Napatigil ako sa paglalakad nang mapansin ko ang pamilyar na mukha ni Anton kausap si Tristan. Bumalik ako ng ilang hakbang para makita ko ang kanilang kabuuan sa pag-uusap nila sa likuran ng gusali. Nang ako'y mapansin ng dalawa dali-daling naglakad ang mga ito papalayo saka humalo sa mga taong naglalakad sa kabilang ibayo ng kalsada.
Ako'y nagtaka sapagkat paanong naging magkakilala ang mga ito. Idagdag pa na ang mukha ni Anton ay puno ng mga pasa. Sugat na pilit tinakpan ng mga band-aid.
Isang kibit-balikat na lamang ang ginawa ko bago nagpatuloy sa paghakbang sa gilid ng kalsada. Wala naman sa akin kung magkakilala ang mga ito. Ang kailangan kong gawin ay mabayaran si Anton.
Ilang kanto at mga gusali ang nadaraan ko bago ako nakarating sa lumang parke kung saan tinuloy ng grupo ang pagkuha ng music video. Alam ko namang late na ako pero tumuloy parin ako. Pagkapasok ko pa lang sa bukana ng parke, naamoy ko na ang simoy ng hangin na nahaluan ng mabangong bulaklak na nasa paligid. Nasa gitna ng parke sina Mip, Hao, Luna, Liling kasama na si Gavin. Nagliligpit na sila ng mga gamit para umalis. Naroon din ang iba pang mga tao na naglatag ng tela sa damuhan.
Sabay-sabay na lumingon ang lahat sa akin.
Hindi sa kanila napako ang atensiyon ko kundi sa mga halaman sa gilid ng bricked pathway. Napapatingin ako sa mga crisantinom, mahilig ang aking nanay sa ganoong bulaklak. Sa paglalaro ng ala-ala sa aking isipan hindi ko napansin ang taong lumakad papalapit sa akin. Bumalik lang ako sa reyalidad nang bumangga ako sa kanyang dibdib.
Inayos ko ang suot kong salamin sa pagtingin ko sa kanyang mukha.
"You're late," ang sabi ni Gavin sa akin.
"Ano naman. Hindi naman ako kasama sa bidyo. Saka nagpaalam ako kay Mip." Ininom ko ang bitbit kong minute maid.
"Sa akin hindi ka nag-paalam?"
Umiwas ako sa kanya sabay hakbang patagilid ngunit humarang parin siya. Kinuha niya sa akin ang minute maid ng walang pasubali kasabay ng malapad na ngiti. "Hindi ko kailangang magpaalam sa'yo," sabi ko sa kanya.
Binuksan niya ang minute maid saka ininom, katulad ng una napapatingin ako sa paggalaw ng adam's apple niya sa kanyang paglunok. Matapos nito'y sinara niya ang minute maid saka ibinalik sa aking kamay. "You have to. Okay. Sa susunod magpaalam ka na sa akin." Hinawakan niya ako sa dalawang balikat. Mataman akong pinagmasdan.
Pinakunot ko ang aking noo sa kanya. Hindi ko na siya sinagot saka siniko siya sa tagiliran. Lumakad na ako papalapit sa grupo. Binuksan ko ang minute maid. Pero bago ko ininom inamoy ko muna ang bibig, baka may kung anong naiwan. Nang wala naman akong naamoy na mabaho, inubos ko na ang laman niyon sabay tapon sa basurahan sa gilid. Sumunod si Gavin ng lakad sa akin sa tuluyan kong paglapit sa lahat.
"Musta ang shoot?" ang tanong ko kay Mip na binitbit ang kanyang pink na bag.
"Okay naman. Mabuti at walang naging pasaway," anito na nakatingin kay Gavin na nasa aking tabi sa puntong iyon. Si Luna ay inaayos ang pagkasuklay ng kanyang buhok bago ito tumayo mula sa damuhan. Sumabay ito ng lakad kina Liling at Hao na nakangiti.
"Mauna na kami," paalam nitong si Hao. Samantalang si Liling kumakaway. Bitbit ng mga ito ang kanya-kanyang gamit.
"Wait, guys punta pala kayo sa birthday ko ha. Next week sa fourteen," ani Luna bago lumayo silang tatlo.
"San ba?" ang tanong ko naman. Libre kain kapag may kaarawan.
Hinawakan ako ni Gavin sa ulo sabay pihit paharap ng aking mukha kay Mip. "Huwag ka ng magtanong. You'll not be going," aniya.
"Kailan ka pa binigyan ng kaparatang magdesisyon sa kung anong gagawin ni Nixon, Gavin?" ang hindi mapigilang tanong ni Luna.
"Since the day, I agreed na sumali." Inalis ni Gavin ang kamay sa aking mukha sabay akbay sa akin. Sinamaan niya ng tingin si Luna sa pagtigil nito sa paglalakad samantalang ang dalawang kasama'y nagtuloy-tuloy na walang lingon.
"Okay, okay. Antayin mo lang magsasawa karin. Pati si Nixon, magsasawa rin sa'yo. Lalayuan karin niyan katulad ng ibang tao sa paligid mo." Winasiwas pa ni Luna ang kanyang buhok sa pagpatuloy nito sa paglalakad like a pro hanggang sa tuluyan itong nakalayo.
Kumunot ang noo ni Gavin sabay lingon sa aking mukha. Sa lapit ng mukha niya ramdam ko ang init ng hininga niya sa aking pisngi. "I have a question for you, Nixon?" marahan niyang sambit. Nakabinbin ang kanyang kanang braso sa aking ballikat.
"Ano namang tanong?" Tiningnan ko siya sa mata sapagkat parang seryoso ang itatanong niya.
"Magsasawa ka ba akin?" Humina ang boses niya. Tila seneryoso niya ang sinabi ni Luna. Ganoon ba kabig-deal sa kanya kung magsasawa ako sa kanya at sa huli ay lalayo.
"Siguro," sabi ko. At ang salita na iyon ay maling-mali. Sapagkat dahil dito humigpit ang kapit ni Gavin sa aking braso.
"Huwag kang magsawa sa akin, Nixon. Ibibigay ko ng buong-buo ang sarili ko sa'yo huwag ka lang magsawa. Kaluluwa. Higit sa lahat katawan. Kaya huwag kang magsawa ha?"
Sa sinabi niya'y pakiramdam ko tuloy special ako sa kanya. Pero sa kabila nito'y nagsasabi ang likuran ng utak ko na kalokohan lang ang sinasabi niya. Kung alam ko lang kung kailan siya seryoso at hindi baka hindi ako nagtatanong.
"Kung makapagsalita ka, parang may ibang ipagkahulugan ka." Tinulak ko siya papalayo sa akin pero humigpit lang ang pagkapit siya sa akin. Hinawakan pa niya ako sa kuwilyo ng suot kong damit para hindi makalayo.
"Sabihin mo na hindi. Dahil pag oo ang sagot mo, magkukulong ako sa kuwarto. Hindi ako kakain. Hindi ako matutulog. Hanggang sa dumating ang araw na magpakamatay na lang ako."
"Baliw. Gawin mo. Pakialam ko ba." Kinurot ko siya sa ilong sabay pilipit kaya nabitiwan niya ako't hinawakan ang aking kamay para maalis.
Nang walang anu-ano'y mayroong nagsalita sa harapan naming dalawa matapos ang pagtikhim. "Alalahanin niyong dalawa narito pa ako," sabi ni Mip na ang sama ng tingin sa aming dalawa ni Gavin. Binitawan ko si Gavin dahil namumula na ang ilong at baka hindi na makahinga. "Sasabay ka ba sa akin?" dagdag ni Mip saka siya lumakad. Sumunod ako habang si Gavin ay pinipisil ang kanyang namumulang ilong.
Pero bago pa ako makalayo pinigilan ako ni Gavin sa suot ko kaya napaatras ako't napansandig sa kanyang likod. Sa lakas ba naman ng paghila sa akin. Umayos ako ng tayo saka siya sinipa sa paa pero nakailag siya.
"Mauna ka na, Mip. Sasamahan pa ako ni Nixon," pagtataboy ni Gavin sa kaibigan ko.
"Wala akong sinabi na sasama sa'yo," mariing kong sabi kay Gavin sabay baling ng antensiyon kay Mip. "Antayin mo ako Mip."
"Diyan ka na lang. Bahala kayo sa buhay niyo," ang sabi nito saka mabilis ng naglakad.
Lalakad akong muli para habulin ang kaibigan ko ngunit inipit ni Gavin ang aking leeg sa pagitan ng kanyang braso. Hindi na ako nakasunod kay Mip hanggang sa makasakay ito sa kanyang kotse at umandar papalayo. Lumuwag lang ang pagkapit sa akin ni Gavin nang wala na si Mip sakay ng kotse.
"Sama ka sa akin sa pupuntahan ko. Dali," pang-ingganyo ni Gavin.
"Ayoko," sabi ko naman sa kanya sabay pitik sa kanyang taenga.
"Are you even a human? Wala ka bang utang na loob? Tumulong na nga ako. Pagkatapos ikaw, ayaw man lang pumayag na samahan ako. Sasama lang naman. Hindi ka naman mapapano sa pupuntahan natin." Sumimangot siya sa harapan ko. Sa malayo ako tumingin sapagkat iba ang nakikita ko sa pagsisimangot niya, tila baga nabibighani ako.
"Kahit na," reklamo ko naman. "Sasama? We're not even friends," dagdag ko ng pabulong mabuti hindi niya narinig.
Walang anu-ano'y niyakap ako ni Gavin mula sa likuran ng mahigpit. "Payag ka na dali. Kakain lang naman tayo roon pagkatapos aalis na," bulong niya sa taenga ko habang siya'y nasa likuran.
Kumalas ako sa pagkayakap niya dahil iba na ang tingin sa amin ng mga ibang taong naroon.
"Fine," pagpayag ko.
"Salamat." Kinurot niya ang pisngi ko at ngumiti ako ng manipis. Hindi ko siya maintindihan, nagpapasalamat kahit hindi naman kailangan.
Lumapad ang ngiti ni Gavin sabay hila sa akin palabas ng parke hanggang sa makarating sa kalsada. Pumara siya ng taxi na sinakyan namin. Binitiwan niya lang ako sa pag-upo namin. Sinabi niya ang address na pupuntahan namin na hindi ko narinig dahil sa ingay ng motorsiklong napadaan na kulang nalang kumalas ang katawan sa gulong.
Habang nasa biyahe nakamasid kaming dalawa sa labas. Itong si Gavin naglalakbay ang isipan kasi ngumingiti lang ng kanya lang kahit walang kausap.
"Hoy! Gavin! Mukhang lutang ka! Ano bang iniisip mo?" Sinipa ko siya sa paa para makuha ko ang kanyang antensiyon.
"Kung anong sasabihin ko sa pupuntahan natin."
"Talaga? Kailangan mo bang mag-isip? Matalino ka diba. San ba ang punta natin at kailangan mo pang mag-isip?"
"Basta. Malalaman mo na lang mamaya." Sinuntok niya ako sa braso.
"Baka sa kung saan mo ako dalhin mahirap na. Hindi ako handa."
Ginulo niya ang aking buhok sabay pinakrus niya ang braso sa dibdib at saka sumandig. "Sa mental kita dadalhin kasi ang kulit mo. Sabing malalaman mo mamaya kapag nakarating na tayo."
"Kasimpleng sabihin, ayaw pa."
"Sa hindi ko gustong sabihin."
Sa sinabi niya'y siniko ko siya sa braso tapos siya sinakal-sakal ako gamit ang braso niya rin. Una'y hindi ako makawala sa kanya. Dagdag pa nito'y inaamoy niya ang buhok ko. Sa braso niyang naka-ipit hindi ako masyadong makahinga. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga sa likuran ng aking leeg. Pinapabayaan lang naman kami ng nagmamaneho. Kulitan lang naman ang nangyayari sa aming dalawa ni Gavin.
"Bitiwan mo na nga ako," maktol ko.
Imbis na pakinggan ang aking hinaing ang kanyang sinabi ng pabulong: "Kung ganito ka lang kabango lagi baka hindi ko mapigilan, kainin na kita."
Sinundan ito ng pagkagat sa aking taenga kaya nangining ang buong katawan ko. siniko ko siya ng dalawang beses sa tiyan. Siya naman ay tumatawa sa pagbitaw niya sa akin.
"Ibig sabihin mabaho ako kung minsan?" tanong ko sa kanya kasi ganoon ang pagkasabi niya.
Imbis na sagutin ako ng kumag, tumawa lang siya pagkatapos ay binaling ang atensiyon sa driver. "Kuya, para muna rito. Bibili lang ako ng cake," ani Gavin na sinunod naman ni manong. Pagkahinto ng taxi bumaba si Gavin kasabay ng paglahad ng kamay sa akin para alalayan ako sa pagbaba. "Saglit lang tayo."
Binigyan ko siya ng ngiting pilit sabay pinalo ang kamay niya. Kusa akong bumaba sa kinauupuan ko. Nagkasabay pa kami sa pagsara ng pinto ng kotse. Nauna siyang pumasok sa cafeteria na nasa gilid ng hindi masyadong abalang kalsada.
Nakapasok na siya pero ako natigil sa pintong salamin nang mapansin ko ang isang tao na tumitingin-tingin sa mga panipnda sa katabing boutique. Bago pa ito makalayo, nilapitan ko siya saka hinawakan sa kuwilyo. Kapag ganitong mag-isa lang ito, takot ito sa akin. Akala ko'y mapapabayan ko lang itong makipag-usap kay Tristan pero nang maisip kung hindi maganda ang grupong kinabibilangan nito, binalewala ko ang ideyang iyon.
Pinilit ni Anton na umalis pero pinigilan ko siya sa kuwilyo. "Saglit lang. Mag-uusap lang naman tayo," ang sabi ko.
"Lumayo ka. Nabayaran na utang mo pabayaan mo na ako," anito. Inaalis nito ang kamay ko sa kuwilyo nito pero hindi ko siya hinayaan. Wala naman akong ginawa para makapagbayad, pero sa ngayon na wala ng problema, bahagya akong natuwa. Ngunit hindi iyon ang gusto kong malaman.
"'Di iyan ang gusto kong malaman. Ang gusto kong itanong kung bakit kausap mo si Tristan?" Pagkarinig ni Anton sa pangalan ni Tristan mas lalo nitong ninais na makawala sa akin. Bumuntong hininga ako ng malalim, mukhang hindi ko ito mapipilit kung ganito ito kaduwag. Kung kaya't iniba ko na lang ang tanong ko. "Ito nalang, sino nagbayad ng utang ko ha? Bakit bigla nalang wala?"
Inantay ko siyang sumagot pero hindi siya nagsalita. Nanglaki ang mata nito sa takot habang nakatingin sa aking likuran. Nang lingunin ko kung sino ang tinitingnan nito nalaman ko na si Gavin. Lumapit si Gavin sa akin na ang sama ng tingin kay Anton. Hinawakan niya ang kamay ko't inalis sa pagkapit sa kuwilyo ni Anton kung kaya't nagkaroon ito ng pagkakataon na kumaripas ng takbo.
Isang buntong hininga na naman ang nagawa ko. Nang tingnan ko si Gavin, doon ko napagtanto na siya ang tumulong na magbayad. Kaya ganoon na lang niya na lang ako paratangan ng walang utang na loob. Akala ko'y tungkol sa pagsali niya sa grupo kaya niya ako sinisingil. Iyon pala hindi. Napaupo ako sabay hugas ng aking mukha gamit ang aking kamay.
"Tumayo ka na baka malate pa tayo." Napatingala ako sa kanya nang magsalita siya. Lumakad siya't ako'y bumuntot.
"Babayaran din kita. Antayin mo lang," sabi ko sa pagbalik namin sa cafeteria.
"Huwag na. Basta umu-oo ka lang okay na sa akin." Tinulak niya ang pinto't pinagbuksan pa ako para makapasok. Napapatingin sa amin ang mga taong nasa loob.
"Umu-oo sa?"
"Umu-oo, na puwede kitang halikan."
Sinipa ko siya sa hita nang bitiwan niya ang pinto. Iyong kalapit na mga babaeng kumakain ay napatigil nang marinig ng mga ito ang sinabi ni Gavin. Nasapian si Gavin kasi bigla niyang kininditan ang mga babae kaya tumili ang mga ito. Napasimangot ako sa ginawa niya. Iniwan ko na nga lang siya't naunang mamili sa mga cake na nakadisplay.
Habang ako'y tumitingin kahit hindi naman ako ang dapat bumili, kinakalabit ako ni Gavin. "Problema mo Gavin?" Hindi ko siya nililingon.
"Lingon ka lang. Dali na."
Bumuntong hininga ako't nilingon ko siya. Sa aking paglingon ay sumalubong sa akin ang isang kindat mula sa kanya. Saka hinalikan niya ako sa pisngi kaya lalo akong napasimangot. "Ito bihin mo, kung bibili ka," pagsuplado ko sa kanya na nakaturo sa chocolate cake.
Iniwan ko siya't naunang lumabas ng cafeteria. Ako'y sumakay narin sa taxi na nag-aantay. Pagkalabas ni Gavin ng cafeteria bitbit ang nakabalot na cake, pinagmamasdan ko ang paghakbang niya. Iyong puso ko tambol ng tambol, alam niya sigurong nakatingin ako kahit nasa loob ako ng taxi kaya ngumiti siya ng malapad. Inilayo ko na lamang sa kanya ang tingin ko't sa labas binaling ang mga mata.
Pagkasakay niya ulit ng taxi ay kinulit-kulit niya ako. Tinutusok-tusok niya ako sa pisngi ng daliri. Kahit sa pag-andar ng sasakyan ganoon parin ang ginawa niya. Sa panghuli niyang duro sa pisngi ko. Nilingon ko siya't kinagat ang dulo ng daliri. Ngiwi siya ng ngiwi habang hinihila kamay niya. Pinakawalan ko ang daliri niya sa paglimo ng kotse papunta sa lugar na para sa mayayaman.
Hindi na ako nagtaka nang pumasok ang sasakyan sa isang subdivision. Itong si Gavin inamoy-amoy ang daliri niya na kinagatan ko.
"Umiinom ka ba ng pabango? Iba amoy ng laway mo ah. Amoy rosas. Sarap amoyin." Pinapaikot-ikot pa nga niya ang kanyang daliri habang sinisinghot.
"Nag-tu-toothbrush lang ako lagi," ang sabi ko sa kanya.
"Ah talaga? Masarap din siguro ang lasa nito," aniya sabay dila sa daliri na kinagatan ko. Napangiti siya ng malapad samantalang ako nanglaki ang mata ko. "Sarap," dagdag niya.
"Kadiri ka Gavin."
"Anong kadiri sa nilalasahan laway mo? Kapag naghahalikan nga salo-salo ng laway." Binaba niya ang kanyang kamay niya't mataman akong pinagmasdan.
"Well, hindi ko pa naranasan iyang sinasabi mo."
"Ah really? Do you want me to be your first then?" Ngumisi siya ng matalim sabay dila ng ibabang bibig.
Iyong galit kong mata halos lumuwa na. Itinaas niya ang kanyang mga kamay sabay tawa ng mahina. Hindi ko siya tiningnan sa pamumula ng taenga ko na aking tinakpan sa pagbagal ng taxi. Napapalunok pa ako ng laway.
Humimpil ang taxi sa harapan ng isang magandang dalawang palapag na bahay na moderno ang pagkagawa. Napapaikutan ito ng may kataasang pader. Ako'y naunang bumaba habang si Gavin ay nagbayad kay manong na kaylapad ng ngiti. Pinagmamasdan ko ang loob sa gate nito. Pagkababa ni Gavin at pagkaalis ng taxi ako'y nagtanong.
"Bahay niyo ba ito?" ang tanong ko sa kanya ng lumakad kami papalapit sa mas maliit na gate na nakatago sa likod ng pader.
"Sa tingin mo?" sagot niya ng patanong.
"Abay malay ko sa'yo kaya nga ako nagtatanong." Binatukan ko siya. "Ikaw kaya ang ipadala ko sa mental ha? Kasi baliw ka."
"Oo. Baliw ako. Ngayon alam mo na," sabi niya sabay kindat. Tinusok ko ng dalawang daliri ang kanyang mata na kanyang ikinaaray.
Lumapit siya sa screen sa tabi ng doorbell sabay pindot ulit habang minamasahe ang dalawang mata. Kumaway si Gavin sa screen at makalipas ang ilang saglit ay bumukas ang maliit na gate. Pumasok kami ni Gavin saka nilakad ang kaunting pathway hanggang sa makarating ng pintuan. Maayos ang bakuran ng bahay dahil sa mga bulaklak na nakatanim at sa berdeng damuhan.
Pagkarating namin sa pintong kulay kayumanggi bumukas ito't binati kami ng medyo may katandaang mukha ni Gavin. Sa tingin ko'y kuya niya ang lalake na nakashort lang at sandong puti.
"Who are you?" ang tanong sa akin ng kuya ni Gavin. Ito siguro ang kuyang nasabi ng may-ari ng bintahan ng kotse.
"Pasensiya na, nakalimutan ko pangalan ko." Umakto akong sumasakit ang ulo ko. Humawak ako sa aking sentedo.
"May amnesia ka?" Kamot ulong tanong ng kuya ni Gavin.
"Parang mayroon. Hindi ko nga alam kung paano ako napunta rito sa inyo."
"Huwag kang maniwala diyan kuya Geo. Pinagloloko ka lang niyan," pagsingit nitong si Gavin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Pinutol niya iyong katuwaan ko.
Sumandig itong si kuya Geo sa trangkahan ng pinto saka nagpatuloy sa pagsasalita. "I didn't know you've got a friend like him,"
Ang aking dalawang kilay ay nagsalubong sa narinig mula lalakeng kaharap ko. "Ba't parang pakiramdam ko iinsulutuhin mo lang ako kapag papasok ako sa bahay mo," itinaas ko ang dalawa kong kilay.
"No. I didn't mean it that way. It's just that malayo ka sa usual na kaibigan ni Gavin."
"Ah." Tumango-tanog ako. "Okay, we're good. Papasok na ako ano? Balak mo atang magtayuan lang tayo rito."
Hindi ko inantay na sumagot si kuya Geo. Walang kahiya-hiya akong pumasok ng bahay kaya nga nalantad sa aking mata ang salang sobrang linis dahil sa abuhing sofa at puting pintura ng mga dingding. Sa aking pagtingala sa hagdanan paakyat ng ikalawang palapag, naririnig ko ang pag-uusap ng magkakapatid.
"I thought you'll not be coming in here," ani kuya Geo.
"I've changed my mind." Narinig ko ang pagsara sa pinto at ang paglalakad ng dalawa.
"Is it coz of him?"
"You think so?" ani naman ni Gavin. Pinihit ko ang aking katawan pabalik sa dalawa.
"Siyanga pala hindi kami magkaibigan ni Gavin. Napilitan lang akong sumama rito." Kumunot ang noo ni Gavin sa sinabi ko. Hindi ko siya pinansin saka naupo ako sa sofa. Nakuha ko pang mahiga sa sobrang lambot saka patalon-talon ng upo. Inamoy ang mga unan na sobrang bango.
"If you're not friends, then mag-ano kayo?" pag-usisa nitong si kuya Geo.
"Acquaintance," sabi ko saka dumapa sa sofa.
"We're more than that. We'll be going to be boyfriends," sabi naman nitong si Gavin na muling ikinatayo ko. Pinagmasdan ko ang seryoso niyang mukha kung nagbibiro lang ba siya o hindi. Sumunod ay nagkatinginan kami ng kuya niya. Nagtatanong ang mga mata nito, kibit balikat lang ang sinagot ko rito.
Pagkatapos nito'y biglang tumawa ng malakas ang kuya ni Gavin. Nakuha pa nitong humawak sa kalapit na hagdanan. "This is the first time you said a joke."
"You know older bro that I don't say joke," ani Gavin na walang ekspresiyon sa mukha.
"Okay. What's happening to you?"
"Hayop ka Gavin!" Binato ko siya ng unan na hawak. Natamaan siya sa mukha bago nahulog sa sahig ang unan. "Maniwala pa ang kuya mo. Bugbog aabutin mo sa akin."
Pinagpalit-palit ng kuya ni Gavin ang tingin nito sa aming dalawa bago lumakad. Pinulot ni Gavin ang unan sabay bato sa akin. Hindi ko nasalo kaya natamaan ako sa mukha at napahiga sa sofa. Nang tingnan ko ang kuya niya nag-iisip ito ng malalim bago magsalita. "Iiwan ko muna kayo. Magbibihis lang ako baka dumating na iyong bisita ko. You have to stay here Gavin para makilala mo narin." Tinuro ni kuya Geo si Gavin sabay turo sa sofa indikasyon na dapat siyang maupo. Tumango itong si Gavin at hindi nagreklamo.
Lumapit sa akin si Gavin saka naupo sa aking tabi. Umalis nga si kuya Geo saka umakyat ng ikalawang palapag. Nang mawala ito sa aking paningin, pinagsusuntok ko si Gavin sa braso. "Anong pinagsasabi mo roon sa kuya mo? Nababaliw ka nga talaga," sita ko sa kanya.
Hindi siya sumagot bagkus ay hinawakan niya sa balikat sabay tulak sa akin. Napahiga ako sa sofa habang siya'y nakadagan sa akin. Pinakatitigan ko siya sa mukha habang unti-unting lumalapit siys sa akin. Ramdam ko sa aking dibdib ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Hanggang sa gahibla na lang ang namagitan sa aming dalawa. Pinagkiskis niya ang tongke ng aming mga ilong na ikinalunok ko ng laway.
"Narinig mo naman siguro ang sinabi ko. Hindi ako mahilig magbiro." Hinawakan niya ako sa baba sabay pisil-pisil. Akala ko'y hahalikan niya ako iyon pala'y binaba niya lang ang ulo para bumulong. "So be ready."
Napalunok ako ulit ng laway ng dilaan niya ang aking taenga. Matapos ang senaryo na ito na nagpatayo sa balahibo ko sa katawan tumayo si Gavin saka ako iniwan. "Hoy! San ka pupunta?" sigaw ko pagkaupo ko.
"Iihi. Bakit gusto mong sumama?" aniya sa kanyang paglingon. Inilabas ko sa kanya ang aking dila bago siya tuluyang lumakad saka pumasok sa isang pasilyo.
Ako naman ay napatayo nang tumunog ang doorbell ng bahay. lumapit ako sa kung saan ang hagdanan saka tiningnan ang screen kung saan makikita ang nagdodoorbell. Nakatalikod ang isang lalake na nakasuot ng suit kaya hindi ko pa nakikita pero kinakabahan ako ng hindi ko mawari. May kausap ito sa telepono. Nang muli itong nagpindot at humarap sa screen sa maliit na gate, sinakluban ako ng doble-dobleng kaba.
Imbis na buksan ang gate umalis ako't pumasok sa kuwartong kasunod ng sala. Pagkapasok ko'y sinara ko ang pinto saka naupo sa gilid. Pinagmasdan ko na lang ang mga estante ng libro na naroon sa kuwarto na iyon. Pilit kong nilalabanan ang ala-alang nagbabalik sa aking isipan. Pero wala paring nagagawa kaya inuntog-untog ko ang aking ulo sa pader. Ang ingay ng doorbell ay patuloy parin sa pagtunog. Tumigil lang makalipas ang isang minuto. Naririnig ko na lang ang pag-uusap ng magkapatid.
"Saan ba pumunta iyon?" ang may galit na tanong ni Gavin.
"Baka umuwi na," ang sabi nitong si kuya Geo.
"Hindi siya puwedeng umuwi. Pinauwi mo ano?" Nagtaas na ng boses itong si Gavin.
"Aba! Gavin! Ba't ko gagawin iyon? Masusuntok kita kapag hindi ako nakapagpigil. Hanapin mo lang baka nagtago lang kasi loko-loko ka. Umayos ka kung gusto mong manatili siya sa tabi mo. Tingnan mo ako I've changed nang makilala ko ate mo."
"Whatever. We're different," sabi nitong si Gavin. Kung makapag-usap ang mga hayop parang hindi ko naririnig.
Nagdesisyon ako ng oras na iyon. Babaliwalain ko ang mga naririnig ko na ano pa man mula kay Gavin. Noong una tama ang desisyon ko na iyon pero ng tumagal ako lang ang nahirapan.
"Umayos ka ha kapag kaharap mo na kaibigan ko. Samahan mo akong kausapin siya para makilala mo narin ang future business partner natin."
Natapos ang usapan nila sa sinabi ni Geo. Nilock ko kaagad baka ang kuwarto na pinasukan ko ang unang pupuntahan ni Gavin. Hindi nga ako nagkamali dahil pagkalock ko ng pinto, pilit na itong binubuksan ni Gavin.
"Nandiyan ka ba? Buksan mo nga ito." Hindi ako sumagot. "Magsalita ka nga. Kapag hindi ka nagsalita, hindi ka talaga makakalabas diyan. Diyan ka lang talaga hanggang bukas. Ikukulong kita diyan. Gusto mo gawin ko?"
"As if naman kaya mo. Eh di lalabas ako sa bintana," sabi ko naman sabay kagat sa labi. Hindi ko napigilan na magsalita. Naisahan ako ng kumag.
"Ba't ka ba nagtatago?" Hindi na niya sinubukang buksan ang pinto.
Ang sasabihin ko sana ay kasi nababaliw ka kaso hindi iyon ang lumabas sa bibig ko. "Nahihiya ako sa magiging bisita ng kuya mo." Naupo ako't sumandig sa nakasarang pinto.
"Sa pagkakaalam ko wala kang hiya."
"Mayroon ako noon."
"Okay. Tatawagin na lang kita kapag nakaalis na. Sumigaw ka lang kung nagugutom ka. Ayaw kong nagugutom ka." Napataas ang dalawa kong kilay kaya ba kung bigyan niya ako ng pagkain sangkaterba. Hindi na siya nagsalita matapos nang huli niyang sinabi. Narinig ko na lang ang paglalakad niya papalayo. Sa hina ng pag-uusap mula sa sala hindi ko marinig ang mga sinasabi nila. Pero tumayo ako't sinilip ang bisita ng kuya ni Geo. Nakaupo ito patalikod sa kuwartong kinauupuan ko kaya hindi ako nito pansin.
Huminga ko ng malalim saka muling sinara ang pinto ng aaktong lilingon ang bisita. Inikot ko ang loob ng kuwarto na kinalalagyan ko para malibang. Ngunit nang makita ko ang bintana na walang harang na bakal binuksan ko ito't lumabas ako rito.
Pagkalabas ko ng bintana, sinigurado kong kailangan kong iwasan si Gavin kahit papaano. Kahit mahirap iyong gawin lalo pa ngayon sa nalaman at nakita ko sa bahay ng kuya niya.
Dumaan ako sa gilid ng bahay at nang nasa harapan na akong bakuran, tinaas ko ang damit ko upang matabunan ang aking ulo. Nang alam kong tanaw ako sa binata sa may sala mabilis akong tumakbo papalayo sabay labas ng gate.
Ibinaba ko ang aking damit nang nasa lansangan na ako ng subdivision. Binilisan ko na ang paglalakad ko baka sundan ako ni Gavin. Tumakbo ako nang hindi ako makutento sa basta lakad lang.
Napapatingala ako sa langit sa pagdidilim ng kalangitan.
Hapo ako ng makarating sa gate ng subdivision kaya nagpahinga muna ako. Ang isipin na alam kong susunod si Gavin ay tama nga dahil nakita ko siyang tumatakbo papalapit sa akin. Bago pa ako muling makatakbo nahawakan niya ako sa braso.
"You're not leaving!" Bulyaw niya sa akin. Nanglilisik ang mga mata niya. Ang kalangitan ay biglang kumidlat at kumulog na tila baga sinabayan ang galit ni Gavin.
"Hayaan mo na nga ako. Kailangan kong umalis!" sigaw ko rin sa kanya. Pero imbis na bitiwan niya ako lalo lang humigpit pagkahawak niya sa aking galanggalangan. Tila gusto niya akong saktan.
"Is it because sa mga sinabi ko ha?" Halatang nagtitimpi siya kasi sa itsura niya parang gusto niya talagang manakit. Pero hindi niya magawa kasi baka ako masaktan niya.
"Hindi. Kailangan ko lang talagang umalis."
"Sinungaling ka! I can see it in your eyes!" kasabay ng sinabi niya'y ang malakas na pagbuhos ng ulan kaya nabasa kami pareho.
"Alam mo pala magtatanong ka pa!" Lumuwag pa ang pagkakapit niya sa akin kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na alisin ang kamay niya. Kasinungalingan ang sinabi ko. Sinakyan ko na lang ang akala niya para matapos na ang pag-uusap namin na iyon. Hindi ko alam kung bakit kami nag-uusap ng ganoon gayong hindi naman kailangan.
Ang lahat sa amin ni Gavin ay hindi nagiging malinaw ng mga oras na iyon.
"Kung ayaw mo sa mga nasasabi ko sabihin mo. Hindi iyon tatakbo ka pa. Can't you see? I'm hurting dahil sa ginagawa mo!" Ito ang huling sinabi niya sa akin. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko kaya napanganga na lang ako. Paanong nasasaktan siya?
Iniwan niya ako. Naglakad na siya papalayo sabay sipa ng malakas sa basurahan na nasa tabi hanggang sa mabasag. Pinagmumura niya ang basurahan kahit walang kasalanan bago nagpatuloy sa paglalakad. Nasaktan ang paa niya sa pagsipa sa latang basurahan dahil ikang-ikang siyang humahakbang.
Ang tanging nagawa ko na lamang ay pagmasdan ang kanyang likuran. Hinayaan kong mabasa ang kabuuan ko. Kung puwede lang na pati ang buong katauhan ko mahugasan mananatili ako sa ilalim ng ulan.
Ngunit hindi ako puwedeng magkasakit kaya lumakad narin ako papauwi na mabigat ang kalooban. Sabi ng matalinong isipan hindi ako puwedeng magpatuloy habang bumubuhos ang ulan. Kung kaya't ako'y nagpahinga sa resthouse sa labas lamang ng gate. Nakatalikod ako sa bukana nito habang nakatayo. Tumingin ako sa kalangitan sa pagbuhos ng ulan.
Lumilipad ang isipan ko kasabay ng pagpikit ng aking mata. Minulat ko lamang aking mata nang makarinig ng yabag na papalapit sa akin. Sa pagmulat ko ng aking mga mata'y may lumapit sa akin dala ang isang payong na puti. Nalaman ko na si Gavin iyon ng ibigay niya ang payong sa akin na walang sinasabi.
Hinawakan niya ako sa kamay kaya ako'y nanginig hindi dahil sa lamig. Nagkatitigan kaming dalawa.
Inilagay niya ang kamay ko sa hawakan ng payong bago niya ako iniwang muli. Pagkahanggang doon umiikang parin siya. Muli siyang pumasok ng gate.