Labing Isa✟:

1165 Words
ANG SUSPEK AY NAKASUHAN NA. Napasinghap at napadilat ako. Habol ko ang hininga ko habang nakatagilid akong pahiga sa kama ko. Hindi ako makapaniwala sa panaginip kong iyon.... ....panaginip nga lang ba? Dahan dahan akong napabangon sa pagkakahiga habang habol ko pa rin ang hininga ko. P-posible ba? Si Nana Clarrise ba? Napasuklay na lang ako sa buhok ko gamit ang kaliwang kamay habang ang kanang kamay ko naman ay nakakaalalay sa buong katawan ko at nakapatong sa kama para hindi ako matumba. Ano ang pinapahiwatig ng panaginip na iyon? Muli kong naalala si Mang Tonio kaya agad akong gumapang sa gilid ng kama sa may kanan ko para magsuot ng tsinelas at tumayo. Dali dali akong naglakad sa kaliwang side ng kama, sa pinakasulok na dingdng dahil doon nakapwesto ang wardrobe ko na nakapwesto paharap sa kama. May dalawang pinto ang wardrobe ko. Ang kanan na pinto, ang laman non ay tatlong maliliit na drawer. Ang kaliwa naman ay sampayan ng mga malalaki kong damit at gown. Sa baba ng sampayan na yon nandoon ang bag na ginagamit ko pag papasok ako sa trabaho. Kinuha ko iyon at pumunta naman ako doon sa may sofa. Nasa south side ng kama ko. Sa south side kasi ng kama ko ay ang sala ko since open naman itong apartment na tinitirahan ko. Isa lang sofa ko pero mahaba naman iyon. Nakatigilid sa kama ko ang sofa kaya nakaharap iyon sa TV ko na pinaglumaan na ng panahon dahil iniwan na daw ng dating nangupahan dito pero nagagamit pa naman. Sa gilid ng sofa, sa may kanan ay may lamesa doon na maliit at bilog ang hugis na gawa sa narra. Doon sa lamesa ay nandoon ang telepono. Nilapag ko ang bag ko doon sa dulo ng sofa kung nasaan ang lamesa. Pumunta ako sa TV at binuksan iyon para makanood ng balita. Muli akong bumalik kung nasaan ang bag at hinalukay doon ang maliit na papel na iyon. Nang mahanap ko ay agad kong pinaikot ang roleta sa telepono para ma-type ang number. Makaluma ang telepono dito. Nang maattach ko na ang number ay kinarga ko na ang telepono. Tinapat ko sa tainga ko at naririnig ko na iyong nagring. Nagsimula na akong maglakad pabalik sa kama ko dahil hindi ako makaupo.....hindi ako mapakali. Rinig na rinig ko na rin ang nagsasalitang tao sa TV. Marahil ay balita na iyon. Maya maya lang ay..... "Hello? Who's this?" Agad akong sumagot. "Hello Jacob, si Belle ito." "Oh Miss Matriaga napatawag ka? Anong atin?" Agad na tanong niya ulit. "Jacob, gusto ko lang tanungin kung alam mo ba kung paano ko makakausap si Mang Tonio." Sabi ko sa kanya at muli na naman akong naglakad pabalik sa TV pero hindi nakaligtassa pandinig ko ang buntong hininga niya bago siya sumagot. "Belle, the case of Mang Tonio was high profile. Walang basta bastang makakausap sa kanya." Sabi niya sa mahinahong tono. Kinuha ko ang telepono sa pagkakaipit sa leeg at balikat ko at umayos ako ng tayo habang palakad lakad pa rin ako sa harap ng maingay na TV. "I-i just want to hear him out." Desperadong sagot ko sa kanya. Naglakad muli ako pakaliwa sa harap ng TV. Isang buntong hininga na naman ang narinig ko mula sa kabilang linya. Naglakad muli ako pakanan sa "What about you ba? Kamusta ka na dyan?" Tanong niya at muli na naman akong naglakad pabalik. "Ang suspek ay nakasuhan na...." "Wala pa akong nakukuha eh...." Totoong sagot ko. Hindi ko sinasabi kahit kanino ang napapanaginipan ko. Never kong ginawa iyon kahit kay Anna pa. ".....parang wala na kasing nangyari sa school.....parang......kinalimutan na nila ang lahat......" Dagdag ko pa. Katotohanan iyon dahil ayon yung nakikita ko nitong mga nakaraang araw. Naglakad ako papunta sa sofa. "......parang mas importante pa yung image ng school kesa sa mga nangyayari." Pagtatapos ko at pinigilan kong maluha. ".....sa kaso ng pagpatay.....isang batang nagngangalang Christine De Guzman, labing apat na taong gulang....." Napatigil ako sa paglalakad at hindi ko na naintindihan ang sinabi ni Jacob. "Sorry Jacob." Sabi ko na lang kay Jacob. Nakatalikod ako sa TV. "....alas sais ng umaga ng makita ang bangkay ng dalaga ng isang madreng nagtuturo sa Wanda...." Agad akong napalingon muli sa TV. "Belle? Nandyan ka pa?" "J-jacob mamaya na lang kita tatawagan ah." Sabi ko na lang sa phone at agad na binaba ang tawag habang nakatingin ako sa TV. "We will do everything para maparusahan ng bitay ang bastardong iyon." Rinig ko na naman mula sa TV. Agad agag kong binalik yung telepono sa dati nitong pwesto at pumunta ulit ako sa harap ng TV at lumuhod doon. Taimtim na nakikinig sa balita. "Sana marinig kami ng presidente. Sana po pakinggan niyo po yung hiling namin para sa hustisya ng aming anak." Kitang kita ko ang mag-asawang De Guzman na nasa kanilang bahay. Nakaupo sila sa sofa at sa gilid ng sofa ay may lamesa doon na may nakalagay an flower vase. Nakaalalay si MR. De Guzman sa asawa niya na umiiyak habang hinahagod ang balikat nito habang siya naman ang nagsasalita. "Kailangan namin ng hustisya. W-wala na kaming pake kahit buhay pa ng putang inang niyon ang kabayaran." Sabi ulit ni Mr. De Guzman. Parang tinutusok ang puso ko sa nakikita ko. Matapos iyon ay lumipat ang TV sa kulungan at kusa na lamang tumulo ang mga luha ko dahil sa nakita ko. "M-mang Tonio..." Nasambit ko na lamang dahil kaawa awa ang kalagayan niya. Madungis at lalong lumaki ang mga eyebags niya. Mababakas din sa mga mata niya ang pagsusumamo. "Kinasuhan na ng kasong homicide ang caretaker ng Wanda Academy." Huling sabi ng balita at bigla na lamang iyon nawalan ng signal kaya agad kong hinawakan sa gilid ang TV at hinampas iyon ng kamay ko, umaasang babalik muli ang signal pero ilang hampas na ang ginawa ko ay hindi na iyon luminaw pa. Bagsak balikat at kamay ako at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Pinatay ko na lamang ang TV. Napasuklay ako sa buhok ko. Paano na ang gagawin ko nito? Bigla akong may naisip na ideya kaya napaangat ang tingin ko sa TV. Kita ako ang reflection ko sa screen. Napatingin ako sa likod ko. Isang desisyon ang nabuo sa isipan ko kaya agad akong tumayo at dumiretso sa wardrobe ko. Dala ang flashlight ko ay tahimik na binuksan ko ang gate ng Wanda at pumasok. Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa mapunta na ako sa estatwang babaeng nakapiring na nasa gitna ng pinaka school. Dahil madilim ay inilawan ko iyon. Sa harap nito ay natagpuan ang bangkay ni Christine at yung ang aalamin ko. Ang tunay na pumatay kay Christine para malihis na sa kaso ang inosenteng si Mang Tonio. Tinignan ko ng mabuti ang estatwa pero may naaninag ako sa likod non. Sa rooftop ng building school......may nakatayo. Lumapit pa ako para tignan mabuti kung sino at nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino iyon..... .....si Christine!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD