Labing Pito✟:

1995 Words
THE PICTURES AND THE BLINDFOLDED GIRL. Maingat na kinuha ni Belle ang folder na may nakasulat na pangalang Annie Ventura. Dahan-dahan niyang binuksan ang itim na folder. Tumambad sa kanya ang makakapal na papel pero ang isang papel na nakaipit sa unahan ang pumukaw ng kanyang pansin. Isang class picture. Isang makalumang picture. Ito ang inihiwalay niya sa folder. Nilapag niya ang folder sa lamesa habang ang isang kamay niya ay nanatiling nakahawak sa litrato. Pinagmasdan niya nang mabuti ang litrato. Mga estudyanteng katulad na katulad ang uniform ng mga estudyante nila ngayon pero isang estudyante ang umagaw ng pansin niya sa litrato. Maliit na dalaga. Nasa gitna nakapwesto. Hindi ito nakangiti. Nakafierce lang ang mukha at pormal na nakatayo. Mula sa buhok nito. Hanggang sa mga mata at labi. Parang nakita niya na ang bata kaya napaisip siya at nanlaki pa ang mata niya na maalala niya ang binigay ni Anna na papel sa kanya noon. Ang batang nakaukit sa papel na binigay ni Anna ay ang batang nasa makalumang litrato na hawak niya ngayon! Samantala, sa chapel. Unti-unting napalingon si Nana Clarisse sa pintuan ng chapel. Matalim ang kanyang naging tingin na para bang may nararamdaman siyang masama. Ramdam niyang may nangialam sa mga gamit niya. Kaya habang kumakanta at nagdarasal ang mga kapwa niya madre ay tahimik muna siyang lumabas ng chapel. Si Belle naman ay tinigilan muna ang pagtitig sa makalaumang litrato. Maingat niyang inipit muli ang litrato doon sa may itim na folder. Habang si Nana Clarisse naman ay sa isang iglap ay nasa harap na ng hagdanan patungong third floor. Suot niya ang natura niyang aura na masungit at strikta. Luminga-linga muna siya sa ground floor kung may kahina-hinalang taong nakatingin sa kanya. Nang masigurado niyang wala ay nagsimula na siyang umakyat patungong office niya sa may third floor. Nang maibalik ni Belle ng maayos litrato ay nadako ang tingin niya sa drawer na pinagkuhanan niya ng itim na folder. Dahil sa gilid sulok ng drawer ay may isang itim na garapon doon. Dahan dahan niyang kinuha iyon. Nang mahawakan niya iyon at maiangat ay nakita niya ng malinaw na may nakadikit na papel dito na may nakasulat na..... "A.V." Dala ng kanyang kuryosidad ay binuksan niya ang garapon at doon niya lang napagtanto na isa itong parte ng tape. Tape na kung saan pag ginamitan mo ito ng isang makina na panglitrato ay makikita mo kung ano ang tanawin na nakuha sa loob nito. In short para itong picture kaso kailangan pa gamitan ng isang makina para makita mismo ang litrato dahil makaluma ang litratong ito. Tuluyan ng nakarating si Nana Clarisse sa third floor at walang lingong likod siyang lumiko ng lumiko hanggang sa makarating na siya sa hallway ng kanyang office. *** Belle Matriaga Hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko. Ito ba ang mga impormasyon ni Annie noon na itinatago lang ni Nana Clarisse? At itong hawak ko na tape. Sigurado akong may laman ito na maglilinaw sa lahat. Nakatitig lamang ako sa tape na binuka ko ng sobra pero napasinghap ako ng may marinig akong susi mula sa labas ng pinto at nagsimula na akong kabahan ng marinig kong parang may nagsalpak ng susi sa pinto at bubuksan ang pinto kaya sa kaba ko ay mabilis pa sa alas kwatro kong kinuha ang itim na folder sa lamesa at ibinalik iyon sa drawer pati na rin ang tape na nakuha ko at yumuko sa may lamesa. Bahagya ko pang hinila pabalik sa gitna ang upuan ni Nana Clarisse para hindi ako mahalata. Sakto namang paghila ko sa gitna ang upuan ay doon ko na narinig na bumukas ang pinto at sa kaba ko ay tinakpan ko na lamang ang bibig ko para hindi ako makalikha ng ingay. S-si N-nana Clarisse ba iyon? Bakit ang bilis naman yata matapos ng lunch. Napapikit na lang ako ng may marinig akong boses mula sa labas. "Back to the office so soon? It's almost lunch time. The sisters are all downstairs." Rinig kong boses mula sa labas at sigurado akong boses ni Father Francisco iyon. "It's okay Father, I just have to check something." Rinig ko namang isang boses at malapit lang iyon at walang ibang nagmamay-ari ng boses na iyon kung hindi si Nana Clarisse. Kusang umangat ng bahagya ang ulo para siguraduhin kung nasa pinto ba si Nana Clarisse at agad din akong yumuko ng makita kong nandoon nga siya tuluyan niya ng nasusian ang pinto pero hindi niya pa niya binubuksan ng pagkalaki-laki. Hawak niya lang ang doorknob pati na rin ang susi sa magkabilang kamay habang nakatingin sa gilid. Siguro ay nandoon si Father. "Oh come on Nana Clarisse, take a break with us. Let's go." Rinig kong muling saad ni Father Francisco. Saglit na namayani ang katahimikan pero maya maya ay narinig ko na ang pagsarado ng pinto tapos tumahimik na ulit. Bumaba na kaya ulit siya? Dahan dahan at tahimik kong inangat ang ulo ko. Iniiwasan kong masagi yung upuan dahil baka makagawa ng ingay. Nakahinga na lang ako ng malauwag ng makita kong sarado na nga muli ang pinto. Habol ko ang hininga ko dahil doon. Muntik na akong mahuli. Muli kong binuksan ang drawer sa kaliwang side at doon. Ang nakita ko kanina. Kinuha ko lamang ang tape pati na rin ang makalumang litrato. *** Click......click...... Rinig kong tunog ng tape machine habang nakayuko ako. Nandito ako ngayon sa printing room ng pictures. May mga nakasabit pa na pictures sa magkabilang gilid ko na pinapatuyo pa. Click.... Rinig kong tunog ulit ng tape machine kasabay noon ay nakitang kong pangalawang litrato na sa tape na nakuha ko sa office ni Nana Clarisse. Ayun yung class picture rin na nakita ko kanina na ngayon ay nasa bulsa ko. Nakasuot pa rin kasi ako ng pang madre. Hindi ko na inabala magbihis dahil hindi pa naman tapos ang lunh time. Kasunod na litrato naman ay ang kasama ni Annie si Nana Clarisse. Nakahawak sa balikat kanang balikat niya si Nana Clarisse habang siya ay nasa kaliwang gawi ni Nana. Kasunod na imahe na lumabas ay nakatagilid siya habang nakatingin sa camera. Mag isa lang siya at yung background niya ay isang puno. Nakita ko na ang puno na iyon. Nasa labas sa gilid ng estatwang babaeng nakapiring. Nakabag siya at katulad kanina, nakafierce ang mukha niya. Akala ko ba masayahin si Annie? Muli kong pinindot ang button at kasunod na lumabas na imahe ay tatlong dalagita. Sa kaliwa ay si Annie habang nakatingin sa isang bagay na hawak ng babaeng nasa gitna at nakatingin doon ang babaeng nasa gawin kanan. Masaya ang dalawang dalagita habang si Annie ay pilit lang ang ngiti. Hindi masyadong kita kung ano yung bagay na hawak ng dalagitang nasa gitna. Marami pa akong nakitang litrato na puro si Annie ang mukha. Hanggang nasa pangalawang huling litrato na ako. Ang imahe ay nakaupo si Annie sa isang upuan na may patungan ng kamay sa magkabilang gilid. Pormal siyang nakatuwid ang katawan at may hawak na frame na nakapatong sa kanyang mga hita na inaalalayan ng kanyang dalawang kamay. Nakaukit sa frame ay dalawang kamay na sobrang ganda ang pagkakagawa kaya kusa akong napangiti dahil sigurado akong gawa niya ang bagay na iyon. Hanggang sa nasa dulo na akong litrato at...... "Diyos ko po!" Naibulalas ko na lamang at nanlaki pa ang mata ko kasabay ng pag atras ko at pag takip ng isa kong kamay sa bibig ko. Namatay na ang tape machine pero hindi pa rin maalis sa isipan ko ang huling litrato na nakuhanan. Creakkkkk...... Awtomatiko akong napalingon sa likod ko dahil sa tunog na iyon at nagsimula na akong kabahan. Pero nakakamatay na katahimikan lang ang tumambad sa akin. Muli akong napatingin sa tape machine pero hindi na ako lumapit pa doon para tignan ang litrato. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. Dahil ang huling litrato........ay ang imahe n-na......... ........n-nagbigti talaga si Annie. *** Nasaan ako? Bakit ang dilim? Bakit hindi ako makapagsalita? Tanong ko sa isip ko dahil halos wala talaga akong makita kung hindi kadiliman pero nanlaki ang mata ko ng makita ko ang sarili ko sa hallway sa thirdfloor papunta sa office ni Nana Clarisse pero para akong tinakasan ng hininga ng makita ko ang katabi ko. D-dahil ang k-katabi ko.........a-ang k-katabi ko a-ay....... .......si Annie! Muli akong napapitlag nang magbago ang imahe na nakikita ko. Isang classroom na walang katao-tao kung hindi mga upuan lamang pero pamilyar ang kwarto. Maya-maya pa ang nanlaki na naman ang mga mata ko at bahagya akong napaatras ng may mga lumitaw na babaeng estudyante. Lahat ng mga upuan ay may mga nakatayo nang estudyante at nakatalikod sa gawi ko. Lumipat muli ang nakikita ko kaya napakunot na ang nuo ko. Nananaginip na naman ba ako? Ang nakikita ko ngayon ay ang mga batang nagsasagawa ng jumping jacks sa may open court sa Wanda kung saan kami nag usap ni Zabrina noon. Muli na namang lumipat ang nakikita ko. Ngayon ay nasa rooftop na ako ng building namin. May mga nakasampay na damit na pang madre sa mga tali na sinasampayan pero napukaw ng pansin ko ang batang nakauniform sa likod ng isang puting telang pang madre. Nakatayo lang siya at alam kong nakaharap siya sa gawi ko pero nahaharangan ng tela ang mukha niya. Maglalakad na sana ako papunta sa kanya ng lumipat na naman ang nakikita ko. Ngayon ay nasa office na ako mismo pero masyadong mahina ang ilaw ko at parang madilim. Doon ko lang nakita ang batang babaeng nakaupo ngayon sa harap ng table ko kaya napaatras ako. Nasa pinto ako. Bahagya akong kinabahan. S-si Annie ba ito? "A-ann-" Pero hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng lumipat na naman ang nakikita ko. Hindi ko alam pero nakikita ko ay may babaeng nagtatago sa ilalim ng lamesa ng lumabas ang ulo niya ay hindi ko alam ang mararamdaman ko. Dumungaw mula doon si Christine! Doon ko nakita ang sarili ko na nagmulat ng mga mata habang nakahiga ako patagilid sa kama ko pero napakunot na naman ang nuo ko ng makita ako ang sarili ko na nakatayo sa salamin pero......... ........lumuluha ako ng dugo! Anong nangyayari?! Bakit ganito?! Lumipat ang nakikita ko. Isang imahe ni Mama Mary pero bigla akong kinabahan dahil......d-dahil..... .....gumalaw siya at lumuha ng dugo at nakangiting nakangiting nakatingin sa akin! Muli na namang lumipat ang aking tingin sa salamin pero tuluyan na akong naluha dahil nakita ko na naman ang sarili ko salamin pero......a-ang sarili.......a-ang repleksyon-n ko...... ......masamang nakatingin sa akin habang lumuluha ng dugo. Gusto ko ng magising! Ayoko na nang panaginip na ito! May naririnig pa akong boses na parang kumakanta ng ritwal kaya lalo akong kinabahan. Lumipat muli ang senaryo sa paningin ko at ngayon nakikita ko ang upuan at nakaupo ako ngayon. Nakatingin lang ako sa upuan dahil wala namang tao doon at kadiliman lang nasa likod ng upuan. Kinakabahan ako pero bakit hindi maigalaw ang katawan ko. Sa kakatitig ko sa upuan ay may naaaninag ko mula sa kadiliman sa likod non ang isang puti....... ........pero napaatras ako ng tuluyan ko ng makita iyon ng umabante pa iyon.....d-dahil.........a-ang b-bagay na iyon ay....... .....ang estatwang babaeng nakapiring sa gitna ng school at naglalakad na siya ngayon! Rinig ko ang kaba sa dibdib ko. Halos habol ko ang hininga. Tuluyan ng nakalapit ang estatwang babaeng nakapiring sa upuan at huminto siya doon kaya lalo akong kinabahan. Panaginip pa ba ito? Bakit hindi ako magising kahit pinipilit kong magising! Pero parang akong nanlamig at naestatwa sa kinatatayuan ko nang makarinig ako ng umiiyak at......p-parang........... .......n-nasa gilid ko siya! Muling namayani ang katahimikan at tumigil na ang naririnig kong iyak. Ang tahimik. Sobrang tahimik pero nanlaki ang mga mata ko dahil.......d-dahil....... "H-hindi........h-hindi!!" Tuluyan na akong napasigaw dahil.......a-ang n-nakikita ko ngayon ay ang sarili ko habang nakaupo sa upuan ko p-pero........m-may n-nakahawak sa kanang balikat ko........n-nakangisi siya.........madumi ang mukha at mukhang baliw........ ......s-si Annie! "H-huwagg!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD