Kabanata 10

5637 Words
Kapapasok ko palang sa pintuan ng student council room na hiniram ni Mip upang magamit namin sa pagpa-finalize ng music video, narinig ko na parang nagkakagulo sila sa loob. Nagmadali akong pumasok para malaman kung ano ang naging dahilan. Bagsak ang mga balikat nina Mip, Hao at Liling habang nakaupo sa mahabang mesa. Ang mga mukha nila'y tila natakasan ng sigla't kulay katulad ng zombie. Sabay-sabay silang napatingin sa akin pagkaupo ko sa katabi ni Hao. Kaharap namin ang dalawang babae. "Ba't parang may problema kayo?" ang tanong ko sa mga ito. Ginulo ko ang aking buhok na medyo basa pa ng kaunti dahil sa hindi ako nagpunas ng buhok pagkaligo. Pinunasan ko na rin ang hamog sa suot kong salamin bago isinuot muli. "Mayroon nga at hindi lang basta problema," ang sabi pa ni Mip. Sinampal niya ang kanyang mukha ng dalawang kamay sabay sabunot sa sarili. Ginulo ang sariling itsura pati buhok. "Malaking problema. Hindi tayo makakapasa ng music video," sabi naman ni Liling sabay bagsak ng ulo sa mesa na gumawa ng malakas na ingay. Hindi ko alam kung nasaktan ito. "Ha? Kailan pa kayo nagkaroon ng problema? Hindi ba okay na ang lahat. Ang kailangan nalang ay ang dalawang final scene," sabi ko na ubod ng pagtataka. Tiningnan ko si Hao na parang natakasan ng kaluluwa. Nakatingin ito sa kawalan sa lalim ng iniisip. "Iyon na nga hindi na magagawa ang dalawang final scene," pagbabalita nitong si Mip sabay lamukos sa folder na naroon sa kanyang harapan. Document ng student council ito kaya inayos nito nang mapagtanto ang nagawa. "Paanong hindi?" Ako'y naguguluhan na sa kanilang sinasabi. "Umalis na si Luna papuntang abroad kaninang umaga. Pagkatapos si Gavin, hindi naman ma-contact noong isang araw pa. Kapag nakita ko lang talaga iyan si Gavin, bubogbogin ko talaga iyan." "Hindi ko alam iyan," simple ko namang sabi. "Paano mo nga malalaman hindi ka naman pumapasok," ani Mip sa akin. Tama siya hindi nga ako pumasok ng tatlong araw. Maliban sa nagkaroon ako ng sinat matapos na magpaulan nang pumunta kami sa bahay nina Gavin. Sinakyan narin ako ng katamaran. Sa loob ng tatlong araw iyon hindi ako lumabas ng inuupahan ko't nalango lang sa malalim na pag-iisip. "Pasensiya naman," sabi ko na lang kaya napalo ako ni Mip ng nirolyong papel sa ulo. "Sa tingin ko may kinalaman ka kaya hindi namin ma-contact si Gavin. Sabihin mo?" Mataman akong pinagmasdan ni Mip. "Wala uy," pag-aakila ko dahil hindi rin ako sigurado kung ako nga ang dahilan kaya hindi nila makausap si Gavin. "Nag-away ba kayo? Ha?" dagdag na tanong ni Liling na naka-patong parin ang ulo sa mesa. "Ba't kami mag-aaway?" sabi ko naman. Kung masasabing away iyong hindi namin pagkakaitindihan at maling akala niya, oo ang sagot ko. Pero hindi ko puwedeng sabihin sa kanila iyon. "Huwag mo kaming tanungin. Sa sarili mo iyan itanong. Napansin ko lang noong mga nagdaang araw nagkakaganoon lang siya kapag may inis sa'yo. Baka nga galit iyon sa'yo," ani Mip. Nakaramdam ako ng pagpitik sa aking dibdib nang marinig ko ang mga salitang iyon kay Mip. Siguro nga galit sa akin si Gavin. Dapat siguro sinabi ko na lang ang tunay na dahilan kung bakit ako umalis ng araw na iyon. "Hanapin ko na nga," sabi ko sabay alis ng student council room. Walang sinabi ang mga ito sa pag-alis ko. Ito naman ako't hahanapin siya sa pangalawang pagkakataon. Pero ngayon iba ang dahilan, galit na talaga siguro si Gavin sa akin. Unang pinuntahan ko ay ang tambayan niya sakay ang biseklita. Mabilis akong nakarating doon kasi sa bilis din naman ng pagpapatakbo ko. Pagtigil ko eskenita, kinakabahan ako pagkababa ko ng biseklita. Sa paglalakad patungo sa inuupahan niya'y iniisip ko anong sasabihin ko sa kanya. Dapat ko bang sabihin sa kanya na kaya ako umalis ay dahil sa naging bisita ng kanyang kuya. O sasabihin ko na wala namang problema sa akin kung mayroon man siyang nararamdamang espesyal para sa akin. Lahat naman ng tao nakakaramdam ng ganoon dahil sa pagiging magkalapit. Sa kasamaang palad pagkarating ko sa pinto ng kanyang inuupahan ako'y nagulat dahil sa nakalagay na notice na nakadikit sa wall. Pinapaupahan ang naturang kuwarto. Dahil dito binuksan ko kaagad ang pintuan sa sobrang kaba. Lalo pang nanglaki ang mata ko nang makitang sobrang linis ang tambayan ni Gavin. Sa sobrang linis walang makikitang anong kalat sa loob. Walang kalaman-kalaman. Napa-face palm ako kaya lalong mas umigting sa aking isipan na galit nga talaga siya sa akin ng tunay. Lumabas ako ng tambayan niyang iyon saka muling nagbiseklita. Wala akong direksiyon. Basta sa kung saan ako dalhin ng pagbibiseklita ko doon ko narin siya hinahanap. Alam ko kasing wala siyang klase kaya nga pumasok ako. Pero kung ganoon lang naman wala siya sa school dahil sa galit, pumasok na lang sana ako noong isang araw. Nakita ko pa sana ang pag-alis niya sa kanyang tambayan. Ewan ko ba't lalo akong nakakaramdam ng kirot sa dibdib sa paghahanap ko sa kanya. Napagalitan pa nga ako nang isang professor sa biglang kong pagpasok ng patakbo sa unang gusali. Hinanap ko si Gavin sa library, sa computer lab, sa bawat classroom, pero wala siya roon. Lumabas na lang ako na bagsak ang balikat. Muli akong nagbibiseklita nang maalala ko ang lugar kung saan ko siya nakita noong una ko siyang hinanap. Lumiko sa unang gusali at tumungo roon. Nawalan ako ng pag-asa dahil wala siya roon. Tanging hangin lamang na umiihip sa mesa ang mararamdaman. Sumagi tuloy sa isipan ko ang pagpapansin ko sa kanya. Napangiti ako ng may kirot. Ang bobo ko kasi't tumambay lang sabay nitong mga nagdaang araw. Nalaman ko sana kung saan siya lumipat. Ang tanga ko narin dahil hanggang sa mga oras na iyon wala parin akong cellphone. Tinawagan ko na sana siya. Bibili na talaga ako basta makita ko na siya ulit para matuloy ang music bidyo at kung anong dapat gawin sa pagalis ni Luna. Isa akong baliw na nakatitig lang sa mesa kaya't muli akong nagbiseklita. Paano na lang kung hindi lang inuupahan ang pinaglipatan niya kundi unibersidad din? Napapamura na lang ako sa isipan ko. Natigil lang ako sa malalim na pag-iisip nang muntikan ko ng mabangga ang babae na pagkahanggang sa oras na iyon ay hindi ko alam kung anong pangalan. Iyong may gusto kay Gavin. Sa cellphone siya nito nakatingin habang kinikilig na naglalakad. Mabuti na lang nakapreno ako. Pero itong babae'y natumba parin dahil sa pagkagulat at napaluhod. Bumaba ako ng biseklita sabay bitiw dito. "Miss, okay ka lang?" Nilapitan ko ang babae't inalala4yang makatayo. Napapatingin ito sa akin at agad ako nitong nakilala. Hindi naman siya nagpumiglas kasi nginitian ko siya ng matamis. "Tulungan na kita," sabi ko saka siya tinayo ng tuluyan. Tiningnan ko pa ito sa kanyang pagkatulala para malaman kung nagasgasan ang kanyang tuhod. Pero mukhang okay naman siya. "Salamat," sabi nito sa akin na animo'y biglang nahihiya. "Okay lang. Sa susunod huwag kang maglakad ng nakatingin sa cellphone," paalala ko rito. Doon ko lang napansin na ang liit na babae nito. Ang taas niya'y hanggang dibdib ko lang. "Pasensiya na. Hindi ko kasi mapigilan na pagmasdan ang boyfriend mo sa cellphone ko," anito sabay tingin sa kanyang cellphone. Saka muling kinilig. May lumalabas pa sa bibig nito na impit na pagtili. "Boyfriend?" taka kong tanong. "Miss, hindi ko alam iyang sinasabi mo." "Ito oh," anito sabay pakita sa akin ng kanyang cellphone. Nakikita ko si Gavin na nakasuot ng suit na itim habang nakaupo sa bilugang mesa na mag-isa na may pinagmamasdan. Sa layo ng kuha ng babae hindi masyadong malinaw tuloy ang litrato ni Gavin. Pero alam ko lang siya iyon. Hindi mapagkakaila, siya lang may ganoong ayos kahit sa pag-upo. "Saan mo siya nakita?" sabi ko kaagad sa babae sa pagbalik ng pag-asa sa akin. "Sa mall, doon sa prescon ng irerelease na movie," anito. Alam ko nagliwanag ang mukha ko dahil nakatitig sa akin ang babae na namumula ang pisngi. "Kailan mo nakuha iyan?" "Kanina lang. Doon ako galing. May klase pa kasi ako kaya umalis na ako." "Salamat nakita kita!" sabi ko. Nabigla pa ito sa sinabi ko. Binalikan ko ang aking biseklita saka sumakay. Kumaway ako sa babae bilang pag-papaalam. Hindi ko na natama ang akala nito dahil sa pagmamadali kong makapunta ng mall. Matulin kong tinungo ang gate at binaktas ang highway sakay ng biseklita. Lumusot ako sa mga sasakyan. Halos tumalon ang puso ko ng muntikang mahagip ako ng pulang kotse nang palabas na ako ng kalsada. Nang nagbibisikleta ako sa gilid ng kalsada doon ko lang napagtanto na hindi ko natanong kung saang mall ang prescon. Tatlo ang mall sa siyudad na iyon kaya hindi ko alam kung saan ko makikita si Gavin. Nagbakasali na lang ako na sa unang mall siya naroon kaya doon ako pumunta. Sa parking area ako dumaan at hindi sa harapan. Pagkapasok ko'y iniwan ko lang basta ang biselikta ko sa gilid saka tumungo ng elevator. Pinindot ko kaagad ang buton ng elevator para umakyat ito. Pagkarating ng unang floor ako'y nagtanong sa guard. "Manong, alam mo iyong prescon?" sabi ko na hingal dahil sa pagtakbo. "Sa second floor iyon. Baka tapos na iyon ngayon," ani naman ni manong guard. "Salamat ho," sabi ko saka muling tumakbo. Tinumbok ko ang elevator saka muling sasakay sana. Sa kasamaang palad, kung minamalas ka ang tagal bumaba ng elevator. Lumakad na lang ako't sa escalator na lang dumaan. Lumingon-lingon ako sa paligid habang pataas ako baka naglalakad na si Gavin sa itaas na palapag. Natagalan ako sa pag-usad ng escalator kaya nilakad ko na pataas. Muntikan pa akong madapa buti nakahawak ako sa balluster. Huminga ako ng malalim nang makaalis ako sa escalator. Hinanap ko ang pinagdausan ng prescon na nasa bandang dulo ng ikalawang palapag kung saan naroon ang malapad na conference area. Bagsak ang balikat ko nang makarating ako rito. Tama nga si manong na tapos na dahil ang nakikita ko na lang ay ang mga taong naglilinis at nagliligpit ng mga bilugang mesa. Lumapit ako sa isang babaeng tinatanggal ang cover ng mesa. "Ano ho sa inyo sir?" tanong nito pagkalapit ko sa kanya. Patuloy parin ito sa pagtanggal ng mga sheet cover. "Magtatanong sana kung may nakita kang lalake na guwapo rito kanina," sabi ko kasi wala akong maisip na sabihin na description ni Gavin. "Kung guwapo lang kuya. Marami po akong nakita." Napapakamot ako ng ulo. "Iyong matangkad. Kasing pantay ko lang ang taas," sabi ko baka maintindihan nito. Ang kaso kumunot lang ang noo nito. "Naku. Marami rin kasing tangkad mo rito kanina," binigyan pa nito ng diin ang huling salita. "Sabihin mo na miss kung may nakita kang lalake na hinahanap ko." Naiinis na ako na walang dahilan. Siguro dahil sa pagkadismaya kasi akala ko'y makikita ko si Gavin. "Kuya, huwag mo akong guluhin. Paano ko makikilala ang hinahanap mo 'di naman tayo magkakilala. Kung guwapo at matangkad, marami sila. At wala akong panahon para isa-isahin sila para malaman natin kung sino hinanap mo," nagtaas na ng boses ang babae sa akin. "Pero miss, siya ang pinakaguwapo sa mundo. Walang makakapantay sa kanya!" Napataas narin ako ng boses. Magsasalita sana ang babae pero hindi naituloy. Nalaman ko na lang kung bakit sa pagsalita ng isang tao sa likuran ko. "Matutuwa na ba ako niyan?" biglang sabi ng lalake sa likuran ko. Kumabog ang dibdib ko pagkarinig sa kanyang tinig. Sa pagpihit ng katawan ko'y tila tumigil ang oras. Nalingunan ko si Gavin na nakasuot parin ng suit. Natigil ako kasi hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pagpapaliwanag ko sa kanya. "Hinanap mo ba ako?" dagdag niyang tanong. "Hindi. Tinutulungan ko lang itong si miss," sabi ko para makaiwas sa kanyang nagtatanong na tingin. Kinuha ko pa ang sheet cover ng kalapit na mesa para kapanipaniwala. "Okay. Hindi pala eh," sabi niya na ikipinanting ng taenga ko. Naglakad siya patungo sa gitna saka sumilip sa ilalim ng mesa. Mayroon siyang hinahanap. Nilapitan ko siya sabay suntok sa balikat niya na kanyang ikinatigil sa paghahanap. "Oo na! Ikaw na nga hinanap ko! Ba't kailangan mo pa akong tanungin? Alam mo namang ikaw ang pinunta ko rito," sabi ko na medyo may bahid ng inis. Tumayo siya ng maayos saka ako hinarap. "Ba't kailangan mo pang denie?" panunubok naman niya sa akin. "Nakakahiya kasi ang sinabi ko na narinig mo," ani ko na kamot ang aking ulo. "Hindi mo naman kailangang mahiya kung ako naman ang sinasabihan mo ng ganoon." Hinawakan niya ako sa baba saka siya ngumiti. Ako naman ay napalunok na lang ng laway. Napatingin siya sa paanan ko kaya yumukod siya. Hinawakan niya ako sa hita kaya napatayo ako na parang estatwa habang nagsisitayuan ang balahibo ko sa katawan. "Anong gagawin mo?" sabi ko nang pisilin niya ang hita ko. Ang buong akala ko'y may gagawin siya iyon pala pinulot niya lang ang cellphone niya na kanyang hinahanap. Wala parin akong imik ng muli siyang tumayo ng maayos. "O ba't para kang natulala diyan?" aniya pa habang sinusuri ang kanyang cellphone. "Hindi ah. Teka lang," sabi ko nang mayroon akong mapagtanto. Tinuro ko pa siya. "Nahihiwagaan lang ako, hindi ka ba galit sa akin?" "Sino may sabi?" tanong naman niya saka kinunan ako ng litrato na nakakunot ang aking noo. Ngumiti pa siya saka sinuksok ang cellphone sa bulsa ng pantalon. Hindi ko naman puwedeng kunin ang cellphone niya kasi panigurado 'di naman niya ibibigay. Kaya binayaan ko na lang muna. "Akala ko lang kaya nga kita hinahanap," sabi ko sa pananatili naming nakatayo. "Anong rason para magalit ako sa'yo?" "Diba nga iyong umalis ako sa bahay ng kuya mo. Nagalit ka." "Nabigla lang ako ng araw na iyon." Sa sinabi niya'y hindi ko na pala kailangang magpaliwanag sa kanya. Nakaligtas ako. "So, hindi ka talaga galit?" pagpupumilit ko kasi baka mamaya umaakto lang siyang hindi. "Hindi nga. Wala akong nararamdamang ganoon. Maliban sa namimiss kita sa loob ng tatlong araw. Iyon lang naramdaman ko. Pero galit wala. Ikaw pa, malakas ka sa akin." Kininditan pa niya ako kaya nasipa ko siya paa. Hinapo niya ang kanyang paa. Napapatingin sa amin ang babaeng nagliligpit. Buti na lang 'di niya naririnig usapan namin ni Gavin kasi nakakahiya. "Bibig mo talaga," sabi ko na ikingisi niya ng matalim. "Sinasabi ko lang ang totoo. Ikaw talaga? Mahirap bang paniwalaan sinasabi ko?" "Oo, mga ganito." Tinaas ko kamay ko sabay ipakita ng porseyento na papaniwalaan ko siya. Mga inch lang pagitan ng hinalalaki ko sa aking hintuturo. "Nga naman. Di kita masisi," sabi niya na lang. "Anong ibig mong sabihin?" "Ako kasi pinakaguwapo sa mundo at walang makakapantay sa akin." Sinaamaan ko siya ng tingin dahil inulit pa niya ang nasabi ko ng wala sa loob. Binalewala ko ang huli niyang sinabi. "Sayang lang pagpunta ko rito," yamot kong sabi sabay lakad. Pinigilan niya ako sa aking galanggalangan. "Sino may sabi sa'yong sayang?" aniya saka niya ako hinila upang maglakad. Nakatulala ang babae nang madaanan namin. Nginitian lang ito ni Gavin. "Kumain ka na ba?" kanyang tanong sa akin. "Hindi pa," sabi ko naman sa paglabas ng conference area. "Eksakto. Sumabay ka sa amin na kumain." "Ha? Amin? Huwag na. Balik na ako ng school. Kakausapin ko pa sina Mip." "Ngayon na nga lang tayo nagkita aalis na agad? Hindi kaya kita nakakausap ng tatlong araw. Alam mo kung gaano kahirap para sa akin iyon?" sabi pa niya. Napapatingin ako sa kanyang mukha. Panandalian kaming natigil sa pasilyo kung saan may mga naglalakad na ibang namimili. "Anong halaga ng cellphone? Tumawag ka sana." Napapalingon ako sa mga dumaraan. "Tatawagan, wala ka namang cellphone. Ba't 'di ka kasi gumamit?" Sinuksok niya ang kanyang kamay sa bulsa habang nagsasalita. "Para ano pa? Wala naman akong dapat tawagan o itext man lang," sabi ko na lang. Lumapit ako sa tindahan ng damit. Nakadisplay ang isang leather jacket na may spike sa balikat. Gusto kong bumili ng ganoon kaso sa katipiran hindi naman ako makabili. "Anong wala? Nandito kaya ako." Napalingon ako sa kanya sa sinabi niya. Mataman ko siyang pinagmasdan. Wala akong sinasabi kaya kinurot niya ako sa pisngi. Sinuntok ko naman siya sa braso. "Saan ba tayo kakain? Nagugutom na ako." "Sumunod ka na lang," aniya saka kami'y naglakad na patungo sa restaurant sa loob ng mall. Habang patungo kami roon sinabi ko sa kanya ang hindi magandang balita. "Umalis na si Luna patungong abroad," ani ko. Pinihit niya ang kanyang katawan pabalik sa akin. "Ano naman ngayon?" aniya na ikinasalubong ko ng kilay. "Hindi ka ba nag-aalala? Ibig sabihin nun hindi matatapos ang music bidyo, pagkatapos dahil doon hindi ako makakagraduate pati kayo. Kailangan ulit mag-enroll ng isang semester para balikan ang bumagsak na subject," ani ko sa posibilidad na mangyayari kung hindi matatapos ang music bidyo. "Bakit ako mag-aalala? Kung kapalit naman noon ay isang semester na kasama ka." Patuloy siya sa paglalakad na hindi ako tinitingnan ng sinabi niya ang mga salitang iyon. Bagsak pa akong nakatitig sa kanya na salubong ang mga kilay. Sumunod na ako ng lakad sa kanya bago pa ako maiwan. "Hindi ako puwedeng bumalik," ang nasabi ko sa kanya. "Don't worry. Makakahanap ng paraan iyon sina Mip para maka-graduate." Humina ang kanyang pagsasalita na tila baga biglang nalungkot. Humugot pa nga siya ng malalim ng hininga at napapatingin sa malayo. Piningot ko nga siya sa taenga saka tiningnan siya ng tuwid. "Ang sakit ah," reklamo niya sa ginawa ko. Sinamaan niya ako ng tingin habang minamasahe ang kanyang taenga. "Kung masisigurado mong maging masaya kapag bumalik ako ng isang semester, okay lang din sa akin." Inunahan ko na siya sa paglalakad. "Is that a deal?" sabi pa niya. Tumahimik lang ako. Wala akong sinabi sa kanya. Hindi sana ako titigil sa paglakad kung hindi lang niya napansin ang kung ano sa aking suot na pantalon sa bandang puwetan. "Teka lang, tingnan ko lang," aniya. Pinigilan niya ako ng isang niyang kamay sa aking balikat. Habang ang isang kamay ay pumaibaba. Nahihirapan akong tumingin sa kanya dahil sa siya'y sa aking likuran. Ramdam ko lang kung anong pinagagagawa niya. Lalo na ang pagsuksok ng daliri sa butas ng aking pantalon at ang pagdikit ng hintuturo sa aking balat sa pisngi ng aking puwet. Inikot-ikot pa niya ang kanyang daliri sa loob kaya lalo akong nanginig at nagsitayuan ang balahibo sa aking katawan. Tinulak ko na siya kaagad. "Alam mo ng butas, pinansin mo pa," sabi ko sa kanya. Nag-iinit ang taenga ko dahil sa ginawa niya. "Iyong totoo, tagusan talaga? Wala ka na bang maisuot?" tanong pa niya. "Huwag mo ng itanong. Ano kakain pa ba tayo? O magdaldalan na lang dito." Sabi ko sa kanya ng may bahid ng inis. Natatawa pa siya sa kalumaan ng suot ko. Tumigil naman siya kakatawa sabay akbay sa akin. Inalis ko kamay niya kasi nararamdaman ko pa ang bahagya niya pagtawa. Lumakad kami sa nakarating na nga kami sa restaurant na pagkakainan. Simple laang naman ang resto. Ang mga ilaw nito'y tamang-tama lang na hindi nakakasakit sa mata. Pati ang mga dekorasyon lang din. "Dito tayo," ani Gavin sabay senyas ng kamay para ako'y pumasok. "Welcome sir." Binatukan ko siya sa kanyang kalokohan. "Sino ba kasama mo rito?" "Si kuya lang," aniya. Pagkasabi niya nga nito'y nakita ko si kuya Geo na kumakaway sa mesa sa bandang gitna ng restaurant. Pati ito'y nakasuot din ng suit. May labanan ata ng pagguwapohan sa restaurant, nagsuot narin sana ako ng suit. "Hello!" sabi ko na parang pagkakita lang namin ni kuya Geo. Ngumiti pa sa akin si kuya Geo. Ito namang si Gavin salubong ang kilay na nakatingin sa akin. Binabay niya ang kamay ko saka iniwan niya akong nakatayo. Sumunod na ako kaagad. Naunang naupo si Gavin sabay nagpangalumbaba sa mesa. "Kamusta?" ang tanong ni kuya Geo sa pag-upo. Nakahain na ang mga pagkain sa mesa kaya hindi na kailangang mag-order. "Okay naman," ang sabi ko pa. Tiningnan ko naman si Gavin na nakapangalumbaba parin. Inalis ko nga kamay niya. "Huwag kang gumanyan sa mesa. Hindi magandang tingnan." "Napapagod leeg ko kakalingon kanina sa prescon kaya pinapahinga ko mukha ko." Napataas ako ng dalawang kilay sa pinandilatan ko siya ng mata habang si kuya Geo ay nakatingin lang sa amin habang pinapapak ang appetizer na mani. "Sige. Sige. Pero huwag kang magreklamo sa gagawin ko." Inalapit niya ang kanyang silya sa akin sabay patong ng ulo sa aking balikat. Ginalaw ko ang ulo niya sabay inisog ko ang upuan ko. "Magpangalumbaba ka na lang," sabi ko na lang kay Gavin. Umayos din naman siya ng upo at hindi na nagpangalumbaba. Wala naman reaksiyon si kuya Geo kundi isang ngiti lang. "Ba't ka kasi lingon-lingon samantalang sa harapan naman ang mga artista." "Akala ko naman kasi naroon ka. Paano ba naman naririnig ko ang boses mo na tinatawag ako ng maraming beses." Itinahaya niya ang pinggan pati iyong sakin itinihaya narin niya. "Nanaginip ka ng gising? Buti hindi ka nabuang" ang sabi ko na lang. "Ang saya sana kaso imahinasyon lang pala," aniya na tila may pinaghuhugatan pa. "Nasa tabi mo narin naman ako ngayon kaya walang problema," sabi ko sa kanya saka kinuha ang kutsara't tinidor ko. Napa-ubo ubo at napatingin sa akin si Gavin. "Ano may nasabi ba akong hindi maganda?" tanong ko kasi naguguluhan ako sa itsura niya. Kinuha niya narin ang kutsara niya't nagslain ng pagkain. Wala na siyang sinabi saka kumain lang ng kumain. Ako nga hindi pa nakakain siya nakailang subo na. Hindi ko alam na may pagkasiba siya. "Magdahan-dahan ka naman. Para kang mauubusan." "Hayaan mo na. Kinikilig iyan kaya ganyan iyan," ang sabi ni kuya Geo sa akin. Tiningnan ko siya na wari'y nagtatanong. "Trust me. Nakakatanda niya akong kapatid." Napalunok ako ng laway sa katotohanang narinig. Hindi ko rin naman alam kung bakit si Gavin kinikilig. Nahiya tuloy ako bigla sa pagngiti ni kuya Geo. Pati ako napakain na rin. Natawa lang si kuya Geo sa aming dalawa ni Gavin. Napahinto kami sa pagsubo ni Gavin nang magkasabay kaming tumusok sa siomai. Nagkatinginan pa kaming dalawa at sabay binalik ang atensiyon sa pagkain. Sa huli ay walang kumuha ng siomai. Kumain narin si kuya Geo. Sabay kaming tumigil sa pagkain ni Gavin nang mabusog kami't uminom ng tubig ng sabay rin. Tahimik kami pareho ni Gavin sa pagkain ni kuya Geo. Ilang saglit pa'y niyaya akong umalis ni Gavin. "Tara, mamasyal muna tayo," ani Gavin para umiwas sa nakakalokong tingin ng kanyang kuya. Hindi naman ako gumagalaw sa kinauupuan ko kaya hinila niya ako sa suot kong damit. "Alis muna kami kuya," paalam ko sa kay kuya Geo. "Sige lang, inaantay ko pa ang kaibigan kong si Nate," anito. Pagkarinig na pagkarinig ko sa pangalan ay agad akong napatayo. "May gagawin pa pala ako. Mauna na ako sa inyo," paalam ko. "Salamat sa pagkain." Dali-dali akong lumakad hanggang sa makalabas ng resto. Baka makita ako kung mananatili pa sa lugar na iyon. Hindi ko nga napansin naiwan ko si Gavin kung hindi pa niya ako hinabol at pinigilan sa aking balikat. "Saan ka pupunta? Mamasyal pa tayo," ang sabi ni Gavin. Hindi ko siya matingnan kasi nakita ko sa hindi kalayuan ang taong iniiwasan ko. Inalis ko ang kamay ni Gavin para makalakad na ako. "Wait lang, iihi lang ako," pagsisinungaling ko. Naiwan siyang nagtataka sa inakto ko. hindi ko na siya inantay saka tumango na nga ng banyo. Lumiko ako sa gilid para makapunta roon. Wala namang tao sa loob ng banyo. Lumapit ako sa lababo saka naghilamo sa harapan ng salamin. Nang makarinig ng pagbukas ng pinto pumasok ako sa cubicle sa pag-aakalang nasundan ako ng iniiwasan. Habang nasa loob ng cubicle ako'y naupo lamang sa basin saka pinunasan ang mukha ng suot na sweater. Kailangan ko na naman sigurong maglipat-bayan para hindi ako makita. Iyong pagiwas ko'y naging makatotohanan kasi nakaramdam naman talaga ako ng pag-ihi. Tumayo na nga ako't pumuwesto. Sa pagpututok ko ng aking kamalayan sa basin nakarinig ako ng pagbukas ng cubicle sa kabila. Umihi na nga ako ng tuluyan at binalewala ang isipin na nasundan ako. Nakapikit pa akong habang umiihi nakatingala pa sa kisame. "Itong unang beses na nakita ko iyong ano, Nixon diba?" ang biglang pagsasalita ni Gavin. Nang imulat ko ang kaing mata nasa taas siya ng cubicle at sumisilip. Umatras iyong ihi ko dahil nakita niya ang pinakatatago-tago ko. Sa sobrang hiya ibinalik ko kaagd sa suot kong short ang aking kamalayan. "Putang-ina mo Gavin! Umalis ka nga diyan!" sigaw ko sa kanya. Wala akong pakialam kung may makarinig sa pagmumura ko. "Ayoko nga," sabi niya pa sabay dila sa kanyang pang-ibabang labi. Lumabas na lang ako ng cubicle na naiinis. Sumunod narin si Gavin na tumatawa pa. Naghugas ako ng kamay sa lababo na siya namang paglapit niya sa akin. Sumandig pa siya lababo habang ako'y pinagmamasdan. Tinaas-taas niya ang kanyang dalawang kilay kaya binasa ko siya ng tubig sa mukha. "Uuwi na ako," pagbibigay alam ko sa kanya habang siya'y nagpupunas ng mukha. "Mamaya na. Pasyal pasyal mo na tayo," ani Gavin. Hinawakan niya ako sa beywang saka pinaikot niya hanggang sa harap. Napapasalubong ang dalawa kong kilay kasabay ng pagtambol ng aking dibdib. "Anong ginagawa mo?" "Tiningnan ko lang ang lapad na beywang mo,"pinaandar pa niya ang kanyang mga kamay hanggang sa tumigil sa harap kung saan naroon ang umuumbok na aking masilang bahagi. Hinawakan ko na kaagad ang kamay niya saka inalis bago kung saan pumunta iyon. "Ayan, okay na." Kusa naman siyang kumalas sa akin at napapakunot ang noo habang siya'y piangmamasdan. Nang mapagtanto kung ano talaga ang ginawa niya, sinuntok ko na naman siya. Naiwan na naman siyang tumatawa. Akala naman niya natutuwa ako kaya binayaan ko siya sa banyo. Umiwas ako sa pasilyo na posibleng madadaanan ng taong hindi ko gustong makita. Nakakarinig ako ng pagsipol na nakasunod sa akin. Tumigil ako sa paglalakad saka sinalubong ng masamang tingin si Gavin. Tumingin ako sa food cour nasa aking kaliwa. Mabut pang siya'y utuin para makabawi. Tutal nasayang lang naman iyong ilang araw kong pag-iisp ko. "Libre mo ako ng burger," sabi ko sa kanya. Ngumisi siya sabay punta ng kalapit na foudcourt. Pumuwesto siya sa harapan ng counter. "Ilan gusto mo?!" ang sigaw niya kaya pinagtinginan siya ng mga taong kumakain sa mesa. Pero siya tila walang pakialam. "Ilan nga?" sigaw niya ulit ng hindi ako nagsasalita. Nagsilingon sa akin iyong ibang kumakain kaya nilapitan ko na lang siya. Sa kaliwa niya ako pumuwesto habang pinagmamasdan ang nakadisplay na pagkain sa itaas ng counter na may mga litrato at presyo. "Dalawa lang. Bakit kailangan mong sumigaw? Ang lapit-lapit ko,"sabi ko sakanyang bilang pag-aalala sa kahiya-hiya para sa akin. "Ang layo mo kaya. Lam mo kasi sampung hakbang na pagitan sa ating dalawa'y malayo na para sa akin." Nilagyan ko ng tissue bibig niya para matigil sa kanyang sinasabi. Pero imbis na tumigil mayroon pa siyang dinagdag. "Hindi mo man lang ba ako inisip sa loob ng tatlong araw? Kasi parang hindi ka masaya na nakita ako." "Naisip naman pero saglit lang." "Hina mo. Kasi ako bawat segundo, minuto at oras laman ka ng isip kaya buang na ako. Nahawa mo ako." Kumuha ako ng maraming tissue saka nilamukos. Sabay-sabay kong pinaglalagay sa kanyang bibig. Napalingon ako sa kasunod na stall nang may mapansin akong biglang nagtago sa likod ng stand in ng isang artista. Nagkibit-balikat na lang ako kasi baka imahinasyon ko lang naman. Pagbalik ko ng tingin ay nasa harapan na namin ni Gavin ang inorder niyang burger na dalawa. Habang siya'y tinatanggal ang kumapit na tissue paper sa kanyang bibig. Dinala ko ang burger saka naiwan si Gavin na nagturo pa sa itaas. Napatango na lang ako ng makitang inumin ang binili niya. Habang ako'y naupo napatingin ako ulit sa stand-in kasi may nagtatago talaga. Tumayo na nga ako't tiningan ang stand-in pero pagkalapit ko'y wala naman akong nakita. Nagtataka akong bumalik sa mesa. Naroon narin si Gavin at nakapuwesto, dalawang drinks ang kinuha niya. Napapatingin sa kanya ang grupo ng babae na sunod naming table. Isang ngiti ang binigay niya sa mga ito kaya humagikhik ang mga ito. umiling nalang ako ng ulo pag-upo ko. "Anong tiningnan mo?" tanong niya sa akin sabay sipsip sa drinks. "Wala naman," ani ko't may naisipang itanong sa kanya. "Lumipat ka pala ng tirahan?" "Oo, biglaan nga," aniya. "Saan ka naman lumipat?" pag-usisa ko pero dapat hindi ko nalang siya tinanong. "Sa puso mo," aniya sabay turo sa kanyang dibdib saka tinuro sa aking dibdib. Idiniin-diin pa niya hintutur niya sa dibdib ko. Kinuha ko ang straw ng iniinuman niya sabay tusok sa kanyang mata. Mabuti nakapikit siya kaagad kaya hindi siya nasaktan. "Sumeryoso ka," sita ko sa kanya saka nilapag ang straw sa mesa. Ngumiti lang siya sa akin. Ako naman ay binuksan na ang burger sabay kagad kaya lang ng malasahan ko ang patty napangiwi ako kasi iba ang lasa. "Ba't ganito ang lasa?" ang mahina kong sabi baka may makarinig. "Ano ba lasa? Akin na nga tikman ko," aniya sabay hawak sa kamay ko na may hawak na burger. At doon na siya kumagat. Naupo siya na parang walang nangyari. "Masama nga," sabi pa niya saka ngumuya-nguya. "Di ko talag type kumain ng burger," sabi ko sa kanya saka tinakpan na lang ang burger. Pinatong ko na lang sa mesa katabi ng isa pang burger. "Ayaw mo pala tapos nagpabili ka." "Sinubukan ko lang ulit kumain. Siyanga pala ba't nandoon ka sa press conference?" Humigop ako ng drinks para matanggal ang lasa ng patty. "Pinapaobserve ako ni kuya para malaman ko na rin mga nangyayari sa mga movie na pinagnvestmetan n gaming kompanya. Kasama ko kaibigan niyang si Nate," anito kaya nagka-interes ako na may malaman. "Ayos naman bang tao iyang si Nate?" tanong ko sa kanya na kanyang ikinatigil. Nagsalubong ang kanyang noo sabay higop ng mabilis sa drinks. Inalis niya ang takip saka tinungga na lang. "Sa akin mo pa talaga tinatanong?" aniya na may inis. "Siyempre ikaw ang kasama habang nasa conference." "Huwag na natin siyang pag-usapan. Please lang. Baka may masuntok pa ako." Hindi ko alam kung anong nangyayari kaya hinayaan ko na lang siya sa gusto. Ang lalo ko pang pinagtaka ay kanyang pag-alis. "Dito ka lang, iihi lang ako. Huwag na huwag ka diyang aalis," aniya saka umais ng walang ibang sinasabi. Napapasund ako ng tingin sa likuran niya sa kanyang paglalakad. Sa ibang direksiyon naman siya pumunta. Inantay ko talaga siya pero masyado siyanta natagalan. Kalahating oras na akong nakaupo. kaya napagdisesyunan kong umalis na lang. pakiramdam nagtritrip lang siya. Umalis na lang ako sa mesa saka iniwang burger. Binitbit ko ang drinks saka ininom sa aking paglalakad. Nang nasa harapan ako ng arcade nakasalubong ko sina Mip at Hao. Hindi pa ako napansin ng dalawa kung hindi ko pa sinigawan. "Hoy! Anong ginagawa niyo rito?" sabi ko sa dalawa saka sila nilapitan. Nagliwanag ang mga mukha nila pero pakiramdam may mali. "Namamasyal. Ano pa ba? Ikaw lang may karapatan na mamasyal?" sabi pa ni MIp. Itong si Hao dala-dala parin ang camera niya. Kung sino-sino kinukunan pati iyong mga naglalakad. "Nahihiwagaan lang ako. Siyanga pala, hindi naman galit si Gavin. Naging busy lang," pagbibigay alam ko sa kanila. "Di nga? Uy Gavin! Dami mong dala!" ani Mip kaya napalingon ako sa likuran. May mga dala nga si Gavin na paper bag. Tiningnan lang naming siya habang naglalakad papalapit sa amin. "Para kanino ba iyan?" tanong nitong si Gavin. "Ah ito ba?" Itinaas pa ni Gavin ang mga paper bag na malamang mga damit ang laman. "Binili ko para sa date ko." Pagkarinig ko ng salitang date mayroon naman tumusok sa dibdbi ko. "Galante ka ah," ang komento ni Hao. Nakatingin lang ako sa kanilang habang sila'y nag-uusap. Sa pagitan ako nina Mip at Hao. "Hindi naman. Binigyan kasi ako ni kuya ng allowance. Binili ko na lang kasya masayang lang." "Tama ka." Tumango-tango pa si Mip. "Nasabi narin sa'yo siguro ni Nixon iyong tungkol sa pag-alis ni Luna." Isang tango ang kanyang ginawa bilang tugon. "But don't worry nag-iisip na kami nina Hao ng paraan para maka-akyat parin tayo ng stage. Kaya nga kami namamasyal." "That's good," ani Gavin sabay baling sa akin ng atensiyon. "Hoy! Nixon ba't di ka nagsasalita diyan?" puna niya sa pananahimik ko. "Wala akong masabi. Anong gusto mong sabihin ko?" ang medyo mataas ng sabi ko. "Highblood?" ani Mip. "Oo nga," sabi pa ni Hao saka sabay silang tumawa. Ngumiti lang si Gavin kaya ako'y napasimangot. Mayroong tumatawag sa kanya kaya binigay niya ang mga paper kay Mip at Hao. "Pahawak saglit. Sagutin ko lang tumatawag," ani Gavin sabay abot ng paper sa dalawa. Wala siyang inabot sa akin kaysa mangalay kamay ko sa pagbitbit. Inilabas niya ang kanyang cellphone saka sinagot ang tawag na nakatingin sa akin. "Sige kuya. Punta na ako diyan," aniya saka binaba ang cellphone. "Aalis ka na? Kakarating lang namin," ani pa ni Mip. "Oo eh. Tawagan niya na lang ako kapag may naisip na kayong paraan. Alis na ako," ani Gavin sabay lumakad ng walang sinasabi sa akin. Nagtataka itong si Mip at Hao pati ako kasi naiwan ni Gavin ang mga pinamili niya. Balak sana nilang sunda pero huminto rin siya ng may sampung hakbang palang ang layo sa amin. "Siyanga pala. Pakibigay diyan sa date ko iyang binili ko. Kahit saglit lang date naming masaya na ako." Tinuro pa niya ako na ikinalaglag ko na naman ng panga. Wala akong maintindihan sa sinabing nyang date. "Wala kasi iyang maisuot." Sa huli niyang sinabi'y umalis narin siya. Pagkalayo ng pagkalayo ni Gavin, pinagpapalo ako ni MIp sa aking braso na animo'y kinikilig. "Ano ba?" sigaw k okay Mip kasi hindi natigil. Itong si Hao naman ubod lapad ng ngiti na parang katulad sa aso. "Nagdate pala kayo eh," ani MIp sabay tili. "Hindi kami nagdate? Nag-usap lang kami. Anong date doon?" sabi ko sa kanya. "Eh di hindi. Oh, para sayo raw iyan," ani MIp sabay bigay sa akin ng paper. Bago pa mahulog hinawakan ko na. Inilabas ko ang isang sa binili niya. Nagtataka rin nakatingin si MIp sa hawak kong bagong boxer brief na medium size. "Paano nalaman nun ang size ko?" sabi ko pa. "Ba't ako tatanungin mo?" sabi pa ni Mip na hindi natanggal ang ngisi sa labi. Nang walang anu-anoy biglang sumingit si Hao. Pinagtagpo pa nito ang dalawang palad na animo'y may ideyang naisip bigla. "Alam ko ang gagawin natin para may maipasa na tayo na music bidyo." "Ano?" ang halos sabay naming sabi ni Mip. "Si Gavin at Nixon gawin naming magpartner para iba ang impact," ani Hao na nakahawak pa sa baba. "Ayoko!" ang sigaw ko nang pumasok sa isipan ko ang mangyayari. Madadagdagan lang kalokohan ni Gavin sa mga mangyayari kung sakali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD