Chapter 4

4952 Words
REYNARD POV "Dr. Montecillo. Tumawag kanina ang Papa nyo at gusto daw kayong maka usap" sambit ng kasamahan nyang nurse. He remove his surgical mask and clothes and gave it to his assistant nurse. "Okay. May sunod pa ba akong surgery ngayong araw?" Tanong nya habang nag lalakad at naka sunod sakanya ang kanyang kasamahan. "For now po sir wala pa naman po" tumango lamang sya sa sinabi nito at diretso lamang sya nag lakad. Nag lalakad sila sa Hallway ng Hospital, sa bawat na mga pasyente, tao at staff ng naturang hospital, na kanilang madaanan napapa tingin sakanya at yong iba naman bumabati. He's Reynard Montecillo, Anim na taon na syang nag tra-trabaho sa kanilang kompanyang pinag tra-trabahuhan. He's one of the Cardiothoracic surgeon of St. Gabriel hospital, kilala nadin sya sa husay ng pag gagamot at pag dating nadin sa surgery. At the age of 28, ginugol nya lamang ang kanyang oras sa pag tratrabaho. Na bahay-trabaho na lamang ang kanyang inaatupag. "Sya nga pala, nandoon na sa Opisina nyo ang kapatid nyo. Kanina pa kayo hinihintay" anito ng assistant nurse nyang si Mikee at hindi na sya nag salita pa at dire-diretso na sya nag lakad. Binuksan nya ang pinto ng kanyang Opisina at pumasok na sya sa loob, doon bumungad ang mukha ng kanyang kapatid. Nakita nya si Regina na naka tayo, tahimik na pimag mamasdan ang painting at book shelve na naka display lahat ng awards and trophy nya sa pag tra-trabaho. Ng mapansin nito na dumating na sya, sinalubong sya ng matamis na ngiti ng kanyang nakababatang kapatid. "Hi Kuya!" Masiglang bati nito sakanya. Nag kasalubong ang kilay nya sa naging reactions nito. Lihim nyang pinag mamasdan ang kanyang kapatid. Naka suot lamang sya ng dark blue fitted jeans and pair with sexy white croptop and flat shoes. Hinayaan nyang naka lugay ang mahaba nyang buhok. Ilang segundo nya pinag mamasdan ang kanyang kapatid, na parang may nakikita syang kakaiba sa katawan at itsura nito, pero hindi nya yon matukoy. She's lot skinnier than the last time he sees her, na halos bagsak na bagsak na ang katawan nito. Pansin nya din ang pamumutla ng kanyang balat, ibang-iba na ang itsura ng kanyang kapatid. Hindi nya na pinansin ang pag bati nito sakanya at dire-diretso syang nag lakad papunta sa kanyang desk. I seat on the swivel chair comfortable. Sa ibabaw ng kanyang lamesa naka patong ang sari-saring documents, PC and glass nameplate na naka ukit ang kanyang pangalan at posisyon sa hospital. Dali-daling nag lakad si Regina papunta sa kinaroroonan nya at umupo ito sa bakanteng upuan na kaharap lamang ng kanyang desk. "Nag Hi, ako sayo Kuya. Hindi mo ba ako babatiin ng Hi back din?" Nag tatampong sambit nito na kumunot ang noo nya sa sinabi nito. The f**k? Ano na naman bang pakulo ng babaeng to. Pinag dikit nya ang kanyang palad at sumandal sya sa upuan, ng hindi pinuputol ang titig sa kanyang kapatid. "Ano kailangan mo?" Madiin at diretso nyang tanong dito. Ngumuso na lamang ito sakanya at pagkatapos binigyan sya ng maka hulugang ngiti nito. Malaki ang agwat ng edad nilang dalawa ni Regina, hindi din sila gaanong ka-close ng kanyang kapatid pero masasabi nya kong gaano ito kabait at ka responsable sa lahat ng bagay. She was jolly and funny sometimes, na parati sya nitong kinukulit at inaasar lalong-lalo na kapag nag tra-trabaho sya. Marami pang mga katangian ang kanyang kapatid, mabait, malambing, mapag mahal, at selosa din ito kung minsan. Sa lahat ng mga katangian ng kanyang kapatid mayron syang labis na kinaiinisan sa lahat. Yon ang pag hahabol at pag mamahal nya kay Alexander! Ayaw nyang mapunta ang kapatid nya sa gagong katulad nya. Alam na alam ko ang galawan at kilos ni Alexander, na sasaktan at papaiyakin nya lamang ang aking kapatid! Kaya noon paman, tutol na talaga sya! "Galit yarn?" She giggled. "Kakapunta ko lang dito, yan kaagad ang bungad mo saakin Kuya?" Ngumuso ito sakanya. "Pumunta lang naman ako dito para kamustahin ang napaka gwapo at napaka bait kong kapatid!" Halos mapunit na ang lawak ng ngiti sa kanyang labi. Tinukod nito ang kanyang siko sa ibabaw ng desk ko at nag puppy eyes sya saakin. Akala mo madadala mo ako sa pag papa cute at charming mo? Mabilis nyang tinabig ang kanyang siko sa pag kakapatong na kulang na lang sumalpak ang kanyang mukha sa lamesa. And her face turned red on anger and frustration. Gusto nyang matawa sa naging reaksyon ng mukha nito. "Kuya naman eh!" Maktol nito sakanya. "Ano ba kasing kailangan mo at pumunta ka dito sa opisina ko?" Diretso nyang saad. Umayos ito ng pag kakaupo sa silya at humarap sya uli saakin. "Hindi ikaw yong klase ng tao na pupunta sa Opisina ko para makipag chismissan lang sakin o mag rant ng kong ano-ano, kong gaano mo kamahal ang Alexander na yan!" Matigas nyang saad at bahagya itong sumimangot sa sinabi nya. "Kuya!" "What?" Madiin nyang saad at pansin nya na bahagya itong napa tahimik. "Hindi ka naman siguro pumunta dito sa Opisina ko dahil sa hinayupak na Alexander na yan ano?!" His voice begun to raise on her. "Sinabi ko naman sayo na walang magandang idudulot ang lalaking yan sayo, kaya layuan mo na sya!" Madiin at pagalit nyang saad. "Hindi no?" Depensa nito. "At tyaka Kuya, wag na natin pag usapan pa si Alex okay?" Kinagat nya ang kanyang ibabang labi. Lihim nyang pinag mamasdan ang kanyang kapatid na bahid ng lungkot ang kanyang mga mata na hindi nya mawari kong ano yon. "Pumunta lang naman ako dahil may favor ako sayo hehe" ngumiti sya saakin, pero kita nyang pilit lamang iyon. But f**k. What's wrong with her? Bakit may napapansin akong hindi tama sakanya? "Ano yon?" Diretsa nyang saad. Napa titig sya saakin, kita ko din ang pang aalinlangan sa kanyang mga mata. Nag dadalawang isip sya kong sasabihin nya ba saakin o hindi ang favor na binanggit nya. "Pwede bang humiram sayo ng 100k?" She said that make me stop. "You see, medyo short kasi ako ngayon, promise babayaran kaagad kita hmm?" Pag papa cute nya saakin. He cross his arms and lean on the chair. "Sabihin mo muna saakin kong ano gagawin mo sa 100k. Doon ako mag de-decide kong papahiramin kita ng pera!" Matigas nyang saad dito. "Kuya naman! I-It's personal okay?" Anito at hindi sya maka tingin ng diretso saakin. Tila ba nababagabag sya sa kanyang kinauupuan. "M-May babayaran lang akong bills and other stuff!" She insist. But f**k. Bakit napaka raming halaga ng pera ang hinihiram nito sakanya? Ganun ba karami at kamahal ang babayaran nya para sa bills at kong ano-ano pa? Kilala nya ang kapatid nya, na hindi din ito maluho sa mga bagay-bagay na makita at magustuhan nitong mga gamit at bagay. Typical na napaka tipid ng kapatid nya, na instead bilhin ang mga luho nya, tinatabi nya na lamang ito pang dagdag sa savings. Pero bakit ngayon tila ba may iba? Hindi kaya binibigyan nya ng pera si Alexander, kaya't nauubos ang pera nya? That's imposible! Hindi gagawin iyon ng kapatid nya. Hindi sya mag lalaan ng pera sa mokong na yon! "Gaano ba ka personal ba yan, para hindi mo sabihin saakin kong saan mo gagamitin ang napaka laking halaga ng pera na yan Regina?" Awtomatiko naman itong napa tigil sa sinabi ko. Doon nakita ko sakanyang mga mata ang takot at pangamba na ngayon ko pa lang nakita. "Are you hiding from us don't you?" Diretsa nyang saad at this time nag katitigan sila ng kanyang kapatid. Napa lunok ito ng sunod-sunod at nakikita ko ang kaba at takot na lumukob sakanya, na hindi ko mawari. "W-Wala ah" nautal nyang saad. "Wala namang rason para mag lihim ako s-sainyo" Pinaypay nya ang kanyang sarili gamit ang kanyang kamay. "May pera naman si Papa, bakit hindi ka huminggi sakanya? I'll assure you that, bibigyan ka kaagad ng pera non!" Suhesyon nya at napa baling muli ang tingin nya saakin. Nabahid ng bahala ang kanyang mga mata ng binanggit ko ang aking Papa. "Si Papa? Now way!" She cros her arms on me. "Kilala mo naman si Papa, kapag humiram ako sakanya ng pera, tiyak na kukulitin nya na naman ako bumalik sa mansyon. No way, I will do that!" She hissed. Umayos sya ng pag kakaupo sa upuan at lumapit sya saakin. "At isa pa, babayaran naman kita kaagad Kuya promise!" Nanunumpa pa sya sa harapan ko, para pag bigyan ko lamang sya sa kanyang kagustuhan. "Please help me on this okay? Hmm?" She's using her charms on me. Damn. Sa ganitong usapan talo talaga sya ng kanyang kapatid. He breath heavily. "Okay, you win!" Panunuko nya sa usapan. Kulang na lang mapa suntok na ito sa buwan sa labis na tuwa sa kanyang sinabi. "Yes!!" Hiyaw nya na kulang na lang lumundag na ito sa labis na kasiyahan. Kinuha nya ang kanyang cheke na naka patong sa ibabaw ng desk nya, at sinulat nya ang amount na hinihinggi nito. Ng matapos na syang mag sulat, binigay nya sa kapatid nya ang cheke na kailangan nito. "Here!" Aniya nya at inabot dito at mabilis naman na kinuha iyon sa kanyang kamay. "Thankyou so much Kuya! You're the best!" Hiyaw nito at pagkatapos lumapit ito sakanya at binigyan sya ng mahigpit na yakap. "Promise, babayaran din kita kaagad. Hehe!" She giggled on happiness. Sya na ang unang kumalas sa pag kakayakap nito saakin. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. "Thankyou mwaa!" She do the flying kisses on me and walk outside. Pag labas ng kanyang kapatid doon sya natahimik. Ilang segundo sya napa titig sa pintuan na nilabasan ng kanyang kapatid. Ng masiguro nyang naka alis na nga ito, nag pakawala na lamang sya ng mabigat na buntong-hiningga. "Ano bang nangyayari sa'yo Regina?" Tanong nya sa kanyang isipan. Kinuha nya ang kanyang telepono sa kanyang tabi at tinawagan nya ang kanyang katiwalang tao. "Hello!" Panimula nya. "Gusto kong sundan at manmanan mo ang ginagawa at nangyari sa taong kakalabas lamang sa Opisina ko. Report to me everthing that she do and she meet!" Matigas nyang saad at pinatay nya na ang tawag. Pinag siklop nya ang kanyang mga palad at napa titig sya sa larawan na portrait ng kanilang pamilya. Ilang segundo syang napa titig sa larawan ng kanyang kapatid. What are you hiding from us Regina? REGINA POV "Pasensya na talaga ha? Wala talaga akong maitulong sa'yo" sambit ng kaibigan nya sa kabilang linya. "Okay lang yon naiintindihan naman kita. At isa pa, naka hiram nadin ako kay Kuya ng pera" sambit nya habang nag lalakad palabas ng kanilang Hospital. "Talaga? Big time din ang Kuya mo ano? Pina hiram ka kaagad nya ng pera" aniya nito. "Hindi ba sya nag tanong kong saan mo gagamitin yong pera? Hindi ba sya nag duda sa'yo?" Tanong nito muli sakanya. "Hindi naman siguro" yan na lang naisagot nya dahil para sa kanyang sarili, hindi nya din alam ang sagot. "I call you later" paalam nya at pinatay nya na ang tawag. Wala naman talaga syang balak na pumunta at humiram kay Kuya Reynard ng pera. Naubos na ang pera at savings nya sa gamot at chemotherapy, checks up kaya't lahat ng pera at savings nya naubos na talaga. Ayaw nya din lumapit sa mga magulang nya para humiram ng pera, dahil tiyak nyang malalaman kaagad nila ang nililihim nyang sakit. Nag mamadali syang lumabas sa Hospital. Tumingin sya sa wristwatch nya at pasadong ala una na nga ng hapon. Pansin nya ang sari-saring mga sasakyan ang humihinto sa tapat sa Hospital, sa kabilang dako naman napa tingin sya sa inggay na parating na ambulansya. Inayos nya ang kanyang sarili at nag hintay sya ng taxi o sasakyan na pwede nya sakyan. Iniwan nya din ang kanyang sasakyan sa paayusan kaya't medyo hassle para sakanya ang mag commute talaga. "Come on" taimtim nyang dasal dahil walang taxi na dumadaan sa kanyang harapan, kundi mga ordinaryong sasakyan na mga service ng mga pasyente ang naroon. "Regina?" Rinig nya ang malambing na boses sa may gilid nya at mabilis nya naman na binalingan ng tingin kong sino iyon. Tila ba nagulat sya ng makita ang familiar na mukha ng magandang babae sa gilid nya. "Ikaw ba yan?" Tila amused na tinig ng makita sya. Hinubad nito ang black shades na suot nito at inobserbahan sya nito mula ulo hanggang paa. Lalo pa lumawak ang ngiti sa labi nito ng mamukaan sya nito. "T-Tita?" Napa piyok nyang sambit. Naka tayo sa may gilid nya ang Ginang na naka suot ng mamahalin at sosyal na damit, na kagaya noong 1960's na disenyo pero napaka ganda ng pag kakagawa noon. Naka suot din sya ng itim na sumbrero at tinernuhan nya din ito ng perlas na kwentas at kulay itim na stilletos. Sa kanyang dating, at pormahan nabalik sa kanyang isipan ang pamamaraan ng damit ng mga mga babae noong 1960's "Oh my, ikaw nga Regina. Kamusta kana?" Galak na sambit ng Ginang ng muli syang makita nito. Ewan nya ba sa kanyang sarili kong bakit ganun na lamang ang kaba at nerbyos sa kanyang dibdib ng sandaling makita nya ang Ina ni Alexander. Yeah right, tama po kayo ng pag kakabasa. Sya lang naman ang Mama ni Alexander. She was Emelda Montenegro, the renowned and famous artist. Nakilala ito sa husay mag pinta ng mga obra. Mag kakilala ang kanilang angkan dahil naging kasusyo nadin ito ng kanyang Mama sa iba't-ibang negosyo noon. Kilala din sya ng Ginang dahil naging malapit ang kanilang pamilya at ni minsan na din sya pina kilala ng kanyang Mama sa pamilya nito. "Ayos naman po ako. Kayo po? Hindi ko aakalain na mag kikita tayo dito" alangan syang ngumiti dito. "Mayron kasi akong malapit na kaibigan na dinalaw na nasa loob, kaya't nandito ako" aniya nito at napa tango na lamang sya. "Matagal nadin simula noong huli tayo mag ka-bonding. You better come with me, na-miss ko kasi makipag kwentuhan sayo, just like the old days?" Suhesyon nito na sanhi sya'y matigilan. "Mabuti pa doon kana lang mag dinner saamin mamaya. What do you think Hija?" Napakagat labi na lamang sya sa sinabi nito. Pero paano yong appoinment nya for check up? "P-Pero Tita" alangan nyang sambit. Hind nya alam kong papaano nya sisimulan ang kanyang sasabihin. "May pupuntahan kasi ako ngayon eh-" anito nya. Awtomatiko naman nawala ang ngiti sa labi nito. "Hindi naman siguro importante ang pupuntahan mo right? Pwede ka naman mag pa re-schedule sa pupuntahan mo" pangungulit nito sakanya. s**t! Kailangan na kailangan nya talaga na pumunta sa doctor nya. "Minsan lang naman ako mag yaya sa'yo. Sige ka, baka hindi na masundan tong pag yaya ko sayo saamin" pag pipilit nito sakanya. Nag pakawala na lamang sya ng malalim na buntong-hininga. Gusto nya sanang tumanggi, pero sa loob-loob nya gusto nya pag bigyan ang Ginang. "Sige na nga po" aniya nya. Bumalik kaagad ang saya at sigla sa ngiti sa labi ng Ginang sa kanyang sinabi. "Goods! Tara na!" Excited na turan nito, na hindi na maipaliwanag ang saya at excitement sa mukha nito. Ilang segundo lang may humintong sasakyan sa kanilang harapan. Maya-maya pa may lumabas na driver para pag buksan ng pinto si Mrs. Emelda sa back seat. Pumasok na ang Ginang sa loob at kasabay na sumunod na rin sya dito. Mga ilang minutong lumipas, tumigil ang sasakyan sa isang puti at napaka laking gate, na kahit na ikaw hindi mo makikita ang loob dahil sa napaka laking bakod na iyong matatanaw. Awtomatiko namang bumukas ang gate at pumasok ang sasakyan sa loob. Tumigil ang sasakyan sa harapan ng isang malaking bahay na mayrong tatlong palapag at napaka ganda at laki ng bahay na namangha talaga sya ng husto. Pag pasok nila sa mansyon sumalubong sakanya ang napaka laki at gara na hallway at nag lalakihang mga chandelier sa itaas. Ilang beses na syang nakapunta sa bahay ng mga Montenegro, pero hindi nya padin mapigilan ang kanyang sarili na mamangha sa ganda ng lugar na iyon na tila ba dinala ka sa ibang mundo. Mayaman at maraming negosyo ang mga magulang ni Alexander, kaya't hindi na sya mag tataka sa rangya ng kanilang buhay. Ng mapadpad silang dalawa ng Ginang sa living area, doon bumungad sakanya ang mamahalin na white and gold motif ng mga gamit, pag dating sa napaka laking couch. Booksheleve sa isang tabi, mga nag gagandahan na mga paintings, figurines at sa kabilang dako naman nakita nya ang kulay puti at mamahaling piano. Umupo si Mrs. Montenegro sa isang single couch, at base lamang sa kanyang kilos at galaw napaka hinhin at napaka gandang pag masdan. "Come sit Hija" aya nito sakanya na maupo na rin. Doon sya naka ramdam ng hiya sa kanyang sarili, na sya na lamang ang mag isang naka tayo sa isang tabi. Umupo sya sa mahabang couch na medyo may distansya din sa Ginang. "Kayo lang mag isa dito Tita?" Hindi nya maiwasang maitanong yon sa Ginang. Ginala nya ang kanyang tingin sa buong paligid, at nabalot ng katahimikan ang buong bahay. Naririnig at nakikita nya lamang ang mga kasambahay, na abala sa kani-kanilang ginagawa. "Oh no, my husband's still on his office at may tinatapos lang syang work sa company" turan nito at napa tango na lamang sya sa sinabi nito. "Ang anak ko naman si Maxine, she's still on her room taking some review. And Alexander?" Bigla itong napa tigil bahagya ng mabanggit nya ang pangalan ni Alexander. Kaagad bumilis ang kabog ng kanyang dibdib ng mabangit nito ang pangalan ng kanyang anak. Jusko. Don't tell me nandito si Alexander? Mag kikita kaya kami? Hindi nya mawari ang saya at excitement sa kanyang dibdib, habang hinihintay ang magiging sagot ng Ginang. "He's still on his room. Alam mo naman ang batang yon napaka pasaway at private sa lahat ng bagay" anito at nanginginig ang kanyang katawan. Kong sakali lang na naka tayo sya, baka kanina pa sya natumba dahil sobrang pang lalambot ng kanyang tuhod. Shit. Nandito nga si Alexander. Para syang matuwa sa sobrang saya ng malaman nyang nandito si Alexander. Ano kaya ang magiging reaksyon nya kapag nakita nya ako nandito sa bahay nila? Matutuwa kaya sya? O magagalit? Pano kong ipag tabuyan nya ako? Iniisip nya pa lang ang nakakatakot na mukha ni Alexander, kapag nagagalit parang pinag hihinaan na kaagad sya sa takot. Ipinilig nya ang kanyang ulo para iwaksi ang kanyang naiisip. Nag pakawala na lamang sya ng malalim na buntong-hiningga para pakalmahin ang kanyang sarili. Dapat maging kalmado ka lang Regina. Nandito ka para sa Mama ni Alexander. "Oh you're shaking Hija, are you okay?" Nabalik sya sa realidad ng marinig nya ang pag aalala sa tinig ng Ginang. Mabilis syang bumaling ng tingin, at alangan na lang syang ngumiti sa Ginang, para ipakita na okay lang sya. Pero s**t, hindi talaga ako okay! "Oh! Maxine is here!" Mrs. Montenegro exclaimed. Sinundan kong saan uto naka tingin at doon nya nakita si Maxine, na nag lakad sa gilid nilang dalawa. Sinundan nya ang tingin at nakita nya si Maxine na naka tayo and she's wearing a sexy maong short and plain white ties. Matangkad sya at maganda ang hubog ng kanyang katawan, she's like a real life barbie. Napaka natural ng kanyang ganda, kong totoosin nga mas maganda pa ito kaysa sakanya. Sa pag kakaalam nya she's 26 years old, matanda lang ito sakanya ng dalawang taon. "Hi Mom!" Bati nito sa kanyang Mama at bumaling ang tingin nito saakin na sanhi sya'y mapa lunok ng sunod-sunod. "Oh, you didn't tell me that you have a visitor Mama" anito. "Hi! Regina!" She gave me a sweet smile on her lips. "Hi, Maxine" alangan syang ngumiti sa dalaga, sa totoo lang talaga, hindi nya talaga alam kong papaano i-approach si Maxine o ano ang sasabihin nya dito. "Niyaya ko si Regina dahil gusto ko makipag bonding sakanya ngayon" kwento ni Mrs. Montenegro sa kanyang anak at tumango na lamang si Maxine sa sinabi ng kanyang Mama. "I'm sorry Regina, hindi ko kayo masasamahan ngayon may importante kasi akong ginagawa" anito. "Okay lang yon Ate Maxine" aniya nya at ngumiti ito ulit sakanya. "Sige maiwan ko na muna kayo" paaalam nito at nag lakad na ito papunta sa kitchen. Sinulit nila ni Tita Emelda ang pag ku-kwentuhan at pag tour sakanya nito sa mansyon. Marami silang napag kwentuhan nito at nalibang sya masyado sa pagiging pala-kwento ng Ginang sakanya at hindi nya napansin na ala sais na ng hapon. "Hon, nakita mo ba yon----" napa tigil kami sa pag uusap ng dumaan sa gilid namin si Mr. Montenegro, ang Papa ni Alexander. "Regina?" Gulat ito ng ako'y makita. Tumayo sya sa kanyang kinauupuan at nag vow sya para mag bigay galang dito. "Magandang gabi po Tito" bati nya dito. "Magandang gabi din sayo Hija. Kanina kapa ba dito?" Tanong nito at tumango na lang sya dito. Bumaling ulit ang kanyang atensyon sa kanyang asawa na perinte lamang naka upo sa couch. "Bakit di mo naman sinabi kaagad Hon, na mayron pala tayong magandang bisita, di sana kanina pa ako bumaba" aniya ni Mr. Montenegro. "Okay lang yon Tito, nakwento din ni Tita na medyo busy kayo kaya't hindi ko na kayo inabala pa" magalang nyang saad. "Niyaya ko sya Hon na dito na mag dinner saatin" aniya ni Mrs. Montenegro at tumayo na sya at lumapit sa kanyang asawa para bigyan ng beso. "Mam, handa na po sa dining ang pagkain" lumapit ang katulong. "That's good. Papunta na kami doon, by the way pakitawagan si Maxine at Alexander para sabay sabay na kaming kumain" aniya ni Mrs. Montenegro. "Sige po Mam" nag vow muli ang katulong at nag mamadali na itong umalis. "Tara na Hija sa dining" aya ng Ginang at sumunod na sya sa mga ito. Sabay na silang tatlo mag lakad papunta sa Dining. Ng mapa daan kami sa malapit sa hagyan, ganun na lamang ang gulat ko ng maka salubong namin si Alexander na pababa ng hagdan. Awtomatiko naman syang napa tigil at tila ba naka kita ng multo sa gulat ng makita ako na kasama ng mga magulang nya. Lihim ko syang pinag mamasdan. He was wearing a denim jacket. Naka porma syang damit na animo'y may importante syang pupuntahan. "Where are you going Hijo?" Saad ng Ginang. "I'm leaving, sa labas na lang ako kakain" malamig na lintarya nito at dire-diretso itong nag lakad na walang pakialam. "So soon?" Aniya ng Ginang habang sinusundan ng tingin ang kanyang anak hanggang sa maka lampas na nga sya saamin. "Dito kana kumain, sumabay kana saamin nina Regina" tila ba walang narinig si Alex at dire-diretso padin itong nag lakad na tila ba walang narinig. "Wag kang bastos Alexander, nakaka hiya naman sa bisita kong aalis kana lang. Umalis ka pag katapos nating kumain!" Matigas na asik ng kanyang Papa na awtomatiko naman na napa tigil ito sa pag lalakad. ••••• "Dahan-dahan lang Hija sa pagkain, baka mabilaukan ka" mahinang paalala saakin ni Mrs. Montenegro. Napa tigil naman sya sa pag subo ng pagkain at tinignan nya ang Ginang na bahid ng pag aalala sa kanyang mukha. Nilunok nya ang pagkain at tila ba nilamon sya ng kahihiyan, ng lahat sila naka tuon ang tingin nila saakin. Si Mr. Montenegro Si Maxine At si Alexander ng kay lamig at sama ng titig nya saakin. Lahat sila naka titig saakin na tila ba naagaw ko na ang kanilang atensyon. Ganun na ba ako katakaw kumain? Uminit ang pisngi nya sa kahihiyan dahil baka ang isipin nila ang takaw-takaw ko. "Pasensya na po" nahihiya nyang sambit. "Okay lang yon Hija, ang sarap mo kasing pag masdan na kumakain" Masayang sambit ng Ginang. "Kain ka lang marami ha? Kasi ako nung dalaga, ganyan din na napaka takaw kumain" naka ngiting kwento nito. "Opo" kinakabahan nyang sambit. Bale ang set up naka upo sila sa napalaking round table, mag katabing mag kaupo sa harapan namin ang mag asawang Montenegro, at sa kabilang bahagi naman naka upo ako, katabi ko si Maxine at sa dulo naman nakaupo si Alexander. Bumaling ang tingin nya kay Alexander na tahimik lamang naka kaupo. Kahit hindi sya kumibo, ramdam ko ang pamatay titig nya saakin. "Actually po kasi, dalawa na kasi kaming kumakain e---" pakiramdam nya nanigas ang kanyang katawan sa takot at kaba sa kanyang dibdib sa katagang binitawan nya. Jusko wrong move Regina! Tila ba nagulat at hindi sila maka paniwala sa sinabi ko. Lahat muli sila nabaling ang atensyon saakin, na base sa kanilang pamamaraang titig nag kikilatis at nakikinig sa sasabihin ko. "Ano kamo ang samo mo Hija?" This time si Mr. Montenegro na ang nag tanong sakanya. Ramdam nya ang pamumuong malamig na pawis sa kanyang katawan sa seryoso at nakaka takot na mukha ni Mr. Montenegro. Parang gusto nya matunaw sa harapan nilang lahat dahil sa katagang sinabi nya. Jusko! Napaka likot ng kanyang mga kamay na tila ba isa na syang bulate na nilagyan ng asin sa kanyang kinauupuan, dahil hindi nya alam kong ano sasabihin nya sakanilang lahat. Binigyan sya ng malamig at nakaka patay na titig ni Alexander na sanhi sya'y matakot ng husto. Kong sakali lang na wala ang mga magulang ni Alexander, baka kanina pa sya kinaladkad palabas ng binata dahil sa sama ng titig nya saakin! "A-Ano po kasi" nauutal nyang sambit at ramdam nyang nag simula ng mamuo ang malamig na pawis sa kanyang noo sa labis na kaba at tensyon. "A-Ang ibig kong sabihin, dalawa po kami kumakain ng b-bulate sa tyan ko. Hehe!" Peke syang tumawa sa harapan nilang lahat. Ang galing Regina! Ang galing mong mag palusot! "Patawa ka talaga kahit kaylan Hija!" Aniya ng Ginang at kasunod ang pag tawa nilang tatlo sa sinabi ko. Tila ba nabunutan ng tinik ang kanyang dibdib na tila ba napaniwala nya na naman ito sa kanyang mga kasinunggalingan. Kong lahat sila napa niwala sa kasinunggalingan ko. May isang tao na hindi. Walang iba kundi si Alexander. Nanigas ako sa aking kinauupuan na tila ba hindi ko malunok ang kanin sa aking bibig, ng pinukulan nya ako ng nag babantang titig. Nakakatakot at nakakakilabot ang pamamaraan ng pag titig nya saakin, na lalo pa ako kabahan sa takot. "E-Excuse me, punta lang ako sa C.R sa Tita" paalam nya dito, dahil hindi na sya maka tiis sa nakakatakot na pag titig sakanya ni Alexander. Nag mamadali syang umalis para tumungo sa banyo. Hindi nya na hinintay pang mag salita pa ang mga ito nag mamadali na syang umalis. "Ang tanga-tanga mo talaga kahit kaylan Regina!" Galit nya sa isip nya habang nag lalakad sa napaka habang hallway, at sa dulo non makikita nya kong asan ang C.R. "Paano na lang kong malaman nilang buntis ka? Pano na?" Sambit nya pa at napa tampal sya sa kanyang noo habang tahimik na nag lalakad. Kailangan ko ng umuwi. Tama, uuwi na lang ako pakatapos kumain. Ayaw nya ng pag masdan pa ang nakaka matay na pag titig sakanya ni Alexander, at baka mauna pa syang atakehin. She gasp when someone grab her wrist and pinned her on the wall that make me groan on pain. "Ano ba?! Sino ka b--" napa kurap sya ng makita nya ang malamig at nakaka takot na mukha ng binata. Alexander? Ano ang ginagawa nya dito? Nanlambot na ang kanyang tuhod sa labis na takot at pangamba sa kanyang dibdib, hindi nya aakalain na makikita nya muli ang nanlilisik nitong mga mata sa galit. Sunod syang napa lunok para pakalmahin ang kanyang sarili. Ramdam nya ang kakaibang kuryente na dumaloy sa kanyang katawan sa pag hawak padin nito sa kanyang pulsuhan. Napaka lapit ng kanyang katawan na ilang pulgada na lamang iyon sa aking katawan, na kahit ganum ramdam na ramdam ko ang init na binubuhay ang buong sistema ng aking katawan. "Di mo ba ako tatantanan Regina? Sinabi ko na sa'yo na tigilan mo na ako! At ngayon nandito ka sa pamamahay ng magulang ko, para ano?! Para isumbong ako sakanila?! Yon ba yon ha?!" Madiin at puno ng galit nyang asik. Mahina lamang ang kanyang sinabi na maka sigurado na walang makaka rinig ng aming pinag uusapan, pero nandoon ang gigil at pag titimpi nya para saakin. "A-Ano bang pinag sasabi mo?" Kahit nauutal na sya pinilit nya padin mag salita. Hindi nya alam kong makakaya nya pang mag salita sa labis na takot na lumukob sa kanyang dibdib. "W-Wala akong intensyon na ganun Alexander. Niyaya ako ng Mama mo na pumunta dito, at hindi naman ako maka tanggi sakanya" aniya nya at nag kokompitensyahan na sila ng masamang titig sa bawat isa. "Pinag bigyan ko lang ang Mama mo sa kagustuhan nya. Hindi ko alam na pag bibigyan mo pa ng pag dududa ang simpleng ginawa ko" pinikit nya ang kanyang mga mata para kontrolin ang galit na kanyang naramdaman. "Don't fool me Regina!" He hissed. "Kilala kita, and don't you try to play your dirty trick on me, because I won't fall for it!" "Bakit ba natatakot ka? Gusto mo isabi ko na sakanila ang lahat-lahat?" Pag hahamon nya at napa singhap sya ng mas diniin pa lalo sya ng binata sa pader. "f**k it!" Malakas na mura nito na sanhi mapa pikit sya sa labis na takot. "Ano ginagawa nyo?" Napa tigil sila pareho ng marinig nila ang boses mula sa gilid. Tila ba binuhusan sya ng malamig na tubig sa kanyang katawan ng sinundan nila ng binata ang pinanggalingan ng tinig. At doon nakita nilang naka tayo si Maxine at naka titig saamin. Shit. Narinig nya ang lahat-lahat? Paano na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD