Kabanata 11

4711 Words
Pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin na pinto ng faculty room. Nanghihinayang ako sa ginupit kong buhok. Ang medyo may kahabaan kong buhok ay wala na. Pati ang salamin ko'y napalitan ng contact lense. Napapayag ako nina Mip at Hao na maging kapalit ni Luna. Matapos ang matagal na pagpupumilit kasabay ng paghain ng pain. Habang pinagmamasdan ang aking itsura sa repleksiyon, hindi ko napansin kaagad ang lalakeng lalabas ng pintuan. Napatigil siya sa paghakbang sa aking pagpapatuloy sa pananalamin. Hindi ako kampante sa itsura ko. Pakiramdam ko hindi bagay sa akin ang manipis na tabas ng buhok. Sa pagmasahe ko sa aking baba doon ko napagtanto na si Gavin ang lalake. Mataman niya akong pinagmamasdan. Mas lalong lumitaw ang kaputian niya sa suot ng puting tshirt na tinernohan ng itim na pantalon. Sa pagsalubong ng aming paningin na ang pagitan ay salamin tila huminto ang oras. May musikang naglalakbay sa likuran ng aking isipin. Natapos lamang ang panandaliang paghinto ng mundo ng itulak niya ang pinto upang makalabas. Ako'y tumabi para siya'y makadaan. Ang buong akala ko'y mayroon siyang sasabihin, kakausapin o babatiin man lang nang hapon na iyon. Ngunit wala ni isang salita na lumabas sa kanyang bibig. Nilampasan niya lang ako na para bagang hindi niya ako kilala. Masakit isipin kung ano ang kanyang dahilan. Sinundan ko lang ang kanyang likuran sa kanyang paglalakad hanggang siya'y makaliko patungo sa kung saan naroon ang field. Tinaas ko ang aking kamay para sana'y pigilan siya dahil may sasabihin ako. Ngunit hindi ko naman maiangat at walang lumalabas sa aking bibig. Hindi ko na lamang binigyang halaga ang hindi niya pagpansin sa akin. Naisip ko na baka nga hindi niya ako nakilala dahil sa itsura ko na ngayon. May pinagkaiba ngayon ang itsura ko kaysa sa dati. Sinundan ko na lamang siya kung saan siya patungo dahil may usapan ang grupo na magkikita kami sa harapan ng gate para sa pagpapatuloy ng music video. Sa tuwing mayroon akong nakakasalubong hindi maiwasan ng lahat na ako'y tingnan mapababae man o lalake. Kaya nga ayaw kong nagpapagupit. Hindi ko masyadong gusto na sa akin nababaling ang tingin ng karamihan. Dumiretso ako sa field kung saan maganda ang sinag ng namamahingang araw. Napakaaliwalas tingnan ang kabuuan nito, nagbibigay ng kaaganan sa kung sino man ang tumambay roon. Hinanap ng mga mata ko si Gavin. May ilan ding mga estudyante na nakaupo sa benches sa gilid. Nasa dulong bahagi si Gavin ng benches nakaupo. Natatakpan niya ang sinag ng araw kaya kung pagmamasdan siya'y tila nasa alapaap. Ito namang dibdib ko'y hindi maiwasang tumambol sa kakaibang senaryo na aking pinagmamasdan na ang pinapakita'y kanyang kaguwapohan. Umakyat ako ng bench saka lumakad papalapit sa kanya. Ngunit bago pa ako makalapit tumayo siya't tumakbo sa field, paikot. Ang kaninang pagtambol ng aking puso'y napalitan ng kirot. Hindi ko siya sinundan sa kanyang pagtakbo sa kabuuan ng field. Bagkus ay bumaba lang ako't inantay ko siya na mapadaan. Ilang minuto ang lumipas bago siya mapadaan sa aking kinatatayuan. "May sasabihin ako," ang sabi ko sa kanya ngunit imbis na ako'y kausapin nagpatuloy siya sa pagtakbo. Sa pangalawang pag-ikot niya nagtitimpi ako ng kaunti. Muli'y mapapadaan siya sa akin. Ang aking mata'y nakasunod sa bawat pagpihit ng kanyang katawan, sa bawat pagtapak ng pang nakasapatos at sa bawat pag-lalaro ng kanyang kasuotan sa hangin. Sa puntong iyon pinagpapawisan na siya ng bahagya ngunit sa kabilan nito'y hindi nabawasan ang kaguwapohan niya. "Tumigil ka nga muna," ani ko. Nilampasan niya lang ako ulit. Hindi na ako nakatiis kaya sinundan ko na siya ng takbo. Sinabayan ko siya pero lalo niya lang binibilisan. "Ano ba Gavin? Kailangan nating mag-usap." "Lumayo ka nga!" sabi niya sa akin saka lalo lang binilisan ang pagtakbo. Sinabayan ko naman ang tulin niya. Akala niya naman susukuan ko siya. Hindi ko maiwasang isipin kung anong dahilan niya't ayaw niya akong kausapin. Samantalang sabi pa niya kung ano man ang magiging paraan sabihin lang sa kanya. Baka alam na niya na kaming dalawa ang magiging partner kaya gumaganito siya. Pero ako ang nautusan ni Mip na sabihin sa kanya dahil ayon sa kaibigan ko'y makikinig agad siya sa akin ng walang pagdadalawang-isip. Malakas talaga ang bilib sa akin ng aking kaibigan. Nakalayo siya sa akin ng ilang metro at ako'y napatigil dahil sa sobrang hingal. Wala akong ibang naisip para tumigil siya kaya kung ano lang na dahilan ang lumabas sa bibig ko. "Kung hindi ka titigil! Hindi kita kakausapin hanggang matapos ang school year!" ang sigaw ko sa likuran niya. Pagkalabas ng mga salita na iyon ay huminto siya bigla na nagpangiti sa akin. Tumayo ako ng tuwid habang habol ang hininga. Epektib ang aking nasabi. Nilingon niya ako pero hindi siya lumalapit sa akin kaya naroon parin ang ilang metrong pagitan sa aming dalawa. "Sabihin mo na iyong sasabihin mo sa akin," aniya na habol narin ang hininga. Pinapagpag niya ang kanyang suot na tshirt para maibsan ang init sa katawan gawa ng pagtakbo. "Lumapit ka muna dito," utos ko. "'Wag na. Sabihin mo na," aniya saka sinuklay ng daliri ang kanyang buhok. "Mag-uusap tayo. Ang layo mo. Ano iyon?" Pinakunot ko ang noo ko sa kanya. Nilakasan ko ang boses ko para mas marinig niya. "Basta. Maiwan na kita," aniya imbis na sumagot sa sinabi ko. Sa muli siya'y tumakbo papalayo sa akin. Ako naman na naguguluhan ay mabilis siyang sinundan. "Sandali nga lang. Ano bang nangyayari sa'yo?" Hinawakan ko siya sa balikat habang tumatakbo. Inalis niya ang kamay ko. "Bitiwan mo nga ako," aniya. Wala namang bahid ng inis ang boses niya kaya hindi ko malaman kung galit siya o hindi. Huminto ako saka sinabi ko na lang sa kanya ang gusto kong sabihin. "Ano bang problema mo?! Paano matutuloy ang music video na tayo ang magkapareha kung gumaganyan ka?!" singhal ko sa kanya. Sa narinig ay tumigil ang kanyang mga paa saka ako'y muling nilingon. "Sinabi mo sana kaagad," ang magiliw niyang wika. Pumating ang taenga ko sa narinig. Nilapitan ko siya't sinipa sa paa saka sinuntok siya sa braso. "Kung hinaharap mo sana ako ng maayos. Tapos ako sisihin mo. Gagu ka talaga," wika ko. Napapaiwas na lamang siya sa akin sa pagtama ng kamao ko sa braso niya. "Tama na," pagsuko niya kasabay ng pagharang ng kamay sa kanyang paa. Tinigilan ko narin ang pagsipa't pagsuntok sa kanya. Magkaharap na kami pero hindi siya tumitingin sa akin. Sa malayo siya nakatingin. "Parang hindi ka naman natutuwa na tayo ang magkapartner," sabi ko pa habang nakatayo kami. Hinahabol niya parin ang kanyang hininga. "Anong hindi natutuwa? Natutuwa kaya ako." Sa malayo parin nakapako ang mga mata niya. Sinundan ko kung saan tumatama ang paningin niya pero wala namang tao sa bench kung saan siya nakatingin. "Ganyan ba ang natutuwa't hindi makatingin sa akin," sabi ko saka siya hinawakan sa baba para iharap sa akin. Ang kaso iniiwas niya talaga na mapatingin sa mukha ko. Inulit ko uling iharap ang mukha niya sa akin. Inipit ko ang kanyang pisngi sa aking mga kamay. Iyong mata niya't umiiwas talaga. Hinawakan niya ang kamay ko't ibinaba. "Baliw. Umalis na nga tayo't baka nag-aantay na sina Mip," ang nasabi ko na lang. "Anong nangyayari ba sa iyo't hindi ka makatingin sa akin? Nandidiri o naasiwa ka ba dahil sa music video?" dagdag ko sa aking pagtataka. "Hindi ah." Hinawakan niya ang kanyang taengang namumula. "Eh ano nga?" pagpupumilit ko. "Huwag mo na ngang itanong," aniya saka naunang maglakad. "Tara na." "Ang gulo mo," sabi ko pa. Kunot-noo na pinagmasdan ko ang kanyang likuran bago sumabay sa kanya ng lakad. Sa paglalakad namin ay mayroon siyang hiningi sa akin. "May panyo ka ba diyan?" ang kanyang tanong. "Wala," sabi ko kahit mayroon naman. "Sinungaling," sabi niya saka hinawakan ang bulsa ng aking pantalon. Walang anu-anong sinuksok niya ang kanyang kamay sa bulsa saka nakuha niya ang stripped na panyo. "Akala mo ha," dagdag niya na may ngisi sa labi. Inamoy-amoy pa niya ang panyo na parang adik. Napapasalubong lang lalo ang aking kilay. Inulit-ulit niya na para bagang doon dumedepende ang kanyang buhay. "Ibalik mo nga iyan," sita ko sa kanya sa pagpapatuloy namin sa paglalakad. "Bakit ba? Sa mabango itong panyo mo. Malayo sa amoy mo. Bakit kaya?" Pinagpunas niya ang panyo ko sa pawis niya sa mukha pati sa leeg. Pati sa loob ng kanyang damit, sa dibdib pinangpunas niya rin. Nang matapos ibinalik niya sa akin. "Ito na," ang kanyang wika na hindi nakatingin. "Labhan mo muna bago ibalik sa akin. Tarantado! Matapos mong ipangpunas ibabalik mo lang ng ganoon lang?" Hindi niya ako pinakinggan. "Akin na nga lang ito." Ngumiti siya saka sinuksok sa bulsa ng kanyang pantalon ang aking panyo. Kami'y umusad na sa paghakbang sa patutunguhan. Sa aming paglalakad patungo sa gate nakasalubong namin ang maliit na babae. Namumula ang mukha nito na humarang sa aming harapan ni Gavin habang patuloy ang ibang estuydante sa paglalakad sa aming paligid. Hawak nito ang isang litrato saka ballpen na nakataas sa harap ko. "Kung puwede pahingi ng autograph," ani nito na animo'y nahihiya. Si Gavin ang sama ng tingin niya sa babae na humahanga . "Sige. Akin na," kinuha ko ang ballpen at litrato. Pinagmasdan ko ang litrato't laking gulat ko na ang litrato'y kaming dalawa ni Gavin habang magkaharap na nag-uusap sa klase ng social studies noong nagdaang araw. Kahit nakabusangot ang mukha ko sa litrato habang nakangiti si Gavin sa akin, maayos naman ang pagkakuha sa litrato. Bago ko pa mapermahan ang litrato hinablot ni Gavin ito saka pinagmasdan. Ang nakakunot niyang noo'y nadagdagan ng linya bago sinuksok sa kabilang bulsa ng pantalong ang litrato. "Hindi mo siya puwedeng hingan ng autograph," matigas na sabi ni Gavin. Ito namang maliit na babae'y nagulat sa ginawa ni Gavin. Para mawala ang pagkagualt ng babae'y sinabi ko na lang: "May papel ka pa diyan, doon na lang ako magpeperma," sabi ko sa babae. Nagliwanag ang mukha ng babae saka binuksan ang dalang bagpack. Naglabas siya ng notebook. "Dito na lang kuya," sabi niya saka binuklat ang notebook. "Sige," sabi ko't kinuha ang notebook. Sa unang pahina ako nagsulat. Nilagyan ko pa ng mensahe na mag-aral ng mabuti saka perma sa ilalim. Itong kasama ko parang nabuhusan ng sandamak-mak na pait ng buhay. Ibabalik ko na sa babae ang notebook kaso si Gavin inagaw sa akin. Pinitas ang unang pahina na may perma ko saka pinunit. "Sabi ko sa'yo hindi puwede," mariing sabi ni Gavin. Ibinalik niya sa kamay ng babae ang ballpen at notebook. "Ulitin mo pa para magalit ako sa'yo ng tuluyan," banta ni Gavin saka hinila ako sa kuwelyo ng suot kong shirt. "Kita na lang tayo ulit miss," sabi ko kaya lalo akong hinila ni Gavin. Ngumiti rin naman ang babae at mukhang okay sa kanya na hindi siya nakakuha ng autograph sa akin. Naglakad narin ito papalayo. Kinuha ko ang kamay ni Gavin sa kuwelyo ko't magkatabi kaming muli sa paglalakad. "Makita lang kita na kinakausap ang babaeng iyon. Sinasabi ko sa'yo hindi mo na ako makikita sa school na ito. Huwag mo ng kinakausap iyon ha," ang sabi bigla ni Gavin na tila baga bumabawi sa sinabi ko sa field. "Hala! Humahanga lang iyong babae." "Anong humahanga? May gusto iyon sa'yo nakikita ko," aniya na sa harapan ang tingin. Binatukan ko nga siya ng malakas. "Ano naman kung mayroon?" Inilabas ko ang dila ko sa kanya saka naunang lumakad na tumatawa. Siya naman ay tinulak ang estudyanteng napadaan sa kanya sabay sipa sa nahulog na bag nito. Natakot bigla ang estudyante na may maraming piercings. Hihilahin sana niya ang lalake para suntukin. Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatigil niya. Tinulungan niyang pulutin ang bag ng lalake saka binalik rito. "Pasensiya na. Mainit lang ang ulo," rinig kong sabi ni Gavin kahit pilit. Lumapit ako sa kaniala saka pinulot ang id ng lalake na lumuwa sa bulsa ng bag. Binigay ko sa lalake ang id nito. "Okay lang. Salamat," sabi ng lalake para sa aming dalawa ni Gavin nang abutin nito ang id. Inayos nito ng dala ang bag matapos maisara ng maayos ang zipper. Nagmamadali itong naglalakad na tila may nakita sa aming likuran ni Gavin. Pagkalingon ko nga'y napansin ko ang lalakeng tila nililok ng bihasang mang-uukit ang pangangatawan. Ang itsura nito'y makikita mo lamang sa pabalat ng mga sikat na magazine. Sinundan nito ng tingin ang lalakeng may piercings saka nag-iba ng direksiyon. Nang wala ng nakapaligid sa amin sinuntok ko si Gavin sa braso. "Nahihibang ka," sabi ko kay Gavin saka naunang iginalaw ang paa sa paghakbang. "Kung puwede sa akin lang ang lahat ng atensiyon mo," ang mahinang sabi ni Gavin na hindi naging malinaw sa aking pandinig. Nilingon ko siya't sinabihan na magmadali. "Anong binubulong-bulong mo diyan? Diyan ka na lang ba?" "Ikaw, gusto mo dito lang ako?" aniya sabay tingin sa kalapit na puno kung saan may dalawang ibon na nagtutukaan sa sanga. "Sige diyan ka na lang hanggang bukas," pagpayag ko naman. "Ito na maglalakad na," sabi niya saka nakapamulsahang naglakad. "Huwag mo ng kakausapin iyong babae ha." "Kailangan talaga ulitin," sabi ko. "Pinapaalala ko lang baka makalimutan mo." "Okay. Sabi mo eh," ang sabi ko na lang para matigil siya. Baka may iba na naman magpagdiskatahan. "Sigurado ka?" Bigla niya akong nilingon. "Hindi," ani ko. Sa sinabi ko'y nagsalubong ang kanyang kilay. Ako'y tumawa na lamang. Tumigil lang ako sa kakatawa ng makita si Mip na kumakaway katabi ng kanyang kotseng pula kalapit ng gate. Kapwa kaming lumapit ni Gavin sa kaibigan ko. Lumabas ng sasakyan si Hao na may ngiti sa mga labi. "Okay lang sa'yo Gavin na kayo magpartner sa music video?" tanong ni Hao kay Gavin. "Oo. Wala namang problema sa akin. Mas pabor nga sa akin iyon," ani Gavin. Sinuntok ko siya sa braso. Si Mip naman natawa ng bahagya. "Talaga lang ha? Inexpect mo ba na mangyayari ito?" dagdag na katanungan ni Hao. "Kung sasabihin ko bang hindi maniniwala kayo?" tugon naman ni Gavin sa katanungan ni Hao. "Huwag na alam na namin ang sagot," pagpigil ni Hao. "Maniwala iyang mga iyan sa pinagsasabi mo Gavin," paninita ko kay Gavin kasi iba na naman lumalabas sa bibig. "Inexpect ko naman talaga na ganito ang mangyayari. Simula palang sinabi na sa akin ni Luna na baka bigla siyang umalis." Nagkibit-balikat pa ang hinayupak na para namang nakalimutan niya lang ang isang importanteng bagay. "Alam mo pala tapos sa amin hindi mo sinabi?" malakas kong sabi sa kanya. "Ba't 'di ka kasi kayo nagtanong?" sabi naman niya. Kay Mip siya nakatingin kahit ako naman ang kausap niya. "Masusuntok talaga kita Gavin," banta ko sa kanya. "Hindi na ako magtataka kasi iyon naman lagi mong ginagawa sa akin. Kaya kong tanggapin lahat ng pasakit mula sa'yo manatili ka lang sa tabi ko." Sasabihin ko lang hindi pa rin siya nakatingin sa akin habang sinasabi niya sa akin ang mga salitang iyan. Biglang humiyaw sina Hao at Mip sa narinig. Si Gavin naman ang lapad ng ngisi. Samantalang ako busangot ang mukha. "Bagay nga kayo talagang dalawa," ang nasabi pa ni Mip. Pinitik ko nga siya sa taenga. Sinamaan nito ako ng tingin saka kinausap nito si Gavin. "Anong masasabi mo sa itsura ngayon ni Nixon? Ang guwapo diba? Tingnan mo mas guwapo siya kaysa sa'yo," anito sa lalakeng nahihibang. "Alam ko namang guwapo siya. Dati pa," ani Gavin saka sumakay sa kotse samantalang ako'y naestatwa sa kinatatayuan ko. Samantalang ang mga kasama namin ang lapad ng mga ngiti. "Sakay na," sabi ko nalang sa dalawa kasi parang walang balak na gumalaw. Sa backseat ako sumakay kung saan naroon si Gavin. Sumakay narin ang dalawa. Kinulit ko si Gavin sa sinabi niya. "Ano Gavin, hindi makatingin ng tuwid sa akin dahil sa naguwaguwapohan ka sa akin ano?" "Anong pinagsasabi mo? Umayos ka nga ng upo diyan." Wala naring sinabi ang dalawa naming kasama sa pag-andar ng sasakyan. "Sabihin mo muna kasi na guwapong-guwapo ka sa akin. Baliw ka." Kinalabit ko siya sa balikat habang nakatingin siya sa labas. "Kung alam mo ba't magtatanong ka pa?" aniya ng tuwid sa akin. Napatingin ako sa kanyang mukha. Ibig sabihin totoo nga kaya hindi siya makatingin ng maayos sa akin dahil sa naguwaguwapohan siya sa akin ng totoo. Ako ay biglang nakaramdam ng hiya kaya tumalikod ako sa kanya. "Ako raw itong baliw? Pero siya naman ang baliw," rinig ko pang sabi ni Gavin kasabay ng mahinang tawa. Nilingon ko siya sabay suntok sa braso. Muli akong umayos ng upo bago pa kami kulitin ni Mip kasi nakatingin na naman sa amin sa rearview mirror. Umayos narin ng upo si Gavin nang mapansin ang tingin ni Mip. Patungo kami sa resthouse nina Mip na nasa tabing dagat. Ito namang si Gavin hindi man lang nagtatanong kung saan kami pupunta. Kung kanina'y hindi makatingin ng maayos si Gavin, sa loob ng kotse'y hindi niya tinatanggal ang mata sa akin. Kapag ako'y lumilingon sa kanya, umiiwas siya. Kapag hindi naman ako nakatingin, tinititigan niya ako ulit. "Kunan mo na lang kaya ako ng litrato para matigil ka sa kakatitig sa akin," ang sabi ko. "Sige," sabi naman niya sabay labas ng cellphone. Kinunan nga niya ako ng litrato. Ngumiti pa siya na tila baga nanalo sa isang paliksahan. Nailing-iling nalang ako habang pinagmamasdan niya ang litrato ko. Nakuha pa niyang i-zoom ang litrato sabay hagikhik. Pinabayaan ko na lang siya kasi baka hindi siya nakakain ng ilang araw. Naging tahimik ang biyahe hanggang sa makalabas kami ng bayan. Si Mip ay nakatulog habang si Hao ay tutok sa pagmamaneho. Samantalang kami ni Gavin ay nakatingin lamang sa labas ng bintana. Nahihiya akong kausapin siya matapos pagpiyestahan ang aking litrato. Narating namin ang coastal road kung saan makikita ang karagatan. Iyong akala kong isang oras lang na biyahe inabot ng dalawang oras. Nakatulog na ako lahat-lahat hindi parin kami nakakarating sa patutunguhan namin. Naalimpungatan lamang ako ng may maramdamang tumatabi sa akin. Si Gavin, hinihila ako patabi sa kanya habang ang kamay ay nakaakbay sa akin. Pagtaas ko ng paningin kay lapad ng ngiti niya kaya siniko ko siya sa tagiliran. Lumayo ako sa kanya saka sinandig ang ulo sa sandigan. At pinikit muli ang aking mata. Pero itong si Gavin muling idinikit ang katawan sa akin. Iyong kamay niya gumalaw paibaba sa aking pantalon saka sinuksok ang aking panyo sa bulsa. Ibinaba niya ang kanyang mukha sa aking taenga saka bumulong. "Huwag mong labhan ha. Para maamoy mo ang pawis ko. Kung nalulungkot ka singhotin mo lang." "Ulol!" singhal ko kasabay ng pagtulak sa kanya habang siya'y pagak sa kakatawa. Sa kakatawa niya nagising si Mip. Pinagtitinginan kami nito bago ito ibinaling sa labas ang mata. "Itigil mo muna," sabi ni Mip nang makita ang convenient store sa gilid ng daan. "Naiihi na ako. Bibili narin ng makakain." Itinabi naman ni Hao ang sasakyan sa gilid saka mabilis na bumaba si Mip. Walang nagsasalita sa amin sa pag-antay namin kay Mip. Lumipas pa ang ilang sandali ako'y hindi na nakatiis. Napabuntong hininga ako ng malalim bago nagsalita. "Akala ko ba Hao, malapit lang resthouse nina Mip?" ani ko dahil hindi ko na maiwasang magtaka. "Pagliko natin diyan sa siko, doon na resthouse nina Mip." Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi ni Hao. "Di ka pa nakakarating doon?" biglang tanong ni Gavin sa akin. "Hindi pa," ang simple kong sagot. "Sinabi mo sana, dinala sana kita. Kung saan mo gustong pumunta sabihin mo lang sa akin," ani Gavin sabay tingin sa labas. Sinamaan ko siya ng tingin sa pagbalik ni Mip na may bitbit ng supot ng mga junk food galing sa convenient store. Nilingon kami ni Hao saka mayroon itong sinabi na hindi ko inasahan. "May namamagitan ba sa inyong dalawa?" seryosong tanong nito. "Sa tingin mo, ano?" sabi naman nitong si Gavin kaya napapatingin ako sa mukha niya. "Malapit na?" ani Hao na hindi sigurado. Itinaas ni Gavin ang kanya hinalalaki kay Hao at doon ko siya sinipa sa paa. Sa puntong iyon pumasok narin si Mip. Kami namang tatlong lalake'y tumahimik. "Ang tahimik niyo," puna ni Mip saka initsa ang supot ng junk food sa amin ni Gavin. "Wala naman kaming pag-uusapan," sabi na lang ni Hao saka binuhay muli ang sasakyan. Nagkibit-balikat na lamang si Mip saka nilantakan ang junkfood na hawak na maanghang. Katulad nga ng sabi ni Hao sa pagliko namin sa siko na daan, narating na namin kung saan nakatayo ang resthouse nina Mip. Nakatayo ito sa dulo ng puting-puti na dalampasigan. Matatanaw sa itaas ng pababang daan. Sa guhit tagpuan ay naroon ang papalubog na araw. Pagkalampas na pagkalampas ng daan ang gate sa amin ang bumungad. Sa sobra kong excitement, hindi ako magkumahog na napapatingin sa labas pagpasok sa gate. Sa bakuran ng resthouse ay kinatatamnan ng mga halaman at punong nagbibigay lilom. Sa harapan ng resthouse ay naroon ang katiwala na matandang lalake na nag-aantay. Pagkahinto na pagkahinto ng sasakyan bumaba na ako kaagad. Lumakad ako ng walang sabi-sabi patungo sa dalampasigan. Sa likuran ng bahay ay naroon ang infinity pool. Dito nakapako ang aking mata. Paibaba ako ng hagdanan nagkamali ako sa pagtapak. Natapakan ko ang maliliit na bato at hindi ko naiwasang madulas. Inantay kong ako'y bumagsak sa puting buhangin sa ibaba pero hindi naman iyon nangyari. Napigilan ako ni Gavin sa aking galanggalangan. Hinila niya ako sa kanyang tabi saka pinupulupot ang kamay sa aking beywang. "Bakit kasi nagmamadali?" sabi niya na nakatingin sa akin ng tuwid. "Ngayon na lang ako ulit makakalapit sa dagat." Lumayo na ako sa kaniya sa paglapit nina Hao at Mip na may dalang mga camera. "Kailan ba iyong huli?" Hindi na nga niya ako niyakap subalit ang kamay niya'y nakakapit parin sa aking pulsuhan. Hindi ko na siya sinagot kasi matagal na iyong huli. Kinuha ko na lang kanyang kamay saka tuluyang bumaba ng hagdanan. Hinubad ko ang suot na sapatos saka itinaas ang pantalon hanggang tuhod. Binayaan ko lang ang suot na sapatos sa buhangin. Lumapit ako sa dagat saka pinagmasdan ang papalubog na araw. Nakatayo lamang ako habang inaalala ang mga nakaraan kung paanong araw-araw nasa dagat ako naliligo kasama ang bunso naming kapatid. Pinigilan ko ang lungkot na lamunin ako. Pinahid ko ang namumuong luha sa aking mata na napansin ni Gavin. Tumabi siya ng tayo sa akin kaya parehong nababasa ng dagat ang aming paa. Imbis na may sabihin siya sa akin sa kanyang nakita, wala siyang sinabi. Tinitingnan niya lang talaga ako. "Ano? Ba't ganyan ka makatingin? Nanahimik ka," sabi ko sa kanya. "Ano ba ang tingin ko maliban sa tingin na ayaw kong nakikita kang nalulungkot?" aniya. "Wala naman. Akala ko kasi'y gusto mong magtanong." "Kung magtatanong ba ako sasabihin mo sa akin ang gusto kong malaman?" seryoso niyang sabi. Ang mga mata niya'y nangungusap. Pinagmasdan ko siya ng maigi. "Hindi," ang pinale kong tugon. "Kaya nga nanahimik na lang ako. Aantayin ko na lang na sabihin mo ang lahat sa akin," ang malumanay niyang sabi. Ang sinabi niya'y nilamon ng paghampas ng alon. Ang pag-uusap namin na iyon ay naputol dahil sa pagsasalita ni Mip sa aming likuran. Sabay kami ni Gavin na napalingon. "Huwag na kayong umalis diyan sa puwesto niyo. Magandang scene na iyan. Eksakto, kuhang-kuha ang sunset," pagpaliwanag ni Mip sa amin ni Gavin. "Bale magiging final scene niyo na kaya igihan niyo," dagdag ni Hao hawak ang camera nito. "Anong final scene? Wala pa nga tayong nakukuhang ibang senaryo," sabi ko naman. Patuloy sa paghampas ang alon sa aming mga paa ni Gavin. "Wala diyang problema. Kaya nga final scene na. Diba Hao?" Nakapameywang na turan ni Mip. Tumango namang itong si Hao bago sumagot. "Oo, wala na. Pulido na kailangan na lang talaga itong scene na ito," pagkuwento ni Hao. Itinaas niya ang kanyang camera. "Paano nangyari iyon?" sabi ko dahil ako'y nahihiwagaan. "Kinukunan ni Hao kayong dalawa ni Gavin ng bidyo ng hindi niyo nalalaman. Maganda naman iyong mga kuha at eksakto naman kaya iyon na lang inipon namin," si Mip ang dumagdag sa mga nais kong malaman. "Ano? Sigurado ba kayong dalawa?" gulat kong sabi. "Patingin ako." Lalakad na sana ako pero hindi ko tinuloy. "Huwag na. Sa presenation niyo na lang panoorin. Para surprise," sabi ni Mip saka sabay silang tumawa ni Hao. Sinamaan ko ng tingin ang dalawa sabay baling kay Gavin. "May alam ka tungkol doon ano?" tanong ko sa kanya. "Wala. Ngayon ko lang din nalaman. Mabuti nga iyon hindi tayo mahihirapan." "Ba't parang okay lang sa'yo?" sabi ko sa kanya. "Kailangan pa bang itanong iyan? Ikaw kaya kasama ko kaya okay lang talaga," aniya na nakangisi. Pinatalsikan ko siya ng tubig alat gamit ang paa. "Tigilan mo ako Gavin baka mamaya tuluyan akong mahulog sa'yo," sabi ko ng mahina. Akala ko'y hindi niya maririnig pero narinig niya ng malinaw. "Nahuhulog ka na sa akin?" ang tuwang-tuwa niyang sabi. Lumapit pa siya sa akin. "Biro lang. Buang! Asa ka naman! Pareho tayong lalake uy!" sabi ko sa kanya kahit hindi naman iyon ang gusto kong sabihin. Tinulak ko siya't nag-iba ang kanyang mukha. Tila nalungkot siya ng bahagya. Binaling ko na lamang ang aking atensiyon sa dalawa sa buhangin. "Anong gagawin namin? Magdidilim na oh." "Maghahawak kamay una," turo ni Mip. "Pagkatapos magtitigan kayo. Unti-unti maglalapit kayo sa isa't isa. Sa huli pagsasaluhan niyo ang isang halik?" "Ano?!" napataas ang boses ko. Tiningnan ko si Gavin na mukhang tuwang-tuwa. Nakangisi siya ng matalim. Tapos balik kay Mip. "Bakit may ganoon?" "Malamang ganoon. Final scene nga diba. Kiss sa huli," sabi naman nitong si Hao. "Ayoko nga," reklamo ko. "May gusto ka kay Gavin noh, kaya ayaw mo?" biro nitong si Mip. "Hala, san mo napulot iyan. Wala akong gusto." Napapasimangot na ako. "Wala pala eh. Kaya gawin mo na ang final scene. Saglit lang naman ang kiss. Huwag kang mag-inarte para naman makatikim ka ng kiss at ng hindi ka tanong-tanong sa akin kung anong lasa," litanya nitong si Mip pinapaalala ang mga araw na nagtatanong ako sa kanya patungkol sa halikan. Napalo ko na lang ang aking noo sa mga narinig. Hinirap ko si Gavin na tikom lang ang bibig at mukha may iniisip. "Ayusin mo para isang take lang," sabi ko sa kanya. "Magiging first kiss mo ako ano?" biro pa nitong si Gavin sa paglapit niya sa akin. "Tumahimik ka nga," naiirita kong sabi. "Game na. In one two three action," sigaw ni Mip kaya ginawa na namin ni Gavin ang dapat. Pakiramdam ko tunay ang nangyayari sa amin ni Gavin ng mga oras na iyon. Hindi lang basta pagpapanggap. Hindi lang isang senaryo para sa music bidyo. Kundi makatotohanan. Itinaas ni Gavin ang kanyang kamay para hawakan ang aking mga kamay. Sa pagdampi ng kanyang palad sa aking kamay, nakaramdam ako ng kiliti na umakyat sa aking batok at pumaibaba sa aking likuran. Pinisil-pisil ni Gavin ang aking mga kamay habang nasa ganoon kaming ayos. "Gusto-gusto mong ang ganito, diba Gavin?" ang hindi ko maiwasang itanong sa kanya. Humakbang ako papalapit sa kanya nang hilahin niya ako. Bumangga ang dibdib ko sa dibdib niya. "Sino ba ang hindi kung ikaw ang kaharap ko," aniya sabay ngiti ng matamis. Hindi ba siya nagsasawa ng ganoon sa akin? Para na siyang sirang plaka. Sa kabila nito'y napapalunok ako ng laway. Kay bango ng kanyang hininga. Gahibla nalang ang pagitan ng aming mga mukha. Nagbabanggan na ang tongke ng aming mga ilong. Naghahalo ang aming mga hininga. Ang kaninang nakahawak na kamay at tumaas sa aking mukha. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang labi sa aking pisngi, nilamon ang naiiwang espasyo kasabay ng pagtambol ng aking puso. Ilang saglit pa'y lumapat ang kanyang labi sa aking namumulang labi. Namilog ang aking mata sa pagtagpo ng aming mga labi. Ilang saglit pa'y napapikit ako ng aking mata sa bahagyang paggalaw ng kanyang labi. Nadadala ako ng sensasyon na umiikot sa aking dibdib. Nagdadala ng init sa aking buong katawan. Ang kaninang simpleng halik ay naging marahas. Nilalamon ni Gavin ang kabubuan ng aking labi. Nakuha pa niyang kagatkagatin. Hindi ako makahinga ng maayos sa kanyang ginagawa. Sa puntong ipapasok niya ang kanyang dila sa aking bibig. Inalayo ko na siya sabay tulak sa kanya sa tubig. Sa kasamaang palad iyong pagtulak ko sa kanya'y inasahan na niya. Isang ngising matalim ang gumuhit sa kanyang labi sabay hawak sa aking pulsuhan. Pareho kaming nahulog sa tubig. Nilamon ng tubig hanggang sa tuluyang kaming nabasa. Napasigaw na lang ako habang pinagsusuntok siya sa braso. Samantalang siya'y naiwang tumatawa. "Hayop ka!" bulyaw ko kay Gavin. "Intense pre!" komento nitong si Hao. "Tae mo!" sigaw ko rito sabay suntok ulit kay Gavin. Niyakap ako ni Gavin sabay hila sa akin sa malalim na bahagi ng tubig. Kumawala ako sa kanya. Bago niya ako pinakawalan, mayroon siyang binulong sa akin. "Sarap, Nixon. Ulitin natin," aniya na nagpatayo sa balahibo ko sa katawan. Bigla akong nanlamig sa kanyang sinabi. "Ikiskis mo na lang sa bato labi mo. Baliw." Siniko ko siya sa dibdib saka lumayo. Umahon ako sa tubig saka nilapitan ang dalawa na kapwa may malalapad na ngiti. Binatukan ko sila pareho para matigil ang itsura nila pareho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD