Chapter 6

3092 Words
Chapter 6 Unti-unti pang nilapit ang mukha niya sa akin. Pinikit ko ang aking mga mata, at hinintay na dumapo ang kaniyang mainit na labi sa akin. Bakit ang tagal naman? Bakit ang tagal dumapo ng mainit niyang labi sa akin? Sobrang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib na hindi ko mapaliwanag ang saya at kilig na kaniyang nararamdaman na hahalikan siya ng binata. Narinig ko ang mahinang tunog na nag pabalik sa aking katinuan. Sandali bakit ang tagal naman? "Anong ginagawa mo?" Matabang niyang tinig at unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Tila ba takasan ako ng bait sa labis na kahihiyan ng mag tama ang mga mata namin ni Alexander. Naka- titig siya ng buong pag- tataka kong bakit ako nakapikit. Napa lunok na lamang ako ng sunod-sunod dahil sobrang lapit ng katawan niya sa akin na maka- ramdam ako ng konting init at kaba sa paggawa niyang pag lapit. Amoy na amoy ko ang mabango niyang pabango na lalo pa tuloy ako malunod. Bakit ang bango nya? Bakit mas mabango at amoy baby, sya kumpara saakin? Sinundan ko ang kamay ni Alexander na ngayon kinabitan niya ako ng seatbealt. Shit bakit ko ba iniisip na hahalikan niya ako? Pakseht pakbet, ano bang nangyayari sa'yo Regina? Bakit ang bilis mo naman mag demand na hahalikan ka ni Alexander? Nakaka- hiya ka talaga. Unti-unti ng namula ang kaniyang pisngi sa labis na hiya sa binata. "Hehe." peke na lamang akong ngumiti para itago ang hiya sa aking dibdib. Parang gusto ko ng mag palamon sa lupa at langit dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Bakit ko ba inisip na hahalikan niya ako? Umayos ng pag- kakaupo si Alexander at hindi pa din mawala ang maka- hulugang pag titig niya sa akin. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib ng sandaling iyon, na para na akong bulateng nilagyan ng asin na hindi mapakali sa aking kinauupuan. "Bakit ka naka- pikit kanina? Akala mo ba hahalikan kita?" Kulang na lang mabilaukan ako sa kaniyang sinabi. Anak nang? Namula na ako parang kamatis sa labis na kahihiyan na ngayon naka titig si Alexander na puno ng lagkit at ang kaniyang ngiti nakaka-loko na tila ba nang-aasar. "H-Hindi ha?" Pinanlakihan ko siya ng mata. Hindi kaya no? "Bakit ko naman inisip iyon? Ang kapal naman ng mukha mo." pinaypayan ko ang aking mukha gamit ang kamay. Bakit ba kasi ang init sa loob ng kotse? Jusko. "P-Pumikit lang dahil napuwing lang a-ako. Tama napuwing lang ako." taas noo kong sambit para paniwalain ito sa aking mga kasinunggalingan. Jusko please maniwala ka naman sa akin. Ayaw kong isipin niyang sobrang atat ako na matikman ang kaniyang mga labi. Well, seriously nakaka- akit naman talaga ng kaniyang labi. Sarap mukbangin eh. Hehe. Napa- iling na lang ako at hindi pa din nawala ang nakaka- lokong ngiti sa labi ng binata. "Talaga lang ha?" Anito na animo'y hindi ito naniniwala sa sinabi ko. "O-Oo. Akala mo pag papantasyahan kita? H-Huwag kang mangarap dahil hindi kita t-type." garalgal kong sambit. "Who's talking? Akala mo paniwalaan kita?" Napa- iling nitong saad. "Lumang style na iyan Regina. Kahit hindi mo sabihin, alam kong pinag nanasaan mo ako matagal na!" Kulang na lang mabilaukan ako sa sinasabi nito. Aba. Aba. Apaka hangin ah? "Ang kapal naman talaga ng pag mumukha m---" hindi ko na tinuloy ang aking pag sasalita nang binuhay ng binata ang makina ng sasakyan at pinaandar niya na iyon. Bwisit. Nilibang ko na lamang ang aking sarili sa panunuod sa labas ng bintana. Doon ko napag- mamasdan ang mga bahay, puno, tao at mga sasakyan na nag daraan na dinadaan nila. Halos mapanis na ang aking laway dahil hanggang sa simula na umalis kami ni Alexander sa condo ko, hindi na kami nag usap pa. Nanatili lamang itong naka- tuon sa pag mamaneho na tila ba wala itong kasama, na hindi nito ramdam ang presinsya ko sa tabi niya. Kahit ganun masaya na ako na makaka-sama ko ng matagal si Alexander. Sa totoo lang talaga wala akong idea kong saan kami pupunta ngayon. Wala na akong panahon para tanungin si Alexander sa bagay na iyon at baka sungitan niya na naman ako. Makasama lang kita Alexander masaya na ako doon. Kahit saan tayo pumunta, ayos lang sa akin, basta't ikaw ang kasama ko. Doon na sumilay ang matamis na ngiti at saya sa kaniyang puso, na pinag- bigyan din ako ni Alexander sa aking kagustuhan na samahan ako. Matagal ko ng pangarap na maka- sama ang binata hanggang sa tumanda ako. Pero hindi ko na magagawa pa ang bagay na iyon dahil may taning na ang aking buhay. Maaga akong mawawala sa mundo na hindi ko na magigisnan si Alexander at ang kaniyang munting anak. Napaka sakit. Hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap sa aking sarili, na darating din ang araw na lilisanin ko ang mundo. Wala akong ibang hihilingin maka- sama ka lang Alexander. Ikaw lang wala ng iba. Unti-unting uminit ang sulok ng aking mga mata, at bago paman makita ni Alexander na umiiyak ako, binaling ko ang aking tingin sa labas ng bintana. Ayaw kong ipakita dito na nasasaktan ako. Ayaw kong ipakita, kong gaano ako kasaya na kasama ang binata. Sana, matutunan mo din ako mahalin Alexander. At sana bago paman ako mawala sa mundong ito, alagaan mo mabuti ang ating anak. At kasunod no'n ang pag patak ng luha sa kaniyang mga mata na kanina ko pa pinipigilan. ••••• Mga ilang oras na byahe, tumigil ang sasakyan sa isang maliit na karinderya malapit sa daan. "Nandito na ba tayo?" Taka kon saad at hindi ako sinagot ng binata. Hmm bakit napa- sungit ng lalaking ito? Nag mamadaling lumabas si Alexander sa sasakyan at pag-katapos pumasok ito sa maliit na karinderya sa tabi lamang ng kalsada. Nanatili lamang akong naka- upo sa upuan, at hihintay na bumalik si Alexander. Nilibang ko ang aking tingin sa mga nag daraang mga sasakyan sa labas at mga taong dumaraan. Maraming mga bahay sa paligid at pansin kong dumadami na ang nakikita kong bukid at mga puno. Sa una ko pa lamang pag mamasdan iyon malaayo na sila sa syudad. Saan na ba kami? Nabalik ako sa realidad ng buksan ni Alexander ang pintuan nang sasakyan sa gilid. Buong pag tataka akong inabutan ng styrophone, iyong lalagyan kapag nag birthday party? At isang bottled ng tubig. "Ano ito?" Taka kong tanong sa binata. "Just eat it, malayo-layo pa ang bya-byahehin natin." seryoso nitong saad na sanhi mapa- nganga ako. Seriously? Malayo pa talaga sila? Saan ba talaga kami pupunta? Tinignan ko ang kaniyang relo at pasado alas- una na pala ng hapon iyon. Doon ako napa- ngiwi ng makita ang oras, kaya naman pala kanina pa kumakalam ang aking sikmura at nalipasan na pala sila kumain ng tanghali. Binalingan ko ng tingin si Alexander na naka- tayo sa harapan ko. Nilabas nito ang sigarilyo sa kaniyang bulsa at sinimulang sindihan iyon. "Malayo pa ba tayo? Saan ba tayo pupunta Alex?" Taka kong tanong, wala talaga akong idea kong saan ako idadala ng binata. "You'll see. Huwag ng maraming tanong." pag susungit nito sa akin at napa nguso na lamang ako Bakit ba napaka- sungit niya sa akin? Tinignan at marahan kong binuksan ang styrophone, napa- ngiwi ako ng makita ang laman no'n. Isang kanin, chopseuy at adobo ang laman. Seriously? Kakain ako nito? Sa totoo lang talaga, hindi ako kumakain ng ganitong klaseng pag-kain. "Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?" Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang britonong boses ni Alexander. Tinapunan ko muli siya ng tingin, at tila ba nanuyuan ako ng laway sa aking lalamunan ng naka- titig ito ng sobrang lamig at lagkit sa akin. "Ha? Nagustuhan ko " peke akong ngumiti kahit sa loob-loob ko, hindi ko talaga nagustuhan iyon. Kinuha ko na ang plastic na kutsara at tinidor at sinimulan kong kumain dahil kanina pa talaga ako nagugutom. Tinabi ko na lang ang gulay at ibang rekado na hindi ko kinakain, at kinain ko lamang iyong konting karne. Relax Regina. Ngayon mo lang pag tya-tyagaang kumain ng ganitong klaseng pag-kain. Napa baling ako ng tingin kay Alexander, hindi ko mapigilan na mapa-ngiti na pinag mamasdan ang binata na naka- tayo. Pinag lalaruan nito ang usok ng sigarilyo sa kanyan6g bibig. Bakit ba napaka- guwapo mo Alexander? Para siyang Adonis sa ka-guwapuhan at kakisigan, na kahit sinong babae mag- kakagusto sa binata. Ano bang gayuma ang binigay mo sa akin, at patay na patay ako sa'yo ng ganito? "Napaka- guwapo baby, ng magiging Daddy mo." Sambit ko sa aking isipan at hinaplos ko ang tyan ko. "Hindi ka ba kakain?" Taka kong sambit kay Alexander. Kumunot lamang ang kaniyang noo ng tinignan ako. "Hindi na. Tapusin mo na ang kinakain mo, para maka- byahe na ulit tayo." Malamig pa sa yelo na tinig nito. Nagising ako ng maramdaman ang pag hinto ng sasakyan. Hindi ko namalayan na naka- tulog na pala ako sa sasakyan sa labis na antok at tagal ng byahe. Sinilip ko ang aking tingin sa bintana at, sumalubong sa akin ang napaka- dilim na paligid. Sandali? Asan na ba kami? "Nandito na tayo!" Malamig na tinig ni Alexander at doon ako napa- kurap ng lumabas na ito ng sasakyan. Nilunok ako ang laway at lumabas na din ako para sundan ang binata. Napa yakap ako sa aking katawan ng madama ko ang malamig na hangin na humahampas sa aking balat. Hinayaan ko din tangayin ng hangin ang aking buhok sa bawat pag ihip ng hangin. Ginala ko ang aking tingin sa buong paligid para alamin kong asan sila. Pansin ko din ang napaka- gandang landscape sa garden at sari-saring mga bulaklak na tanim. Marami din akong nakitang iba't-ibang uri ng puno at halaman sa paligid. Asan ba talaga kami? Kinagat ko ang ibabang labi, at pinag- masdan nya si Alexander, na binuksan ang pinto sa likod ng sasakyan, para ilabas ang ilang gamit pa nila doon. Napa- nganga at hindi ko mapigilan ang aking sarili na mamangha sa napaka- laki at mayrong dalawang palapag na bahay sa kaniyang harapan. Sa una mo pa lang ito mapag- mamasdan, halata na sa kahoy at materyales na matibay ang pag- kakagawa ng bahay. Ang itsura ng bahay sa kaniyang harapan, gaya at gawa sa mga bagay nung sina-unang panahon ni Rizal. Maka- luma pero masasabi ko, hindi naman ganun iyon haunted at napa- bayaan. Base kasi sa ayos ng bahay at desinyo, mukhang alagang-alaga iyon. Tila ba dinala ako sa vibes no'ng unang panahon. "Magandang gabi po Sir." naagaw ng aking atensyon ng mag lakad palapit saamin ang matandang mag- asawa na abot ngiti na ang sumilay sa kanilang labi. Pinag masdan ko ang lalaki na sa edad 58 na ito. Malaki ang kaniyang katawan at matangkad ito. Bakas na din ang puting buhok sa kaniyang buhok at mayron na begote. Naka- suot ito ng kupas na maong na brown at polong blue, bakas sa kanilang mukha ang puspusang pag tra-trabaho. Samantala naman, napa- dako ang aking tingin sa babaeng kasama niya. Hindi naman nag lalayo ang kanilang edad at itsura. Mahaba ng buhok ng Ginang, matangkad ito at medyo kapayatan din. Naka- suot din ito ng puting bestida na bagay na bagay sakaniya, na sa una mo pa lang itong titignan, mukhang mabait naman ito. "Ginabi na kayo ng dating " aniya ng Ginang at ngumiti ako ng kay tamis dito. "Alex, asan ba talaga tayo?" Hindi ko maiwasan na maitanong sa binata. "Nandito tayo sa Bicol." britonong sambit nito na mapa- nganga ako. Ano? Bicol? Bakit sila nandito? "Ipapakilala ko sainyo. Siya si Salve Regina. Siya ang kaibiga----" anunsiyo ni Alexander at pinutol ko kong ano man ang sasabihin nito. "Ako nga pala ang nobya ni Alexander." ngumiti ako ng ubod ng kay tamis sa mag- asawa. Yumakap ako sa braso ni Alexander at nginitian ko lamang ang binata. Sinamaan lamang ako ng tingin ni Alexander, na mukhang hindi nito nagustuhan ang aking sinabi. Wala akong pake, ang mahalaga, kasama ko ngayon ang binata. Hehe. "Regina, I would like you to meet. Mr. Ramon at Mrs. Salvacion Mercedes, sila ang caretaker, dito sa bahay ko sa probinsya." anunsyo nito na sanhi mamilog ang aking mga mata sa gulat. Wow. Hindi ko aakalain na mayron palang bahay dito si Alexander sa Bicol. "Be nice to them, siya ang makaka-sama natin dito paminsan-minsan sa bahay." mapa- labi ako sa sinabi nito. Buong akala ko, makikitira lamang sila sa bahay ng mag- asawa. Hindi ko lubusang akalain na nag patayo din pala si Alexander dito sa Bicol. Bakit hind ko alam na may bahay siya dito? "Ikinagagalak kitang makilala Hija." Sambit ng Ginang at ngumiti ako dito. "Napaka- ganda naman ng nobya mo Hijo" sambit ni Mr. Ramon at nag kibit-balikat na lamang si Alexander. "Ay siya, mag- papanhik na kayo sa loob para makapag- pahingga na ka'yo. Nag luto ako ng masarap na kusido at laing na tiyak na magugustuhan niyo." Masayang anunsiyo ng Ginang na labis ko naman ikinatuwa. Kanina pa kasi kumakalam ang aking sikmura sa labis na gutom sa byahe. Lumapit na si Mr. Ramon kay Alexander para tulungan itong mag bitbit pa ng iba pa nilang gamit papasok ng bahay. "Halika na dito Hija." aya ng Ginang at sumunod na ako papanhik sa loob ng bahay. Bago paman ako maka- pasok sa nasabing bahay ni Alexander hindi ko na mapigilan mamangha sa ganda at aliwalas doon ng bahay. Napaka- laki ng bahay at hindi ko lubusang aakalain na ganun iyon kaganda ng maka- pasok ako sa loob ng bahay. Nag paagaw ng kaniyang atensyon ang ilaw ng lampshade at nag kikislapang mga chandelier. Lahat ng gamit yata doon, yari sa kahoy, simula sofa set, lamesa, cabinet at kong ano-ano pa. Pansin ko din sa sala nag- kalap din ang antique na mga portrait at mga display. Gawa din sa kahoy ang pader at sahig. Kulang na lang manalamin na ako sa sahig dahil napaka kintab no'n, na kahit ata lamok at langaw, madudulas sa sahig dahil napaka polished ng pag kakagawa ng sahig at pag kakagawa. "Wow napaka- ganda naman dito" hindi ko mapigilan na mapa- bulalas sa labis na saya at pag kamangha. "Umupo ka muna Hija." sambit ng Ginang at ginaya ako nito maupo muna sa upuan na yari sa kahoy. Doon nabusog ang kaniyang mga mata, kapanuod kong gaano kaganda ang bahay ni Alexander. Napa tigil ako ng pumasok si Alexander, tumayo ako para salubongin ang binata. "Follow me." Matigas at malamig na sambit nito at nauna na itong mag lakad kong saan. Ngumiti ako ng kay tamis sa Ginang at sumunod na sya kay Alex. Wala akong idea, kong saan sila pupunta. Sa pag sunod ko sa binata, namalayan ko na lamang paakyat pala sila sa ikalawang palapag. Kong gaano kaganda at karangya ang unang palapag, masasabi kong mas doble ang ganda sa itaas. Yari din sa kahoy ang sahig ng hagyan at hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapa- hawak sa bawat pader na madaanan namin. Tila ba dinala ako sa ibang lugar sa sobrang ganda at aliwalas ng bahay ni Alexander. Nang maka- akyat na sila sa ikalawang palapag, dumaan sila sa malaki at malawak na hallway at pagkatapos binuksan ni Alexander ang pintuan sa bandang dulo. Napa wow ako sa ganda ng masaksihan ko ang napaka- laki at lawak na silid Mayron itong king size bed sa gitna. Mayron din itong malaking bintana at puting kurtina. Sumasabay ang kurtinang puti sa bawat pag ihip ng hangin. Sa bandang kaliwa naman nandon ang vanity mirror na pwede kang manalamin at sa kabila naman may wardobe. Maliit na cabinet at table. Sa gilid ng kama nandon ang lampshade. At sa kaliwa naman pansin ko ang pintuan, siguro iyon ang pinto papunta ng banyo. "Sa'yo ba itong bahay Alexander? Hindi ko alam na mayron ka pa lang bahay dito sa Bicol." Lumapit ako sa king size bed at namangha pa ako lqlo dahil kulay puti lahat ng bed cover, unan at kahit comforter. Parang gusto ko tuloy idapo ang kaniyang likod sa malambot na kama. Medyo napagod din ako sa napaka- habang byahe nila ng binata. "Hindi lahat ng bagay, alam mo tungkol sa akin Regina." Malamig nitong saad at bumaling ako ng tingin kay Alexander na naka- tayo sa isang tabi. Naka lagay ang kaniyang kaliwang kamay sa loob ng bulsa. Bakit ganun? Bakit napaka- cool at guwapo niya sa ganung prustora? Hehe. "Mag palit ka muna ng damit, at nag aayos pa si Manang ng hapunan natin." Seryoso nitong saad at tumango ako. "Kanino ba itong kwarto Alex?" Maang kong tanong at sinamaan lamang ako ng titig nito. "Sa atin." anito. Shit. Tila ba pinamulahan ako ng pisngi sa sinabi nito. Ibig bang sabihin, mag- katabi kami sa pag tulog? Iniisip ko pa lang ang bagay na iyon, hindi ko mapigilan na kiligin at maka ramdam ng saya sa kaniyang puso. "Talaga ba?" Kulang na lang mag ningning ang kaniyang mga mata sa saya at galak. "Ayaw mo ba?" He snorted. Inis itong bumaling ng tingin sa akin at pag-katapos nilabas nito ang sigarilyo sa kaniyang bulsa at walang ano-ano sinindihan niya iyon. Pinag masdan ko ang binata na mag sigarilyo sa aking harapan. "Tigilan mo na kaya ang pag- sisigarilyo mo!" Sinamaan lamang ako ng titig nito. Tinakpan ko ang aking ilong, at kulang na lang maduwal ako sa sama ng amoy ng sigarilyo. Bakit ba ang sama ng amoy no? Hindi niya ako pinansin at lalo pa akong nainis sa pakiki-tunggo nito sa akin. Inis akong nag martsa palapit kay Alexander, at walang ano-ano inagaw ko ang sigarilyo sa kamay nito. "Sinabi ko na sa'yo huwag kang mag- sigarilyo, ang sama kaya ng amoy! Ang baho baho kay---" hindi ko natapos ang aking sasabihin ng higitin ni Alexander ang aking kamay. Napa- singhap at sinandal niya ako ng malakas at tumama ang aking likod sa pader. Doon na kumabog ng sobrang lakas ang aking puso sa takot at kaba na ngayon nanlilisik na ang mga mata ni Alexander sa galit. Napa-lunok ako ng nilapit pa ni Alexander ang katawan niya sa akin na tuluyan akong mag panic. Jusko. "What the f**k is your problem Regina?!" Napa- pikit ako sa takot ng marinig ang malakas at nakakatakot nitong sigaw, na nag bigay kilabot sa aking kalamnan. Nag simula ng mangatog at mag hina ang aking mga tuhod sa labis na takot, ng makita ko ang nakakatakot at nanlilisik niyang mga mata. Jusko, ano ba itong ginawa ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD