglang tanong sa akin ng lalaki. Humihigpit ang kapit ko sa basa kong jacket. "Bakit mo tinatanong sa akin iyan?" "Minsan kasi pag mataas libido ng lalaking iyan. Bigla-bigla na lang iyang nangsusunggab ng kahit sinong babaeng matipuhan niya," pagkuwento ng lalaki. Bumalik sa isipan ko ang gabing nahuli ko siyang nakapang-ibabaw sa babaeng hindi niya kilala sa bahay ni Tristan. "Wala naman hong ganoong nangyari." Maliban sa lumalabas sa bibig niya. Nakahinga ng malalim ang lalaki na tila nabunatan ng tinik sa leeg. "Mabuti naman. Are you a good friend with him?" "Kind of." "Ang tagal niyo!" sigaw ni Gavin mula sa pasilyo. Sumunod ang ingay ng pagbukas-sara ng pinto. Wala naring sinabi ang lalaki sa paglalakad namin sa maliit na pasilyo. Hanggang marating namin ang pintuang puti sa dulo nito. Pagkapasok namin ng lalaki sa tinutulugan niyang kwarto nakahiga si Gavin sa kama kahit basa ang damit. "Bumangon ka diyan!" bulyaw ng lalaki na halos pumuno sa loob ng kuwarto. Bumangon naman si Gavin sabay lapit sa akin. Bago pa siya makadikit sa akin hinawakan ko na siya sa noo. Ngayon pa't alam ko na ang ugali nito baka ano pa ang kanyang magawa. Kumuha ng pang-palit ang lalaki sa cabinet nito't binigay sa amin. Inalis ko ang kamay ko sa noo ni Gavin at inabot ang mga damit mula sa lalaki. Binigyan nito kami ni Gavin ng towel bago ito lumabas ng kuwarto na kanyang sinabit sa paanan ng kama. "Magbihis na kayo. Kung hindi pa kayo pumunta rito hindi ko malalaman na lampas alas tres na pala. Magsasara muna ako," paalam ng lalaki sa tuluyan nitong pagsara sa pinto. Ang basa kong jacket ay aking sinabit sa naroong upuan kaharap ng maliit na mesa na kinalalagyan ng computer sa gilid sa may dingding. Sa uluhan ng kama ay bintana kung saan nakikita ko pa ang patuloy na pagbuhos na ulan sa salamin nitong sara. Nilapag ko sa kama ang damit upang makapagpili. Masyadong malaki ang size ng mga damit pero mapagtitiisan naman. Habang ginagawa ko ito nasa likuran ko lang si Gavin. Ang kanyang mga kama'y ay naging abala kasabay ng pagkapit niya sa damit ko sa tagiliran. "Tulungan na kitang maghubad," ani Gavin na aakmang itataas ang basa kong tshirt. Ako'y kaagad na naalarma kaya lumayo ako sa kanya. Nanginig ang katawan ko hindi dahil sa lamig. "Hindi naman ako bata Gavin," ang sabi ko sa kanya. Kinuha ko iyong damit na napili kong pangaplit kasama na ang towel. Pumasok ako sa banyo na salamin ang pinto pero malabo naman upang ako na ang maunang magpalit. Hinubad ko ang basa kong mga damit saka sinabit sa sabitan na naroon sa banyo. Nagsusuot ako ng short nang guluhin ako ni Gavin sa aking pagbihis. "Sabay tayo. Nilalamig na ako," aniya na kumakatok pa sa pintuang salamin. Pilit niya akong sinisilip mula sa labas. Pagkasuot ko ng tshirt nilinis ko ang aking basang salamin. Dahil nga sa wala akong suot na underwear naging malaya ang aking kaangkinan. Hindi ako sanay na ganoon kaya nakakaramdam ako ng init sa pagkuskos ng tela sa uluhan. "Eh di magbihs ka na diyan," ang aking wika sa kanya. Ngunit hindi naman nakinig si Gavin dahil pinipihit niya ang doorknob at balak pa atang sirain. Tumigil din naman siya nang malamang wala akong balak na iyon ay buksan habang ako'y nasa loob. Lumayo rin naman siya sa banyo kaya kinuha ko ang basa kong damit. Ako'y umalis ng banyo na nagpupunas ng aking basang buhok. "Ang tagal naman," reklamo pa niya. Pagkalabas ko ng banyo, naitaas ko ang aking suot na salamin. Sapagkat hubot-hubad siya. Iyong mga butil ng ulan ay tumatakbo mula sa basa niyang buhok pababa sa kanyang matipunong balikat. Naglalakbay sa kanyang matigas na dibdib, dumidila sa kanyang mala-pandesal na abs. Hanggang sa dumapo sa gahumindig niyang kaangkinan. Naihampas ko sa kanyang mukha ang towel. "Umayos ka nga," singhal ko sa kanya kasi nakapameywang pa. Sa sobrang hiya, iniwan ko siya sa kuwarto. Lumabas ako't tumungo sa counter. Kakapasok pa lang ng lalaki pagkagaling sa labas dahil sinara ang gate sa harapan. Pagkapasok nito sa pinto'y tumila narin ang ulan. Napakamot na lang ako ng ulo. Pati ang panahon paiba-iba. "Salamat pala kuya," sabi ko sa lalaki sa pagtiklop nito sa payong. "Wala iyun. Yung kuya ni Gavin at ako ay magkaibigan kaya wala sa aking problema. San na siya?" Itinabi nito ang payong sa gilid ng counter pagbalik nito rito. "Sa kuwarto pa," pagbibigay alam ko sa kanya. "Puwedeng pahingi ng plastic na puwedeng paglagyan ng basang damit." Sa sinabi ko'y kumuha ang lalaki ng dalawang puting plastic sa isang drawer. Ibinigay nito sa akin na agad kong kinuha. "Salamat," dagdag bago ako lumakad pabalik sa tulugan nito. Nang muli akong makapasok sa kuwarto, bihis na rin si Gavin na ipinagpasalamat ko. Puting tshirt ang suot niya samantalang sa akin ay abuhin. Nakasunod lang siya ng tingin sa akin sa pagtumbok ko sa banyo. Nilagay ko ang basa kong damit sa supot bago ko binalikan si Gavin na pinapatuyo ang kanyang buhok. Iniabot ko sa kanya ang plastic. "Aanhin ko iyan?" tanong niya sa akin. "Ilagay mo basa mong damit." "Ikaw na ang maglagay." Nginitian pa niya ako na hindi ko pinansin. Ako na nga lang talaga ang naglagay ng basa niyang damit sa supot. Sinama ko ang jacket kong basa sa supot ko. Wala na akong sinabi sa paglabas namin ng kuwarto. Dala-dala ko ang dalawang plastic ng basang damit. Pagkarating namin ni Gavin sa dulo ng pasilyo, naabutan naming ang lalaki na nag-aantay sa hagdanan. "Tara na sa taas. Mag-tsaa mo na kayo bago kayo umalis para narin mahismasaman iyang si Gavin," pagyaya nito. Nauna itong umakayat patungo sa ikalawang palapag. Sumunod ako sa lalaki. Sa pagkayat ko'y sumunod si Gavin sabay akbay sa akin. "Benta ko sa'yo kotse ko ha?" aniya sa lalaki "Ba't mo bibinta?" tanong ko. Hindi ko na dapat siya nilingon. Nakalimutan kong ang lapit ng aming mukha dahil sa kanyang pagkaakbay. "Wala na akong pera eh. Naubusan ng pangdate," aniya sabay kurot sa pisngi ko. Siniko ko siya sa tagiliran. "Sige," ang sagot na lalaki sa alok ni Gavin. Lumingon pa ito sa amin sabay nagpatuloy sa pag-akyat. "Pero huwag mo ibebenta sa iba ha. Para kapag may pera ako ulit bibilhin ko ulit sa'yo." "Bilisan mo lang baka maibinta ko ng mas mahal." Alam ko ang pakiramdam ng walang pera kaya hindi na ako nagtaka sa gusto ni Gavin. Pagkaakyat namin sa ikalawang palapag, nasilayan ko ang kusina. May upuan na malapad sa ginta na puwedeng ring higaan. Tapos salamin ang dalawang dingding nito. Ang hindi lang salamin ay kinalalagyan ng mga gamit pang-kusina. Matapos kong mailapag saglit ang dalawang supot sa lababo, inalis ko ang kamay ni Gavin sa aking balikat na nakadikit parin sa akin. Naupo ako sa gilid tapos si Gavin ay nahiga sa likuran ko. Pinagtimpla kami ng lalaki ng tsaa. Nakasunod lang ako ng tingin sa lalaki sa kanyang paggalaw sa kusina. Habang nag-aantay ang kamay ni Gavin ay kung saan-saan pumupunta. Pinapalo ko lang kapag nadidikit sa katawan ko. Sa huli'y iinikot ikot niya ang kanyag darili sa suot kong damit habang nakatalikod ang lalaki sa amin. Ilang saglit pa'y natapos nang timpla ang lalaki. Umayos ng upo si Gavin sa likuran ko. Pagkabigay kay Gavin ng tsaa, tahimik itong uminom. "Paano mo nakakilala ni Gavin? " tanong ng lalaki. Habang ito'y nakasandig sa lababo. "Sa skul. Nasali ako sa grupo nila," pagkuwento ko sabay sipsip sa tsaa. Tumango-tango ang lalaki. "Hindi ka naman pinapahirapan ng batang iyan? Papansin iyang kung alam mo lang." "Tama ka diyan," pagsangyon ko. Naramdaman ko na lang ang pagtalikod ni Gavin sa akin. Talikuran kami ng upo. Sumasandig siya sa likuran ko kaya pinipigilan ko na ako'y matumba baka mabuhusan siya ng tsaa na mainit. "Pero mas papansin ka. Diba bigla ka lang pumapasok sa tambayan ko na parang bahay mo lang," pakiramdam ko ang daldal niya ng mga oras na iyon. "Kailangan ko eh." Nakatingin lang sa aming pag-uusap ang lalaki na tila mangha-mangha. "Huwag kang maniwala diyan," reklamo ni Gavin sabay patong ng ulo sa aking balikat habang nakatalikod. Saglit niyang binitiwan ang tsaa sa upuan. "Hinayaan mo naman, Gavin. Bakit mo nga ba siya pinabayaan makapasok?" pag-usisa ng lalaki. Hindi sumagot si Gavin. "I thought you'r not pretty open Gavin," komento ko. Sa kasamaang palad hindi niya ako sinasagot. "He's not. Pero kapag lasing kausapin mo na agad kasi sumasagot iyan. Pero pag hindi. Nunka makakausap mo iyan. Kuya nga niyan suko sa kanya kasi para siyang pader lang kapag kausap. Hindi makausap ng matino." Dito nagkamali ang lalaki kasi kahit hindi naman lasing si Gavin nakakausap ko. "Nakatulog na ang damuhog. Patulugin mo na iyan. Dito muna kayo hanggang umaraw. Baba na ako ha, kailangan ko naring matulog." Tumango ako sa lalaki bago ito umalis. Naiwan akong kasama si Gavin sa kusina na iyon. Hinayaan ko lang siya na natutulog na nakasandig sa aking likuran. Inubos ko ang tsaa ng aking hawak. Nakakailang malalim ako ng buntong hininga dahil sa pag-iisip. Pinagmasdan ko ang tsaa na kanyang ininom, naubos niya rin pala iyon. Itinabi ko rito ang wala ng laman na basong hawak ko. Matagal kami sa ganoon posisyon ni Gavin hanggang sa nangalay ang likod dahil sa pagkasandig niya. Dahan-dahan akong gumalaw upang hindi siya magising. Hinawakan ko ang ulo niya at inalis ko siya sa kanyang pagkasandig. Nahirapan pa akong ilapag siya sa upuan sa bigat niya upang makahiga. Tinuwid ko ang nakabaluktot niyang tuhod, saka inayos ko ang kanyang pagkahiga na nakatihaya. Inilagay ko ang kanyang kamay sa matigas niyang tiyan. Mahimbing ang kanyang pagkatulog dahil siguro sa nainom na alak at mag-uumaga narin. Umalis ako ng upuan dala ang dalawang baso. Nilagay ko ang baso sa lababo bago ako bumalik sa puwesto. Noong una nakaupo lang ako habang pinagmamasdan ang mukha ni Gavin. Hindi narin ako nakatiis na mahiga dahil sa pagod. Tumagilid ako paharap sa kanya. Pinagmasdan ang kanyang mukha. Nakuha ko pa ngang pitik-pitikin ng mahina ang kanyang ilong. Nang umungol siya tumigil ako't napangiti. Tumihaya na lang ako't tumingin sa kisame habang naglalaro ang mga isipin sa aking utak. Nang walang anu-anoy gumalaw si Gavin, ang mga kamay niya yumakap sa aking tiyan. Siniksik niya ang kanyang sarili sa akin hanggang ang mukha niya'y bumaon sa leeg ko. Ako'y napalunok ng laway dahil sa init ng kanyang hiningang dumadampi sa aking leeg. Pilit kong inaalis ang kanyang kamay ngunit hindi ko naman maalis. Lalo pa iyong humigpit kahit tulog siya. Isinandig pa niya ang kanyang paa sa aking hita kaya naramdaman ko ang kaangkinan niyang hindi ko dapat naramdaman dahil gising iyon ng bahagya. Hindi ako makalingon kasi kapag lumingon ako sasalubong ang mukha niya sa akin. Ang ginawa ko na lamang ay tiniis ang aking kalagayan hanggang sa pati ako'y nakatulog narin dahil sa antok. Kinaumagahan nagising na lamang ako na parang ako'y kinikiliti, pagkamulat ko ng aking mata mukha ni Gavin ang sumalubong sa akin. Sinundan ko ang kanyang kamay na nakasuksok sa suot kong damit na pinipisil ang aking vtong. Kaya ganoon na lang ang nararamdaman kong kiliti na nagpapaapoy sa aking dibdib. Nang malaman niyang gising na ako, dali-dali siyang lumayo sabay upo sa gilid na animo'y biglang nahiya. Sumimangot na lang ako sa aking pag-upo habang nakatitig sa kanyang likod. Hinapo ko ang aking dibdib na kanina pa niya pinaglaruan kasi medyo masakit na ng kaunti. Babatukan ko sana siya pero nang makita kong malayo ang kanyang tingin pinabayaan ko na lamang siya. Pinagmamasdan niya ang pagsikat ng araw. "Mauna na ako," sabi ko sa kanya sabay tayo. Kailangan ko ng umuwi para makapagpalit. Papasok pa ako sa sideline ko tuwing sabado. Kinuha ko ang basa kong damit saka bumababa ng kusina. Hindi parin siya gumagalaw sa kinauupuan. Pagkababa ko'y hindi ko nakita ang lalaki. Dumiretso na lang ako ng labas. Natakpan ko pa ang aking mukha ng akibg kamay dahil sa sinag ng araw. Patuloy ako sa paglalakad. Nakarating na ako ng gate bago ko naisipang lumingon. Akala ko'y susunod si Gavin sa akin. Nakaramdam ako ng pagkadismaya kasabay ng kirot na pumisil sa aking dibdib. Ano nga ba ang aasahan ko? Lumakad na lang ako na mabigat ang balikat at yabag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD