Wala na yatang mas awkward pa sa mga sandaling lumipas pagkatapos ipakita sa akin ni Athena ang picture ng pinsan niya. Kahit na hindi ako magtanong ng tungkol doon ay alam kong aware siya sa mga balita na kumakalat sa social media. Imposible kasing naitanong niya lang ang tungkol doon na walang dahilan. Of course, she knew something that’s why she asked! Dahil hindi ako makapag focus sa pag turnover ay binigyan ko na lang siya ng mga sample magazines na naproduced ng Fab Strings for the last six months. Siguro naman ay marami-rami ng oras ang mauubos niya sa pagtingin sa mga magazines na ‘yon kaya may sapat na oras na ako para kumalma at timbangin ang sitwasyon. Tutal ay hanggang ngayong linggo na lang naman ako dito kaya isang linggo ko lang siyang makakaharap at makakasama sa trabaho