Chapter 5

4943 Words
Chapter 5 "Anong ginagawa nyo?" Malamig na tinig na aming narinig. Kumabog ng sobrang bilis ang aking puso na tila ba hihimatayin ako sa labis na takot at pangamba. Sinundan ko, kong saan nag mumula ang tinig at tila ba nagulantang ako ng makita ko ang kapatid ni Alexander, na naka titig saaming dalawa. Maxine? Narinig nya ang pinag usapan naming dalawa? Pano na ito? Ang kanyang pagtitig na bahid ng pag kikilatis saaming dalawa ni Alexander. "Ts!" Yan na lamang ang aking narinig at umalis si Alexander sa aking harapan. Nag lakad sya paalis, at nilampasan nya ang kanyang kapatid na tila ba walang pakialam. Ganun na lamang ang pangangatog ng aking mga tuhod sa labis na pangamba at nerbyos sa aking dibdib, ng tuluyan ng maka layo saakin si Alexander. Sinundan na lang namin sya ni Maxine ng tingin palayo, hanggang mawala sa aming paningin. Nghihina akong napa hawak sa malamig na pader para pakalmahin ang aking sarili dahil sobra ng lakas ng pintig ng aking puso. Hindi ko kakayanin kong malaman ni Maxine ang katotohanan. "Inaway kana naman ba ni Kuya?" Anito na mapa kurap ako sa sinabi nya. Ano daw? Akala nya ba nag tatalo kami kanina ng Kuya nya? "A-Ahh eh" bahagya akong napa kamot sa ulo ko, dahil hindi ko alam ang isasagot sakanya. Nag lakad palapit saakin si Maxine at hinawakan nya ang aking balikat. "Wag mo ng pansinin si Kuya, ganun talaga yon. Lahat ng babaeng lumalapit sakanya inaaway nya" alangan akong ngumiti sakanya. Isang matamis na ngiti ang pinakawalan nya at nag lakad sya papunta sa restroom para iwan ako. Jusko. Muntik na ako doon ah. •••• Ng matapos mag salo-salo ng hapunan, naisipan ng pamilya na mag karoon ng simpleng kainan at inuman sa kanilang munting living room. Napaka cozy ng paligid at malaki talaga ang sala na pwedeng-pwede kayo mag habulan. Nandoon ang malaking sofa seat at sa isang tabi napansin ko ang malaking TV na magandang manuod ng magagandang palabas. Mayron din na malaking bookshelves at mga painting na naka sabit sa dingding. Pinili ng mag asawa na maupo sa tig isang single couch. Samantala naman kami naka upo sa malaking couch na kaharap lamang nila. Bale ang set-up ng pag kakaupo namin, ay si Maxine naka upo sa kanang dulo at si Alexander naman sa kaliwang dulo ng sofa at naka upo naman ako sa gitna nilang dalawa. Sa gitna naman, nandoon ang babasagin na table. Naka patong ang sari-saring mga pagkain na matatakam ka talagang kumain. Mayrong sariwang prutas, fried chicken, grilled pork, vegetables salad, steak at kong ano-ano pang masasarap na pagkain ang naka handa. At ang main event ng gabing iyon, ang sari-saring branded na wine at whiskey. Kanina pa ako hindi mapa-kali sa aking kinauupuan dahil sa napaka akward talaga ng mga katabi ko. Kanina ko pa gustong umuwi pero hindi ako maka alis-alis dahil piniligilan ng Ginang dahil, mag kakaroon pa daw ng konting pag salo-salo pag katapos ng hapunan. Binalingan ko ng tingin si Maxine sa aking tabi na naka upo at hawak nito ang champagne glass, at napa ngiwi na lamang ako dahil hindi naman kami gaanong close ni Maxine. Oo kakilala ko sya pero hanggang doon lamang iyon. Kong totoosin nga hindi pa kami nag usap ng masinsinan talaga. Simpleng "Hi" at usap lamang kapag kami nag kakasalubong. Sinimsim ko ang tubig sa baso na hawak ko at binalingan ko ng tingin ang kabilang bahagi. Nanuyo kaagad ang lalamunan ko sa labis na kaba at nerbyos na lumukob sa aking dibdib ng mag tama ang tingin namin ni Alexander. Napaka lamig at nag babanta ang kanyang mga titig saakin na "HUMANDA-KA-SAAKIN-MAMAYA-LOOK" na sanhi mapa lunok ako ng sunod-sunod sa labis na kaba. Jusko. Ano ba tong pinasok ko? Rinig ko ang mahina at soft music na nanggagaling sa gamaphone, na kahit papaano mag pakalama saakin. "Rinig kong kapatid mo daw si Reynard Montecillo, ang sikat na Cardiothoracic surgeon" sambit ni Mr. Montenegro na ako'y matigilan. "Opo" "Minsan ko ng nakita si Dr. Montecillo, nung mag attend ako ng business meeting. He was fine and decent man. Napaka bait at humble na bata" anito at napa tango naman ako sa sinabi nya. "Napaka ganda ng personality nung mag kausap kaming dalawa. Tiyak kong maraming babae ang nag kakandarapa sa kapatid mo, hindi lang sa mabait napaka buting bata pa nya" anito at ininum nito ang whiskey na iniinom nito. "Sa totoo lang po wala pa pong girlfriend o asawa ang kapatid ko" lahat sila napa tingin saakin na hindi maka paniwala sa sinabi ko. "Wala po syang panahon sa mga ganyan at Dating stuff, naka tuon lamang ang kanyang atensyon sa pagtra-trabaho" aniya nya. Napaka busy talagang tao ng kanyang Kuya Reynard, na wala itong inatupag kundi ang mag trabaho at trabaho lang talaga. Minsan nga sa sobrang hectic ng schedule nito sa Hospital hindi na nito nag kakaroon ng oras para sa sarili nya. At kong minsan naman doon na ito natutulog sa Opisina nya dahil sa sunod sunod na surgery at inaasikaso. "Hmm that's good, na totok talaga sya sa pag tratrabaho" napa tangong sambit ni Mr. Montecillo. "Hindi kagaya ng iba dyan, na binibigay lamang sakit ng ulo sa pamilya!" May diin na tinig ni Mr. Montenegro. Kahit hindi nito sabihin, kilala ko kong sino ang tinutukoy nya sa kanyang sinabi. Walang iba lamang ang kanyang anak na si Alexander. Nilapag ko ang baso na hawak ko sa table, at sa gilid ng aking mga mata nakita ko ang puno ng lamig at walang emosyon na mga mata ni Alex na tila ba hindi din nito nagustuhan ang kanyang narinig mula sa kanyang Papa. "Kamusta naman Hija ang iyong Mama?" Sambit ulit ni Mrs. Montemayor sakanya. "Okay naman po si Mama, medyo abala lang po talaga sya sa mga bagay-bagay. Sa ngayon po medyo matagal na din simula nung huli akong dumalaw sa bahay" "Bakit naman? You should visit your parents sometimes, tiyak kong gusto kana din makita at makasama non" anito. "Oh kong gusto mo pumunta ka din dito sa bahay kapag na bo-bored ka. Bukas ang aming tahanan para sa'yo Hija, right Hon?" Anito at hinawakan nya ang kamay ng kanyang asawa. "Oo Hija, welcome na welcome ka dito sa bahay" sambit ni Mr. Montenegro na ako'y matigilan. "Po?" Gulat nyang saad. Alangan syang ngumiti at bumaling ang tingin sa Ginang, na animo'y seryoso sya sa kanyang sinasabi. "Hindi kana iba para saakin Hija, tutal naman mag kakilala kami ng Mommy mo" anito at umayos sya ng pag kaka-upo sa couch "Na-miss ko tuloy ka-bonding ang iyong Mama" anito na tila ba inaalala nya ang panahon na mag kasama sila ng kanyang Mama na mamasyal noon. "Oh, bakit hindi ka umiinom Hija?" Takang sambit nito, at doon lamang ako natigilan dahil naka titig sya saakin. Nag tataka siguro sya na hindi ko sila sinasabayan sa pag inom ng mga alak. "Ahh eh, kasi T-Tita" putol sakanya ng tumayo ito sa kanyang kinauupuan at kinuha nito ang baso na walang laman. "Wag kang mahiya Hija. Kailangan mo din uminom at mag enjoy paminsan" naka ngiting saad ng Ginang at sinalinan nito ng whiskey ang baso na hawak nito at pagkatapos inabot nya saakin iyon. "Go on, take it!" Abot langit na ang ngiti sa labi nito. Napa ngiwi na lamang sya dahil kalahati ang taas ng alak sa baso. Hindi ko alam kong tatanggapin ko ba yon o hindi. Alangan syang ngumiti sa Ginang at tinanggap nya ang baso na may lamang alak, khit labag sa kanyang kalooban. "Salamat po" pilit syang ngumiti. Hindi nawala ang masayang ngiti ng Ginang at bumalik sya sa kanyang kinauupuan. Napa lunok na lamang sya ng sunod-sunod habang naka tingin sa baso na hawak nya. Bakit sa kinarami-rami pang inumin. Bakit whiskey pa? Ayaw nya sanang uminom kaya't panay tubig lamang ang kanyang iniinom kanina. Napaka risk kasi sa nag bubuntis ang uminom ng alak. Lahat sila umiinom, pwera na lamang sakanya. Well, malalaki din naman ang anak ni Mr. at Mrs. Montenegro, at hindi nito pag hihigpitan ang kanyang mga anak sa pag inom at iba pang mga bagay-bagay. Ilang segundo akong napa titig sa hawak kong baso. Nag tatalo pa ang isip ko kong iinom ba ako o itatabi na lang yon. "Oh bakit hindi ka umiinom Hija? Ayaw mo bang uminom?" Kulang na lang mapa talon ako sa gulat ng marinig ko ang britonong boses ni Mr. Montenegro. Nanuyo ang laway sa aking lalamunan dahil naka tuon ang titig nya saakin, na kahit sya nag tataka dahil tinitignan ko lamang ang inumin sa aking kamay. Gusto nya sanang sabihin na bawal syang uminom pero hindi ko alam kong paano ko sisimulan sabihin iyon sa kanila. Ang alam kasi ng mag asawa na literal talaga akong mahilig sa alak at beer. "Eh kasi po Tito" putol nya ng kanyang sasabihin. Lalo pa akong kinabahan dahil napa baling na din ng tingin saakin si Mrs. Montenegro Maxine at pati nadin si Alexander. Jusko po. "Taste it. Masarap yan Hija, galing pa nyan sa Paris yan na alak at tiyak na magugustuhan mo. Nilabas ko talaga yan na whiskey, para sa special namin na bisita" naka ngiting saad nito. "Nakaka lungkot naman kong hindi mo titikman kahit konti yan na alak" anito na mapa kagat labi sya sa sinabi nito. Jusko, gustong-gusto pa naman nya sanang pag bigyan ang pabor ni Mr. Montenegro pero paano naman ang pag bubuntis nya? Lumingon sya sa gawi ni Alexander, at binigyan nya ako ng malamig na expression. Bakit ba napaka sama maka titig ng isang to? Napa tingin muli ako sa hawak kong baso at napa lunok ng sunod-sunod. Kaya mo to Regina. Konti lang naman. Konti lang iinom mo tapos di kana nila kukulitin Paulit-ulit nyang sambit sa isip nya. Jusko bakit ba kasi ako nalagay sa napaka liit na sitwasyon? Tinaas nya ang hawak nyang baso at tangkang iinumin ang laman non. Napa kurap na lamang ako ng mabilis na inagaw sa aking kamay ang hawak kong baso palayo saakin. Sinundan ko ng tingin kong sino ang umagaw ng alak at ganun na lamang ako napa kurap na ngayon hawak na ni Alexander ang baso ng alak na para dapat saakin. Bumilis ang kabog ng aking dibdib ng sandaling iyon ahil hindi padin ako maka paniwala na aagawin nya yon saakin. "A-Alex anong ginagawa m---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko, ng mabilis nyang nilagok ang laman ng whiskey sa baso. Napa hawak ako sa aking lalamunan sa t'wing pinag mamasdan ko si Alexander na tila ba napaka dali para sakanya na inumin iyon, na kahit napaka tapang at pait ang lasa ng whiskey. Ng tuluyan nya ng maubos ang laman ng alak, nilapag ni Alexander ang baso sa lamesa na tila ba walang pakialam. At ganun na lamang ang panlulumo ko na ngayon naka titig na sila lahat kay Alexander, na tila ba hindi sila makapaniwala na ininom nya ang alak na para dapat saakin. Jusko ano ba kasi ang nangyayari? Bakit nya ba kasi inagaw yong baso saakin? Nagulat ako ng tumayo si Alexander sa kanyang kinauupuan na tila ba aalis sya. Doon ako nataranta at hindi mapaliwanag na nadarama dahil mukhang aalis na ito, at hindi nya na ito makakasama pa ng mas matagal. "Ihahatid ko na si Regina, late narin" malagong at seryoso nyang saad. Yon naman pala eh, ihahatid nya ako saamin. Sandali Ano daw? Seryoso ba sya? Napa tingin ako sa gawi ni Alexander sa labis na pag kagulat, at tinignan ko ang kanyang mukha na bahid ng lamig at walang emosyon. Nabalot ng katahimikan sa buong sala, at matagal mag sink-in sa utak nila ang sinabi ni Alexander. "Oh sure Hijo" sambit ni Mr. Montenegro na perinting naka upo sa upuan. "Sige Hijo" napa tingin ang Ginang sa relo nito ng ilang segundo bago mag salita muli. "Late nadin pala, hindi ko napansin napa sarap ang kwentuhan natin" Pakiramdam ko nanuyo ang laway sa aking lalamunan ng binalingan ako ni Alexander ng malamig na titig. At sinenyasan nya ako na tumayo sa aking kinauupuan at mag asikaso na din. Taranta akong napa tayo sa aking kinauupuan at kinuha ko ang sling bag ko na naka patong sa sofa. Ewan ko ba, kong bakit ganun na lang ang nerbyos na aking naramdaman sa nag babantang titig nya saakin. "Mauna na ako Tito, Tita at Maxine" mahina nyang sambit. "Pasensya na kong mauna na akong umuwi, medyo late narin kasi at maaga pa ako bukas sa trabaho" pilit nyang pinapasigla ang kanyang tinig, kahit sa loob-loob nya nanghihina na sya dahil nakita nya sa gilid ng kanyang mga mata ang masamang pag titig sakanya ng binata. "Sya sige Hija. Naiintindihan ko, maraming salamat at pinaunlakan mo ako sa aking pabor" hindi na masukat ang ngiti sa labi ng Ginang. "Dalaw ka muli dito sa bahay kapag may free time ka uli ha?" "Opo maraming salamat po, sa masarap na pagkain at treats. Nagustuhan ko po" ngumiti sya ng kay tamis dito. "Sige po mauna na po ako. Bye" nag vow sya sa harapan ng mga magulang ni Alexander para mag bigay galang. Ganun na lamang ang taranta na kanyang naramdaman, ng mag simulang mag lakad si Alexander palabas para iwan sya. "Bye po" paalam nya muli at kumaway sya sa nag asawa. "Mag iingat kayo Hija! Paalam!" Rinig nyang pahabol na paalala ng Ginang at sinuklian nya na lamang na matamis na ngiti sa labi. Mabilis nyang hinakbang ang kanyang mga paa palabas sa mansyon para habulin sa pag lakad si Alexander. Pero kahit anong bilis nyang mag lakad, hindi nya pa din mabutan ito. Hinigpitan nya na lamang ang pag kakahawak nya sa sling bag at tinignan si Alexander na seryosong nag lakad sa unahan nya na tila ba walang kasama dahil wala syang pakialam saakin. Kahit naka talikod ang binata sakanya, hindi padin mawala ang kakisigan nito sa kanyang paningin. Nandoon ang kakaibang kilig at kiliti na kanyang naramdaman na ngayon makakasama nya ito. Ng tuluyan na ako maka labas sa mansyon sumalubong kaagad saakin ang malamig na simoy ng hangin na humampas sa aking balat. Hindi ko mapigilan na yakapin ang sarili ko gamit ang aking mga kamay. "Hop in!" Napalik ako sa realidad ng marinig ko ang malamig nyang tinig. Nakita ko si Alexander na naka tayo sa tabi ng isang puti at mamahaling Mercedes-Benz na sasakyan. Hindi ko mapigilan na mamangha dahil hindi talaga makaila na mayaman talaga ang mga Montenegro na kayang bilhin kahit ang mamahalin at bagong sasakyan. "O-Oo" Nauna ng pumasok sa sasakyan si Alexander at nag mamadali naman akong sumunod sakanya. Hindi nya man lang ako pag bubuksan ng pinto? Napaka gentleman nya talaga. Binuksan nya ang pinto ng sasakyan at pinili nyang maupo sa katabi ng driver seat. Doon pa lang nalanghap nya ang mabangong pabango na ginagamit ng binata na hindi ko maiwasan na kiligin dahil ito ang kauna-unang pag kakataon na maka sakay sya sa sasakyan nito. Dati pangarap nyang maka sama ng matagal ang binata, at ngayon natupad naman kaagad yon. Napaka bait talaga sakanya ng langit at pinag bibigyan ako na makasama ko si Alexander ng matagal. Hihi. Maya-maya pa binuhay na nito ang makina ng sasakyan at pinaandar yon. Maka lipas ang sampung minuto sa byahe, nabalot ng katahimikan ang panig nilang dalawa ng binata, na halos mapanis na ang laway sa kanyang lalamunan dahil sa sobrang tahimik nya na ayaw mag pa istorbo. Nilibang ko na lang ang aking sarili sa pag tingin sa bintana, at pag masdan ang bawat sasakyan na nag daraan at mga bahay sa paligid. Konti na lang ang nakita kong mga taong nag daraan sa kalsada dahil pasado alas nwebe na din ng gabi. Dahan-dahan nyang sinulyapan si Alexander na seryoso na nag mamaneho. Naka kunot ang kanyang noo pero kahit ganun hindi napaka gwapo pa din ito sa aking paningin. Bakit napaka gwapo nya? Ang sarap sarap nyang pag masdan. Hihi. Para na syang bulate na nilagyan ng asin sa kanyang kinauupuan na ngayon sa kilig, na katabi nya ang binata sa driver seat. Amo'y na amoy nya ang mabango at mamahalin na pabango nito na tila ba dinala sya sa alapaap sa sobrang saya. Bakit napaka bango nya? Siguro amoy baby sya sa malapitan ano? Ano kaya ang magiging reaksyon nya kong amuyin ko sya? Kinilig sya ng husto, sa t'wing iniisip nya ang bagay na yon. Hindi padin ako maka paniwala na kasama ko sya ngayon sa kotse. Nagulat talaga ako ng husto ng sabihin nitong ihahatid ako saamin kanina, akala ko nanaginip ko lamang ang lahat ng ito, pero hindi. Pumupunta ako sa condo ni Alexander para bisitahin at dalhan sya ng pagkain. Pero kinalaunan tinataboy at sinisinghalan nya akong umalis sa condo nya dahil ayaw nyang makita, maramdaman kahit hiningga at anino ko. Pero ngayon nakapagtataka dahil ihahatid nya ako saamin. Nagugustuhan mo na ba ako Alexander? Isang matamis na ngiti ang sumilay sa aking labi ng sandaling iyon. "Masaya kana nyan?" Nabalik sya sa realidad ng marinig nya ang malagong at seryoso nitong tinig. Sinulyapan ko sya, na ganun padin naka tuon ang kanyang atensyon sa pag mamaneho. "Hm. O-oo" kinikilig nyang saad. Umayos sya sa pag upo sa upuan at hindi na maitago ang kilig na nararamdaman. "Hindi ko lang mapigilan na kiligin. Noon pangarap ko na maka sama ka sa pauwi, pero ngayon kasama na kita ngayon" Pinag dikit nya ang kanyang mga kamay na tila ba nag papantasya sa labis na saya. "Tapos k-kanina" pag titigil nya, at napa lunok sya dahil naka titig sakanya ng sobrang seryoso si Alexander. "Kanina, hindi ko aakalain na iinumin mo yong alak na para dapat saakin. Bakit mo ginawa yon kanina? Wag mong sabihin na-iinlove kana saakin?" Hindi na masukat ang ngiti sa kanyang labi habang sinasabi nya yon. Hindi padin nag si-sink in sa kanyang utak ang ng agawin ni Alexander ang kanyang inumin na para dapat sakanya. Ganun na ganun eksena ang kanyang napapanuod sa teleserye, at hindi nya aakalain na mangyayari yon sakanya ngayon. Diba pag ginawa sa'yo yon ng lalaki. May care sya sa'yo? Hihi. Sorry ah? Sobrang mababaw lang talaga ang aking kaligayahan. "Ts" pag susungit nito. Napa labi na lamang sya dahil naka kunot na ang noo nito. Bakit ba ang sungit ng lalaking to? Nyeta, ang hirap landiin! "Yon lang kinilig kana?" Napa buga nitong saad. "Mga babae nga naman talaga!" Napa iling-iling nitong sambit. Tinukod nya ang isa nyang kamay sa bintana, samantala naman ang isa nyang kamay naka hawak sa manibela. Humarap sya kay Alexander na seryosong nag mamaneho. Di ko alam kong anong pina kain nya saakin, kong bakit patay na patay ako sakanya. "Bakit naman? Napaka sweet kaya yong ginawa mo kanina" kinikilig nyang turan. "Ikaw yong prince charming na handang sagipin at ipag tanggol ako" napa nguso nyang sambit. "Sometimes, I don't understand you" anitong malamig na tinig. "Wag mo din bigyan ng kahulugan ang simpleng ginawa ko para sa'yo, baka masaktan ka lang!" Anito na mapa nguso sya sa sinabi nito. Kahit kaylan talaga napaka suplado nya. Hmp! "Aminin mo na kasi na mahal mo din ako!" Asik nya at napa kunot na lamang sya ng, pagak itong napa tawa sa sinabi nya. What the? Nakaka tawa yon? "Napaka lakas ng tama mo ha? Seriously? Ako mag kaka gusto sa'yo?" Anito na tila ba nang-iinis. "Hindi mangyayari iyon!" Nag tagis ang kanyang ngipin. Ouch. "Maraming mga magaganda at sexy na babae, ang lumalapit at nag hahabol saakin. Sa tingin mo pag tutuonan ko pa ng interes ang isang kagaya mo? Wag kanang mangarap!" Asik nito. Napakagat labi na lamang sya sa sinabi nito. Ewan ko ba, ito na ata ang pinaka mahabang oras na naka sama at naka usap ko sya ng matagal. "Hindi ibig sabihin na ginawa ko yon sa'yo kanina mahal na kita kaagad. Ginawa ko yon dahil sa kapakanan ng baby sa tyan mo, at hindi dahil sa'yo" anito na tila ba kinurot ang kanyang dibdib sa sinabi nito saakin. Oo nga pala, nag aalala sya para sa anak namin. Hindi para saakin. Pilit akong ngumiti na kahit sa loob ko nasasaktan na ako ng sobra. "Ahh ganun b--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tumigil ang sasakyan. Tumingin ako sa labas ng bintana at napansin ko na nasa harapan na pala kami ng condo ko. Bakit ang bilis maka rating sa condo ko? Nakaka lungkot lang na kailangan ko ng umalis at mag paalam sakanya. Naka busangot kong kinuha ang sling bag ko at sinabit yon saaking balikat. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at lumabas na ako, hindi ko na hinintay na ipag tulakan nya pa akong lumabas sa kanyang sasakyan. "Maraming salamat sa pag hatid saakin" aniya nya at sinilip nya si Alexander sa loob ng sasakyan. Tangka nya sanang isasara ang pintuan ng kotse ng mag salita muli ito. "Pack your things, susunduin kita bago mag alas dyes ng umaga" anito na mag kasalubong ang kanyang kilay sa sinabi nito. Ha? Susunduin? Para saan? "Ha? Ano?" Sinamaan nya ako ng tingin, na tila ba nag babanta. Wala syang katiting na idea kong ano ang sinasabi nito. "Payag na ako!" simpleng sagot nito na kumabog ng sobrang bilis ang kanyang puso. Payag na ano? "Payag na ako sa gusto mo. Sasamahan kita hanggang sa manganak ka. At ang kapalit wag mo na akong guguluhin pa pakatapos!" Matigas nitong asik. Ramdam ko tuluyan ng manhina ang kanyang tuhod sa labis na saya at galak na kanyang nararamdaman. Jusko totoo ba to? Hindi ba sya nag bibiro? Pumayag na sya sa gusto ko? "Talaga? Seryoso ka? P-Pumapayag kana sa gusto ko?" Maluha-luha nyang sambit ng sandaling iyon. "Susunduin kita bukas dito, don't be late, ayaw ko sa lahat ang pinag hihintay ako!" Ma owtoridad na asik nito at sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "Sige, Bye" sinarahan nya ang pinto ng sasakyan nito. Ilang segundo ang lumipas, binuhay nya na ang makina ng sasakyan at pinatakbo nya yon ng sobrang bilis. Sinundan nya na lamang ng tingin ang sasakyan ni Alexander na palayo hanggang mawala yon sa kanyang paningin. Marahan nyang hinaplos ang walang umbok nyang saad at maluha-luha syang napa sambit. "Narinig mo yon baby? Pinag bigyan na tayo ng Daddy mo sa gusto ko. Maraming salamat Alex." aniya nya at kasunod ang pag tulo ng luha sa kanyang mga mata. •••• [What are you serious?] Gulat na sambit ng kanyang kaibigan sa kabilang linya. [I mean, papano? Paano mo sya napapayag sa gusto mo?] Hanggang ngayon hindi padin ito maka paniwala ng ikwento nya sa kaibigan na pumayag na si Alexander sa kanyang kahilingan. Simula nung umalis ang binata, hindi na sya naka tulog ng maayos sa labis na saya at excitement. Marami na syang na pi-picture na mga nakaka kilig na marami at maaari nilang gawin ng binata na mag kasama. Matagal nya ng pangarap na maka sama ito sa iisang bubong. Gagawin nya ang best nya, para mahalin din sya nito. "Oo Lara, kahit na nga ako hindi makapaniwala" naka ngiti nyang saad. "Pakiramdam ko nanaginip padin ako sa labis na pag kabigla. Biruin mo yon? Mag sasama kami Lara, matutunan nya nadin akong mahalin kapag nag kataon" Naka ngiti nyang sambit habang hawak-hawak nya ang dress na susuotin nya para mamaya. [Are you okay with this? I mean, paano kong mabigo ka sa bandang huli?] Labis na pag aalala sa kanyang tinig. [Kilala mo naman kong gaano katigas ng puso nyan ni Alexander, mahihirapan ka lang na paibigin mo sya] anito na sanhi sya'y matigilan. Iniisip nya na din ang bagay na yon na hindi magiging madali para sakanya na paibigin at maka sama ito sa isang bubong dahil palagi mainitin ang ulo nito. Ayaw na ayaw din nito sakanya na parati sya nitong tinaboy sa t'wing pumupunta sya sa condo nito. "Kong sakali man mabigo ako sakanya. Mag sisimula ako sa simula, gagawin ko ang lahat para paibigin lamang sya Lara" aniya nya at umaasa syang mamahalin din sya ng binata sa panandalian lamang ng buhay nya. "Gagawin ko ang lahat para tanggapin at mahalin nya ako at ang baby namin" determinado nyang saad. Tanggap nya naman na hindi sila magiging para sa isa't-isa. Ginagawa ko lamang ito dahil gusto kong maramdaman kong paano mahalin ng taong mahal ko. Pinag sisiksikan ko ang sarili ko para sakanya, na alam kong hindi naman nya ako mamahalin pabalik. [Ako ang kinakabahan sa ginagawa mo friend] anito. [Alam nya na ba? Alam nya na ba ang tungkol sa sakit mo? Mabuti pang sabihin mo na sakanya ang totoo] anito. "Hindi nya alam ang tungkol sa sakit ko, at wala akong balak na sabihin sakanya ang totoong kalagayan ko Lara" nag simula na naman syang maging emotional. "Para saan pa kong sabihin ko sakanya ang sakit ko? Para ano? Para kaawaan nya ako? P-Para tanggapin nya ako?" Tumingala sya para pigilan na tumulo ang luha sa kanyang mga mata. "Ayaw ko ng ganun Lara. Hindi ko naman kailangan na sabihin sakanya ang totoo, dahil tama ka naman eh, hindi nya ako mahal. Siguro nga magiging masaya pa sya kapag nawala na ako sa buhay nya. W-Wala ng mag kukulit at mag bwi-bwisit sa buhay nya araw-araw" mapait syang napa ngiti at pumatak ang luha sa kanyang mga mata. [Regina] mahinang bangit nito sa pangalan nya. "I'm okay! Wag kang mag alala okay lang ako" Peke syang ngumiti at pinunasan nya ang luha sa kanyang mga mata. [Paano nyan? Alam na ba ng parents mo na lalayo ka?] "Tumawag na ako kay Mommy at Daddy na mag le-leave muna ako sa trabaho, hanggang sa manganak ako. Ayaw ko silang mag alala sa pag alis ko, at sinabi ko sakanila na babalik din kaagad ako" anito at napa tingin sya sa kanyang relo at pasado alas nwebe na ng umaga. Maya-maya nandito na ang binata para sunduin sya nito. "Okay, I'm hanging up, I'm gonna call you back Lara" [Keep me updated okay? Mag iingat ka Regina] anito at tumango na lamang sya. "Oo Lara, bye" pinatay nya na ang tawag. Nilapag nya na ang kanyang cellphone sa drawer. Nilagay nya na din ang gamit nya sa loob ng maleta na pastel pink ang kulay. Isang maleta at isang bag na maliit lamang ang kanyang dinala, at nandoon na ang mga mahahalaga at importante nyang mga gamit. Nag lakad na sya papunta sa banyo para maligo. Ng matapos na syang mag asikaso isang simpleng white dress ang kanyang sinuot at tinali nya ng white ribbon ang kanyang buhok. Nag lagay din sya ng light make up at lipstick na hindi sya mag mukhang haggard at maputla. Alas dyes ng umaga saktong nasa tapat na si Alexander ng condo nya. Lumabas na sya sa kanyang condo para salubingin ito. "Sorry late na ba ako?" Napakagat labi na lamang sya ng makita nya ang binata na bahagyang naka sandal sa kanyang sasakyan na tila ba kanina pa nag hihintay. Naka kunot ang kanyang noo na tila ba inutangan dahil sama ng titig nya saakin. Jusko ayan na naman sya sa makapatay titig nya. He was wearing a black denim pants pair with blue tshirt, na bagay na bagay sakanya. Hindi talaga maikakaila ang mala adones nyang taglay. "Ts" yan ang sagot nya. Nag lakad sya papunta sa kinaroroonan ko na labis ko naman kinataranta. Nagulat na lamang ako sa sunod nyang ginawa dahil kinuha nya ang dala kong maleta at nilagay nya yon sa likod ng kanyang sasakyan at sinarhan nya pakatapos. Binuksan nya ang pinto ng driver seat at ganun na lamang ang kabog ng aking dibdib ng bumaling ang titig nya saakin na nanatili padin naka tayo. "Tatayo kana lang ba dyan?!" Kulang na lang mapa lundag ako sa labis na gulat. Bakit ba lagi na lang sya sumisigaw? Wala man lang ba syang taglay na ka-sweetan sa katawan? Huhu. "O-Oo" kabado kong sambit at nag mamadali na akong mag lakad papunta sa kinaroroonan nya. Dali-dali kong binuksan ang pinto ng tabi nh driver seat at pumasok na ako doon. Tila ba hindi ako mapakali sa aking kinauupuan ng umupo na din si Alexander sa tabi ko at malakas nyang sinarhan ang pinto ng sasakyan. Tila ba hihimatayin na ako sa lakas ng tambol ng aking puso. Jusko kumalma ka lang puso. "Don't bite your lips!" Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang kanyang boses. Tila ba para na akong kamatis sa sobrang pula na ng aking pisngi dahil naka titig sya ng sobrang lagkit saakin. Bakit ba kasi natutukso ako sa lalaking to? Bahagya nyang nilapit ang sarili nya saakin. Sobrang lapit na ang kanyang mukha nilalapit nya saakin. "B-Bakit?" Napaka kurap kong sambit at dahan-dahan nyang nilapit ang kanyang sarili saakin. Kahit naka bukas ang aircon sa sasakyan, ramdam ko ang kakaibang init na binibigay nya saakin. "A-Anong gagawin mo?" Nataranta kong sambit na patuloy nya lamang nilalapit ang mukha nya saakin. Mapungaw at napaka lagkit ng pag gawarang pag titig nya saakin, na kulang na lang hihimatayin na ako sa labis na kaba at lakas ng pintig ng aking puso. Kong sakali lang naka tayo ako, baka kanina pa ako natumba dahil nangangatog na ang aking mga tuhod. Ramdam ko ang mainit nyang hiningga na tumama sa aking balat na lalo pa ako kabahan. Sobrang bilis ng kanyang puso na hihimatayin sya. Wait, hahalikan nya ba ako? Unti-unti nya pang nilapit ang mukha nya saakin at pinikit ko ang aking mga mata, at hinintay na dumapo ang kanyang mainit na labi saakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD