Labing Walo✟:

2668 Words
THE CONFESSIONS Clarisse Fuente "Huwag!!!!" Sigaw ko at awtomatikong akong napabangon sa pagkakahiga ko sa kama ko habang habol ko ang hininga ko. Kasabay non ay pagkarinig ko ng malalakas na kulog at kidlat mula sa labas. Panaginip. Isang masamang panaginip tungkol kay Belle, ang guidance counselor ngayon sa Wanda. Ilang beses muna akong humugot ng hininga dahil para akong nakipagkarera dahil doon. Si Belle nakaupo sa upuan niya habang nakapatong sa isang balikat niya si Annie nakangisi at sobrang dumi ng mukha. Iwinaglit ko na lamang iyon sa isipan ko at napahilamos muna ako mukha sa mukha ko bago ako tumayo at pumunta sa banyo nitong apartment na tinitirahan ko ngayon. Medyo may kalayuan ito sa Wanda Academy pero may kotse naman ako kaya hindi ako nalelate sa trabaho ko. Nang makapasok ako sa banyo ay agad akong pumunta sa sink at binuksan ang gripo doon. Agad akong yumuko at naghilamos ng mukha ko. Muli akong nag angat ng tingin. Kita ko sa wall mirrored drawer ko ang sarili kong repleksyon. Pagod at stressed ang nakikita ko sa mukha ko pero muli kong naalala ang panaginip kong iyon tungkol kay Belle. Iwinaglit ko na lamang ulit iyon at pinipilit ko ang sarili ko na panaginip lang iyon. Muli akong yumuko at naghimalos ng mukha pero napalingon ako dahil nakarinig ako ng tatlong katok mula sa pintuan nitong apartment room. Agad kong kinuha ang tuwalya nakasabit sa gilid ng drawer at saka lumabas habang nagpupunas ng mukha ko. Sino naman kayang manggagambala ng tao sa kalagitnaan ng gabi at isakto mo pang umuulan? Nang matapat na ako sa pinto ay agad kong binuksan iyon pero hindi ko inaasahan ang taong nasa harapan ko ngayon na kanina ko lang napanaginipan. Nakatingin sa akin ng matalim pero hindi ko inaasahan ang tanong niya. "Kilala mo si Annie Ventura hindi ba?" Tanong niya sabay angat ng isang pamilyar na litrato kahit makaluma ito. Ang class picture ng section ni Annie noon. Hindi agad ako nakaimik. *** "What happened to Annie nung mga panahong yon?" Tanong niya agad. Nasa kanang gilid siya ng kama, nakatayo habang nakatagilid sa akin at nakaharap sa bintana. Sa gilid niya ay nandoon ang wardrobe ko. Sa harap niya naman ay ang lamesa na tanging sculpture ni Kristo lang ang nakalagay. Alam kong napatingin siya sa akin kahit nakayuko ako. Nakayuko na parang tupa dahil wala na akong takas pa kung hindi sabihin sa kanya ang lahat. "Kay Christine?" Tanong niya pa at medyo may kalakasan iyon. Huminga muna ako ng malalim bago ako nag angat ng tingin. Tama nga ako, nakatingin siya sa akin ng matalim kaya napaiwas ako ng tingin at muling yumuko. "Katulad mo, I was also a guidance counselour before." Panimula ko. "Ayun yung mga panahon na mga madre pa lang ang nasa Wanda." Sabi ko pa at tinitigan ang makalumang class picture ng section ni Annie ngayon na nasa kamay ko. "Paano ko naman tutulungan ang isang taong ayaw naman ng tulong?" Tanong ko sa kanya. Taimtim lang siyang nakikinig sa akin. "Ganyan si Annie." "Akala ko ba closed kayo sa isa't isa?" Rinig kong tanong niya habang nakatitig ako sa litrato. "Totoo naman iyon." Sagot ko sa kanya. "Totoong malapit kami sa isa't isa, mahilig siyang magkwento ng kung ano ano. Siya nga ang pinakasikat sa Wanda noon dahil talented at matalino talaga siya pero......" Pangbibitin ko sa kanya dahil bumibigat na namang ang pakiramdam ko ng maalala ko si Annie. "Pero ano?" Tanong niya at halatang naiirita na sa paghihintay. "....pero isang araw ay nagbago siya. Hindi na siya pumupunta sa office ko. Madalas siyang nasa banyo sa may third floor nagkukulong." Sabi ko sa kanya. "Kinausap ko siya tungkol sa problema niya dahil baka matulungan ko siya pero ni isa sa amin ay ayaw niya nang magsalita, bumabagsak na ang mga grades niya at ang ibang mga estudyante ay inaasar na siyang baliw dahil sa mga kilos niya." Dagdag ko ulit at hindi ko na napigilan ang maluha. "M-may isang araw na sinabi ko sa kanya na huwag niyang hayaan na kainin siya ng problema niya at ibigay lahat sa Diyos ang mga problema niya dahil iyon na lang ang natitira kong pag asa para makatulong sa kanya pero......p-pero hindi sapat ang Diyos para sa kanya." Sabi ko pa. Narinig ko ang pagtawa niya ng pagak sa mga sinabi ko. "Tssk, ganoon na lang iyon Nana? Ganoon ka kabilis sumuko?" Sabi niya dahilan para mapatingin na ako sa kanya. Nasa tingin niya ang panunumbat at para na rin siyang naluha. "N-ngayon ay nauunawaan ko na........hindi lahat ng sagot ay manggagaling sa Diyos." Naibulalas ko na lamang at lalo na akong napaiyak. "P-pinagsisihan ko ang kaduwagan ko noon." Dagdag ko pa pero..... "Eh kung nagsisisi ka, bakit mo hinaharangan yung mga ginagawa ko?!" Padabog na tanong niya. "Bakit mo ko hinaharangan na makatulong sa mga paraan na kaya ko?!" Sigaw niya pa pero hindi ko magawang sagutin iyon. "Sabihin mo sa kanya na patawarin niya ako." Patuloy ko sa pag iyak. Nakita ko sa peripheral vision ko na humarap muli siya sa bintana. Hanggang ngayon ay umuulan pa rin at rinig na rinig namin ang malalakas na kulog at kidlat. "Humingi siya ng tawad sa Diyos sa lahat ng mga kasamaan na ginawa niya dito sa mundo." Dagdag ko pa dahilan para muli siyang mapatingin sa akin. "Ginawa niya? Anong kasamaan ang sinasabi mo?" Tanong niya na may kunot ang nuo. Unti-unti akong napaangat ng tingin muli sa kanya. "H-hindi lang si T-tonio ang nakita ko nung gabing mamatay si Christine, Belle." Sabi ko sa kanya ng maalala ko ang gabing iyon. "Anong ibig mong sabihin?" "N-nakita ko din si Annie sa building natin mismo matapos mapatay ni Tonio si Christine. Nakangisi siya........kahit umuulan non at malakas ang kulog at kidlat ay sigurado akong si Annie iyon." Paliwanag ko sa kanya at siya nama'y lalong napaiyak sa sinabi ko. "M-may rason kung bakit sila nananatili sa mundong ito at ni isa beses ay hindi ako sumubok na makialam dahil iyon ang banta sa amin." Paliwanag ko pa dahil ayokong malagay siya sa kapahamakan ng dahil sa pangingialam niya kay Annie. "Kaya kahit gusto kong tulungan si Tonio ay mas pinili kong itago ang katotohanan mula sa Wanda, kay Christine..........pati na rin sayo Belle."Pagtatapos ko. Hindi siya makapaniwala habang nakatingin sa akin. Nanlalaki ang mga mata niya at halos nakanganga na. "Dahil hindi na dapat pinapakialaman ang mga bagay na labag sa kagustuhan ng Diyos." Dagdag ko muli. "Karamihan sa mga espiritu na hindi makatawid ay ang mga espiritung punong-puno ng galit....." Dagdag ko muli at bahagyang tumaas ang boses ko kaya napaiwas siya ng tingin. ".......na hindi nila alam ay nakakasakit na sila sa iba. Sa puntong iyon ay hindi ko na alam ang gagawin, dahil wala na akong magagawa pa!" Sigaw ko at muli akong napayuko. Para na akong baliw dahil hindi ko na talaga ang gagawin. Nanginginig na ang buong katawan ko pati na rin ang pananalita ko lalo pa akong napaiyak. "Hindi mo ako katulad Nana." Rinig kong saad niya. "Dahil handa akong tulungan siya sa abot ng makakaya ko." Pagkasabi niyang iyon ay kinuha niya ang susi ng kotse niya na nilagay niya sa lamesa ko at mabilis na umalis. Ako naman ay todo ang pag iyak dahil nagsisisi akong wala man lang akong nagawa sa mga panahong alam kong may magagawa ako. *** Belle Matriaga Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng narinig ko mula kay Nana Clarisse. Paanong nangyari na ang masayahin na bata magiging ganoon kailap sa susunod na araw? Beep.Beep. Narinig kong ingay ng kotse mula sa labas kaya agad akong tumingin sa bintana. May kotse doon sa harap ng tinitirahan ko kaya agad akong nagpunta ng hagdanan. Habang pababa pa lang ako ng hagdanan ay may narinig na akong sigaw. "Belle! Nandito na ako!" At sa sigaw ni Jacob ay tuluyan na akong nakababa hanggang sa garahe at namataan ko siya nasa labas na nang gate dala ang isang bagay na hindi ko alam. Umuulan kaya takip takip niya isang sa ulo para hindi mabasa. Mabilis na pumunta ako ng gate para pagbuksan siya. "Sorry sa abala ah." Sabi ko kanya habang binubuksan ko ang lock ng gate. "Walang problema." Sagot niya naman at tuluyan ko nang nabuksan ang gate. "Pasok ka." Sabi ko sa kanya na agad niya ring ginawa tsaka ko sinarado ang gate. "Belle, I already found what you've asked for." Biglang sabi niya sa akin ng maisarado ko ang gate kaya napatingin ako sa kanya. Iniangat niya ang dala niyang bag. Bakas sa mukha niya ang kaseryosohan. "You need to see this one." *** "Anong nakita mo?" Tanong ko agad sa kanya ng makapasok kami sa kwarto ko. Agad kong tinabi ang mga folders at kung ano ano pang nasa lamesa ko. "With Annie, nothing." Sagot niya kaya napatingin ako sa kanya. Siya naman ngayon ang naglapag ng mga gamit niya sa desk ko. "She hung herself sa isang banyo sa Wanda at iyon lang talaga ang nakita sa kaso..." Sabi niya dahilan para mapasapo ko ang nuo ko. Naipatong ko ang dalawang kamay ko sa lamesa para umalalay sa katawan ko. "Napagdesisyunan na suicide yung ginawa niya pero sa kaso ng tatay niya may nakita ako." Saad niya ulit kaya muli akong napatingin sa kanya. Seryosong nakatingin siya sa akin. "Si Juanito Ventura." Sabi niya pa. "Tatay ni Annie?" Imbis na sagutin ako ay binuklat niya yung folder na white na inilapag niya sa lamesa ko. Tumambad sa amin ang isang birth certificate pero mas napukaw ng atensyon ko ang litrato sa left side ng folder. May isang babaeng sigurado akong patay na habang nakalambitin ang katawan sa isang kotse habang nakabukas yung pintuan ng kotse. "Dalawang taon matapos mamatay si Annie, pinatay ni Juanito yung asawa niya." Paliwanag niya at tinuro pa yung litrato. "Inside his car, sa labas mismo ng Wanda. Sinakal niya para mamatay." Sabi niya pa kaya napaisip ako at tumitig doon sa certificate. "Ayun din yung sabi niya sa akin eh." Saad ko at namalayan ko na lang sinabi ko ng magtanong si Jacob. "Sino?" Tanong niya dahilan para mapatingin ako ulit sa kanya pero napaiwas din ako ng tingin. "Nang mga estudyante, ito yung kumakalat na chismis sa Wanda eh." Sabi ko na lang kahit si Annie mismo nagsabi sa akin non. "Si Juanito ginawaran ng bitay at sa electric chair dinala." Pang iiba niya ng usapan kaya nakinig na lang ako ulit. "Ang sabi nila nabaliw siya dahil sa pagkamatay ng Anak niya pero wala namang nakitang motibo kung bakit niya ginawa yon sa asawa niya." Sabi niya pa at ngayon ay hawak niya na yung tape recorder niya. "I got Juanito's confession, listen to this." Saad niya ulit at inilapag na ang tape recorder at pinindot ang isang button sa gilid. "Oo, pinatay ko ang asawa ko." Rinig kong panimula sa recorder. Malalim ang boses na para bang galing pa sa ilalim ng lupa. "Bakit mo siya pinatay?" Rinig kong pangalawang boses. Ang boses na iyon ay parang normal na boses lang kaya sigurado akong reporter iyon o kaya pulis. "Hindi ko din alam, parang hindi ako yung kumokontrol sa katawan ko nang oras na yon." Sagot naman ni Juanito. Pati si Jacob ay nakikinig lang habang nakalapag din ang mga kamay sa lamesa. "Madalas naman kaming nag aaway pero hindi naman umaabot sa ganito kalala." Rinig ko ulit na sabi ni Juanito. "Basta napuno na lang ako ng galit." Sabi niya pa. Si Jacob naman ay may kinuhang isang tape sa bag niya na nakalapag din sa lamesa. "Galit na hindi ko pa naramdaman noon pero bigla na lang lumabas kaya ayun ang nagawa ko." "Teka lang nasa iyo yung tape recorder mo di ba?" Pagsingit ni Jacob kaya hindi ko naintindihan yung pang huling sinabi ni Juanito. Tumango na lang ako kay Jacob at mabilis na inilabas ang tape recorder na nasa drawer lang sa ilalim nitong lamesa. Mabilis na sinalpak niya yung tape na hawak niya sa tape recorder ko. "This is Tonio's confession." Pagtukoy niya sa tape na hawak niya kanina kaya napatango na lang ako. Kinuha niya yung kanya tapos sabay na pinindot yung button ng dalawang tape recorder matapos niyang ilapag sa lamesa. "Diyos ko po tulungan niyo ako, hindi ko po sinasadya na gawin iyon."( Tonio's Confession) "Hindi ako yan, hindi ko magagawa yan." (Juanito's Confession) Magkasabay na rinig ko sa dalawang recorder. "Tulungan niyo po ako hindi ako mamatay tao." "Hindi ko kasalanan iyon, hindi ko lang makontrol ang sarili ko." Taimtim lang kaming nakikinig ni Jacob. "Nilapit ko yung mga kamay ko sa leeg niya at sinakal ko." "Nilapit ko yung mga kamay ko sa leeg niya at sinakal ko." Pagkarinig ko sa mga iyon ay napatakip na lang ako sa bibig ko at naglandas na kusa ang mga mumunti kong luha. "Piniga ko hanggang sa mawalan na siya ng hininga." "Piniga ko hanggang sa mawalan na siya ng hininga." Napaatras pa ako dahil sa sabay nilang sinabi. Napaalalay naman agad si Jacob sa akin. "Hindi ko alam kung bakit ginawa ko iyon." "Basta wala na akong kontrol sa sarili ko." "Hindi ko makontrol yung katawan ko." "Hindi ko alam kung bakit." Unti-unti ako napatingin kay Jacob na ngayon ay nakatingin na din sa akin at hindi rin makapaniwala. "Pakiusap huwag niyo po akong ikulong!" "Hindi ko talaga alam kung anong nangyari sa akin!" "May pamilya ako!" Rinig kong huling sigaw ni mang Tonio bago natapos ang record. Sa pagtitinginan namin ay ako na nagputol. "I need to go." Sabi sabay punta sa drawer ko na nasa likod ko lang. Sa gilid non ay nakasabit coat ko na maong. "Teka Belle saan ka pupunta?" Rinig kong tanong niya habang papalapit ako doon. "I need to go to Wanda para sa kaso." Sabi ko sa kanya ng makuha ko iyon coat ko. Nakita ko siyang niligpit niya yung mga gamit niya sa lamesa ko. "Wait, sasama ako sayo." Doon ako napatingin sa kanya ng makuha ko ang susi ng kotse ko. *** Third Person Malalakas na kulog at kidlat at malalaking patak ng ulan ang sumalubong kay Belle at Jacob habang nasa byahe sila paputang Wanda Academy School. "Why woud he do it? Why would he kill all of a sudden, right?" Tanong ni Belle sa kalagitnaan ng byahe nila ni Jacob. Si Jacob ang nagdadrive habang si Belle ay nasa passenger's seat ng kotse. "Kung ginawa niya talaga bakit......bakit walang malinaw na motibo? Anong mapapala niya sa pagpatay?" Tanong pa ni Belle kay Jacob dahil may bumabagabag talaga sa kanya tungkol sa nangyayari. "Wait Belle, hindi ko na alam kung yung ibig mong sabihin eh?" Tanong din sa kanya ni Jacob dahil pati ang binata ay ams lalong naguluhan sa sinabi niya. Umiling-iling lang si Belle habang nakatitig sa harap. Patuloy pa rin ang pagpatak ng malakas na ulan. "May mali sa nangyayari." Saad na lamang ni Belle at tuluyan nang napapikit. "Anong mali?" "For everything." Mabilis na sagot ni Belle kay Jacob sabay muling napatingin sa binata. Sa puntong iyon ay tuluyan na silang nakarating sa gate ng Wanda Academy kaya mabilis pa sa alas kwartong nagtanggal si Belle ng seatbelt niya. "Teka, sasamahan kit-" "Kaya ko na yung sarili ko." Putol ni Belle sa sasabihin ni Jacob sa kanya. "Belle, hinta-" Tuluyan nang nakalabas si Belle dala ang isang flashlight kahit na umuulan ng malakas at hindi niya na naman natapos ang sasabihin niya dahil sumabat muli ang dalaga. "Salamat sa paghatid." Rinig niyang saad ni Belle at tuluyan nang sinarado ang pinto ng passenger's seat. Tinawag-tawag niya pa ang pangalan ng dalaga pero hindi na ito narinig kaya naman nahampas niya na lang ang manibela dahil sa inis at napabuntong hininga na lang. Maya maya pa ay may narinig siyang parang kaluskos galing sa backseat kaya awtomatiko siyang tumingin sa rearview mirror ng kotse niya habang nanlalaki ang mga mata sa gulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD