Walo✟:

917 Words
THEY ARE ALREADY DEAD.......PERO NAKAKULONG "Tingin mo? Ilang taon na kaya itong mga paruparong'to?" Tanong ni Annie sa akin pero nanatili siyang nakatallikod. Humugot muna ako ng hininga para kumalma. "Butterflies are only live for a few months, Annie." Sagot ko sa kanya. "But they still look alive for me." Sagot naman niya. Nanatili pa rin siyang nakatalikod sa akin. Pinagmamasdan ng mabuti ang mga paruparo na wala ng buhay. "Mukha pa rin silang buhay na kayang lumipad kung gugustuhin nila." Dagdag niya pa. "They're already dead...." Sambit niya na naman. "....pero nakakulong." Dagdag niya na naman pero pag banggit niyang iyon ay kumabog na naman muli ang puso ko. May ibang enerhiya na naman akong nararamdaman. "Alam ko....." Sambit niya na naman pero this time medyo malakas kaya napaatras ako ng kaunti. ".....gusto mo siyang kausapin." Pagtukoy niya kay Christine. "A-alam mo ba if nasaan siya ngayon?" Lakas loob kong tanong sa kanya kahit medyo umatras na ang dila ko dahil sa kaba. "Why would I tell you?" Ang sagot niya sa tanong ko. "A-alam mo namang pwede mo ako kausapin lagi.....right?" Pangungumbinse ko pa sa kanya. Imbis na sumagot ay katahimikan ang namayani sa pagitan namin pero maya maya lang ay..... .....dahan dahan siyang humarap sa akin dahilan para mapaatras muli ako nang bahagya. Kitang kita ko ang mukha niya dahil sa ilaw na nanggagaling mula sa bintana. Maputi pero madumi. Nabubulok. Magulo ang buhok na animo'y isang baliw. Nangingitim ang labi at sobrang putla ng buong mukha. "You know what Miss Belle, gustong gusto ko yung boses mo." Kuway sabi niya nang makaharap sa akin. Hindi ako bumitiw ng tingin sa kanya kahit na kinakabahan na ako. Kailangan kong tatagan ang sarili ko. "Not like the voice of my mommy." Dugtong niya dahilan para ang aking kuryosidad tungkol sa kanya ay muling mabuhay. "Ilang dekada na ang lumipas pero hanggang ngayon ay rinig na rinig ko pa rin yung nakakarindi niyang boses.......nakakairita........nakakabasag tainga......." Saad niya muli. "......parang yung sigaw lang nila Nana Clarrise noon." Pero pagkasabi pagkasabi niya non ay doon na kumunot ang nuo ko. Sinisigawan siya ni Nana Clarrise? Akala ko ba close sila ayon na rin sa mga naririnig ko? "S-sinisigawan ka ni Nana Clarrise?" Tanong ko sa kanya. Imbis na sagutin ay narinig ko ang tawa niya. "......sasakalin ka.....hahampasin ka ng kung ano ano......." Sabi niya na lalong nagpagulo sa isipan ko. Ano bang gusto niyang ipunto? Sinasaktan ba siya ni Nana Clarrise noon? Gusto ko sanang muling magtanong pero tuloy lang siya sa pagsasalita. ".....hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko." Saad niya muli. Nananatili lang akong nakikinig sa kanya. May mali. May hindi tama at iyon ang dapat kong malaman sa nakaraan niya. "Until now I can still hear their voices even if I'm......." Tumigil siya at iyon ang ikinaba ng puso ko ng husto. "...already dead." Pagtatapos niya. Katahimikan muli ang namayani hanggang sa magdesisyon akong magtanong muli pero hindi ko inaasahan ang sinabi niya.... "Malapit na siya." Pagkasabi niya non ay awtomatiko akong natuod sa kinatatayuan ko at lumakas lalo ang kaba sa dibdib ko. S-sinong paparating? S-sinong siya? Nanginginig ang katawan ko habang mabagal na nililingon ang pintuan. Parang nag slow motion ang lahat habang lumilingon ako sa pinto. Sino ba kasi? "S-sino, Annie?" Tanong ko sa kanya habang unti unti akong lumilingon sa pinto pero nang makalingon ako doon ay wala naman pero parang mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa may humawak na malamig na bagay sa pulsuhan ko. Dumoble ang kaba sa puso ko. L-lilingunin ko b-ba? A-ano ito? Unti unti kong nilingon kung ano iyon at nanlaki ang mga mata ko dahil....... d-dahil....... ......si Annie......s-siya ang nakahawak s-sa akin...... ....n-nakangisi p-pero......m-may mga bulate sa ngipin niya! Halos hindi ko na alam ang mararamdaman ko kaya ang nagawa ko na lang ipinikit ko ang mga mata ko. Ramdam ko pa rin ang paghawak niya. Pero maya maya lang ay nang imulat ko ang aking mga mata ay..... .....wala na siya. Para akong nabunutan ng tinik sa katawan. Napasandal ako sa may lababo at nasapo ko ang nuo ko. Habol ko ang hininga ko na para akong nakipagkarera sa mga kabayo. Paulit ulit na pumapasok sa kokote ko ang mga sinabi niya kanina. "Ilang dekada na ang lumipas pero hanggang ngayon ay rinig na rinig ko pa rin yung nakakarindi niyang boses.......nakakairita........nakakabasag tainga.............parang yung sigaw lang nila Nana Clarrise noon...........sasakalin ka.....hahampasin ka ng kung ano ano............hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko." "Ilang dekada na ang lumipas pero hanggang ngayon ay rinig na rinig ko pa rin yung nakakarindi niyang boses.......nakakairita........nakakabasag tainga.............parang yung sigaw lang nila Nana Clarrise noon...........sasakalin ka.....hahampasin ka ng kung ano ano............hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko." "Ilang dekada na ang lumipas pero hanggang ngayon ay rinig na rinig ko pa rin yung nakakarindi niyang boses.......nakakairita........nakakabasag tainga.............parang yung sigaw lang nila Nana Clarrise noon...........sasakalin ka.....hahampasin ka ng kung ano ano............hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko." Ano bang gusto niyang iparating doon? Sinasaktan ba siya ni Nana Clarrise noon? Sinasaktan din ba siya ng nanay niya? Bakit iba ang sinasabi sa akin ng mga madre dito kung ganoon? Kasabwat din ba sila? Mga tanong sa isipan ko na hindi ko rin alam ang mga sagot pero isa lang ang nabuo na isang desisyon sa utak ko......... ........May kailangan akong imbestigahan...... .......dapat ko talagang malaman ang tunay na nangyari sa kanya dahil baka isa iyon sa makakatulong sa mga nangyayari ngayon at........para na rin matahimik ang kaluluwa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD