Chapter 3

4965 Words
Chapter 3 "Get out, now!" Sigaw nya saakin na tumulo pa lalo ang luha sa aking mga mata. "I-I'm pregnant" mahina pero sapat na para marinig nya ang sinabi ko. "I'm p-pregnant Alex" pang uulit nya. Tila ba napaka bigat ng kanyang puso at lalamunan nya ng sabihin nya ang katagang yon. Awtomatiko naman syang napa tigil sa sinabi ko. Naka ramdam ako ng matinding takot at kilabot sa aking katawan ng biglang nag bago ang kanyang expression at pamamaraan ng pag titig saakin. Nakakatakot ang pamamaraan ng pag titig nya saakin, na ako'y kabahan pa lalo sa takot. "What?! Are you f*****g serious?" Napa buga nyang saad. Inis nyang sinabunutan ang kanyang buhok sa inis at frusrate na kanyang nararamdaman at humarap muli sya saakin. "Pumunta kaba dito sa pamamahay ko para, sabihin ang bagay na yan?!" He hissed. "Diba gusto mo naman mabuntis, well ayan na! Buntis kana. I did my part on you Regina, I'm out" he's eyes was full anger and hatred. "Bahala kana sa buhay mo. Hindi na kita kargo pati ang bata sa sinapupunan mo!" Asik nya saakin, na sanhi manlambot ang aking tuhod sa sinabi nya. Lahat ng katagang lumabas sa kanyang bibig, lahat yon tumagos sa puso ko. Tangina ang sakit! Sobrang sakit! Bakit ganyan sya? Bakit hindi nya ako magawang tanggapin? Tangka sana syang aalis para talikuran ako, pero mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay para pigilan sya sa gusto nyang mangyari. No. Ayaw ko. Ayaw kong mawala sya saakin. Ayaw kong ganito ang trato nya saakin. "P-Please Alex, just hear me out.. Gust----" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng buong lakas nyang inalis ang aking kamay na naka hawak sakanya, na masaktan pa lalo ako sa malamig nyang pag trato saakin. Kitang-kita ko ang galit at pandidiri sa kanyang mukha habang naka titig saakin. Tinusok ng ilang ulit ng kutsilyo ang puso ko sa sakit ng pamamaraang pag trato nya saakin. Gusto kong humagolhol ng pag iyak sa kanyang harapan. All I can see was anger and hatred was filled on his eyes while looking at me. "Putangina! Hindi kaba titigil Regina?!" Umalingawngaw ang malakas at nakaka hidnik nyang sigaw at patuloy lamang lumalandas ang luha sa aking mga mata. "Tigilan mo na ito! At wag mo din aasahan na pananagutan kita at ang batang iyan! Ikaw lang ang may gusto ng lahat ng to, pinag bigyan lang kita!" Madiin nyang asik saakin. Tila na hindi na sya maka hingga sa sakit at kirot na kanyang nararamdaman. Nag lakad na sya para talikuran ako, sa bawat pag hakbang ng kanyang mga paa, nag bibigay pa yon ng kurot at sakit sa aking dibdib. Gusto ko syang sundan at habulin pero tila ba nakampako ang aking mga paa sa sahig na hindi ako maka galaw at maka kilos Malakas nyang sinarhan nya ang pinto ng naturang condo nya. At kasunod ng pag sara ng pinto, ang pagkawasak ng puso nya ng paulit-ulit. Bakit ginaganito mo ako Alex? Mahirap ba akong mahalin at tanggapin? I cupped my face and cry out loud. ALEXANDER POV The loud song filled inside the bar. Napaka lakas inggay ng taong umiinom, nag papakasaya at sinasabayan ang tugtog na nag mumula sa DJ. Everyone was being wild, as the night deepens. Nilagok nya ang alak sa baso na hawak nya, napa pikit na lamang sya ng malasahan nya ang tapang at pait na nanunuot sa kanyang lalamunan. Pabagsak nyang nilapag ang baso sa lamesa at sinalinan nya muli ng alak ang kanyang baso. Mabilis nyang tinungga ang alak sa baso at pabagsak nyang binaba iyon na naka gawa yon ng malakas na tunog. Gusto nya mag pakalasing ngayon gabi. Gusto nyang kalimutan lahat-lahat ng kamalasan na nangyari sakanya ngayon! "I-I'm pregnant" she said that make my world stop. Napa titig sya sa mala anghel at puno ng lungkot at sakit ng babae sa kanyang harapan. "I'm p-pregnant Alex" pang uulit nya at kasabay ng pag patak ng luha sa kanyang mga mata. Fuck! Inis nyang sinabunutan ang kanyang buhok sa galit at frusrate na kanyang nararamdaman. Bakit nya ba iniisip ang babaeng iyon!? Ginusto nya ang lahat ng ito! Dapat wala syang maramdaman na awa at konsensya dito! Yeah, that's right! Dapat kalimutan nya na ito! He's Alexander Montenegro! At hindi sya mag papatali sa isang babae kagaya nya lamang! Gagawin nya ang lahat para mawala sya sa buhay ko! "f**k!" He curse •••••• It's Sunday, nag halfday lang sya ngayon sa kanyang trabaho dahil niyaya sya ng kanyang matalik na kaibigan na si Lara Vinafuerte na pumunta sa Mall. Since highschool matalik na silang magkaibigan na dalawa ni Lara, hanggang sa tumuntong na sila ng College, hindi na naputol ang magandang samahan nilang dalawa. "So anong magiging plano mo nyan Regina? Sinabi mo na ba to sa mga magulang mo?" Bigla syang napa tigil sa pag lalakad. "H-Hindi pa nila alam tungkol dito Lara" mahina nyang sambit. "At bakit? Dapat malaman na ng mga magulang mo ang nangyayari sayo. Dapat nilang malaman yang karamdaman mo at totoo na mag kakaanak na kayo ni Alex" Iniisip nya pa lamang ang bagay na iyon, pinapangunahan na sya ng takot at kaba sa kanyang dibdib. Hindi nya alam kong makakaya nyang sabihin at aminin sa kanyang mga magulang ang nararamdaman nyang sakit. Ayaw nyang mag alala ang kanyang mga magulan. Ayaw nya din bigyan ng sakit at pag aalala ang kanyang mga mga magulang kaya kahit mahirap sa parte nya, inilihim nya na muna ang tungkol sa sakit nya at pag bubuntis nya. Tiyak nyang aatakehin sa puso ang kanyang Mama at magagalit ng tuluyan sakanya ang kanyang Kuya Reynard kapag nalaman nitong buntis sya. Matagal nadin nag titimpi ng galit ang kanyang Kuya Reynard sa t'wing nalalaman nitong patuloy padin sya pumupunta sya sa condo ni Alexander para bisitahin at bigyan nya ito ng mga pagkain, at kong ano-ano. Saksi sya kong gaano ka terror at magalit ang kanyang Kuya Reynard sa tuwimg binabanggit nya ang pangalan ni Alexander, mabilis na kumukulo ang dugo nito sa galit. Balang araw sasabihin nya din sa kanyang mga magulang ang totoo, pero hindi muna ngayon. Kailangan nya pang ipunin ang lakas ng loob sa kanyang dibdib kapag nangyari ang araw na yon. "A-Ayaw ko Lara" mahina nyang sambit. "Ayaw kong mag alala ang mga magulang ko. Kilala mo naman si Mommy diba? Iiyak yon at ayaw kong syang masaktan kapag malaman nyang may taning na ang buhay ko" mangiyak-ngiyak nyang sambit. Nakakalungkot lang isipin na hindi na sya mag tatagal pa sa mundong ito. Bakit ba kasi napaka panakit ng tadhana? Nakakalungkot man isipin na hindi ko man lang masisilayan at maalagaan ang mga magulang ko kapag matanda na sila. Hindi ko man lang masisilayan na lumaki ang magiging anak ko. Hindi ko man lang masisilayan ang unang pag apak nya at pag salita nya. Ang unang pag pasok nya sa skwelahan at mga bagay na importante sa bawat pag laki nya. Nakakalungkot pero yon ang realiyad. Ang sakit diba? Siguro hanggang doon na lang ang buhay ko. Na maagang mawawala sa mundong ito. "A-Ako nga hindi ko matanggap-tanggap na maaga akong mawawala sa mundong ito, sila pa kaya?" Nag simula ng uminit ang sulok ng kanyang mga mata. "S-Sasabihin ko din sakanila ang totoo, pero hindi muna ngayon Lara" lumapit sakanya ang kanyang kaibigan at marahang hinawakan ang kanyang balikat. "Naiintindihan kita Regina. Nandito lang ako parati sa tabi mo, kong kailangan mo ng makaka usap o karamay tawagan mo lang ako, at darating ako" Pilit syang ngumiti dito. "Maraming salamat Lara" marahang pinisil nito ang kanyang kamay, na kahit papaano napakalma ang kanyang nararamdaman. Ng mapagod na sila sa pamamasyal, naisipan nilang kumain sa isang Japanese Restaurant, she forgot the name of that restaurant dahil sa totoo hind naman talaga sya gaano familiar sa ganong restaurant at mga pagkain. Dahil nadin sa pagiging mapag mahal ng kanyang kaibigan sa mga manga at mga Japanese movies and anime, ay naging feeling Japanese nadin ito. Na attract sya sa culture, foods at kahit narin sa porma at pag sasalita ng kanyang kaibigan. Nag order na sila ng kanilang makakain at masasabi nyang napaka ganda at napaka instragramable ang dating na mabubusog ang iyong mga mata sa masasarap na pagkain, napakagandang ambiance at ganda ng restaurant. "You know what? Hindi ko na nagustuhan ang amoy ng malunggay shake, na kahit paborito ko naman iyon. Napapansin ko din na paiba-iba din mode ko, napapadalas ang pagiging emotional at pag iyak ko lately" bahagya itong tumango sa sinabi nya. "Iwas-iwasan mo din ang pagiging iyakin mo." Lintarya ni Lara at kinuha nito ang sushi at sinubo yon. "Sige ka, baka maging palaiyakin din pag labas ang magiging anak nyo ni Alexander" turan nito habang naka ngisi saakin. "Saan mo naman nakuha ang impormasyon na yan Lara?" Natatawa nyang sambit at inismidan lamang sya ng kanyang kaibigan. She can't belive it. Meron bang ganun? "Sa Mommy ko" maikling sambit nya. "Sinasabi nya kasi saakin na bumabase daw ang ugali at ang katangian ng Baby depende sa pag dadalantao ng Mommy nung binubuntis pa daw ito" anito at napa tango na lamang sya. "Tignan mo ang Kuya Enzo ko, sabi daw ni Mommy nung pinag bubuntis nya si Kuya, madalas syang magalit, na-stress kay Daddy na humahantong sa nag aaway silang dalawa. Ayon pag labas ni Kuya Enzo, yignan mo sya na parating galit, at iritable na akala mo naman parati sya lagi uutangan dahil naka simangot" sabay silang napa tawa ng kanyang kaibigan Naalala nya pa lang ang mukha ng kapatid ni Lara na si Kuya Enso, hindi nya mapigilan ang kanyang sarili na mapa tawa. Well, totoo naman talaga ang sinabi ni Lara, na lagi naka simanggot ang Kuya nito at naka kunot ang kanyang noo na tila ba galit sa mundo. Ganun naman talaga si Kuya Enzo na hindi na siguro mababago ang mukha nya na laging naka busangot. "Baliw ka talaga kahit kaylan Lara" pabiro nyang saad sa kaibigan. "Matagal na. Hihi" komento nito at sumeryoso itong tumitig saakin. "Bakit ka nga pala nagiging emotional lately, na humahantong sa umiiyak kana lang? Hindi naman siguro tungkol sa family at trabaho yan ano?" Pag iiba nito ng usapan nilang dalawa. Umayos ng pag kakaupo ang kanyang kaibigan at tinignan sya nito ng buong seryoso na tila ba kinikilatis ang bawat galaw at kilos nya. "Hulaan ko, binibigyan kana naman ng stress nyan ni Alex ano?" Hula nito na sanhi sya'y matigilan. Hindi na sya nag salita pa, dahil tama naman ang kanyang kaibigan. "Sinasabi ko na nga ba at ang walangyang lalaking yon ang may kagagawan na naman nito!" mabilis naman napalitan ng iritable ang mukha ng kanyang kaibigan ng mabanggit nito ang pangalan ni Alexander. Matagal ng totol ang kanyang kaibigan sa kabaliwan at pag mamahal nya kay Alex. Naging saksi din sya sa bawat kalungkutan, kasiyahan at pag iyak ko ng dahil sakanya. "Regina! Bakit ba kasi habol na habol kapa din dyan kay Alexander?" Nag simula na naman syang mairita at mamula ang kanyang pisngi sa galit. Parati syang ganyan. Kapag si Alexander ang pinag uusapan nilang dalawa, parating napapalitan ang mood nito. "Aaminin ko, na gwapo sya, maganda ang pangangatawan at maraming babae ang nag kakandarapa sakanya. But girl, you need to wake up! He doesn't love you" she hissed. "Hindi nya din tanggap ang pag bubuntis mo. Sino ba ang maayos na lalaki na sarili nyang dugo't-laman tatalikuran nya?! Aba napaka kago nya!" She rolled her eyes on me. Tahimik lamang syang nakikinig sa bawat pag sesermon sakanya ni Lara, hindi naman sya naiirita o nagagalit sa t'wing pinag sasabihan sya nito. "He doesn't see your worth! Sinasabi ko naman sayo na humanap kana lang na lalaking mamahalin, yong makakaya kang tanggapin at suklian ang pag mamahal na binibigay mo, hindi yong mag kakagusto ka sa lalaking Playboy na kagaya nya!" Tila ba parang kamatis na ang mukha nya sa pangigil na nararamdaman nya. Kong nandito lang sana si Alexander, tiyak na kanina pa nasapak at nabugbog ng kanyang kaibigan dahil sa sobrang inis. "Lara" "I'm sorry to say this Regina. You need to stop this foolishness of yours. Hindi na uso ang pagiging martyr sa panahon ngayon" umayos sya sa pag kakaupo sa upuan at kinuha nya ang pagkain gamit ang chopsticks. "Babae tayo, hindi natin kailangan na mag habol at mag limos ng pag mamahal para mahalin lang tayo!" mahinang sermon nito saakin at kinagat nya ang kanyang ibabang labi. "Kong ayaw saatin, di wag! Di din sila kawalan. Marami naman nag mamahal sayo, hindi mo na kailangan na patunayan sakanya ang pag mamahal mo!" Gusto nya lang matupad ang mga kahilingan nya bago man sya mawala sa mundong ito, at yon ang makasama ang binata. Gusto nya maramdaman na mahalin din sya nito kahit kunwa-kunwarian lamang. Alam ko sa katapusan ng kwento ko, hindi sya magiging akin sa bandang huli. Tanggap ko na makakatagpo pa sya ng babaeng mas hihigit pa saakin na mamahalin sya ng buo. Tanggap ko na hindi sya magiging akin. Hindi ko naman sya ipag dadamot kapag naka hanap na sya ng babaeng mamahalin nya, kapag ako nawala na sa mundong to. Ang gusto ko, maka sama at maranasan kong maging masaya hanggang sa huling mga araw ko sa mundong to. Selfish ba ako? Masamang tao na ba ako, kapag hiniling ko ang mga bagay na yon sakanya? "Akala ko ba Lara, naintindihan mo, kong bakit ginagawa ko to?" Malambing nyang tinig. Tumigil bahagya ang kanyang kaibigan at nilapag nito ang hawak nitong chopsticks. "Kahit anong sabihin at gawin mo, hindi mag babago ang desisyon at nararamdaman ko kay Alexander" deteminado nyang saad na sanhi mapa tampal ito sa kanyang noo, sa labis na pag kadismaya ng kanyang sagot. "Oh my gosh! Bakit ba kasi ako nag karoon ng kaibigan na tanga?" Pabiro nitong saad at napa iling na lamang sya sa naging reaksyon nito. "Bahala kana kong ano ma ang gusto mong gawin. Susuportahan na lang kita kahit masama sa loob ko!" She crossed her arms that make me smile. "Thanks Lara" "Ano pa nga ba ang magagawa ko? Na kahit anong sermon ko sa'yo di kana man nakikinig. Ano pa ang silbi non?" Nag pakawala na lamang ito ng malalim na buntong-hininga. "Saan mo gusto pumunta pag katapos nating kumain dit----" hindi na nito natapos ang kanyang sasabihin ng mapansin nito ang kanyang pananahimik. "What's wrong Regina?" anito at sinundan nya kong saan ako naka tingin. Napa lunok sya at tila ba kinurot ang kanyang dibdib ng makita nya ang pamilyar na mukha ng tao sa labas. Doon nakita nya si Alexander na naka tayo, pansin nyang naka porma itong suot na damit na tila ba espesyal ang kanyang pupuntahan. He was wearing his dark polo and pair with black pants, he looks so handsome with those outfit. Napadako naman ang kanyang tingin sa bandang kanan ni Alexander at doon nya napansin na may kasama itong magandang babae na maganda ang panganatawan at tila ba isa syang artista. Kinuyom nya ang kanyang kamao at naka ramdam sya ng matinding selos at sakit sa kanyang dibdib ng makita nya na bahagyang hinawakan ni Alexander ang baywang ng babae at nilapit nya pa ito sa kanyang katawan. Dikit na dikit na ngayon ang kanilang katawan, kita mo sa kanilang mga mata at ngiti kong gaano sila kasaya na mag kasama ngayon. Ewan nya ba kong bakit ganun na lamang ang sakit sa kanyang dibdib na tila ba may naka patong na mabigat na bagay sa kanyang dibdib na hindi sya maka hingga. Sino sya Alexander? Bakit may kasama kang babae? Bagong girlfriend mo na naman ba? Pano ako? Paano na kami ng anak mo? Hindi mo ba kami mahal? Maraming mga katanungan sa isip nya ngayon na gusto nyang umiyak sa kirot na naramdaman nya. "Oh my! Sinabi ko na nga ba, na hindi gagawa ng maganda ang lalaking yan!" Asik ng kanyang kaibigan habang naka titig sa dalawang bulto sa loob. Nag lakad na silang dalawa papasok sa restaurant na kaharap lamang kong saan sila ngayon kumakain ni Lara. Unti-unti ng uminit ang sulok ng kanyang mga mata, at nag titimping sundan ang dalawang bulto na kanyang nakita. "Ang kapal ng pag mumukha nya, biruin mong may ibang babae na naman syang kasama? Hindi man lang nya inisip na may kakaanak na kayo, at iba-ibang babae na naman ang kasama nya! Aba!" Rinig nyang asik ng kanyang kaibigan. Hindi sya makakapayag na maging masaya kayo! Akin lang si Alexander! Mabilis syang tumayo sa kanyang kinauupuan, na sanhi maagaw nya ang atensyon ng kanyang kaibigan na tila ba nabigla ito, sa pag tayo nya. "Oh bakit?" Bakas ng pag tataka sa mukha ni Lara habang naka titig saakin. Nag pakawala sya ng isang malalim na buntong-hiningga at kasunod non mabilis syang nag lakad palabas ng naturang restaurant. "Saan ka pupunta? Regina! Regina!" Tawag nito sakanya at hindi nya na ito tinapunan pa ng tingin. Mabilis syang nag lakad papasok sa naturang coffee shop. Napa tigil sya bigla ng doon nya napansin na maraming tao ang nandoon. Ginala nya ang kanyang tingin sa kaliwa't-kanan nya para hanapin ang dalawang bulto na nakita nya kanina. Asan na ba sila? Pag lingon nya sa kanan doon sya nabuhayan ng loob ng makita nya ang pamilyar na babae na naka upo sa gilid na good for two seater. Isang nakaka lokong ngiti ang sumilay sa kanyang labi ng makita nya, ang babaeng kasama ni Alexander na mag isang naka upo sa upuan. Pansin nyang wala si Alexander sa tabi nito, ito na ang tamang panahon ara lapitan at komprontahin ito! Inayos nya ang suot nyang damit at umayos sya ng pag kakatayo. She walk fiercely and confidently. Tumigil sya sa tabi ng lamesa na sa gilid lamang nito. Unti-unting umangat ng tingin ang blondeng babae naka upo ng mapansin ang presensya nya. Kilala nya ang babaeng ka date at kasama ngayon ni Alexander. Sya si Claudia Hernandez, anak ng mag tatakbong Mayor sa kanilang lugar. "Excuse me Miss? Who are you?" Malandi at nay accent na sambit ng blondeng babae. Isang ngisi ang kumawala sa kanyang labi at buong tapang nyang hinarap ito. Galing ha? May pa english! English kapang nalalaman! "Ako ba?" Turo nya sa kanyang sarili para inisin pa ito lalo. "Sorry Miss ako nga pala ang kinakausap mo. My bad!" she flipped her hair and stood straight. "Dapat ikaw ang tatanungin ko nyan Miss. Sino kaba?" bawat katagang binigkas nya lahat yon puno ng galit at inis. "Hindi ko kailangan pang mag paliwanag pa sayo kong sino ako" she glared at me. Aba palaban! "Kilala mo ba, kong sino ang kasama mo ngayon?" bahagyang tumigil ang babae sa kanyang harapan. Nag pakawala sya ng matamis na ngiti sakin. "Oo kilala ko. He's Alexander, Boyfriend ko! Happy?" She said with sarcastic toned. Parang gusto kong matawa s***h masampal sa naging sagot nya. Wow! Boyfriend nya? Baka nobyo nya ito sa panaginip! Napaka kapal ng pag mumukha. "Nasagot ko naman ang katanungan mo, and please could you please get out of my sight darling? Nakaka istorbo ka kasi sa date naming dalawa" Pananaboy nya saakin at sumilay ang nakaka lokong ngisi sa kanyang labi. She must control her anger and temper on her, at baka mapatay nya ito sa mali sa oras. "Boyfriend mo? Nag papatawa kaba?" Pumalakpak at tumawa ako sa harapan nya na sahi maagaw namin ang atensyon ng mga taong kumakain sa loob. "What do you mean?" Bakas ng pag tataka sa kanyang tinig na hindi nya mahulaan ang ibig kong sabihin. "At bakit ba patuloy pa kitang kinakausap? Nevermind! Umalis kana Miss, dahil wala akong time na makipag usap sa isang kagaya mo!" She hissed and turned her back on me. Aba napaka bastos! "Hindi mo siguro alam na may relasyon na ang lalaking sinasabi mong boyfriend mo ngayon!" Madiin nyang asik. Labis na sindak at gulat ang gumuhit sa kanyang mukha na tila ba naka kita ito ng multo. "Alexander was my husband, at mag kakaanak na kami. I'm pregnant darling, at sana naman piliin mo ng maayos yong dini-date mo okay?" Parang gusto nyang matawa sa naging reaksyon nito, na hindi na maipinta ng sabihin nyang asawa nya si Alexander. Wala eh! Wala na syang maisip na paraan. Gusto nya lang lumayo ito kay Alexander, para wala ng sagabal! "Hindi mo alam na may asawa ng tao yang kinakarelasyon mo. At pwede ba Miss? Bago ka mg karelasyon alamin mo muna kong may sabit ang lalaking kinakalintari mo, hindi yong maka kita ka lang ng gwapo, kakati na yang pekpek mo!" Madiin at puno ng asik nyang sambit. "Anong sabi mo?!" Sigaw nito at sabay tayo sa kanyang kinauupuan, na sanhi maagaw nila ang atensyon ng mataong nandoon. Umayos sya ng tayo at lumingon sya sa kaliwa't-kanan nya nakita nya ang mga taong naka titig sakanila at yong iba naman nag bubulong-bulongan. Sige lang pag usapan nyo lang kami. Yan nga ang gusto ko, ang napansin at maagaw nila ang atensyon ng mga tao. "Ulitin mo nga ang sinabi mo?!" "What? Totoo naman diba? Ano gagawin mo? Sasampalin moko? Go on! Hit me!" Pag hahamon nya sa babaeng kaharap nya. "Sige saktan mo ako, at pagkatapos sasabihin ko sa lahat ng tao dito sa restaurant kong gaano mo inaahas ang asawa ko!" Tumigil sya sa harapan nito at doon namuo ang kakaibang tensyon sa panig nila. "O baka gusto mong ipaalam ko pa sa Papa mo at sa ibang tao ang pakikipag lantari ka sa asawa ko?!" She hissed that make her stop. Buong talim syang tinitigan nito na bahid ng pag babanta. "Ayaw mo naman sigurong masira ang imahe nya diba? Sayang naman tatakbo pa naman na Mayor ang Daddy mo" mahina nyang sambit na lalo pa itong masindak sa sinabi nya. "Pag malaman ng mga tao na ang anak ni Mr. Hernandez, pumatol sa lalaking may asawa na. Diba ang gandang balita iyon? Tiyak kong pag pye-pyestahan kayo ng tao at media" Asik nya at sinundan sya nito ng nakaka takot na titig. "Napaka hayop m---" tangka sana sya nitong sasampalin ng mabilis ng pumagitna sa kanilang dalawa si Alexander. "f**k Regina!" He hissed and grab my wrist. "Ano na naman ba tong katarantaduhan na ginagawa mo?!" Singhal nya saakin at napa daing ako sa sakit ng mas hinigpitan nya pa lalo ang pag kakahawak nya sa pulsuhan ko. Napaka dilim ng kanyang mukha at wala akong makitang emotion at expression dito, kundi malamig at sobrang nakaka kilabot. "What? Wala naman akong ginagawang masama sakanya" patay malisya nyang sambit na lalo pa tuloy tumalim ang titig nya saakin. "It is true Alexander? Is it true, na n-nabuntisan mo ang babeng yan?!" Sigaw at nauutal na sambit ng babae na sanhi matigilan silang pareho. Bumaling ng tingin si Alexander kay Claudia na naka tayo sa gilid nila. Kulang na lang maiyak na ito sa labis na galit, frustration at pag kadismaya. "Please Claudia, lets talk!" Pilit nitong pinapakalma ang babae sa harapan nya pero mukhang sarado na ang isip at puso nito. "Ano ba? Gusto kong malaman kong nabuntisan mo ang babaeng yan?!" Umalingawngaw ang malakas nyang tinig sa shop, na nabalot ng katahimkan sa panig nilang lahat. Inis nitong sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay, at kasunod ang pag patak ng luha sa kanyang mga mata. Doon ko nakita ang kirot at sakit sa kanyang mukha na hinding-hindi mapapalitan iyon. "Well, totoo nga" mapakla at mapait nitong saad. Mapait itong ngumiti ng nakita nya na naka hawak si Alexander sa pulsuhan ko. "We're done! Ayaw ko ng makita pa ang pag mumukha mo Alex!" Asik nito at inis nyang hinablot ang bag nya na naka patong sa table at mabilis syang nag lakad palabas ng restaurant. "Please Claudia, let me explain!" Tarantang sambit nito. Binitawan ni Alexander ang aking kamay at tangkang susundan ang babae na kasama nito. Napa ngiti na lamang sya ng umalis na ang babae. What a beautiful scene! Well done Regina! Napaalis mo ng ganun-ganun lang ang babaeng sagabal sa pag mamahalan nyong dalawa ni Alexander. "Claudia! Claudia!" Sigaw ni Alexander at huli na ang lahat dahil naka labas na ito sa naturang shop. Pansin nya ang pag bulong-bulungan ng mga tao na kumakain at nakiki chismis nadin sa kaganapan na nangyari. She crossed her arms and stood properly. Hindi nya aakalain na magiging maganda ang kinalabasan ng kanyang ginawa. Inis na napa sabunot si Alexander sa inis at frustrate na kanyang naramdaman ng hindi nya na naabutan pa si Claudia. He was standing in the middle of the store, anger and frustrate written on his face. Buong talim syang napa tingin sa gawi ko. Hindi ko alam kong ilang beses na ako napa lunok sa sarili kong laway dahil sa pamamaraang pag titig nya saakin na bahid ng galit at pag babanta. Dapat ba akong kabahan at matakot? Nag lakad sya palapit sa kinaroroonan ko na na, tila ba nag hahamon ng away. Ng maka lapit na sya saakin, buong galit at inis nyang hinawakan ang pulsuhan ko. "What?" She asked innocenty that make him mad even more. Wala syang narinig pang salita sa binata at puno ng lakas syang kinaladkad palabas sa naturang restaurant. "A-aray! Nasasaktan ako Alex!" Pag pupumiglas nya habang patuloy syang hinihila ng binata palabas ng restaurant pero tila ba bingi-bingihan lamang ito sa sinabi at pag mamakaawa nya dito. "Bitawan mo ako! Ano ba!" Sigaw nya at pilit nyang inaalis ang kanyang kamay sa aking pulsuhan pero hindi ko magawa dahil mas malakas sya kumpara saakin. Bwisit! Tila ba kamatis na ang kanyang mukha sa gakit at inis dahil hindi man lang binibitawan ang kanyang pulsuhan. "Ano ba Alexander. Ano bang problema mo?" Nag simula na syang mairita sa inasal nito na kanina pa sya hindi kinikibo ng binata. Kahit ganun ramdam nya ang pamumuong galit nito saakin. Inis syang binitawan nito sa parking lot, na kulang na lang tumalsik sya sa lakas ng impact. Mabilis nyang hinawakan ang kanyang pulsuhan at doon nya nakita ang pamumula non. Bwisit. "What tbe f**k did you do huh?!" Umalingawngaw ang nakaka takot nyang sigaw sa loob ng parking lot. Inis syang napa suklay sa kanyang buhok gamit ang kanyang kamay, nilinga nya din ang kanyang tingin sa paligid at wala syang makitang tao na nandoon kundi sila lamang dalawa ni Alexander. Napaka tahimik ng lugar at puro lamang sasakyan ang naka parada doon. Madilim din ng paligid at konti lang ang ilaw ang nandoon. "Wala naman akong ginagawang masama" malambing nyang saad at binigyan sya nito ng matalim na titig. Lihim na lang syang napa ngiti kong gaano kainis at ka frustrate si Alexander na sinira ko ang date nila ng girlfriend nya. Well, mabuti nga yon sakanila! Sisirain nya lahat ng mga babaeng tatangkang lumapit at mag pa cute sa lalaking mahal nya. "Sinabi ko lang naman na may anak tayong dalawa. That's it, and she's started to being histirical" plain nyang saad. "f**k you!" Sigaw na duro nya saakin. He pinned me on the wall that make my heart beat so fast. Napa lunok na lamang sya ng sunod-sunod ng maramdaman nya ang mainit na kamay ni Alex ma naka hawak sa pareho nyang balikat. Napaka lapit ng katawan nila sa isa't-isa at hindi nya alam kong ano ang gagawin nya. "Hindi mo ba alam kong ilang buwan kong sinuyo bago sya maging akin? And you just ruined it?!" He hissed and push me against the wall that make me groan. "The f**k Regina! Ano bang problema mo?!" He hissed. "Ikaw tong problema ko Alexander, mag kakaanak na tayo, pero nag hahanap kapa din ng babae!" Matapang nyang asik at sinalubong nya ang nag babaga nyang mga mata. "Nag papatawa kaba?!"he laugh mockingly. "Hindi tayo mag asawa at lalong hindi kita girlfriend!" Madiin nitong asik that broke my heart into pieces. "Kaya wala kang karapatan na pang himasukan ang buhay ko! You just nobody to me, kahit anong gawin mo. Hinding-hindi kita magugustuhan!" He hissed that make me blinked twice. Tila ba parang may naka barang sa kanyang lalamunan ng sandaling iyon "Tapos na ang parte ko sayo Regina. I do impregnant you, ano paba ang gusto mo ha?! Gusto mong mag patali ako sayo? f**k you!" Inis nyang asik. "Gagawin ko ang lahat para maging akin ka Alexander! Haharangin ko lahat ng babaeng mag kakagusto sayo!" Matapang nyang saad. Halos nag kukumpitensyahan na sila ng masamang titig sa bawat isa. "Gagawin ko ang lahat para maging akin ka!" Madiin nyang asik at sumilay lamang ang nakaka lokong ngisi sa labi ni Alexander. Nag sitayuan ang balahibo nya sa katawan ng lumapit pa lalo si Alexander sakanya. Parang hihimatayin na sya sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib na tila ba isa syang nakaka takot na nilalang sa aking harapan. Nilapit nya ang kanyang bibig sa aking taenga na parang bubulong. "I do f**k girls, pero hindi ako mag papatali sayo! At kong mangyari man iyon, I will make your life miserable like hell! Just mark my word Regina" halos hindi na sya maka galaw sa kanyang kinatatayuan, tila ba isang pag babanta ang kanyang sinabi na nag patayo ng balahibo sa kanyang katawan. Unti-unting lumayo sakanya si Alexander, pilit nyang nilunok ang laway sa kanyang lalamunan ng makita nya ang isang mala demonyong ngisi na sumilay sa labi nito at nag lakad na ito palayo para iwan sya. Pinag masdan nya si Alexander na nag lakad palayo, na tila ba walang pakialam sa mundo. Nanlambot na ang kanyang tuhod sa labis ng takot at pangamba sa kanyang dibdib. Napaka lakas na ng pintig ng kanyang puso. Jusko. Ano ba tong ginawa ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD