Siyam✟:

1134 Words
NEW SET OF RULES Third Person Kinabukasan..... Ting....ting....ting.... Tunog ng kampana na nasa second floor malapit sa hagdanan. Patuloy lang ito sa pagtunog dahil si Clarrise mismo ang nagpapatunog dito. Hudyat na oras na para pumasok sa mga klase nila. Matapos sa kampana ay pumunta si Clarrise sa kanyang office. Sa bandang dulong kanan sa may third floor. Sa office ni Clarrise ay may dalawang pinto na makikita sa magkabilang banda. Sa kanan ay ang sarili niyang banyo habang sa kaliwa ay isang technical office na kung saan doon niya inaanunsyo ang mga kailangang ianunsyo gamit ang isang mickropono na nakakonekta sa bawat classroom. Isang upuan ang nasa harap ng mga kagamitan na iyon na nakalagay ng maayos sa isang lamesang may kahabaan. Umupo siya roon. Itinaas ang kamay at may isang button na pinindot. Itinapat ang bibig sa maliit na mikropono at nagsimulang magsalita. "Magandang umaga sa bawat isa....." Panimula niya. Napahinto ang mga estudyante pati na rin ang mga teacher nila sa bawat classroom at napatingin sa speaker na laging nasa bandang kaliwang gilid ng bawat silid. "...Starting from today, Wanda academy will have a new set of rules....." Dugtong ni Clarrise sa kanyangn sinabi. Taimtim lamang na nakikinig ang mga estudyante maging ang mga teacher na kasama nila. "....Each one of you should have a partner for everything.... sa hallway....." Makikita sa Wanda Academy na laging dalawang estudyante ang magkasama. ".....sa restroom....." "Tapos ka na ba?" Tanong ng isang dalagitang estudyante sa estudyanteng partner niya na nasa unahang cubicle habang siya ay naghuhugas ng kanyang kamay sa sink. Nasa second floor sila. "Yes, tara na." Sabi ng estudyanteng kakatapos lang gumamit ng banyo at naghugas muna ng kamay bago sila bumalik sa classroom nila. ".....every break time...." Masayang kumakain ang mga estudyante sa canteen nila. Makikita ang bawat table na laging may kasama ang bawat isa. ".....you should sign an attendance for every subjects...." Maingat na pinasa ng isang estudyante na nasa harapan ang mga papel na binigay sa kanya ng teacher nila sa likod niya matapos siyang kumuha ng isa. Ganoon din ang nasa likod niya na estudyante, kumuha rin ito ng isa at pinasa ulit sa likod niya. Nakasulat sa papel ang subject nila sa oras na iyon pati na rin ang bagong patakaran sa school nila at may mukha doon ng namayapang si Christine. Agad pumirma ang mga estudyante sa papel na ibinigay sa kanila at muling ipinasa sa harap at anga mga nasa harap naman ay kinolekta ang mga ito at isa isa silang pinuntahan ng kanilang teacher para kunin ang attendance nila. ".....and lastly and most importantly......walang estudyante o faculty ang papayagan na palakad lakad sa campus pag sapit ng alas sais ng gabi....." Habang pababa si Belle ng hagdanan patungo sa ground floor ay binabasa niya ang new rules sa paaralan. May parte sa kanyang utak na tutol sa pang huling patakaran na nakasulat sa papel. Tuluyan na siyang nakababa ng ground floor at napatingin siya sa kanyang kanang banda na kung saan patungong canteen at sa entrance ng canteen ay nakita niya ang taong isa sa pinaghihinalaan niya. Si Clarisse. Kasama nito ang ibang mga sisters. Malamig ito na nakatingin ito sa kanya habang siya naman ay isang hindi alam kung ano ang ibibigay na tingin dito dahil haluhalo ang kanyang emosyon para sa matanda. "......those who won't obey.....will be suspended or worst.....expelled." Tinupi na lamang ni Belle ang papel at naglakad palabas ng campus para kunin ang gamit niya sa kanyang kotse. "I want everyone of you to trust me and I am confident that I can...." Nakapila ang mga estudyante ng isang linya sa loob ng chapel, sa gitna. Makikita naman ang ibang mga madre na nasa harapan, sa magkabilang side dahil sa gitna....sa may harap ng altar.... .....doon nilagay ang kabaong ni Christine. Nakapatong sa kabaong niya ang kanyang picture frame na nakauniform siya at nakangiti. Sa harap ng kabaong ni Christine ay nakatayo si Father Francisco. May hawak siyang isang lalagyanan ng ostiya. Isa isa niyang sinusubuan ang mga estudyanteng nakapila ng isang linya ng ostiya at ang mga estudyante naman ay nagsasabi ng amen at magsa-sign of cross matapos silang subuan at diretso labas ng chapel. "....and I will do everything with my power....to protect.....the righteousness of this academy." Pagtatapos ni Clarrise sa pag-aanunsiyo. *** Belle Matriaga "I still remember that day..." Rinig ko sa tape recorder ko na nakalapag sa lamesa ko habang ako ay nakaupo at may hinahanap ako sa drawer ng table ko sa left side. It was my talking moments with Christine. Ilang araw na ang nakalipas simula ng mamatay siya. ".....kung may tapang lang talaga ako na ipagtanggol si Ary noon sa pambubully sa kanya nila Josephine..." Rinig ko muli sa tape recorder ko. Ang tinutukoy ni Christine ay ang classmate niya noon pero nagtransfer na sa ibang school dahil binubully ito dahil sa itsura niya. Her name was Ary. Hindi ito kagandahan pero sobrang bait na bata. ".....but I did nothing than to watched her bullied-" "Chris don't blame yourself for it." Boses ko iyon. Ayan kasi yung araw na sinisisi niya ang sarili niya na siya ang may kasalanan kaya lumipat ng paaralan ang kaibigan niyang si Ary. Nakita ko na ang folder na hinahanap ko kaya maingat kong inilapag iyon sa table katabi ng tape recorder. Ini-angat ko ang folder na nilapag ko sa table ko. "Ganito, kung ako yung nakikita mong nahihirapan tutulungan mo ba ako?" Rinig kong tanong ko sa tape recorder kay Christine. Binuklat ko ang folder. "You're already old enough to fight for yourself, Miss Belle." Napangiti ako ng makita ang laman non. "Kahit naman matanda ka na, need mo pa rin ng help sa ibang bagay." Rinig ko ulit na boses ko sa recorder. Narinig ko ang mahinang pag tawa na Christine sa recorder. "Yes, Miss Belle.....when the time has come that you need a help, I promise that I will be there for you." Rinig kong sagot niya. Naalala ko pa yung araw na sinabi niya yan ay napangiti ako noon. At napangiti na naman ako pero isang mapait na ngiti habang nakatitig sa maganda niyang mukha na naka attached sa folder. Nakangiti siya dito. "You promised that you will help me pero hindi ka naman nagpapakita sa akin." Sabi ko sa picture niya as if na buhay iyon. "And I promised that I will help you too." Matapos ko marinig iyon ay doon na tumigil ang pag uusap namin. Kusang namatay ang tape recorder. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakatitig ako sa picture niya. Namalayan ko na lang na tumulo na ang mga luha ko kaya agaran kong pinunasan iyon. Maingat na tinupi ko muli folder na naglalaman ng record ni Christine dito sa school at ibinalik muli iyon sa drawer ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD