Anim✟:

1351 Words
BAGONG MUKHA Hindi makapaniwala si Belle sa kanyang nakita kinaumagahan. Hindi lang siya. Halos lahat ng mga kasamahan niya sa naturang paaralan pati na rin ang mga estudyante ay hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Lahat sila ay nasa gitna ng naturang eskwelahan. Nakaharap at nakapalibot sa babaeng estatwa dahil sa baba ng estatwa......doon...... ......ang walang buhay na katawan ng estudyanteng si Christine De Guzman. Nakadapa at nakataas ang isang kamay. Dilat na ang ang mata. Maitim na ang bibig. Basang basa din ng ulan ang buong katawan nito at putlang putla na rin ang buong katawan. May mga pulis na dumating at isang detective, si Detective Jacob Anderson. Maingat na tinitignan ni Detective Jacob ang bangkay habang ang mga pulis naman ay nagkakalap ng mga impormasyon sa mga staff ng paaralan. Habang si Belle naman ay nakatitig lang dito habang nakanganga dahil hindi siya makapaniwala sa nangyayari at hindi na nito napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Nang lumingon siya sa kanang bahagi niya ay doon.... ....nakita niya si Nana Clarrise na kinakausap ng mga pulis sa ground floor. Matalim ang binigay niyang tingin kay Nana Clarrise ng mapatingin din sa kanya ito. Nakita niya sa mukha ng matanda na hindi rin ito makapaniwala sa nangyari pero hindi iyon ang nasa isip ni Belle. Muling nabaling ang tingin ni Belle sa katawan ng dalaga na ngayon ay binabalot na ng mga staff ng ambulansya sa isang bag na kasya ang isang tao. At maingat itong sinakay sa ambulansya. *** "Pinilit naten siyang parusahan kahit kalagitnaan na ng gabi!" Galit na saad ni Belle sa kanyang mga kasamahan. Hindi na siya nakapagtimpi dahil hindi na niya kaya kahit nandyan si Clarrise ay nilabas niya na ang galit niya. Nasa chapel sila. Ang mga madre ay nakaupo habang si Belle, Clarrise at ang kasamahan nilang isang pari na si father Francisco ay nakatayo sa harapan at magkaharap. "Minsan ng nangyari ito kaya dapat alam na natin pwede pa ito maulit!" Dagdag pa ni Belle at isa isang tinignan ang mga madre at hinuli niya tinignan si Nana Clarrise. Hindi niya alam pero ramdam niyang may kakaiba sa kasalukuyang principal ng eskwelahan na pinagtatrabahuhan niya. "We all know Mang Tonio well.....ginugol niya ang lahat ng oras niya para lang pagsilbihan ang paaralan na ito." Dagdag niya pa muli. Halos lahat ng nasa loob ng chapel ay taimtim lamang na nakikinig sa saloobin niya pero si Clarrise ay isang malamig na tingin lamang ang binibigay sa kanya habang nakikinig. "Naniniwala ba talaga kayo na magagawa niya yung bagay na ganito?" Tanong niya sa mga ito at isa isa tinignan ang mga madre at muli niyang hinuli si Clarisse. "So what do you think happened, Miss Matriaga?" Biglang tanong ni Father Francisco sa kanya kaya napadako ang tingin niya sa pari. "I don't know." Agad na sagot ni Belle at napaiwas ng tingin. "I'll talk to my students." Sagot niya muli. "Maybe they know something." Dagdag niya pa. Nakatingin lamang si Clarisse sa kanya at binigyan siya ni Clarrise ng tingin na sinasabing pabida siya ngunit hindi iyon nakita ni Belle dahil nasa baba ang tingin nito. Nag-iisip ng malalim. Samantalang si Father Francisco naman ay hinarap si Clarisse. "What shall we do, Nana Clarisse?" Tanong ni Father Francisco dito. Napatingin din ang lahat kay Clarisse. Inaantay ang magiging sagot niya. Huminga nang malalim si Clarsise bago muling binalik sa kanyang mukha ang pagiging istrikta niya. Napatingin siya kay Father Franciscco. "Classes was suspended for the day...." Panimula ni Clarisse. Iginala ang paningin sa mga tao sa chapel bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Today we'll pray......we'll mourn....." Pagpapatuloy niya. Isang malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan bago muling nagpatuloy. "...tomorrow....classes in Wanda will resume." Pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita ay napatayo si sister Zabrina at..... "Nana Clarisse hindi ba masyadong maikli ang panahon para pumasok ulit? Marami ng mga magulang ang nag aala-" "Wala na tayong magagawa para doon!" Putol ni Clarisse sa sasabihin ni Zabrina tungkol sa mga magulang na nag-aalala na sa kanilang mga anak na pumapasok sa paaralan ng Wanda dahil nabalitaan ng mga ito ang nangyaring insidente. "Ang importante ay kung sino pa ang gustong magpatuloy!" Dagdag pa ni Clarisse kaya naman napayuko na lang si Zabrina habang si Belle naman ay kuyom ang kamao dahil sa sinabi ni Clarisse. "Kung sino pa ang mga matitira." Pagtatapos ni Clarisse. Napaupo na lamang si Zabrina ulit. "Calm down sisters." Pag-awat sa kanila ni Father Francisco dahil ramdam ng pari na may namumuo nang tensyon sa pagitan nang mga ito. "This is not the first time that this event happened here. We all remember that and we are all there." Sabi ni Francisco habang tinutukoy ang nakaraang pangyayaring katulad ng nangyari kay Christine, ang nangyari sa estudyanteng nagngangalang Selena na pareho rin ang sinapit. Nakataas ang isang kamay habang nakadapa, dilat ang mga mata. Ang pinagkaiba lamang ay sa banyo sa third floor ito nakita. Isa-isang tinignan ni Father Francisco ang mga madre bago pinapatuloy ang sasabihin. "But we are strong...." At tumingin siya kay Belle. "....we can get over with this.....God has always the answers for all of this....." Pagpapatuloy ni Francisco. Napahawak na lamang si Belle sa mahabang upuan at napayuko. "...but for now, we should seek guidance in prayer.....Wanda....will still hold its place as it is the main catholic school of the country....we will still continue the-" Pero hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil..... "Sorry Father but..." Agad na putol ni Belle dito kaya nabaling ang tingin niya dito. .....how can you say that at a time like this?" At umangat ang ulo ni Belle at nakipagtitigan siya rito. Isang buntong hininga lamang ang pinakawalan ni Father Francisco dahil wala siyang maisagot sa tanong ni Belle. *** Kinabukasan.... *tok tok tok.... Tatlong katok mula sa pinto ang narinig ni Belle habang nakikipag-usap siya kay Anna. Uwian na dapat ng mga estudyante pero hindi niya pa pinapauwi ang dalaga dahil alam niyang problemado ang bata sa nangyari sa matalik nitong kaibigan pati na rin sa pamilya nito. Napatingin sila pareho sa pinto at nagkatinginan muli. Agad na tumayo si Belle at tumungo sa pinto upang silipin kung sino ang kumakatok. Hindi niya binuksan ng todo ang pinto dahil baka mamaya ay si Clarisse ito at makita pa si Anna sa loob. Napabuntong hininga siya at parang nabunutan ng tinik sa dibdib ng makita ang detective ang kumakatok. "Pwede ka ba makausap Miss Matriaga?" Agad na tanong ni Jacob dito. Tumango lamang si Belle bago muling sinarado ang pinto. Napakamot naman sa ulo si Jacob dahil sa pinakitang ugali ng babae. Agad na sinabi ni Belle kay Anna na umuwi na pero bago pa man buksan ni Anna ang pinto ay pinigilan siya ni Belle. Hinawakan sa braso at pinaharap sa kanya dahil nakatagilid ito. "Hindi pa tayo tapos, okay?" Sabi ni Belle kay Anna. Isang malamig na tingin lamang ang isinagot sa kanya nang dalagita. Napabuntong hininga naman si Belle bago ilapad ang kamay sa harap ng dalagita. Napatingin si Anna sa palad niya bago siya tingalain. "Akin na, mapapagalitan ka na naman dahil dyan." Sabi ni Belle dito at pinanatili ang kamay na nakalapad. Inikot ni Anna ang kanyang mata dito at sapilitang kinuha ang isang kaha ng sigarilyo sa bulsa ng kanyang palda at padabog na inilagay sa palad ni Belle. Hahawakan na sana ni Anna ang doorknob muli ng pigilan ulit siya ni Belle. "Pati yung posporo akin na." Sabi muli ni Belle dahilan para umirap na naman ang dalaga at mapabuntong hininga bago agarang kinuha ang posporo sa kabilang bulsa ng kanyang palda ang isang kahon ng posporo at padabog muli na ibinigay kay Belle. Si Belle na ang nagbukas ng pinto para kay Anna para makalabas. Saktong pag-labas ng pinto ay napatitig si Anna sa lalaking nasa harap niya na. ."Halika, pasok ka." Pag-aaya ni Belle bagong mukha na dumating kaya nagbigay daan si Anna para dito pero hindi niya inalis ang titig sa mukha ng bagong dating. Hanggang sa maisarado na ni Belle ang pinto ay napatitig na lang si Anna sa nakasaradong pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD