Labing Dalawa✟:

1542 Words
THE SUSPICIOUS ONE. Agad din siya umalis paatras kaya dali dali akong dumiretso sa hagdanan para umakyat pataas. Tahimik akong umakyat dahil iniiwasn kong gumawa ng ingay. Habang umaakyat ako ay nakatapat din ang flashlight pataas hanggang sa makarating ako ng third floor......sa may cr...... ......pero hindi naman nakabukas iyon Hindi ko na lang pinansin ang cr at nilampasan ito. Nakita ko pa ang ibang paintings na nakadikit sa pader na katapat lang ng pinto ng cr. Dire-diretso ako patungong corridor. Agad kong tinapat ang flashlight sa hallway at tumambad sa akin ang....... .......tahimik na hallway. Nasaan na ba siya? Tanging tahimik na hallway lamang ang tumambad sa akin at sa dulo non ay ang patungong storage room. Kung saan pinaparusahan ni Nana Clarisse ang mga estudyanteng lumalabag sa mga patakaran. Dahil sa storage room na iyon ay may isang altar at sa harap ng altar na iyon ay doon niya pinapaluhod ang mga bata. Muli kong itinapat ang flashlight sa likod ko, sa comfort room. Nasaan na ba si Christine? Napabuntong hininga ako at muling itinutok ang flashlight sa hallway. Teka....... ......sa storage room! Posibleng nandoon siya! Agad na lakad takbo ang ginawa ko at diniretso ang hallway patungong storage room. Nadadaanan ko yung ibang room na nakabukas na nasa gitna ng hallway. Actually para iyong cubicle dahil wala naman talagang pinto ang mga iyon. Tatlong cubicle na magkakasunod na parang pang opisina. Doon ang mga office ng mga teacher dito noon pero sa baba na inilipat dahil nga sa pangyayari na tungkol sa pagkamatay ni Annie. Nang makarating ako sa pintuan ng storage room ay tahimik kong binuksan iyon pero nag langingit pa rin. Pagpasok ko ay tumambad sa akin ang mga ilang kagamitan na kasing tangkad ko lang. Hindi ko matukoy kung anong klase ang mga ito dahil nakatalukbong ang mga ito ng puting tela. Nang makapasok na ako ng tuluyan ay agd ko ring sinara iyon. Bigla na naman akong kinabahan dahil nang ilibot ko ang flashlight sa kabuuan ng silid ay parang ang mga nasa loob ng mga puting tela ay mga bata. Nakatayo ang mga ito. Naglakad pa ako papasok. Napalunok ng sarili kong laway ng may makita akong isang table sa kanan ko at sa ibabaw non ay iba't ibang uri ng santo pero.... ....b-bakit may mga dugo ang iba doon? Naglakad pa ako padiretso hanggang sa may natanaw akong daan pakanan. Dahan dahan lamang akong naglakad habang inililibot ang flashlight kung saang direksyon ko gusto. Kinakabahan ako. N-nandito kaya s-siya? May mga nakikita rin akong mga sirang upuan. Baklas baklas na drawer. Mga papel at box na maalikabok na. Nang pakanan na ako ay doon........n-nandoon siya...... ......s-si Christine. Nakaluhod siya. Nakayuko at alam kong umiiyak siya habang nagdarasal na nakaharap sa altar na maraming mga santo. Dahan dahan akong humakbang papunta sa kanya. Isa.... Palakas ng palakas ang kabog ng puso ko Dalawa..... Sunod sunod ang ginawa kong paghing Tatlo..... Malapit na ko sa kanya..... "C-christine?" Nasa kaliwang kamay ko ang flashlight at nakatutok iyon sa nakaluhod na si Christine. Tinaas ko ang kanang kamay ko at mahahawakan ko na sana siya sa balikat pero unti unti siyang lumingon......at sa paglingon niya...........n-napaatras ako d-dahil.....d-dahil....... .....umiiyak siya ng dugo! Kasabay non ay ang kusang pagpatay ng flashlight na dala ko na lalong nagbigay sa akin ng matinding takot. Purong itim ang nakikita ng mga mata ko kaya ilang beses akong humugot ng hininga at nanginginig ang mga kamay ko habang pinipilit na i-on muli ang flashlight. Mag-on ka naman! Ano ba! Sigaw ko pa isip ko dahil ayaw talaga bumukas ng flashlight pero tsaka ko lang napagtanto na kayang kontrolin ng mga multo ang teknolohiya kaya agad kong naalala ang posporo na dala ko. Binitawan ko na lang ang flashlight at nagmamadali akong kinuha sa kanang bulsa ko ang posporo. Ito yung posporo na nakuha ko mula kay Anna. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko pati na rin ang bibig ko. Gusto ko nang lumabas dahil sobrang lamig. Nang mailabas ko ang posporo ay kumuha ako agad ng isang palito at agad na sinindihan iyon. Tinapat ko iyon sa mukha at agad akong luminga linga sa paligid. Isang salamin ang nakita ko at nakita ko ang repleksyon ko doon hawak hawak ko ang isang palita na nakasindi. Luminga pa ako sa ibang direksyon pero mga gamit na nakabalot na puting tela lamang ang mga nakita ko. Maya maya pa ay namatay na ang sinindihan kong palito kaya dali dali akong muling kumuha ng isa at sinindihan iyon ulit. Nang masindihan ko iyon ay wala na akong makita sa paligid kung hindi purong itim. Wala na ang salamin na nakita ko kanina. Lingon ako ng lingon kahit saan pero purong itim talaga. Hanggang sa makarinig ako ng iyak ng isang babae kasabay ng pagpatay muli ng palito. Dali dali muli akong kumuha ng isa at sinindihan iyon at doon ay nasa harap na ako ng altar. Narinig ko na nanggaling ang ingay ng iyak sa ilalim ng lamesa na may takip na tela kaya dahan dahan akong lumapit doon. Mabagal akong lumuhod habang nakataas ang kanang kamay ko na may hawak ng sinindihan na palito. Tuloy tuloy lang ang palahaw ng iyak mula sa ilalim ng lamesa. "Christine?" Pagtawag ko sa kanya. "N-nagulat ba kita?" Tanong ko agad. "Don't....." Iyon ang sagot niya. Nakikinig lang ako sa kanya. "Don't look at me." Sabi niya habang patuloy sa pag iyak kasabay non ay ang pagpatay na naman muli ng sinindihan kong palito kaya agad agad akong muling nagsindi ng isa pa at mulin itinaas iyon pero sa kaliwang kamay ko na nakahawak. "Christine?" Pagtawag ko muli sa kanya. Hindi siya sumagot pero iyak siya ng iyak na rinig na rinig ko. "Christine?" Pagtawag ko muli pero iyak pa rin ang nakuha kong sagot hindi na ako nakatiis at hinawakan ko na ang dulo ng tela na nakatakip sa ilalim at iniangat iyon hanggang sa mapatong ko sa kaunting espasyo na natitira sa lamesa. Nang ilapit ko ang palito sa ilalim ng lamesa ay nandoon siya. Nakatingin siya sa akin na takot na tako. Umiiyak nga siya ng dugo. Sobrang puti na ng buong mukha. Magulo na ang buhok at bilog na bilog ang mga mata. Napasinghap siya. "I didn't mean to." Sabi niya pa kasabay non ay muli na namang pagpatay ng palito kaya mabilis pa sa alas tres ng madaling araw ang ginawa kong pagkilos na muling nagsindi ng isa pang palito. Nandoon pa rin siya at takot na takot na nakatingin sa akin. Nanginginig ang mga labi. Doon na ako tuluyang napaiyak din. "Nak, s-sinong pumatay sayo? Sabihin mo sa akin?" Tanong ko sa kanya habang nagsisimula nnang maglandas ang mga luha ko dahil sa awa sa bata. Imbis na sumagot ay napasinghap siya at nanlaki ang mga mata ng tumingin sa kanan namin. Ako din ay napatingin doon pero wala namang mayroon don kung hindi mga gamit. Muli akong napatingin sa kanya at ganoon din siya sa akin at kita ko sa mga mata niya ang labis na takot. Ano bang mayroon? Muli na namang namatay ang palito kaya agad akong kumuha muli ng isa at sinindihan iyon pero nang masindihan ko na iyon ay..... .....wala na siya sa ilalim ng lamesa. Nilibot ko pa ang sulok sulok ng ilalim ng lamesa pero wala na talaga siya. Saan na siya nagpunta? Bakit hindi niya masabi kung sino ang pumatay sa kanya? Bakit ganoon na lang takot sa mga mata niya ng tumingin siya sa kanan namin? Mga tanong sa isipan ko na hindi ko rin mabigyan ng sagot. Muli akong tumingin sa kaninang tinignan niya kasabay non ay muli na namang namatay ang palito. Agad na naman akong nagsindi ng isa pero nang itaas ko ang palito ay napapitlag na lamang ako dahil sa humawak sa kamay ko pero agad ding nawala nang makita ko kung sino iyon. Si Christine. Hinawakan niya ang kanang kamay ko na may hawak na palito at tumingin sa akin na mayroon pa ring takot sa mga mata at ganoon na lamang ang pagkunot ng nuo ko sa sinabi niya. "Parating na siya." Bulong niya na sinabayan pa ng panlalaki ng mga mata. Pagtapos non ay muli na namang namatay ang palito kaya mabilis na nagsindi ako ulit at napatayo na sa sobrang kaba. Agad kong inilibot ang paningin ko sa paligid. Wala na siya. Puro gamit na lamang ang mga nakikita kong ulit na pinaglumaan na at may mga alikabok pa. Sino bang sinasabi nila ni Annie na parating na? Minabuti ko munang isantabi iyon. Marami pang pagkakataon. Malalaman ko rin kung sino iyon. Agad agad akong umalis sa storage room diretso sa hagdanan patungong ground floor. Sa gitna na ako espasyo ng school naglakad dahil wala na na rin ang flashlight ko. Babalikan ko na lang iyon. Madadaanan ko ang estatwang ng babaeng nakapiring at nang matapat na ako sa estatwa ay may narinig akong boses na tumawag sa pangalan ko. "Miss Matriaga!" Agad akong napalingon sa kanya at isang seryosong tingin ang binigay ko sa kanya. Ayon siya. Nasa first floor ng building. Dala niya sa mukha niya ang pagkairita ng makita na naman ako. Ang babaeng pinaghihinalaan ko na noon pa..... ......si..... "Nana Clarisse."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD