Labing Anim✟:

1455 Words
THE BLACK FOLDER Belle Matriaga "Belle, Nana Clarisse is just a human also-" "She's blaming me sa pagtatangkang pagpapakamatay ni Anna." Inis na putol ko sa sasabihin niya. Totoo naman kasi eh. Nakakainis. Kahit hindi niya sinabi ng direkta ay alam kong ganoon ang pakahalugan niya kanina. Gusto ko lang naman tumulong ah? Nandito kami sa open court ng Wanda. Dito kadalasan ginagawa ang PE class or iba pang exercises. Ang lawak ng epasyo nito na halos kasing laki na ng isang track and field kaso round ang shape. Nakaupo kami sa hagdanan. May bakal na nakaharang sa pagitan namin na siyang hawakan para umakyat at baba papunta sa mga batong upuan sa gilid. Nasa kaliwang bahagi ako ng hagdanan habang si Zabrina ay nasa kanan. Nakasimangot ako habang nakatingin sa sahig sa baba. "I-i shouldn't say this but....." Rinig kong saad niya at nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin siya sa akin kahit hindi ako nakatingin sa kanya. "......napagdaanan niya na rin kasi yan sa dati niyang estudyante eh." Nag aalangang dugtong niya. Hindi ko na lamang pinansin iyon dahil ano namang pake ko doon? "Mas malala pa nga yata yung isang yon eh." Saad niya muli dahilan para mapatingin na ako sa kanya na may kunot na ang nuo ko. Kita ko sa mukha niya na balisa siya kahit nakatagilid siya sa gawi ko. "Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin pero agad din siyang nagbawi ng tingin. "H-hindi ko na naabutan pero sabi kasi sa mga naririnig ko......." Napatigil siya at tumingin sa akin. Ako naman ay nag aantay lang ng sagot niya. ".....ang sabi nagbigti raw." Pagtatapos niya. Doon ako tila nagkaroon ng interes sa sinasabi niya. "Dito daw sa loob ng campus." Dagdag pa niya. Si Annie ba ang tinutukoy niya? "Ano daw pangalan nung estudyante?" Tanong ko sa batang tinutukoy niya dahil baka si Annie ang tinutukoy niya. "E-eh h-hindi ko na matandaan eh......" Sabi niya na parang nauutal pa siya. "M-matagal na kwento na kasi yan eh, bago pa ako makapasok dito sa Wanda." Sagot niya na ikinabagsak ng dalawang balikat ko. Muli akong napatingin sa harap ko, sa may sahig. Hindi ko alam pero may naguudyok sa akin alamin Kung sino yung estudyante na tinutukoy niya. Kailangan Kong malaman Kung sino yon dahil baka iyon ang makakapagpapatigil sa lahat ng nangyayari dito. "I need your help." Biglaan Kong saad sa kanya. Kita ko sa gilid ng Mata ko na napatingin siya sa akin na may pagtataka. "Help for what?" Tanong niya. Humarap ako sa kanya. "I need to access the files of Nana Clarisse. I need to know the name of that students na nagbigti." Diretsahan kong sagot sa kanya. Agad naman siyang umiling at hindi makapaniwala sa pakiusap ko. "N-no n-no-" Sagot niya na sinabayan niya ng pag iling pero agad kong pinutol ang pag tanggi niya. "I just feel like this is connected to what happened to Christine." Paliwanag ko pa sa kanya pero iling Lang Siya ng iling. "Hindi pwede, Belle...." Sagot niya naman. "Even if I wanted to help you, Baka ako naman yung masuspende." Sagot niya pa at tumingin na sa akin at bakas sa mukha niya ang pag aalala. Hindi ako nakaimik dahil Doon. Bumagsak muli ang balikat ko. Tama Siya. Baka nga madamay pa Siya dahil sa katigasan ng ulo kong malaman ang katotohanan. Ayoko na ngang may madamay pa eh. Paano ako ngayon magkakaroon ng access sa files ni Nana Clarisse? Pinalipas ko muna ang ilang Segundo hanggang sa nagpasya na ako. Huminga muna ako ng malalim. "Hahanap na lang ako ng sarili Kong paraan." Sabi ko na lang at padabig akong tumayo at sinimulan ko nang maglakad papunta muli sa building. "Belle, baka-" pagtawag sa akin ni sister Zabrina pero agad ko siyang nilingon at pinutol ang sasabihin niya. "Na-suspende na rin nila ako Di ba? Ano pang pwede nilang gawin sa akin?" Tanong ko sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pag aalala habang nakatingin sa akin. Ito ang gusto ko kay sister Zabrina. Mabait talaga Siya at maalalahanin hindi tulad ng ibang mga sisters dito. "Naman eh!" Sabi niya na parang napipilitan Siya na ikinakunot ng nuo ko. Agad siyang lumapit sa akin at may binulong. Nagningning ang mga mata ko dahil sa binulong niya. *** Third Person Tunog ng isang piano na tinutugtog ang maririnig sa loob ng chapel sa gilid ng buidling. Makikita sa loob ng kabuuan ng chapel na nakaluhod ang mga lahat ng madre sa harap ng mga upuan na mahahaba habang nakaharap sa altar. Sa harap naman ng altar ay nakatayo si sister Acosta, ang assistant ni Nana Clarisse. May pulpito na nilagay roon at sa pulpitong iyon ay nakalagay ang isang song book na kung saan na puro kanta pang-kristo ang nakasulat. Samantala, habang naglalakad na palabas ng kanya kanyang room ang mga estudyante sa hallway ay may isang taong nakasuot na pang madreng na nakasalubong nila. Agad silang yumuko sa madre at ganoon din ito bago sila nagpatuloy sa paglabas habang ang madre naman ay nagtuloy na rin sa pagpunta sa may hagdanan, papuntang third floor. Nang makarating siya sa may hagdanan ay tahimik na ang hallway. Lumingon lingon pa ito sa iba't ibang direksyon ang taong ito. Nang masigurado niyang wala nang makakapansin o nakakilala sa kanya ay agad siyang umakyat sa hagdanan papuntang third floor. Ang taong ito ay walang iba kung hindi si Belle, nag damit madre siya para maging matagumpay sa kanyang plano. Tanging boses lang ni Sister Acosta ang maririnig sa buong chapel. Isang awiting latin ang lengguwahe ang kanyang kinakanta ngunit napatigil siya at napunta ang tingin sa may pinto ng chapel kung saan siya nakaharap dahil may napansin siyang tao roon kaya napalingon din doon ang ibang mga madreng katulad niya. Si Nana Clarisse. Ini-angat niya lamang ang kanyang kamay at tumango senyales kay Sister Acosta na ipagpatuloy ang kanilang pagkanta. Agad namang nakuha ni Sister Acosta iyon kaya nagpatuloy na lamang siya sa pagkanta habang ang ibang madre ay bumalik na ang tingin sa harap at taimitim na nagdarasal habang pinapakinggan ang kinakanta ni Sister Acosta. Si Clarisse naman ay tahimik na pumasok sa chapel. Pumunta siya sa pangalawang upuan sa harap at lumuhod paharap sa altar. Nang makapunta na sa harap ng pintuan ng office ni Nana Clarisse si Belle ay tumingin muna siya sa hallway. Sinusuri dahil baka may nakapansin sa kanya. Nang masigurado niyang wala ay agad niyang kinuha ang susi sa kanyang bulsa na ibinigay ni Zabrina sa kanya. Ito ang sinabing plano ni Zabrina sa kanya. Ayon kay Zabrina ay tuwing tanghalian ay bumababa si Nana Clarisse sa ground floor para mag matiyag sa chapel at para makidalo na rin sa ginagawang pag darasal doon kaya libreng libre siya na makapuslit sa office ni Nana Clarisse at hindi nga siya nabigo dahil tuluyan na siyang nakapasok sa office ni Clarisse. Agad sinarado ni Belle ang pinto at sinigurado niyang nakalock iyon. Nang makapasok siya ay may nakita siyang isang lamesa sa kanang gilid niya. Sa ibabaw ng lamesang iyon ay may mga pigurin ng mga santo nino na mukhang antique at halatang mamahalin. Sa kaliwang gawi niya ay pader na pero may mga nakadikit sa pader na iyon na painting ng last supper. Sa gitna ng espasyo ng silid ay doon makikita ang lamesa ni Nana Clarisse na malinis na malinis, may mga ilang folders at libro na maayos na nakaptong sa gilid. Sa likod ng lamesa ay upuan at sa likod ng upuan na iyon ang may isang malaking bookshelf. Hindi na siya nag aksaya ng oras at agad na nagsimulang maghanap ng makakatulong na impormasyon sa imbestigasyon niya. Sinimulan niya sa table ni Nana Clarisse. Nang makarating siya doon ay tinabi niya muna sa gilid yung upuan at nagsimula na siyang magkalikot sa drawer ng table ni Nana Clarisse. Sa unang drawer sa may kanan pero puro ink at pang sulat lamang ang mga laman non. Sa pangalawang drawer ay wala rin siyang nakita dahil napakalinis non. Sa pangatlong drawer sa pinakababa ay wala rin dahil wala ring laman iyon. "Nasaan na iyon?" Tanong niya pa sa kanyang sarili at medyo natataranta na siya dahil baka bumalik na si Nana Clarisse pero mas nanaig sa kanya ang makatulong kaya naghanap pa ulit siya. Naisip niya naman sa kanang bahagi ng ilalim ng table dahil may tatlong drawer pa na natitira doon. Una niyang tinignan ang pinakatuktok na drawer. Nang mabuksan niya iyon ay natigilan siya sa kanyang nakita. Dahil sa loob ng drawer na iyon..........may isang folder na kulay itim....... ........may nakasulat na pangalan sa harap ng itim na folder na iyon........ .......ang pangalan na nakasulat ay........ "Annie Ventura."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD