Pito✟: Christine?

1433 Words
CHRISTINE? Belle Matriaga "Ako nga pala si Jacob, ako yung na-assigned sa kaso ni Christine." Panimula ng taong bagong dating dito sa office ko. Maingat na inilapag ko sa gilid ng lamesa ko, katabi ng lamp shade ko at iba pang folder ang isang kaha ng sigarilyo at posporo na pag mamay ari ni Anna. Matapos kong mailapag yon ay huminga muna ako ng malalim bago ko hinarap si Jacob. "Anong maitutulong ko?"Tanong ko sa kanya nang makaharap ako sa kanya. Pormal na inangat ko ang dalawa kong kamay katapat ng aking tiyan at pinagcross iyon. "Sabi mo matagal mo nang kilala si Tonio hindi ba?" Tanong niya pero hindi sa akin nakatingin kung hindi sa mga picture at ibang certificate na nakasabit sa pader ng office ko. "Nandito na siya ng makapagtrabaho ako dito." Sagot ko sa kanya dahilan para tantanan niya ang kakatingin sa mga bagay sa pader at tumingin sa akin. "At naisip ko lang....." Dagdag ko pa. "....kung kaya niyang gawin yung bagay na yon, bakit ngayon lang?" Pagtatapos ko. Aminin man niya o hindi, alam kong may punto ang sinabi kong iyon. Kilalang kilala ko na si Mang Tonio. Mabait pa siya sa mabait kaya alam ko at naniniwala akong hindi niya kayang gawin iyon. Napaiwas siya ng tingin dahil sa sinabi ko. "Yun din yung punto ko eh." Sagot naman niya. Bakas sa mukha niya ang kaseryosohan at kuryosidad. "Totoo bang dadalhin niyo agad siya sa bilibid?" Tanong ko ulit, ang tinutukoy ko ay yung pinakamalaking kulungan sa manila, sa muntinlupa. Isang tango ang isinagot niya sa akin dahilan para mapabuntong hininga ako. "B-bitay ba?" Tanong kong muli kahit umatras na yung dila ko. "Hindi ko pa sigurado." Sagot niya muli. Isang malalim na buntong hininga muli ang pinakawalan ko. Paano ko ba matutulungan si Mang Tonio? Muli niyang iginala ang tingin niya at medyo umiba ng posisyon hanggang sa matawag ng pansin niya ang nasa likod ko. Sa may lamesa ko. "Oh, mayroon ka din pala niyan ah." Nang mahulaan ko kung ano yun ay agad kong kinuha ang tape recorder ko at hinarangan siya na kunin yon. "Baka may iba pang involved sa krimen ng mangyari yon kay Christine." Sabi ko sa kanya pero nakatalikod ako at sumeryoso ng tingin kahit alam kong hindi niya naman nakikita yung mukha ko. Humarap ako sa kanya bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Magtatanong na lang ako sa mga ibang students, baka may alam sila tungkol sa nangyari since they trusted me." Sabi ko pa sa kanya. "Mas mabuti...." Sabi niya naman at napatingin sa tape recorder na hawak ko. "....gamitin mo yan para pag may nakuha kang impormasyon na makakatulong sa kaso..." Sabi ulit niya. A part of my mind didn't agreed to that. Hindi ako basta basta magtitiwala kung kani-kanino kahit na imbestigador pa siya lalo na't privacy ang pinaguusapan namin dito. "....tawagan mo ko. Heto teka..." At may kinuha sa bulsa niya sa likuran ng pantalon niya. Medyo hirap siyang kunin dahil may coat na maong siya na suot. Tinitigan ko lang ang mukha niya pero na-kaseryoso ang mukha ko. Hindi maipagkakailang may itsura ito dahil matangos ang ilong at mapupungay ang mga mata. At kahit may balot na balot ito ng suot niya ay halata namang maskulado ito. "...heto." Sabay abot ng isang maliit na papel na alam kong number niya na agad ko namang kinuha. "Salamat." Agad na sabi ko at pumunta sa may gilid at naglakad papunta sa upuan ko pero habang naglalakad ako ay nagsasalita rin ako. "Karamihan din sa mga pinag-uusapan namin ng mga students was so confidential." Sabi ko muli at ng makarating ako sa likod ng upuan ko ay humarap muli ako sa kanya. "Their secrets are my secrets also." Sambit ko pa sa kanya. Gusto ko lang iparating sa kanya na hindi lahat ay sasabihin ko sa kanya. Umupo ako sa silya ko at binuksan yung isang drawer sa may gilid ng table ko at inilagay ko yung papel na binigay niya tapos.... "Tatawagan na lang kita kung may makita man akong importante na makaka-" Pero hindi pa man ako natatapos magsalita ay sumabat na siya. "Miss Matriaga I am here to help." Pagputol niya sa sasabihin ko kaya napatingin ako sa kanya matapos kong ilagay yung papel sa drawer ko at maisarado iyon. Hindi kaagad ako nakaimik. "Hindi muna natin sasabihin kay Chief ito....." Dagdag niya pa at seryosong nakatingin sa akin. ".....Chief was already convince that Tonio did this thing." Pagtatapos niya. Isang buntong hininga na naman ang pinakawalan ko bago tumingin sa may orasan ko sa right side ko. Katabi ng white board at isa kong certificate. Tanghalian na. Tumingin muli ako kay Jacob na nakatingin din sa akin. "Salamat." Mahinahong sabi ko sa kanya. "Salamat din sa oras mo." Ssabi niya ulit kaya tinanguan ko na lang siya at diretso na siya lumabas ng pinto at lumabas. Ako naman ay naiwan sa loob ng office ko at napatingin sa tape recorder na hawak ko. Wala ka ba talagang kasalanan Mang Tonio? Tanong ko sa isip ko na alam kong hindi rin masasagot ni Mang Tonio dahil nasa kulungan na siya. *** *creeeekkkkkkk.... Napamulat ang mga mata ko at dahan dahan napaangat ang ulo ko sa pagkakayuko ko sa lamesa ko nang dahil sa ingay na iyon. Napatingin ako sa pinto Langitngit ng pinto iyon. Napadiretso ako ng upo at tumingin ng mabuti sa pintong kusang nagbubukas na ngayon ay tuluyan ng nabuksan. Nandito na kaya siya? Pero bakit hindi ko maramdaman? Bakit ibang enerhiya ang nararamdaman ko? Napakunot ang nuo ko nang nakatitig sa labas ng office ko. May isang mahabang upuan doon. Waiting chair ng mga students ko pag may kinakausap pa ako pero nanlaki ang mga mata ko dahil may isang dalagang nakauniform na tumakbo at hindi ako pwedeng magkamali, kilalang kilala ko iyon kahit mabilis lang ang pangyayari.... Agad akong napatakbo sa pintuan at lumabas. Lumingon ako sa tinakbuhan niya at nakita ko siyang tumakbo papunta sa hagdanan kaya nagtatatakbo din ako agad doon. Nang makapunta ako sa intersection at humarap sa kaliwang side papunta sa hagdanan ay tila ba nananadya siya na makita ko siya dahil nakita ko na naman siyang bumaba at rinig na rinig ko ang ingay ng kanyang sapatos. Imbis na tumakbo muli ay binagalan ko ang lakad ko. May kakaiba na ako ulit na naramdaman at umusbong na ang kaba sa aking dibdib. Nang makarating ako sa hagdanan ay mabagal akong bumaba doon. Kakaiba na ang lamig ng hangin ngayon. Pagkakababang-pagkababa ko ay isang tahimik na hallway ang sumalubong sa akin. Ni-linga-linga ko ang paligid at ini-ikot ng mabuti ang aking mga mata sa bawat sulok. Sobrang tahimik. Kakaunting liwanag lang ang bumabalot sa buong ground floor ng school. Nang mapalingon ako sa kanan ko ay tahimik na hallway ang bumungad sa akin. Ang hallway papunta sa canteen nitong school pero sa may napansin ako sa gilid. May mga silid na madadaanan kapag nilakad ang hallway na ito. Sa dulo ng hallway bago dumiretso sa canteen ay doon, ang laboratory room. Niliitan ko pa ang mata ko dahil p-parang.....p-parang may..... .....nakadungaw na ulo. Napasinghap pa ako dahil tama ang hinala ko ng ilabas nito ang kanyang buong katawan at tuluyang pumasok sa laboratory room. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong malaman ang katotohanan ang tungkol sa pagkamatay niya. Si Christine. Agad akong pumunta sa laboratory room. Nang magtungo ako doon ay nakaawang na ang pinto. Tahimik akong pumasok doon. Tuluyan ng lumakas ang kabog nang dibdib ko. B-bakit pamilyar na ang enerhiyang nararamdaman ko? Tumambad sa akin ang mga kagamitan na sa laboratory lang makikita. Iba't ibang klase ng tubes and flasks na nakalagay sa sementadong lamesa sa may gitna. Sa kaliwa ko ay may lababo. Sa taas non ay may mga drawer na transparent ang pinto. Tahimik akong pumunta sa gitna ng mahabang lamesang semento. Sa may right side kung mula sa pinto titignan. May mga ilang experiments doon na nakalagay. Iba't ibang tubes din ang may lamang liquids. Nang makarating ako sa gitna ay napatigil ako sa paglalakad dahil feeling ko..........p-parang............p-parang may nakatayo doon sa kabilang side ng lamesa. DUGDUG! DUGDUG! Ang lakas na naman ng t***k ng puso ko. Unti-unti kong nilingon ang nasa kabilang side ng lamesa. Nanginginig ang mga kamay ko. Nang makalingon na ako ay nanlaki ang mga mata ko dahil tama ang hinala ko.... ....m-may nakatayo n-nga doon sa kabilang side ng l-lamesa.....n-nakatalikod siya sa a-akin..... ....t-tinitignan ang mga paruparong patay na at nakadikit iyon sa isang board para pag aralan pero a-ang dalagang n-nakatayo......h-hindi s-si C-christine........s-si..... ...s-si Annie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD