Kabanata 8

4773 Words
Pinaglalaruan ko ang ballpen ng aking hawak sa aking mga daliri. Piinaiikot ko ito dahil wala rin naman akong magawa. Sa pinakataas akong upuan nakaupo kaya kita ko ang lahat mula sa kinauupuan. Ang iba sa mga estudyante'y nag-uusap habang wala pa ang professor namin. Napapatingin ako sa bintana sa pagpasok ng sinag ng araw. Dalawang araw na ang nakaraan nang huli kong makita si Gavin. Naisip ko tuloy kung ano ang ginawa niya sa loob ng dalawang araw kasi ako abala para kumita. Patuloy ako sa pag-ikot sa ballpen na hawak kasabay ng paghugot ng malalim na hininga. Ilang saglit pa'y dumating narin ang professor namin para sa social studies na isang lalaking nakasuot ng itim na suit. Natatakpan ang kanyang mga mata ng salamin. Bago ito magsalita iniikot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng klase na mahigit labing lima lamang. Ibinaba nito ang hawak na libro sa naroong mesa at doon na ito nagsalita. "Ang ibang klase will be joining us today for some reason," pagsisimula nito. Ni walang nagreklamao sa mga kaklase ko. Sa sinabi nito'y napatingin ako sa pinto kung saan nga nag-aantay ang ibang estudyante. Isang babae ang nasa unahan na animo'y nahihiya dahil sa nakayukong ulo. "Don't worry it will happen only today." Binaling ng professor ang paningin sa pintuan na sinabayan ng buong klase. "Pumasok na kayo," bigay hudyat ng professor naming sa mga estudyante. Matapos ng sinabi ng professor nagsipsukan na ang mga estudyante. Naghanap ng kanya-kanyang mauupuan ang lahat. Ang babae na nahihiya na may mahabang itim na buhok ay umakyat patungo sa kinapupuwestuhan ko kasabay pa ng iba. Mahigit sa dalawampu ang mga nakikisali sa klase kaya bahagya ng umingay ang kaninang tahimik na silid-aralan. Ang babaeng may mahabang itim na buhok ay naupo sa kinauupuan ko. Malayo naman ang puwesto nito dahil pahabang ang mesa sa silid na iyon kasama na ang silya. Napapatingin pa ang babae sa akin sa pag-upo nito. Sa pagikot ko ulit ng ballpen nahulog ito sa ilalim ng mesa. Yumukod ako't hinanap ang nahulog na ballpen sa patuloy ng pagpasok ng iba pang estudyante. Nahirapan akong kunin ang ballpen dahil sa ilalim ng mesa ito bumagsak. Kinailangan ko pang maupo para maabot ang ballpen na sumuksok sa gilid. Nang makuha ko ang ballpen ay nagsimula narin ang professor namin sa pagtuturo na hindi naman pumapasok sa taenga ko. Sa mga oras na iyon, tila tinatamad akong making sa sinasabi ng professor. Pagkaupo ko'y napatingin ako sa ibaba sa pamilyar na likod na nakikita, limang upuan ang pagitan. 'Di ko na lang gaanong pinansin baka imahinasyon ko lang na si Gavin iyon. Inabala ko na lamang ang aking sarili sa pagdrawing sa aking notebook ng mukha. Nang magsawa pinatayo ko ang aking notebook sabay patong ng ulo sa mesa saka pinikit ang aking mata. Nababagot talaga ako sa klase na iyon, ala una pa ng hapon kaya nakakaantok talaga kung makikinig sa walang siglang boses ng professor. Sa kasamaang palad napansin ng professor ang pagkatulog ko. "Ikaw na nakatabon ng notebook. Are you sleeping?" mariing tanong ng professor. Umayos ako ng upo dahil sa paninita nito. "Hindi po sir. Nagbabasa lang," palusot ko na lang saka ibinaba ang notebook. "I'm talking in here. Why are you reading? Ipaliwanag mo nga," sabi pa nito. Balak pa ata akong ipahiya sa mga klaseng nakipasok. Napalingon ang iba sa akin pati ang nagmamay-ari ng likod na aking napuna kanina lamang. Hindi ko na lamang sinagot ang professor sa pagtingin sa akin ni Gavin. Nakaramdam ako ng hiya sa pagtitig niya, maging siya'y umayos din ng upo ng ipagsalubong ko ang kilay ko sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang ang professor saka nagpatuloy sa pagtuturo. Hindi ko naman maintindihan kasi nga inaantok talaga ako. Gumagalaw nga ang aking ulo at natutumba habang nakatitig sa likuran ni Gavin. "Nasa bansa tayong issue parin ang salitang equality. Hindi lang pagdating sa kulay, estado ng buhay, at kasarian," pagsisimula ng professor. Habang nagsasalita ang professor napapalingon sa akin si Gavin kaya nakikita niya ang pagpikit-bukas ng mata ko. Makalipas ang ilang sandal, tumigil sa pagsusulat ang professor sa pagtayo ni Gavin. "Where are you going, mister?" ang tanong ng professor na nakatitig ng mataman kay Gavin. "I'm changing seat," sabi ni Gavin saka lumakad papataas bitbit ang kanyang bag. Ang antok ko naman ay nawala saglit sa paglalakad niya. Wala naring nagawa ang professor kaya hinayaan na lang nito si Gavin. "About this word," ani ng professor sabay guhit ng mahaba sa ilalim ng salitang equality. "Who wants to give an honest opinion?" Tumigil si Gavin sa paglalakad sa tabi ng kinauupuan ko. Napapatingin sa kanya ang babae na kanyang sinanyasan na umalis sa upuan. Sumunod ang babae't dali-daling niligpit ang mga gamit saka naupo sa ibabang upuan. Pagkatapos nito'y pumasok si Gavin sa upuan saka dumiretso ng lakad hanggang marating ako. Binagsak niya ang kanyang bag sabay upo na may isang pulgadang pagitan sa aming dalawa. Binaba niya ang suot ang zipper ng jacket kaya naglaro sa hangin ang amoy niya na pinaghalong sabon at perfume. Hindi naman siya nagsasalita at ewan ko ba kung bakit. Nakatutok lang mata niya sa harapan kaya hinayaan ko na lang din. Tinikom ko lang din ang bibig kasi ayaw kong ako ang magsimula ng pag-uusap namin baka ano pang masabi ko. Saka masita pa kami ng professor kung mag-uusap kaming dalawa. Ilang saglit pa'y hindi na siya nakatiis kaya nagsalita narin siya. "Pasensiya na roon sa nagawa ko," ang sabi niya na ikinatitig ko sa mukha niya. Hindi siya makatingin ng tuwid sa akin. Kinamot niya ang kanyang batok sabay sandig. "Saan doon?" ang sabi ko kahit alam ko naman kung anong gusto niyang iparating. "Iyong ganito," aniya sabay lapit ng kamay sa aking dibdib at pinisil ang aking dibdib. Napalo ko siya sa kanyang kamay kasabay ng matatalim na tingin. "Parang hindi ka naman humihingi ng pasensiya sa itsura mo," sabi ko't pinagpatuloy ang pagguhit sa papel. "Hndi ka galit?" ang tanong niya pa. PInagmasdan ko ang mukha niya sabay kunot ng noo. Nagkibit-balikat ako't ngumiti siya ng malapad. "Akala ko nagalit ka. Mabuti naman." Tumango lang ako kaya inakbayan niya ako. Inalis ko ang kamay niya dahil naamoy ko ang pabango na kumikiliti sa aking ilong at tumatakbo sa kabuun ko sabay tumitigil sa kung saan masilan ang aking pagkatao. Kinuskos ko ang aking ilong para maalis ang kanyang amoy. Ito'y napuna niya talaga, sa lahat lang ng bagay na nakikita niya sa akin ay tila baga binibigyan niya ng kahulugan. "Naligo ka ba?" ang tanong ko sa kanya. "Ha? Oo naman. Bakit?" aniya sabay salubong ng dalawang kilay. "Wala naman," sabi ko't muling kinusot ang aking ilong. Naisip ko lang baka hindi siya naligo kaya ganoon na lang naamoy ko sa kanya. Para matakpan ang amoy ng hindi pagligo, binuhos niya ang lahat ng pabango sa kanyang sarili. Muli kong kinusot ang aking ilong dahil hindi talaga naaalis ang kumapit niya na amoy. Doon na siya nagsaita patungkol sa ginagawa ko. "Why are you rubbing your nose?" Siniko niya ako ng marahan sa aking braso. "Trip ko lang," sang simple kong sagot saka nagsulat sa notebook. Nag-uusap kami kahit nasa loob ng klase. "Mabaho ba ako?" Inamoy-amoy pa niya ang suot na jacket na nagpakunot sa noo ko. "Mabango naman ako kahit hindi ako nakapabango." Ibig ba niyang sabihin hindi pabango ang naamoy ko. "Kaya ko nga kinukusot ilong ko," biro ko sa kanya para makalusot. "I see. Nababanguhan ka sa akin." "Hindi," pagtangngi ko. "Sus. Huwag ka ng magkaila. Halika ka nga rito." Hinila niya ako sa leeg sabay pinatong niya mukha ko sa dibdib niya sabay tabon ng suot niyang jacket. Sa ginawa niya'y lalo kong nasinghot ang sarili niyang amo'y. Inalis ko ang ulo ko pero pinipigilan niya. "Diyan ka lang tumambay para maadik ka." "Tarantado," ang sabi ko habang nakatabon parin ang kanyang jacket sa aking mukha. Kumapit ako sa sandigan ng upuan para maalis ko ang ulo ko. Ngunit ang isa kong kamay ay iba ang napatungan. Huli ko na nalaman nang maalis ako sa pagkatabon ng kanyang jacket habol ang hininga. Ang isang kamay ko'y namahinga sa taas ng suot ng niyang pantalon. Inalis ko kaagad ang kamay ko sa biglang pagsasalita ng malakas ng professor. "Kayong dalawa! Lumabas kayo kung wala kayong balak matuto!" ang sigaw ng professor ay halos pumunit sa taenga ko. Sa lakas ng sigaw nito nakalimutan ko saglit ang naganap sa aming dalawa ni Gavin at kung saan dumapo ang kamay ko. Dahil sa masunurin din naman akong estudyante nauna na akong tumayo. Itong si Gavin nakaupo parin at wala atang balak umalis sa kinauupuan kahit pinapalabas na ng professor. Ang sama na nga ng tingin nito sa aming dalawa. Samantalang sa ibang estudyante namang naroon ay para wala lang sa mga ito na nasigawan kami. Imbis na matingga ako na ako ang kusang naunang lumabas. Dumaan ako sa harapan ni Gavin na paharap sa kanya. Masikip ng kaunit lalo pa't nakaharap siya kaya patigilid ako ng paglabas. Pansin ko ang paglunok niya ng laway habang nakatitig sa harapan ng suot kong pantalon. Pinalo ko siya ng dala kong bag sa ulo bago nagpatuloy. Nauna na akong bumaba saka lumabas. Si Gavin ay nakabuntot lang sa akin dala rin ang kanyang bag. Pagkalabas namin ay bumulagta sa aking paningin ang tahimik na pasilyo. Dumiretso ako ng lakad upang maupo sa paanan ng hagdanan. Ganito rin ang ginawa ni Gavin sa pagpatong niya ng bag sa baitang. "Nakalabas rin," sabi niya pa na nakatingin sa akin. "Aba. So, ayun talaga goal mo?" Ngumiti lang siya ng matalim sa akin. Sinuntok ko siya sa braso. "Dinamay mo pa ako." "Siyempre. Alangan na magsolo lang ako," aniya sabay binuksan niya ang kanyang bag. Mayroon siyang nilabas na puting envelope. Kinuha niya ang kamay ko sabay lagay ng puting envelope sa aking palad. "Sa'yo na. Hindi ko naman magagamit iyan." "Ano ito?" Tiningnan ko ang laman ng envelope at nalaman ko na ticket papuntang Palawan. Doon ko napagtanto na iyon ang premyo. Akalain mo nga naman kami ang nanalo. Binalik ko sa hita niya ang envelope. "Ikaw na pumunta. Magsama ka na lang ng iba." "Wala namang akong maisip na puwedeng isama. Ikaw lang," aniya sabay kindat kaya sinipa ko siya sa paa. "Dali na. Hindi naman sigurado na mananalo ang grupo. With this makakapunta ka sa Palawan." "Okay lang. Nagbago na isip ko. Hindi ako pupunta kahit manalo." "Itatabi ko na lang pala ito para rememberance." Binalik niya ang envelop sa loob ng kanyang bag sabay isog ng upo sa akin habang pinagmamasdan ako sa mukha. "Bakit hindi mo na gustong sumama kung manalo man? Dahil ba kasama ako? Kaya tumatanggi ka pati na gamitin ang ticket?" Pinagsalubong ko ang aking kilay. "Tinatamad na akong pumunta." "Sabihin mo na ang totoo." Tinulak-tulak niya ako sa balikat gamit ang kanyang braso. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin ng unti-unti kasabay ng malapad na pagnggiti. "Wala akong dapat sabihin." Hinawakan ko siya sa mukha sabay tulak sa kanya papalayo. Bumusangot ang kanyang mukha na para bagang nabagsakan ng pader sa balikat. Tumayo na lamang ako't biniisan ang paglalakad. Dumiresto ako sa library na kalapit lang ng silid-aralan na nilabasan namin habang siya'y nakabuntot sa akin na parang aso. Binilisan ko pa ang paghakbang kaya si Gavin ay ganoon din ang ginawa. Kaysa mag-aksaya ng oras mabuti ng mag-aral. Pagkapasok sa library diretso na ako sa puwesto ko palagi na nasa pinakasulok ng silid, malayo sa pinto, malayo sa tingin ng mga tao. Sa paglapat ng aking pangupo sa silya binuksan ko ang aking notebook para pag-aaralan ang mga nakaligdaan. Si Gavin naman ay naupo sa aking harapan. Habang nag-babasa kinukulit ako ni Gavin. Tinutusok niya ako ng ballpen sa ilong. Sinasamaan ko siya ng tingin na gagantihan naman niya ng ngiti. Nang makita niyang wala ako sa mood, pinabayaan niya na lang ako saka siya'y nagbasa mula sa hawak niyang libro. Habang kami'y nasa ganoong sitwasyon lumapit na naman ang iyong babae na nagtanong sa akin nang puntahan ko si Gavin sa kanyang tambayan. Napatigil ako sa pag-aaral samantalang si Gavin ay nanatiling nagbabasa ng hawak na libro. Hinarap ng babae si Gavin habang pinagmamasdan ko ito. "Gavin, puwedeng kuhanan kita ng litrato ngayon?" ang tanong nito. Hindi man lang pinagkaabalahang tingnan ni Gavin ang babae. "Ask him for the second time. Baka ngayon pumayag na," ani Gavin nasa libro nakapako ang mata. Kaagad na nilingon ako ng babae pero imbis na magtanong sumimangot ito't bigla na lang umalis. Sinundan koi to ng tingin na may pagtataka hanggang makalabas ng library. "Ano bang sinabi mo roon sa babae noong una, sa akin pa nagtanong tapos ngayon magtatanong tapos aalis?" pag-usisa ko sa nangyari noong nagdaang araw habang kami'y nasa bus. "Sabi ko tanong mo sa boyfriend ko kung payag siya." Uminit ang taenga ko sa narinig mula sa kanya kaya sinipa ko siya sa ilalim ng mesa. Umaray siya ng malakas sabay hapo sa paang sinipa ko. Binigyan ko siya ng masamang tingin. "Iyon talaga ang sinabi ko sa babae." "Iyon na nga eh. Ba't mo sasabihin ang ganoon sa babae nang araw na iyon?" Hindi na ako nakapagpatuloy sa pagsasalita nang mapansin ko ang pamilyar na mukha na pumasok sa library bitbit ang camcorder. 'Di ko tuloy nalaman kung totoo nga ba nasabi ni Gavin iyon sa babae samantalang kakikilala lang namin ng araw na iyon. Hindi lang ganoon kasimple puwedeng sabihin ang ganoong bagay kahit biro lang. Nanahimik na lang ako kaysa mabwisit. Itong si Gavin nakuha pa akong tawanan na tumigil sa paglapit ni Hao. Pakiramdam ko tuloy hindi niya gustong makita ng iba ang pag-uugali niya na ganoon. "Dito nga talaga kayong dalawa. Akala ko'y nagsisinungaling lang iyong babaeng busangot ang mukha na napagtanungan ko," ani Hao pagkalapit nito na nakatutok ang camcorder sa aking mukha. Pinalo ko ang camcorder nito kaso hindi ko natamaan dahil nasangga nito kaagad ng kamay ang pinangpalon kong notebook. "Anong kailangan mo ba?" ang tanong ko. Binabako ko ang aking kamay. "Wala naman," sagot ni Hao sabay tutok ng camcorder kay Gavin na nagpangalumbaba sa mesa. Sumimangot ako sa ginagawa ni Hao. "Tigilan mo nga iyang pagkuha mo ng bidyo," sita ko sa kanya. "Bakit? May masama ba sa ginagawa ko? Libangan ko ito," paliwanag ni Hao saka inilapit ang camcorder sa aking mukha. Hinampas ko siya ng notebook sa ulo na kanyang ikinakamot sa tinamaan. "Ang KJ mo," dagdag nito sabay baling ng atensiyon kay Gavin. Inilapit nito ang camcorder kay Gavin. Walang naging reaksiyon si Gavin, hinayaan niya lang si Hao habang siya'y nagbabasa. Itong si Gavin ay may ginawa na kakaiba habang kinukunan kami ng bidyo ni Hao. Napansin niya ang buhok na tumatabon sa suot kong salamin na pinabayaan ko lang ng ganoon ang estado. Hinawakan niya ako sa noo sabay sinuklay ang aking buhok gamit ang daliri papunta sa gilid. Nanginig ang katawan ko sa ginawa niya. Tinigil niya ang kanyang ginagawa ng tumikhim si Hao. Pakiramdam ko tuloy umaakto lang siya para may makuhang maganda si Hao. "Bakit 'di mo paiksian iyang buhok mo?" ani Gavin sa pag-upo niya ng maayos. Ginulo ko ulit ang buhok na kanyang sinuklay ng daliri. "Ayaw ko," ang sabi ko naman saka binaling ang tingin sa notebook na hawak. "Paputolan mo. Gaguwapo ka pa lalo kapag maiksi at manipis buhok mo." Binuklat ni Gavin ang kanyang hawak na libro sa kanyang pagsasalita. Sa mga narinig ko sa kanya tumalon ang t***k ng puso ko. Nagkatinginan kami ni Hao dahil sa sinabi ni Gavin. Sa pagngiti ni Hao ng malapad sinamaan ko siya ng tingin. Sinara nito ang kanyang camcorder. "Kuntento na ako. Iba naman ang kukunan ko," anito sabay alis na kinakaway pa ang kamay sa akin. Sa pag-alis ni Hao nag-iba ang ambiance sa pagitan namin dalawa ni Gavin. Parang nagkakahiyaan kaming dalawa sa hindi ko malamang dahilan. Gusto kong magsalita pero itong dila ko parang pinilipit dahil sa mga sinabi niya tungkol sa itsura ko. Maging siya'y tikom lang din ang bibig. Pero hindi rin nagtagal, hindi na siya nakatiis sa pagkatuyo ng laway. "Nauuhaw ako, bibili lang ako ng maiinom," aniya sabay tayo. "Sige," pag-sangayon ko naman. Pinagmasdan ko ang kanyang likuran sa kanyang paglalakad palabas ng library. Nang mawala si Gavin sa aking paningin, pinagmumura ko ang sarili ko sa isipan. Hindi ko lubos maisip na masasabi niya ang ganoong salita sa akin. Dapat makaramdam ako ng pag-asiwa dahil naturingan siyang lalaki tapos ganoon sinasabi niya, pero hindi ako nakaramdam ng ganoon. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi sabay untog-untog ng ulo sa mesa. Gumulo pa lalo ang aking isipan. Dahil dito hindi ko na inantay si Gavin na makabalik. Iniwan ko na lang ang bag niya sa library. Mabilis akong lumakad sa pasilyo hanggang sa makalabas ng gusali. Nilakad ko ang daanan na nababalutan ng bricks na may kahabaan hanggang sa makarating gusali na kinalalagyan ng mga pool. Walang gaanong taong pumupuna sa mga pool dahil hindi mahilig ang mga tao na lumangoy roon maliban sa mga taong kasali sa swimming club. Lumakad ako sa gilid ng malapad na pool hanggang sa dulo nito. May kadiliman sa lugar na iyon dahil narin sa mataas na dingding. Ang tanging pumapasok na liwanag ay sa bintana na sa taas ng dinging. Binaba ko ang aking bag saka pinakatitigan ang tubig. Nang magsawa sa kakatitig tumalikod ako sa pool saka nagpatihulog sa tubig para maalis ang gumugulo sa aking isipan. Bumagsak ako sa tubig na una ang likod. Pagkalamon ng tubig sa aking buong katawan ay nagbalik sa aking ala-ala ang aking nakaraan kaya't kung ano ang nararamdaman ko sa kasulukuyan ay aking nilalabanan. Hinayaan kong lumubog ang aking katawan sa tubig hanggang sa lumapat ang aking likod sa tiled na sahig ng pool. Nakatitig lang ako sa itaas habang naglalaro ang tubig sa aking paningin. Tubig ang naging kaibigan ko kapag ganoon ang aking isipan ay napupuno na. Hindi pa ako nagtatagal sa ilalim ng tubig ng may mainanag akong tao sa kabila ng panglalabo ng aking mata na nakatingin sa akin mula sa gilig ng pool. Itinaas ng tao na ito ang kanyang pantalon saka naupo na nakalublob ang paa sa tubig. Kahit nawawalan na ako ng hangin nanatili parin ako sa ilalim ng tubig. Kaya ko pang tiisin, kung puwede nga lang na mamatay ako sa mga oras na iyon, gugustuhin ko para makatakas lamang. Itong taong nakabantay sa akin ay hindi na nakatiis kaya hinubad nito ang suot na mga damit na naiwan ang pantalon na nakikita ko sa ilalim ng tubig. Matapos nito'y lumangoy narin siya pailalim ng tubig. Inabot niya ang kamay ko saka hinila niya ako paitas ng tubig para makatayo. Pagkaluwa ng aking ulo, hinawakan niya ako sa aking pisngi, na sinundan ng pag-alis niya sa buhok na tumabon sa aking mata, sinuklay hanggang sa likod ng ulo. "What's your problem now?" ang kanyang tanong. Nagpatuloy sa paggalaw ang kanyang kamay, hinahapo ang aking pisngi. "Wala ako noon. Gusto ko lang malamigan," ang aking naman sagot sa kanya. "Na hindi tinatanggal ang salamin? Baliw ka talaga. Isa kang malaking sinungaling." Pinisil niya ang pisngi ko ng mariin kaya pinitik ko siya sa ilong. "Mas masakit pagpitik mo ah." "Kaya dapat huwag mong pinipisil ang pisngi ko." Inalis ko ang kanyang kamay. "Oh di sige. Hahaplusin ko lang pisngi mo no," aniya kasabay ng pagkiskis ng likuran ng kanyang kamay sa aking pisngi. Napalunok ako ng laway sa pagtitig niya ng tuwid sa akin. Pinatalsikan ko siya ng tubig sa mukha saka umalis. Umiwas ako sa kanya habang hinuhugsan niya ng kamay ang mukha. Lumapit ako sa gilid ng pool saka tumalon para makaahon. Sa kasamaang palad pagkaakyat ko'y nahirapan akong tumayo dahil sa pagkadulas ng aking paa. Isama pa ang bigat ng basang maong na pantalon na nagtulak sa akin upang hindi makakuha ng tamang balanse. Kaya ang nangyari'y muli akong nahulog sa tubig. Ang pagbagsak ko'y tila naging slow motion. Kitang-kita ko ang pagpihit ng katawan ni Gavin at pagbagsak ko sa harapan niya. Umalingaw-ngaw ang sigaw naming dalawa dahil sa pagtama ng aming mga noo sa pagkawala ng slow motion sa king patingin sa tuluyang kong pagbagsak. Napakunyapit ako sa kanyang balikat sa paglubog muli ng kalahati kong katawan sa tubig. Ang sumasakit kong noo'y nakadikit parin sa kanyang noo. Hindi lang noo ang magkadikit sa aming dalawa, kasama na ang ilong, gahibla na lang ang naiwan para maglapat ang aming mga labi. Ang mga mata naming na napapagitnaan ng tumabingi kong salamin ay naguusap. Nang maramdaman ko ang kamay niya'y umikot sa aking beywang doon na ako lumayo mula sa kanya. Muli akong umakyat sa giid ng pool ng maingat. Nang walang anu-ano'y hinawakan ni Gavin ang puwet ko sabay tulak sa akin para matulungan sa pag-akyat. Pagkatayo ko'y sinamaan ko siya ng tingin habang siya'y nakangisi ng matalim. "Saan ka kukuha ng pangpalit?" sabi niya habang kinakalat ang tubig sa matigas niyang dibdib kaya napapasunod ako ng tingin. "Mayroon ako," sabi ko sa kanya saka kinuha ang aking bag. Sa pagakyat niya sa gilid ng pool doon ko unang napansin kung gaano kalakas ang kanyang braso. Ang paggalaw ng kanyang mga muscle sa pagbuhat niya sa kanyang sarili paalis ng pool ay tila sumasayaw kasabay ng matipuno niyang pangangatawan. Ang tubig na nadala ay umagos paibaba, naglalaro sa bawat gitling ng kanyang abs, sabay suksok sa suot na pantalon. Ginulo pa niya ang kanyang buhok kung kaya't sumisilip ang mga hiblang itim sa kanyang kili-kili. Kaalinsabay nito ang nakakapanginit na kilos na ikinalunok ko ng laway ng hindi namamalayan. Mabilis ang t***k ng puso ko kaya napahawak ako sa aking dibdib. "Bakit ganyang ka makatitig?" ang kanyang tanong. Inilayo ko na kaagad sa kanya ang aking paningin bago pa niya mapansin ang pag-init ng kaing taenga. Lumakad na ako patungo sa locker sa dulo ng mga pool. Pumasok ako sa silid na ito't lumapit sa sarili kong locker. Pagkalapag ko ng bag sa bench na naroon binuksan ko ang aking locker saka tiningnan ang naroon na naiiwan kong damit. Hinubad ko ng mabilis ang aking damit na pangitaas saka itinabi sa bench. Matapos nito'y nilabas ko ang aking towel na aking pinangbalot sa aking ibabang katawan. Bago ko hinubad ang pantalon kasama na ang aking underwear. Sa puntong iyon kapapasok pa lang ni Gavin samantalang ako'y binitiwan ang basang pantalon. Pagkalapit niya'y hinalungkat ko ang aking locker para maghanap ng underwear. Nakakita naman ako. Sa gilid ng aking mata ay nakikita ko ang paghubad ni Gavin sa basang niyang pantalon kasama ng kanyang boxer brief kung kayat nalantad na naman ang gahumindig niyang kaangkinan sa aking mga mata. Aakma akong kukuha ng short sa loob ng locker nang unti-unting nawala ang nakabalot na towel sa aking ibabang katawan. "Walangya ka Gavin!" singhal ko sa katarantaduhan niya. Hinila ni Gavin ang towel ko kung kaya't kaagad kong tinakpan ang dapat kong itago. Hinila ko ang towel pero ganoon parin ang ginagawa niya, lalo niya lang inilalayo ang towel sa akin habang nakatitig sa aking ibaba. Hinawakan ko ng dalawang kamay ang towel para makuha ko. Ayun panandalian niyang nasulyapan ang dapat kong itago sa kanya. Binitiwan niya ang towel nang makita niya ang kabuuan ng kaangkinan ko. "Nice," ang sabi pa n'ya saka tumawa. Sinuntok ko siya sa braso bago ko muling pinantakip ang towel. "Nahiya ka pa samantalang ikaw nakadalawang beses ka sa akin." "Bibig mo Gavin, pasakan ko iyan para manahimik ka." Kinuha ko ang brief naroon sa aking locker saka sinuot. Itong si Gavin habang nagsusuot ako'y lumapit siya sa akin mula sa likod sabay kapit ng kamay sa aking tiyan saka idinikit ang katawan ko sa katawan niya. Kiniskis niya ang kanyang ilong mula sa aking likod pataas ng batok saka bumulong. "Anong ipapasak mo? Tell me." Siniko ko siya kaagad sa tagiliran bago pa siya may masabing iba. Minadali ko ang pag-suot ng short saka tinabon sa kanyang mukha ang towel habang nakangiwi parin siya. Nang hanapan ko siya ng maisusuot sa loob ng locker ko pinunasan niya ang basa kong buhok saka niya inamoy ang towel. Tinabon ko sa mukha niya ng short pati ang pang-itaas na unimporme naming sa swimming team. Walang underwear kaya magtitiis siya. Naglabas pa ako ng isang tshirt na green na akin namang sinuot. Matapos nito'y kinuha ko ang towel mula sa kanya saka hinanger ang basang kong damit kasama na ang kanyang basang pantalon at boxer brief sa ibang parte ng locker na puwedeng sampayan ng basa. Nagsusuot si Gavin ng damit nang makarining ako ng pag-uusap mula sa kung saan ang pool. Pagkabihis ni Gavin ay isinara ko ang locker saka pareho na kaming lumakad papalabas. Nalaman na lang namin kung sino ang nag-uusap nang makita namin si Luna, Mip at Hao na nag-uusap sa gilid ng pool. Sabay-sabay silang lumingon sa aming dalawa ni Gavin na nakuha pang umakbay sa akin. Inalis ko ang kamay niya sabay lumakad at naupo sa bench kung saan nakalagay ang binili ni Gavin na drinks para sa akin katabi ng kanyang bag at hinubad na jacket at tshirt. "Anong ginagawa niyo ritong dalawa?" ang kaagad na tanong ni Mip. "I was about to call you Gavin. We'll be doing a scene here." "Anong ginagawa sa pool?" ang patanong na sagot ni Gavin saka tumabi siya ng upo sa akin. Ang titig ng tatlo'y napuno ng pagtatanong sa mga nangyayari. "Judging by your wet hairs. Naligo nga kayo. Sinabi niyo sanang dalawa sa amin para nagkasabay na tayong pumunta rito," pagpapatuloy ni Mip. "No need," sabi ni Gavin. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya tahimik lang ako. Sumimangot si Mip sa akin sabay bigay ng makahulugang tingin sa akin na nagtatanong. Nagkibit-balikat lang ako kaya napabuntong hininga ng lang ito. Kinuha ni Gavin ang drinks sabay nilapit sa akin ang bibig para uminom sa straw nito. Inalis ko ang drinks sa kamay niya't ako na lang ang humawak. Alam na may mga tao ganoon siya gumalaw, ano lang isipin ng mga ito sa aming dalawa na may nangyayari talaga na wala naman. Hindi ko gustong bigyan ng ibang ideya ang tatlo lalo na si Mip kasi aasarin lang ako nito lalo. "Okay, Gavin. Simple lang gagawin natin na scene ngayon. Maglalakad lang kayo ni Luna sa gilid ng pool hanggang sa kayo'y magtagpo," paliwanag ni Mip sa mangyayari. Taas kilay itong si Luna kung makatingin kay Gavin kaya masamang tingin ang ginanti ng huli sa babae. "No need to change. What you wear now is be good." Tumayo na nga si Gavin at pareho silang pumuwesto ni Luna sa magkabilaang dulo. Dalawang camera ang dala nina Mip kaya pinahawak sa akin ang isa. "Ikaw ang kukuha ng kay Luna," utos ni Mip na kaagad kong sinunod. Binitwan ko ang hindi nauubos na drink saka hinawakan ko ang camera at pumuwesto sa lalakaran ni Luna. "Siguraduhin mong maganda ako diyan Nixon,"ang sigaw ni Luna sa akin sapagkat may kalayuan siya s akin. Tumango ako sa pagtutok sa kanya ng camera. Inantay ko ang hudyat ni Mip para magsimula. "Kahit anong kuha sa'yo Luna maganda ang kalalabasan," sabi ni Hao ng malakas habang ang mata'y nakapako sa nakatayong si Gavin. "Start na tayo. One take lang ito ha. Kayong dalawa Hao at Nixon, tatabi kayo sa paglapit ng dalawa." Sabay pa kaming tumango ni Hao sa sinabi ni Mip. "Ayusin niyo. May pupuntahan pa ako." "Wait," ang biglang sigaw ni Gavin na ikinalingon ko sa kanya. "Si Nixon ang kukuha sa akin." "Aba, nagrequest ka pa talaga?" ang sigaw ni Luna nakapameywang pa. Pero itong si Gavin hindi pinansin ang nasabi ni Luna. Nagkatinginan pa kami ni Mip sabay baling ng tingin na sabay kay Hao na nakangiting aso. "Sige, palitan na kayo," utos ni Mip na agad naming ginawa ni Hao. Sa pagpalitan naming ni Hao ay nakuha paniya akong tapikin sa balikat at hindi ko alam ang kahulugan. Matapos nito'y muling nagsalita ang aking kaibigan. "Okay, one two three. Lakad." Sa huling hudyat ni Mip naglakad na nga ang dalawa. Itong si Gavin kung makatitig sa akin kakaiba. Parang ayaw niyang alisin ang mga mata sa akin. Hanggang sa paglapit niya sa akin ganoon parin ang mga mata niya. Hanggang sa tuluyang na nga siyang nakalapit sa kinatatayuan ko kaya kailangan ko ng tumabi ngunit imbis ng tumuloy itong si Gavin. Lumiko siya't sinundan ako. Umatras naman ako para hindi niya matakpan ang camera. Sa pagsunod niya'y bumangga ang paa ko sa bench. Hinawakan niya ang aking kamay bago pa ako matumba. Sa paghawak niya ng kamay sa akin, unti-unti siyang lumapit sa akin. Ibinaba ang camera. Nilapit ang kanyang mukha. Kinain ang espasyo sa aming dalawa hanggang gahibla ng lang ang naiwan. Sa pagtama ng aming mga ilong, umalingaw-ngaw ang sigaw ni Mip sa loob ng pool. "You just ruined everything Gavin! Nakakainis ka!" ang sigaw ni Mip pero balewala lang kay Gavin. Lumayo siya sa akin at binitiwan ang aking kamay habang nakatutok sa aming dalawa ang camera na hawak ni Hao. "Nadala lang. I can't help it," sabi ni Gavin na para bagang walang nagawang mali. Ngumiti pa siya sa aking ng nakakaloko. Sa sinabi niya'y sinipa ko siya pabalik sa pool na ikinatawa ng tatlo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD