Hindi ako tumigil hangga’t hindi ko nakakausap ng maayos si Justin Mijares. Hindi rin ako mapapakali sa flight ko papunta sa France kung hindi ko siya makakausap bago ako umalis ng Pilipinas. Dahil sobrang desperada na ako ay nag-iwan ako ng message kay Athena para itanong ang address ng pinsan niya. Bukas na bukas ay pupuntahan ko siya sa bahay mismo para makausap. I can’t stop here. I really need to talk to him and explain the situation. Umawang ang bibig ko nang mabasa ang reply ni Athena sa message ko. Hindi ko akalain na nasa iisang building lang kami! “Oh, my gosh! He also has a unit in the Young Bucks Society Building!” hindi makapaniwalang bulalas ko at mas namangha pa nang makitang VIP pa ang suit niya at nagkataon pang pareho kami ng number ng unit! It’s just that mine is on t