Lima✟:

1099 Words
CONFESS YOUR SINS Napasinghap ako at agad na napabangon sa pagkakayuko sa lamesa ko. Nang ilibot ko ang mga mata ko kung nasaan ako ay nandito pa rin pala ako. Sa office ko. Napahilamos ako sa mukha ko tungkol sa nangyari. Panaginip lang pala. Panaginip nga lang ba? Nabaling ng atensyon ko ang tape recorder na nasa lamesa ko na patuloy sa pagtunog. Agad kong pinindot ang button non para patayin. Naririnig ko na rin ang radyo na patuloy sa pagbabalita na kanina lang ay tumigil. Biglang sumagi sa isip ko yung mukha ni Annie. Lalo na yung sinabi niya. Hindi raw siya pwede umalis, bakit? Anong dahilan? Ano bang pumipigil sa kanya? Lumingon ako sa kanan ko kung saan nandoon yung whiteboard ko na may nakasulat pa na mga equations. Katabi non ay isang wall clock. Lagpas alas dose imedya na pala ng gabi. Muling nabaling ang atensyon ko sa tape recorder ko. Kinuha ko agad iyon at sinet-up ko doon sa ni-record ko kanina dahil siguradong hindi ako nananaginip lang. Totoong nangyari iyon. Nang ma-i-on ko ay katahimikan ang bumungad sa akin at halos wala akong marinig nung una pero.... "Saan naman tayo pupunta?" Rinig ko mula sa tape recorder at sigurado akong ako iyon. Naghintay ako ng pangalawang boses. Ang boses ni Annie pero tumagal ang ilang segundo pero.... "B-bakit naman hindi?" Tanging boses ko pa rin ang narinig ko dahilan para mapakunot ang aking nuo. "G-ganoon ba yung mga nangyayari sa....." Pinatay ko na lamang muli ang tape recorder dahil halata namang wala iyong silbi. Baka pag narinig ng ibang tao iyon ay sabihan pa akong baliw. Agad akong tumayo at ibinalik ng maayos ang mga kagamitan ko sa lalagyanan ng mga ito. Mabilis na nilisan ko ang office ko at sinigurado kong ni-lock ko iyon. Nang na naglalakad ako sa hallway ay wala na akong maramdaman. Nagtago na naman siya ulit. Hanggang sa makababa na ako at mapadaan sa estatwang nakatayo sa gitna ng espasyo dito sa school. Tumingin muna ako sa estatwa pero nakuha ng atensyon ko ang bagay na nakadungaw sa bintana doon sa building kung saan ako nakaharap. Dahil nakaharang ang estatwa ay umabante pa ako ng kaunti. May nakasilip sa third floor. Tao ba iyon? Nakabukas pa ang ilaw pero teka nga..... .....office yon ni Nana Clarrise ah? Wala ba siyang balak umuwi? Ang alam ko kasi ay may nauuna pa siya umuwi sa mga teachers dito eh. Tsaka ko lang naalala na may pinaparusahan na naman na bata ngayon dahil nga may ginawa na namang labag sa patakaran dito sa Wanda. Si Christine De Guzman. Ang estudyanteng nag-cutting classes at mismong klase pa ni Nana ang natipuhang ipagpaliban. Sana naman ay pinauwi na nila ang bata. Hays, di bale na. Gusto ko nang mahiga at matulog sa kama ko. Nakakapagod ang araw na ito. Kaya binaliwala ko na lamang iyon at naglakad na papunta ng gate. Naglangitngit pa nga ang gate ng maisarado ko iyon. Ni-lock ko na rin. May sariling susi naman si Nana Clarrise kung nasa loob pa siya. *** Third Person Sa chapel ay isang estudyanteng ang nakaluhod sa harap ng altar. Nakapiring ang mga mata at buong takot na nagdarasal habang nasa mga kamay nito ang isang rosaryo. Umiiyak ito at nanginginig ang katawan. "D-dimitte mihi pro peccatis meis...."(P-patarawin niyo po ako sa aking mga nagawang pagkakasala) Sambit ng dalaga. Ang ginagawa niya kasi ay isang parusa dahil sa paglabag niya sa patakaran ni Nana Clarrise. Patuloy lamang siya sa paghingi ng tawad habang umiiyak dahil takot na takot siya. Gabing gabi na kasi. Napasinghap ang dalaga ng may maramdaman siyang humawak sa kanyang kanang balikat pero agad na nawala ang kanyang kaba ng marinig niya ang boses nito ng magsalita ito. "Hoc satis est, ut spero, meministi."(Sapat na iyan, sana naman ay mag tanda ka na.) Sambit ng kanyang Nana Clarrise sa kanya. Para naman siyang nabunutan ng tinik sa sinabi nito. *** Sa kabilang dako ay nakauwi na si Belle sa kanyang tinitirhan. Nakahiga na siya ng patagilid pa-kaliwa habang hawak ang kanyang tape recorder. May pinapakinggan siya. "Pang anim na iyon na nakausap ko na si Annie pero hindi niya pa rin kinukwento ang buhay niya sa akin." Rinig niya sa tape recorder. Siya iyon at ni-record niya lamang iyon kani-kanina lang nang makauwi siya. Routine niya na ang self recording tuwing nakakausap niya ang kaluluwang gumagala sa buong campus ng Wanda. "I know she needs someone to talk to pero ayaw niya talagang sabihin sa akin ang totoong nangyari sa kanya." Rinig niya muli sa tafpe recorder. Nakatitig lamang siya dito. "Bakit niya kinitil ang sarili niyang buhay o kaya kung sino ang gumawa sa kanya non?" Rinig niya muli. "Kung alam ko lang ay baka mas makilala ko pa ang mga estudyante ko..... .....bago sila mapahamak." Pagkatapos niyang marinig iyon ay agad niya ring pinatay ang tape recorder. Maingat niyang inilapag ang tape recorder sa lamesa sa tabi ng kama niya at muling humiga. Tumitig siya sa kisame. Nag iisip ng malalim. *** Tahimik na naglalakad si Christine sa nakakatakot na hallway sa may third floor. Siya yung dalagitang pinarusahan ni Nana Clarrise na nagdarasal sa maliit na chapel sa third floor. Mag isa lamang siyang naglalakad sa gitna. Tahimik din siyang umiiyak. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib habang nakayakap siya sa kanyang sarili. I-dagdag pa na ang lakas pa ng ulan at rinig na rinig ang nakakatakot na kulog at kidlat. Nanginginig siya pero hindi sa lamig..... .....nanginginig siya sa takot. Hindi kasi siya sinamahan ni Nana Clarrise na bumaba para makauwi na at kanina niya pa nararamdaman.... .....may sumusunod sa kanya. Ayaw niyang lumingon sa kanyang likod. Patuloy lamang siya sa paglalakad na mabagal habang humihikbi. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Pero napatigil siya at nanlaki ang mga mata dahil..... "Pssst!" Nanlaki ang kanyang mga mata ng marinig ang sino mang sumitsit. "Pssst!" DUGDUG! DUGDUG! Sunod sunod na paghinga ang kanyang ginawa dahil sa kabang nararamdaman. Sino iyon? Tanong niya sa kanyang isipan. Lilingunin ko ba? Tanong niyang muli sa isipan niya. Maglalakad na sana siya muli at pilit na babaliwalain ang tunog na iyon pero.... "Pssst!" Kaya marahas ang ginawa niyang paglingon sa kanyang likod at tumambad sa kanya ang... ....tahimik na corridor na dinaanan niya kanina. Isang malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan dahil wala naman pala pero nang makaharap siya upang magpatuloy sa paglalakad ay..... ......"Kkyaaahhh!!!!" *** Ni-try ko naman po padamihin ng words ag chapter na ito pero ito lang talaga yung punto ng chapter. Anyways, enjoy readings:) -ayderp
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD