Sa pag-ihip ng hangin mula sa dagat, napapatago ako sa likuran ng pintuan. Ang sarap suntukin nitong si Gavin sa harapan ko. Kung hindi niya sana ako hinila, 'di ako mababasa. Iyong ngiti niya ang lapad habang nakatingin sa akin. Sinamaan ko nga siya ng tingin.
"Nilalamig ka?" tanong niya sa akin sabay lapit. Nag-aantay kami kay Mip para bigyan kami ng damit na pangpalit. Humakbang siya ng isang hakbang. Kaagad ko siyang hinarangan sa dibdib.
"Kita mo ngang nilalamig. Nagtanong ka pa?" Sinuntok ko siya sa braso.
"Kaya nga gusto kitang yakapin," sabi pa niya saka niyakap ako mula sa likuran. Naramdaman ko naman ang mabilis ng pagtibok ng puso ko na lumala dahil sa nangyari sa amin sa dagat. Ang kaso nga lang habang maaga pa, pinipigilan ko talaga ang hindi dapat lumaki pa. Kasi sa huli ako lang naman ang mahihirapan.
"Alam na basa yayakap-yakap pa," siniko ko siya sa tiyan kaya hinimas niya naman ito. Bugbog sarado ito sa akin si Gavin.
"So, kung tuyo ako hahayaan mo akong yakapin kita?" ang tanong naman niya ng mahina. Tinusok-tusok pa niya ako ng daliri sa braso.
Sa puntong iyon ay papalapit na sa amin si Mip na may mga dalang damit galing sa isang silid. "Ewan ko. Tanong mo kay Mip?" ang nasabi ko na lang ng pabiro.
"Mip, puwede ko bang-" sabi pa niya kaya tinakpan ko ang bibig niya bago pa niya maituloy. Sinamaan ko siya ng tingin bago inalis ang aking kamay sa kanyang bibig.
"Ano iyon Gavin?" sabi ni Mip sa tuluyan nitong paglapit sa amin dalawa ni Gavin. Inabot nito sa aming dalawa ang dalang damit. Agad kong kinuha ang para sa akin. Pinandilatan ko ng mata si Gavin baka ituloy niya ang gusto niyang sabihin.
"Wala naman," tugon ni Gavin na may malapad na ngiti. Kinuha niya narin ang pangpalit niyang damit mula sa aking kaibigan.
"Baliw. Magbihis na nga kayo't pumunta ng kusina para kumain. Kalokohan niyo," sabi ni Mip saka sinuklay-suklay ng kamay ang mahabang buhok. Inantay naming makaalis si Mip bago kami gumalaw sa kinatatayuan. Lumiko ito sa pasilyo papasok ng kusina.
Nag-isip ako ng gagawin para malibang si Gavin upang makatakas ako sa kanya.
"Gavin, tingnan mo lang iyong puno sa labas?" sabi ko na nakaturo ang daliri sa likuran ng bahay.
"Saan?" aniya sabay lingon sa direksiyon kung saan ako'y nakaturo. Tumingin naman siya kaya humakbang ako ng mabilis. Ang kaso nga lang alam niyang balak kong mauna. Pinigilan niya ako sa kuwilyo ng suot kong damit. "Akala mo ha. Sabay na tayo."
Inakbayan niya ako sabay akay sa akin para maglakad. Tinulak ko siya para makalayo. "Hindi. Mauna na ako. Mabilis lang naman akong mag-anlaw," sabi ko sa kanya.
Sa sinabi ko'y humigpit ang kanyang pagka-akbay sa akin. "Sus, sabay na. Wala naman akong gagawin. Wala tayong gagawin," sabi naman niya ng nakakaloko. Lumakad na kami patungo sa banyo na kalapit lang din naman ng pintuan sa likuran.
"Ah basta," sabi ko na lang kasi naalala ko ang gabi na nalasing siya.
"Bakit gusto mo ba may gawin tayong dalawa?" bulong pa niya sa akin nagpatayo sa balahibo ko sa katawan.
Nasiko ko nga siya sa tagiliran. "Ulol," sabi ko na lang na ikinatawa niya. "Sige. Sabay na para lang wala kang masabi," pagsuko ko na lamang. Puwede naman akong magdamit habang nag-aanlaw bahala siya kung gusto niyang maghubad.
"Mabuti naman," ang nasabi niya pa sa malalim na boses. Kumikinang-kinang ang mata niya. Akala niya maiisahan niya ako. Madidis-appoint na lang siya mamaya.
Isang ngiting malapad ang gumuhit sa kanyang labi.
Pumasok kami ng banyo na may kalaparan kaya nakahinga ako ng malalim. Makakagalaw ako ng malaya at maayos. Ako ang naunang humakbang papasok sa loob. Ang kintab ng puting tiles na nakapalamuti sa banyo at saka ang bango ere sa loob. Napansin ko ang kurtinang plastic pangtabing sa paliligo. Kaya pumasok sa isipan ang dapat gawin sa nagiging asong ulol na si Gavin.
"Dito ka sa kabilang side. Sa kabilang side naman ako." Nakaturo pa ang kamay ko. Sinabit ko ang damit sa sabitan saka humakbang papasok sa shower room. Nang tingnan ko si Gavin nakasimangot siya't naka-krus ang kamay sa dibdib. "Magrereklamo ka pa?" sabi ko sa kanya.
"Sige na nga," aniya saka sinara ang pinto ng banyo.
"Mabuti naman," ginaya ko ang sinabi niya kanina sabay hila sa kurtina para ipantakip sa aking paliligo.
Nakatayo pa ako habang pinagmamasdan si Gavin na naaninag ko ng kaunti sa plastic na kurtina. Naghubad na siya ng buo niyang damit kaya tumalikod na lang ako. Narinig kong pinatong niya ang hinubad na basang damit. Habang ako naman ang pang-itaas ang hinubad ko.
"Pahiram ng shower head," sabi niya saka sumilip sa gilid ng kurtina. Nakangiting aso siya. "Ganyan ka lang?" dagdag niya ng mapansing nakapantalon pa ako. Pinagmasdan niya ang kabuuan ko.
"Oo. Ano naman?" sabi ko sa kanya ng tuwid saka inabot ang shower head na naaalis. "Ako muna mag-aanlaw," ani ko't nagbasa mula sa ulo hanggang sa ibaba. Hindi na naalis ang tingin ni Gavin sa akin lalo na sa dibdib ko. Nakuha pa niyang magdila na animo'y may nilalasahan. Natakpan ko ang n****e ko sabay spray ng shower head sa mukha niya. "Ikaw na," pagtulak ko sa kanya't agad naman niyang inabot.
Habang nagbabasa niya ng malinis na tubig ako naman ay inabala ang sarili na magsabon ng katawan.
"Sabon, Nixon. Pahiram," aniya kaya inabot ko sa gilid ng kurtina na nakatikod. Nangalay na ako't lahat-lahat hindi pa rin niya kinukuha. Narinig ko pa ang pagragasa ng tubig mula sa shower head. "Abutin mo na. Ang tagal."
"Inabot mo na ba. Di ka kaagad nagsabi," ani Gavin na sinundan ng tawa. Kinuha narin niya ang sabon. Hinila ko naman ang shower head saka nag-anlaw.
"'Wag mo akong niloloko Gavin. Sasapakin kita," banta ko sa kanya. Naghanap ako ng ibang sabon sa lagayan sa dingding kaso wala na talagang ibang sabon. Gusto ko pang magsabon. Pinalusot ko ang kamay ko sa kurtina na nakatalikod parin. "Sabon," ani ko.
"Iyan abutin mo."
"Saan na? Ba't 'di mo nalang kasi ilagay sa kamay ko," reklamo ko pa.
"Ayan na. Ang lapit na ng kamay mo sa sabon."
"Akin na nga." Winasiwas ko kamay ko para kusa niyang ipahawak sa akin ang sabon.
"Isog mo, abot muna," uto naman niya.
Ako naman itong baliw, umisog naman. Humakbang ako ng isa patalikod. Pero imbis na sabon ang mahawakan ko, ang nasakmal ng kamay ko'y isang malaki't matabang kaangkinan niya. Bigla akong nanginig at tila nakuryente sa buong katawan. Ewan ko kung anong sumapi sa akin at sinigurado ko pang iba ang nahawakan ko kaya kinapakapa ko pa.
Napalunok ako ng laway at nabitiwan ko ang shower head sa pagitan naming dalawa sa katotohanang masilang bahagi ni Gavin ang nakapa ng kamay ko.
Nang maramdaman kong tumigas ang kaangkinan niya't umungol siya ng bahagya, inalis ko ang aking kamay.
Hinawi ko ang kurtina ng maliit lang saka kinuha ang sabon sa kamay niya. Iyong kaangkinan niya talaga'y tumayo ng kaunti.
"Bastos mo!" sabi ko sa kanya sabay tabon ulit ng kurtina.
"Ikaw itong kumukuha ng sabon. Kung bakit kasi hindi humarap," ang loko-loko niyang saad na may kasamang pahagikhik.
"Gagu ka. Tae mo!" sigaw ko sa kanya.
"Gusto namang makahawak," dagda niya na lalong ikinasalubong ng kilay ko. Tumalikod ako saka sinamaan ng titig ang pader. Mabuti pa ang pader ang tahimik.
Binuhos ko ang inis sa kanya sa pagsasabon. Sinabunan ko ng husto ang katawan ko, pati buhok sinama ko na. Ang panghuli'y nagsabon ako ng mukha. Sa bilis ng pagsabon ko dumulas ang sabon sa aking kamay. Kinapa ko ang shower head para alisin ang sabon sa mata ko kasi hindi ako makadilat.
"Gavin, saan na shower head?" tanong ko sa kanya.
"Andiyan ah," dinig kong sabi ni Gavin.
Hindi ako gaanong gumagalaw sa kinatatayuan ko baka madulas ako. Mahirap na. Inaabot ko lang ang shower head kaso wala akong makuha. "Iaabot mo nga. Ang hapdi na," ani ko ng rumagasa ng malakas ang tubig sa shower.
"Ito oh. Ang lapit lang," ang sabi ni Gavin. Iyong boses niya parang sa tabi ko lang. Kasabay ng pagbitiw niya sa mga salitang ito ay siya ring pagbuhos ng tubig sa aking ulo. Sa unti-unting pagkaalis ng sabon sa aking mukha, minulat ko ang aking mata para lang kabahan nang makita sa harapan ko sa Gavin.
Pinapaliguan niya ako habang nakangiti. Napalunok ako ng laway sa pagtitig sa mukha niya. Tila tumigil ang oras ng hugasan niya ang mukha ko paibaba ng aking mukha. Sa likuran ng isipan ko'y tumutugtog ang kantang humihila sa akin para ako'y mahulog.
Napaatras ako at doon ako nagkamali kaya't nadulas ako. Mabuti na lang mabilis si Gavin kaya nahawakan niya ako sa suot kong pantalon, sa harapan ko mismo.
"Ako na," sabi ko sa kanya at inaabot ang shower head. Tinulak ko siya nang hindi siya gumagalaw.
"Ako na mag-aanlaw sa'yo. Madali lang ito," sabi niya saka bumitiw sa aking pantalon.
Inanlawan niya talaga ako mula ulo hanggang sa aking katawan. Pinapalo ko ang kamay niya kapag balak niya akong haplosin. Ako na ang kusang nagaalis ng iba pang kumapit na sabon. Sa mata niya ako tumitingin para hindi ako mapatingin sa ibaba.
Nang ako'y matapos siya ay nagpatuloy na rin sa pag-anlaw. Iyong paggalaw niya sa katawan niya tila siya'y nangaangkit. Dahan-dahan na tila kinakabisado ng kanyang palad ang bawat linya sa kanyang katawan. Hindi ko mapigilang mapatingin.
"Magbibihis na ako," sabi ko sa kanya. Pero bago pa ako maakalis hinawakan niya ako ulit sa pantalon.
"Hubarin mo muna pantalon mo. May kumapit pa na sabon diyan. Manglalagkit ka."
"Okay lang," sabi ko sa kanya. Hinarangan niya ang daraanan ko.
Binitiwan niya bigla ang shower head sabay hawak sa pantalon ko. "Akin na nga. Ako na ang gagawa."
"Ano ba Gavin?! Alisin mo nga iyang katawan mo, lalabas na ako," utos ko sa kanya. Ngunit imbis na makinig ang hinayupak, inalis niya ang pagkabutones ng pantalon sabay hila nito paibaba kasama na ang suot kong brief.
Ibinaba niya hanggang tuhod kung kaya't sa pagkaalis ng underwear ko tumama ang kaangkinan ko sa pisngi niya.
"Ang bastos mo rin ah," aniya. Tumawa pa siya kaya natulak ko siya sa noo na ikinaupo niya sa sahig. Napaubo-ubo siya habang nakatingin sa ibabang parte ng katawan ko. Hinubad ko na nga ng tuluyan ang pantalon ko't hinampas sa kanyang mukha.
Pinulot ko ang shower head saka nag-anlaw ng buong-buong habang nakatalikod sa kanya. Tumahimik naman siya sa likuran ko. Alam kong nakatitig siya sa puwetean ko kaya binilisan ko ang pag-anlaw.
Nang tingnan ko siya biglang siyang tumalikod sa akin. Pinapantabon niya ang hinubad kong pantalon sa bandang harapan niya na tila baga mayroong siyang tinatago.
"Anong pang ginagawa mo diyan?" tanong ko sa kanya. Sinabit ko ang shower head sa puwesto nito.
"Mauna ka na," aniya saka pinagtulakan ako palabas ng shower room. Kanina ayaw akong palabasin tapos pinagtulakan na ako. Inalis ko ang kamay niya't umalis ng shower room. Sinara pa niya ang hinawing kurtina sa pagmumukha ko.
Nailing na lang ako habang sinusuot ang puting shirt at brown na short na pinahiram ni Mip. Parehas ng isusuot ni Gavin.
"Bilisan mo diyan," sabi ko kay Gavin sa pagpapatuloy niyang gumalaw sa likuran ng nakatabing na kurtina. Nagmumura pa siya at hindi ko alam kung bakit. Sa kasamaang palad walang underwear ang binigay ni Mip kaya nakalaylay ang kaangkinan ko.
Lumabas na ako ng nag-anlaw narin si Gavin. Inantay ko siya sa pinto.
Ilang saglit lang ang tinagal ko sa pagkatayo ng lumabas narin siya. Iniipit niya ng isang kamay ang harapan niya.
"Sandali lang," pigil niya sa akin sa balikat ng hahakbang na ako.
"Anong problema mo?" tanong ko sa kanya. Nakaipit parin ang isa niyang kamay sa harapan niya kaya alam ko na kung bakit. Huminga pa siya ng makailang ulit bago tumayo ng tuwid.
"Ayan, puwede na," may pagmamalaki niyang sabi. Binatukan ko nga siya sabay tingin ng tuwid.
Kamot-kamot niya ang kanyang ang ulo sa pagtungo namin sa kusina. Iyong akala kong aantayin kami nina Mip at Hao para sabay kumain ay hindi nangyari. Ayon ang dalawa nakaharap na telibisyon sa sala kasunod lang ng hapag kainan. Mukhang nauna na silang kumain.
"Ang tagal niyo. Nagutom kami," sabi ni Hao na hindi man lang makuhang tumingin sa amin. Sa telibisyon nakapako ang mata, palibhasa ang palabas ay behind the scenes ng isang sikat na movie noong nakarang taon.
"Si Gavin ang kulit kasi," ang sabi ko sabay upo sa harapan ng isa sa mga nakataob na pinggan.
"Ang sabihin mo, may ginawa kayong kababalaghan," ani naman ng kaibigang kong si Mip.
"Naku, Mip. Huwag mo ng dagdagan," sita ko sa kaibigan ko. Hindi man lang pinansin nito ang sinabi ko sabay tawa.
"Gusto ko nga sana. Ayaw naman ni Nixon," saad ni Gavin sa pagupo niya sa tabi ko. Hinawakan ko ang kutsara't tinidor. Nagthumbs-up si Hao kay Gavin dahil sa narinig.
"Tusok ko sa'yo tinidor Gavin makikita mo," banta ko sa kanya. Nginitian lang ako ng hinayupak sabay pag-guwapo sa akin. Pinaliit niya mata niya, kumindat at dumila sa labi. Tinusok ko nga ang tinidor sa kamay niya na nakapatong sa mesa. Mabuti hindi siya natamaan.
"Katakot ka," aniya sabay tawa ng bahagya.
"Natatakot ka. Tapos nakukuha mo pang tumawa."
"Nakakatuwa ka kasi Nixon." Kinurot pa niya ang pisngi ko. Tinulak ko nga siya.
"Kumain ka na nga," sabi ko na ikinatawa ni Hao at Mip. Ito namang si Gavin sumabay kaya napabuntong hininga na lang ako. Pinagkakaisahan ako ng tatlo. Kumain na lang ako kaysa mainis pa ako ng tuluyan.
Habang kumakain mayroong sinabi si Mip. "Bukas na tayo uuwi, ano? Okay lang sa'yo Gavin?" ani Mip sabay lingon sa aming kumakain.
"Okay lang," s**o ni Gavin kahit may laman ang bibig.
"Wala kang gagawin kinabukasan?" dagdag ni Mip. Nakikinig lang ako sa usapan nila.
Bahagyang nag-isip si Gavin. "Wala. Tinapos ko na kailangan kong gawin. Baka kasi hanapin at habulin na naman ako ni Nixon," aniya kaya sinipa ko paa niya sa ilalim ng mesa. Napaaray siya kaya tumalsik ang ilang butil ng kanin sa bibig niya. Natawa ako sa itsura niya kaya sa pagsubo ko'y natatawa ako.
Salubong ang kilay ni Mip na tumitingin sa akin. Akala niya siguro nababaliw na ako. Uminom ng tubig si Gavin saka inabot ang paa na sinipa ko't minasahe.
At kung sinasapian ang kaibigan ko na si Mip. Lumabas na naman ang kung anong mga salita sa bibig nito. "Alam niyong dalawa kung magiging kayo talaga. Okay lang sa amin," anito na kinaubo-ubo ko.
Naghanap ako ng baso para makainom ng tubig kaso malayo. Sinalinan ako ni Gavin kasi sa tabi niya lang. Uminom naman ako sa baso na hawak niya nang hindi nag-iisip. Sumunod ay uminom siya. Sinakto niya ang pagkalapat ng labi niya sa bakat ng labi ko sa baso. Hinanap niya talaga. Pinakunot ko na lang ang noo ko.
"Si Nixon kasi ang tagal," ani naman nitong si Gavin pagkababa niya ng baso.
"Matagal talaga. O ayaw lang," dagdag ni Mip.
"Siguro nga siya lang talaga ang ayaw," wika ni Gavin na may pagtango-tango.
"Anong ako ang may ayaw?!" sabi ko dahil sa pagkabigla. Nagkatinginan si Gavin at Mip saka sabay silang tumawa. Sinuntok ko nga si Gavin sa braso saka nagpatuloy sa pagkain.
"Pero seryoso, kung magiging kayo talaga ni Nixon, Gavin. Huwag mo ng pakawalan. Ganyan lang iyan, pero mapagmahal iyan kung alam mo lang," sabi ni Mip. Sinamaan ko nga ito ng mata kasi baka madulas pa siya't may masabi na iba. Itinikom narin nito ang bibig nang tingnan ko siya ng masama.
"Ayan ang hindi ko alam. Balak kong mag-asawa ng babae" ani Gavin saka tumawa ng bahagya.
Sa pinakita niya't sinabi parang nainsulto ako kaya natahimik ako. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin doon. Ngunit sabi ng isipan ko pinagloloko niya lang ako para lang malibang. Kaya nga hanggang sa natapos ako sa pagkain, hindi ako nagsasalita. Uminom ako ng tubig sabay tayo. Maging si Gavin ay wala naring sinabi't nagpatuloy sa pagkain.
Lumapit ako sa kaibigan ko't tumabi rito. Hinayaan narin ako nito sa pananahimik ko. Binigyan pa nga ako nito ng unan. Mukhang sa sala kami matutulog dahil sa nilatag na futon. Itong si Hao habang nanunuod ay nakahiga hawak ang cellphone at nagtetext sa kaliwa ni Mip. Sa kanan ako ng kaibigan ko.
"Iniwan mo si Gavin?" patanong nitong saad. Napatingin ako sa kanyang mukha.
"Bayaan mo siya. Di naman siya bata," sabi ko sabay baling sa palabas sa malapad na telibisyon.
"Asus, apekted ka sa sinabi niya noh?" mahina niyang bulong sa akin. Inilapit niya ang kanyang bibig sa taenga ko.
"Saan?" taka ko namang tanong. Hindi ko tuloy maitindihan ang palabas.
"Doon sa sinabi niya na magaasawa siya."
"Ano naman kung mag-aasawa siya."
Nilingon ko si Gavin na kumakain pa rin. Ngumiti siya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin sabay balik ng atensiyon sa harapan.
Nabatukan ako ni Mip dahil sa sinabi ko. "Apekted ka nga. Aminin mo na kasi na may gusto kay Gavin," anito saka tumawa.
"Patawa ka Mip," tugon ko sa kaibigan ko. "Palinis ka ng utak."
Naputol ang pag-uusap namin ni Mip nang maupo sa kanan ko si Gavin na ikinabigla ko. Ang kamay niya kasi biglang umakbay sa akin. Tinulak ko siya ng malakas kaya napasubsob siya sa futon.
"Tabi tayo," aniya saka naupo ulit. Nagsumiksik siya kaya sinipa ko siya.
"Diyan ka maupo sa sofa," utos ko.
"Para akong baliw nito kung sa sofa ako tapos kayo sa lapag." Nagkrus leg siya sa harapan ko.
"Eh doon ka sa kabila ni Mip kung gusto mo," sabi ko na nakaturo pa sa kaliwa, sa pagitan ni Mip at Hao.
"Sus, dito na lang," aniya at hindi nakinig sa akin. Naupo siya sa tabi ko.
"Eh di diyan ka," mariin kong saad. Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko. Hindi ko gusto ang nangyayari sa akin. Ang makaramdam ng inis dahil lang sa sinabi ni Gavin ay hindi dapat. Pero bakit iyon ang namuo sa akin. Tumayo at ako na lang lumipat ng puwesto. Nakasimangot siyang nakatingin sa akin. Hindi ko na masyadong pinansin sabay upo at pinilit na intindihan ang palabas. Sige parin si Hao sa kakapindot sa cellphone. Sinilip ko nga kaso sinamaan ako ng tingin sabay layo ng cellphone. "Damot," sita ko sa kanya. Binilatan niya lang ako at patuloy sa pakikipagusap sa kung sino man kausap niya sa cellphone.
"Kita mong importante ito," sabi nito.
"Gaano ka importante? Katulad ng 'di pagsabi sa akin kung anong mga plano niyo sa music bidyo?" pagusisa ko.
"Naging maganda naman ang resulta ah," Sa cellphone parin ang mata.
"Sa inyo oo, sa akin hindi." Sumandig ako sa upuan.
"Hala ka." Umisog siya sa akin sabay bulong. "Bakit? Nagustuhan mo ba ang paghalik ni Gavin sa iyo?"
"Ugok. Di yun," reklamo ko.
"Di nga ba?" Umayos ito sa pagkahiga. "Tingnan mo si Gavin ang sama ng tingin."
Pagkalingon ko kay masama tingin niya. Napalunok ako ng laway kasi iyong tingin niya'y pinagbabawalan ako na makipagusap sa iba kung sa kanya'y hindi ako makipagusap ng matino. Pinantayan ko rin sama ng tingin niya pagkatapos siya'y ngumiti ng malapad.
"Baliw ang gagu," nasabi ko na lang saka nahiga narin. Niyakap ko ang isang unan at nanuod. Iyong katiwala nina Mip na si manong ay nagliligpit ng pinagkainan.
"Mip, anong problema ni Nixon?" sabi ni Gavin. Nilalakasan niya para marinig ko.
"Ewan ko. Ba't di mo tanungin?" malakas din ang pagkasabi ni Mip.
"Paano kung hindi ako sagutin."
"Halikan mo na lang ulit baka nakulangan lang," ani Mip na ikipinanting ng taenga ko. Nilingon ko nga ito sabay hampas ng unan rito. Tumatawa lang ito, napapangiti naman si Gavin.
"Makatulog na nga," sabi ko na lang at dumapa. Hindi naman ako makatulog kasi ang aga pa. Naupo na lang ako ulit. Pagkaupo ko'y nasa tabi ko na si Gavin. Si Mip naman ay wala, hindi ko alam kung saan pumunta.
Tatayo na sana ako kaso hinawakan ni Gavin ang short na suot ko kaya nahubad ito. Binatukan ko nga siya sa kagaguhan niya. Alam naman niyang walang underwear tapos hahawakan para mahubaran.
"Maupo ka lang kasi," aniya na natatawa. Mabuti na lang hindi napansin ni Hao nang nahubaran ako.
"Sige tawa pa." Sinuot ko ng maayos ang short.
"Nakakatawa kaya," aniya kaya pinagsusuntok ko siya sa braso ng makailang ulit. "Tama na. Titigil na." Inakbayan niya ako na inalis ko rin naman. Pero hindi na ako umalis sa kinapupuwestuhan ko. Hindi niya na rin ako muling inakbayan. Nang tingnan ko si Hao nakatulog na ito. Tahimik lang ako hanggang sa kinausap ako ni Gavin. "Nainis ka kanina noh? Nang sinabi kong mag-aasawa ako ng babae ano?"
"Wala naman sa akin kung mag-aasaw ka. Kahit lima pa. Hindi kita pipigilan."
"Joke lang iyon. Tiningnan ko lang reaksiyon mo?"
"Ano?" Napatingin ako sa kanya na kanina pa pala nakatitig sa akin.
"Sabi ko tiningnan ko lang kung anong magiging reaksiyon mo," aniya sabay ngisi ng malapad. "Inisip ko lang na..."
Pinutol ko lalabas sa kanyang bibig. Napunta lang sa wala ang pagkainis ko. Ako lang ang napahiya. "Huwag mo ng ituloy ang sasabihin mo. Hayop ka!" sabi ko ng mariin.
"Yes. May pag-asa. Akala ko aasa lang ako." Tumingin pa siya sa taas na para bagang nasagot ang kanyang hiling.
"Ugok. Anong aasa pinagsasabi mo? Matulog ka na!" Sinipa ko siya. Hindi na rin siya nangulit. Nakamot ko ang aking ulo dapat pala hindi na lang ako nagpaapekto sa sinabi niya. Napaungol na lang sa unan sa inis.
"Manunuod pa nga ako," ang nakangiti niyang sabi na parang siya'y nasa alapaap. "Ang panget naman ng palabas." Inilipat nga niya ang channel para makahanap ng magandang palabas. "Ikaw na lang tingnan ko Nixon. Matutuwa pa ako."
Binatukan ko siya ulit. "Tusukin ko mata mo. Gusto mo," sabi ko.
"Di na mabiro."
Sa huli ang pinanuod na lang namin ay Vikings na replay. Walang nagsasalita sa aming dalawa habang nanunuod. Ang tuhod naming magkapatong dahil sa aming pagupo.
Sa kalagitnaan ng palabas nang bumalik si Mip. Pinatay pa nito ang ilaw sa sala. Umisog kami ni Gavin para makapuwesto ang kaibigan ko sa gitna namin ni Hao. Dahil sa gumalaw ako't si Gavin ay hindi masyado kaya napasandig ako sa dibdib niya.
"Pinalabhan ko kay manong damit niyo para maisuot niyo bukas. Idryer na lang niya iyon," pagbibigay alam ni Mip sa pagsuksok niya sa ilalim ng malaking kumot na gagamitin naming apat.
"Salamat," sabi ko. Natigil ako sa pagsasalita sa pagpulupot ng kamay ni Gavin sa tiyan ko. Inalis ko nga't tinulak siya para makaupo ako ng maayos. Umisog naman siya.
"Natutuwa ako sa inyong dalawa sa totoo lang. Kahit di maging makatotohanan okay lang," ang makahulugang sabi ni Mip sabay pikit ng mata.
"Anong ibig niyang sabihin?" tanong ni Gavin sa akin.
"Ewan ko," nagkibit-balikat na lang ako.
Nagpatuloy kami sa panunuod ni Gavin. Iyong kamay niya kung saan-saan pumupunta kaya pinagpapalo ko. Naroong aakyat sa balikat sabay baba ng tiyan.
"Gustong-gusto kitang hawakan, Nixon? Alam mo ba iyon?" bulong niya sa taenga ko. "Lahat ng parte ng katawan mo gusto kong lakbayin."
"Hindi ka naman lasing pagkatapos sinasabi mo kung anu-ano," sabi ko sa kanya.
"Masisi mo ba ako kung ganito ang nararamdaman ko sa iyo?" aniya na ikinalunok ko ng laway.
"Antok lang iyan," sabi ko sa kanya.
"Malayo sa antok ito Nixon. Alam mo bang nag-iinit ako?" pagpapatuloy niya. Ang pinakamalala ay nang patakbuhin niya ang mga daliri niya sa hita ko. Papasok sa aking suot na short. Kinuha ko kamay niya sabay kagat dito. Ginantihan niya rin ako ng kagat kaso sa taenga kaya mas masakit.
Kiniliti pa niya ako sa tiyan kaya pinagsisiko ko naman siya sa tiyan. Pinigilan kong matawa baka magising mga kasama namin. Siniksik ni Gavin ang kanyang ilong sa aking ilong ng matigil siya sa pagkiliti sa akin. Huminga siya sa leeg ko na sinundan ng pagdila sa leeg. Naroon na naman ang tumakbo tila kuryente mula sa balat na nalawayan niya. Hinawakan ko siya sa ulo saka tinulak. Nagtabon na lang ako ng kumot para matigil siya. Pinalo ko rin siya ng unan kaya nahiga narin siya't sumuksok sa ilalim ng kumot.
Hanggang sa natapos ang palabas at kinailangan na naming matulog. Pinatay namin ang telibisyon bago nahiga ng tahimik na magkatabi. Sa kasamaang palad hindi kami pareho ni Gavin na dinadalaw ng antok. Naguusap kami habang ang dalawa naming kasama ay tulog na.
"Ako ba firs kiss mo Nixon?" bulong ni Gavin sa akin. Dumikit siya sa akin hanggang sa nagbangga ang aming mga balikat.
"Ba't mo natanong?" sagot ko naman ng patanong. Pareho kaming nakatitig sa kisame.
"Gusto ko lang malaman," sabi niya pa.
"Wala ka namang rason kaya huwag mo ng itanong."
"Kailangan ba mayroon?"
"Oo, ikaw nagtatanong eh."
"Sinabi mo sana agad." Niyayakap niya ako kaya siniko ko siya. Tumagilid na lang siya saka tumingin sa akin. Nagkakaaninagan naman kami dahil sa ilaw sa veranda.
"Ano kasi naiinis ako kapag bigla kong naisip na may iba ka pang nakahalikan na iba."
"Wala. Anong akala mo sa akin? Tumahimik ka na."
"Mabuti." Hindi ko napigilan ang paghalik niya sa pisngi ko. Natigilan ako kaya hindi ko siya nasiko. "Kaya huwag kang magpapahalik sa iba."
"Ano kita amo?"
"Oo." Hinawakan niya ang baba ko kaya pinalo ko. "Siya nga pala. Masarap ba ang paghalik ko kanina?"
"Ang daldal mo," pagyaya ko.
"Sabihin mo muna kung masarap kasi ginalingan ko talaga para hindi mo makalimutan." Napalunok ako ng laway saka nasamid nito. Napaubo-ubo ako ng kaunti. Hiyang-hiya na ako. Ramdam ko ang pamumula ng taenga ko.
"Basta."
"Oo ba o hindi? Para sa sunod mas sasarapan ko pa."
"Wala ng kasunod iyon," ani ko.
"Sigurado ka?" Bigla niya akong pinatungan kaya napalunok ako ng laway ng titigan niya ako. Naghalo ang aming mga hininga. Nagsanib ang pagtibok ng aming mga puso. Nagtama ang aming mga umbok.
Tinulak ko siya. "Nakakahiya ka," reklamo ko. Alam naman niyang may mga katabi kami.
Nagpapigil naman siya't nahiga ng patihaya. "Gusto mo naman," aniya. "Akin lang iyang kamay mo, Nixon?"
"Aanhin mo?" tanong ko naman.
"May iguguhit lang ako sa palad mo na huhulaan mo," pagkasabi niya nito'y binigay ko kamay ko sa kanya na agad niya hinawakan.
Sa kasamaang palad, iyong inaantay ko na iguguhit niya sa palad ko ay hindi dumating. Ang ginawa niya'y sinuksok niya ang kamay ko sa loob ng short niya. Naramdaman ko ang init ng kanyang kaangkinan. Nanglaki ang mata ko nang maramdaman ko ang paninigas nito. Muling nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan lalo pa ng ihimashimas niya kamay ko kahabaan niyon. Doon na ako naalarma kaya hinablot ko na kamay ko.
"Gagu ka talaga. Walanghiya ka!" doon ko siya pinagsusuntok kahit nakahiga. Hinahayaan niya lang akong suntukin siya habang tumatawa.
Natigil lang kami nang may tumikhim sa aming uluhan. Pag-angat namin ng aming mga tingin, nakatayo sa aming uluhan si Mip na may hawak na unan.
"Kung ayaw niyong matulog. Sa labas na lang kayo," pinaghahampas nito kami ng unan nitong hawak. Lalo lang kaming tumawa ni Gavin. Si Mip ang kusang sumuko. "Isog. Sa gitna niyo ako para manahimik kayo."
Wala na kaming nagawa ni Gavin nang tuluyang mahiga si Mip sa pagitan namin. Pinikit ulit ni Mip ang kanyang mata pero di makatulog dahil tinatawag ako ni Gavin na tumabi sa kanya.
"Uy Nixon. Dito ka," sabi ni Gavin.
"Dito na lang ako," saad ko.
"Mas maganda di-"
Hindi naituloy ni Gavin ang sasabihin sa pagsigaw ni Mip. "Ano ba? Nakakainis kayong dalawa! Tumabi na nga lang kayo! Sa kuwarto na lang ako matutulog!" Nagkamot ng marahas sa buhok si Mip kaya gumulo buhok niya dahil sa inis. Tumayo ito sabay alis, pumasok sa kuwarto sabay padabog na sinara ang pinto.
Umisog sa akin si Gavin saka inalagay ang kamay sa aking tiyan.
"Ang kulit mo kasi," sabi ko sa kanya.
"Oo na. Matulog na tayo." Nakatagilid siyang nakahiga.
Sa kabutihang palad nanahimik si Gavin dahil na rin siguro sa pagod. Nakikita ko sa paghugot ng hininga niya. Tumagilid na rin ako paharap sa kanya saka pinikit ang mata.
Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi dahil kailangan kong umihi. Bumangon ako na hindi pinapansin ang mga katabi. Dahil nga inaantok pa papikitpikit akong naglalakad patungo sa banyo. Pagbukas ko ako'y nagulat. Nawala ang aking antok dahil sa isang taong nagpaparaos.
Nakababa ang short niya hanggang tuhod at ang kamay niyang isa ay hawak ang cellphone may tinitingnang litrato na hindi ko malaman kung sino. Ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa katigasan ng kaangkinan niya. Naestatwa di naman siya.
"Maglock ka naman," sabi ko saka sinara ang pinto.
Lumakad na lang ako pabalik sa may sala saka lumabas ng veranda. Nagiinit ang dalawang taenga ko. Bumaba ako ng bahay at sa gilid na lang umihi. Napapamura ako dahil sa nakita ko.
Hindi na ako natuloy sa loob kaya naupo na lang ako sa mahabang upuan sa veranda. Kahit pilitin kong matulog hindi ako makakatulog dahil sa ginawa ni Gavin sa banyo. Minabuti ko na lang na magpahangin.
Napapayakap ako sa aking sarili dahil sa lamig. Pagtaas ko ng aking ulo naroon na si Gavin at nakatayo. Naupo siya sa tabi ko na parang wala akong nakita.
"Ba't di ka bumalik ng higa?" Nakuha pa niyang magtanong. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Sa tingin mo kung hihiga ako, makakatulog ako?" Alam niya ibig kung sabihin kasi ngumiti pa siya ng malapad. "Naghugas ka ba ng kamay?"
"Bakit gusto mo bang amuyin?"
Isang batok ulit ang ginawa ko sa kanya. "Akin na," ani ko't inabot ang kanyang kamay. May iba akong naamoy na kumapit ng kaunti. Hindi naman gaanong katapang. "Put aka! 'Di ka naman naghugas. Maghugas ka doon." Binitiwan ko na kamay niya.
"Hindi ko na kasi mapigilan." Tiningnan ko lang siya ng tuwid sabay yakap ulit sa sarili. "Teka lang," aniya sabay tayo. Pagkabalik niya'y dala niya ang kumot na malapad. Kawawa naman si Hao kasi iyong ang kumot na ginamit sa sala. Binalot niya ang kumot sa aming dalawa saka siya naupo. Nakatitig lang ako sa dagat dahil nagbabalik ako sa nakaraan. Kahit madilim nakikita ko naman. Naririnig ko pa ang paghampas ng alon sa katahimikan ng gabi. "Gusto-gusto mo ang dagat ano?"
"Oo, marami akong ala-ala sa dagat," sabi ko na lamang dahil totoo naman. Epektib pagkuha niya ng kumot dahil di na ako nilalamig.
"Wala ka bang dapat ikuwento sa akin?" ang bigla niyang naitanong.
"Ano ba gusto mong ikuwento ko sa'yo? Wala naman," ang sabi ko na ikinabuntong hininga niya ng malalim.
"Kahit matagal na panahon, Nixon. Lumipas man ang mga araw, buwan at taon. Mag-aantay ako hanggang sa mag-open ka sa akin."
Napatingin ako sa mukha niya nang sinabi niya iyon. Malayo ang tingin niya. Nang mahuli niyang nakatingin ako hinawakan niya ako sa pisngi saka sinandig niya ang ulo ko sa kanyang balikat, gamit ang kaliwang kamay sa pagitan naming dalawa. Sinuklay-suklay niya ang aking buhok ng kanyang mga daliri. Dahil sa sensasyon na nararamdaman ko sa pagsuklay niya ako'y dinalaw na ng antok.
Pagkagising ko'y umaga na at magisa na lang ako sa upuan. Nakatulog ako ng nakaupo. Sa aking uluhan ay malambot na unan na marahil ay nilagay ni Gavin. Kakalabas lang ni Hao sa veranda na nagstretch ng katawan.
"Nakita mo si Gavin?" ang tanong ko rito pag-upo ko ng maayos.
"Umalis na. Mauna na raw siya. Nagmamadali, may gagawin daw siya," anito. Lumakad ito papalayo sa akin nang makatanggap ito ng tawag sa cellphone na hawak.
Tumango na lang ako ng ulo sabay buntong hininga. Akala ko ba wala siyang gagawin? Pagkatapos aalis din naman, wala pang paalam.