Sampu✟:

929 Words
MAMAMATAY KA! Hindi ko alam kung anong oras na pero sa hula ko ay gabi na dahil medyo may kadiliman na. Galing ako sa office ko at ito ako ngayon naglalakad sa corridor ng floor kung nasaan ang office ko. Tahimik. Halos tunog lang ng takong ko ang naririnig ko habang naglalakad ako pero sa kalagitnaan na ng hallway, may naaninag ako sa mula dito sa corridor sa second floor doon sa corridor sa ground floor. Sa kabilang side. Si Nana Clarrise yon ah? Feeling ko na nakatingin siya sa akin dahil ang katawan niya ang nakaraharap sa gawi ko. Nasa may bintana siya. May ilaw pa sa ground floor kaya kitang kita ko pero hindi ko makita ng maayos ang mukha niya. Ipagsasawalang bahala ko na lang dapat iyon dahil nakita ko siyang nagsimula ng maglakad padiretso. Patungo sa canteen pero kumunot ang nuo ko dahil nang sinundan ko ng tingin ang katawan niya ay mabilis siyang kumanan patungo sa hagdanan hanggang sa marinig ko na lang na umakyat siya dala na rin ng tunog ng mga padyak ng paa paakyat. Anong na naman kayang problema non? Sa palagay ko ay patungo siya sa third floor pero anong gagawin niya doon? Teka......s-si N-nana Clarrise ba talaga iyon? Nagsimula na naman akong kabahan. Sa kagustuhan kong malaman kung sino iyon sinundan ko iyon patungo sa third floor at nang umakyat ako ay nakita ko ang comfort room doon, nakaawang ng konti ang pinto. A-anong ginagawa niya sa loob? Dahan dahan kong binuksan ng tuluyan ang nakaawang na pinto dahilan para lumangitngit iyon. Katahimikan ang bumungad sa akin pagpasok ko. Malamig. Napatingin ako sa sink dahil......d-dahil.... ......n-nakabukas ang gripo ng isang sink. Dahan-dahan akong lumapit doon at nanginginig ang mga kamay ko ng patayin ko ang gripo. Napatingin ako sa salamin matapos kong patayin yon pero.... *creekk..... Napalingon ako sa mga cubicle dahil sa mabilisang tunog na iyon. S-sino bang nandito s-sa loob? S-si Nana C-clarrise ba? Pero ano namang gagawin niya dito gayong may sarili siyang banyo sa office niya? Mga tanong sa isipan ko na hindi ko rin magawang sagutin. *creeekk.... Napapitlag na naman ako sa tunog na iyon. Tingin ko ay nasa unang cubicle iyon, sa left side. Nilalamig ang katawan ko habang dahan dahan patungo sa cubicle na iyon. A-ano bang mayroon sa loob? Nang makalapit ako ay nanginginig ang mga kamay kong umangat sa pinakaulo ng pinto. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko buksan iyon ng marahas at bumungad sa akin ang..... ......isang madamuming toilet bowl kaya agad ko ring sinarado iyon dahil para akong masusuka sa baho ng amoy. Hindi ba sila naglilinis dito? Nakahinga ako ng maluwag at naisandal ko ang ulo at kamay ko sa pinto ng unang cubicle. Akala ko talaga kung ano na. Bakit ba kasi ako nagpapatalo sa--- *creekkk..... Dahan dahan akong napalingon ang ulo ko sa tunog na iyon....... ......y-yung p-pinto sa d-dulong c-cubicle.... ....k-kusang b-bumukas! Bumalik na naman ang matinding kaba sa dibdib ko. N-nandito na naman ba si Annie? Napaatras pa ako ng tuluyan na iyon bumukas. Dala ng kuryosidad ko ay may gusto kong malaman kung anong mayroon don kaya dahan dahan akong napahakbang doon. Rinig na rinig ko na naman ang bawat pintig ng puso ko. Nanginginig ako dahil para akong nasa loob ng refridgerator. Nanginginig ang mga kanang kamay ko ng iangat ko iyon para hawakan ang pintong nananatiling nakabukas. Dahil ang pagkakabukas ng paharang sa daanan kaya hindi talaga makita kung may tao doon. Nahawakan ko na ang pinto pero.... *bblagggg.... Napapitlag ako at napaatras dahil malakas at kusa iyong nagsarado kaya awtomatiko nang nagdesisyon ang katawan ko tumalikod doon at naglakad pabalik sa sink para sana lumabas na. Yakap ko ang sarili ko habang naglalakad pabalik sa sink pero napatigil ako sa paglalakad at dahan dahan akong muling napalingo sa likod ko dahil feeling ko ay may nakatayo doon. D-dahan d-dahan hanggang sa makumpirma kong m-may nakatayo nga pero nakatagilid siya sa akin at nakaharap sa dulong cubicle...... "N-nana Clarisse?" Pagtawag ko sa kanya at kumurap kurap pa ako pero nang kumurap ako ay sa hindi ko malamang dahilan ay hawak na siyang tali at hinihila niya na iyon. Nang sundan ko kung saan nakakonekta ang makapal na lubid na iyon ay nakakonekta sa tubo doon sa may dulong cubicle pero napanganga na lamang ako at hindi makapaniwala ng makita ko kung ano ang hinihila niya........h-hindi b-bagay.......i-isang t-tao.......i-isang t-taong kilalang kilala ko.......s-si...... .......si Christine!! Kusang pumatak ang mga luha ko dahil sa nakita ko. A-ano bang ibig sabihin nito?! Nananaginip na naman ba ako?! S-si Christine.....h-hawak niya ang lubid na nakatali sa leeg niya at pilit na tinatanggal iyon. Muling bumalik ang tingin ko kay Nana Clarrise. Galit ang nararamdaman ko ngayon sa kanya. Huminto si Nana Clarrise at unti unting napalingon. Nang magtama ang tingin namin ay lumabas ang malademonyong ngisi sa labi niya dahilan para tuluyang mamuo ang galit na naramdaman ko kanina pa. Muling bumalik ang tingin ko sa taas ng tubo pero kumunot ang nuo ko ng wala na si Christine doon kung hindi ang lubid na lamang na nalalaglag na. Nang bumalik muli ang tingin ko kay Nana Clarrise na nasa harap lang ng dulong cubicle ay wala na rin siya doon, tali na lamang ang nandoon na unti unti nahihila pataas. Nasaan sila? Napagdesisyunan ko nang lisanin ang lugar na iyon sa mga oras na iyon pero nang mapalingon ako......n-nang m-mapalingon ako...... ......sinalubong ako ni Nana Clarrise pero......p-pero..... "Mamamatay ka!" .....n-nakangisi siya at may mga bulateng lumalabas sa bibig niya! "Huwaaaagggggg!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD