Ilang sandali pa akong napatitig sa gawi ng pinto ng restaurant kung saan kasalukuyang naglalakad papasok sina Brett at Breeya. At kahit na nakasuot ng dark na shades at cap si Brett ay kilalang-kilala ko pa rin siya lalong-lalo na at kasama pa niya ang Breeya na ‘yon! Grabe talaga ang kapal ng mukha ng babaeng ‘yon! Hindi ko napigilan ang mapatawa ng nakakaloko lalo na at sa table na katabi lang mismo ng inuupuan namin sila umupo! Dahil sa paninitig ko sa kanila ay mukhang napansin iyon ni Breeya kaya nilingon niya ang table namin. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya nang makilala ako. Ilang sandali pa kaming nagkatitigan bago niya inilipat ang tingin sa gawi ni Athena. Nakita kong kumunot ang noo niya at agad na humilig palapit kay Brett at mukhang may ibinulong na kung ano. U