Labing Lima✟:

1162 Words
WITHHOLD NOT CORRECTION FROM THE CHILD... Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at napaatras dahil sa pagkagulat pero nung nakatayo na ako ay...... ......wala na siya sa gitna ng kambal. Napatingin naman sa akin ang kambal at tila nagtatanong ang tingin na ipinipukol nila sa akin. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at napahawak sa dibdib ko. Napasandal pa ang dalawang kamay ko sa lamesa dahil para akong nakipagkarera sa mga kabayo dahil pa-ulit ulit ang paghugot ko ng hininga. "Y-you may go now." Nauutal na sabi ko sa kambal dahil habol ko pa rin ang hininga ko pero nakabawi naman na ako ng kaunting lakas. Anong ibig sabihin non? *** Tok..... Tunog ng takong ng sandals ko habang pababa ako ng hagdanan patungong ground floor. Tok.........tok........ Tahimik ang paligid habang naglalakad ako. Class hours pa kasi at sanay na ako na ganito katahimik ang buong school habang nagkaklase. Oras na kasi para maglibot sa bawat room kung maayos ba ang pakikitungo ng mga guro pati na rin ang mga students sa isa't isa. Tok.......tok........ Wala akong gana at bagsak ang balikat ko habang bumaba. Tatlong palapag na lamang ng hagdanan ay malapit na talaga akong makababa. Nakahawak pa ako sa may gilid ng hagdanan, yung hawakan pababa pero nakarinig ako ng nagsasalita......... "Stop crying!" Tuluyan na akong nakababa pero napakunot ang nuo ko sa boses na iyon na nanggagaling sa isang room katabi lang ng hagdanan pero malayo ng kaunti ang pagitan. Parang..... "I said stop crying!" Si Nana Clarisse. May pinapagalitan na naman ba siya? "Shut up and stop crying!" Sigaw niya at dahil doon ay hindi ko na napigilan tignan ang silid na iyon kung anong nangyayari. Agad agad akong naglakad papunta doon. Nakabukas ang pintuan non at tanaw na tanaw ko ang mga students na nakaupo sa gilid na parang naaawa sa nakikita nila sa harap. Hanggang sa makaabot na ako ng pinto at nanlaki ang mga mata ko at awtomatikong kumilos ang katawan ko papunta sa direksyo nila nang itaas niya ang kanyang kanang kamay dahil...... "Cleanse and go away you evil!" "Huwag!!!" Sigaw ko at alam kong lahat sila ay napatingin sa akin ng agawin ko kay Nana Clarisse ang kahoy na makapal na ipangpapalo niya sa sana sa dalagita. Si Nana Clarisse naman ay natumba dahil bahagya ko siyang naitulak. Nagulo ang suot niyang itim na belo sa ulo dahilan para lumabas ang puting belo sa loob na suot niya rin. Unti-unti siyang napalingon sa akin habang ang isang kamay ko naman ay naiwan sa ere kasama ang pamalo. Halata sa reaksyon niya na hindi niya nagustuhan ang ginawa ko at parang hindi siya makapaniwala sa ginawa ko. Ako rin ay hindi makapaniwala sa ginawa ko. Matagal ko nang nakikita na ganito ang pagpaparusa niya sa mga bata pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na gawin ito. Napatingin ako sa mga dalagita at sa dalagitang muntik niya nang paluin ng kahoy. Bakas sa mga mukha nila na hindi sila makapaniwala ginawa ko. Nabaling muli ang paningin ko sa kahoy na hawak ko at agad kong nabitawan iyon. *** Third Person Sa office ni Nana Clarisse. Sa third floor ng building kung nasaan din ang office ni Belle.. Nakatayo si Nana Clarisse sa harap ng bintana niyang natatakpan ng manipis na kurtina. Kitang kita niya ng malinaw ang blindfolder statue na girl sa gitna ng buong space sa ground. Kitang kita niya rin ang mga batang naglalakad na palabas dahil tapos na ang klase. Malamig na tingin ang makikita sa mukha niya. Sa likod niya naman ay isang mahabang lamesang pang opisina. Iyon ang lamesa niya. Madaming nakalagay na kung ano-anong gamit ni Nana Clarisse sa lamesang iyon tulad na lang ng mga rosary na maayos na nakalagay sa isang box na nakatabi sa gilid. May dalawang upuan. Sa likod at sa harap ng lamesa. Sa likod ay ang upuan ni Nana Clarrise. Sa harap ang upuan ng mga taong kinakausap niya. At ngayon ay nandoon ang babaeng nagpapairita sa kanya araw araw. Si Belle. Nakatingin lang din sa kanya si Belle habang nakaupo at nakapatong ang mga kamay sa hita. Malamig na nakatanaw sa babaeng nakasuot ng mahabang itim na belo nakatalalikod sa gawi niya. Inikot niya ang mga mata at tumingin na lamang sa harap kung saan nandoon ang table. "Wanda Acadamy has been here for decades." Basag ni Nana Clarisse sa nakakamatay na katahimikan sa kanyang opisina. Si Belle naman ay walang ganang pinapakinggan ang madre. "Ganito kami noon......" Dagdag muli ni Nana Clarisse. "Ganito.pa.rin.kami.hanggang.ngayon." Dagdag muli ni Nana at diniinan talaga ang bawat salita para lamang ipaintindi kay Belle na siya pa lamang ang unang lumabag sa batas nila na huwag mangingialam kung paano magparusa sa kanilang mga estudyante. "For the longest time I've been here,....." Taas nuong sambit muli ni Nana Clarisse habang ang tingin ay nasa mga estudyanteng naglalakad sa baba. ".....not even once....." Muling inikot ni Belle ang mata sa ginang at tumalim ang kanyang tingin dito. ".....ni-minsan ay walang sumalungat sa pamamalakad ko." Pagtatapos ni Nana Clarisse. Ibayong inis naman ang naramdaman ni Belle dahil sa sinabi ni Nana. Kaya't sineryoso niya ang kanyang mukha at taas nuong sumagot sa ginang kahit hindi naman nakikita nito ang mukha niya dahil nakatalikod sa kanya ito. "It is not right to treat your students in that wa-" Pero hindi pa natatapos ni Belle ang kanyang sasabihin ng sumabat sa kanya si Clarisse. "Withhold not correction from the child: for if you beat him with a rod, he shall not die."Putol sa kanya ni Clarisse at tumaas nang kaunti ang lakas ng boses nito. Binaliwala lamang iyon ni Belle at sinabing.... "Puro kayo disiplina nang disiplina yung mga bata namamatay na." At sa sinabing iyon ni Belle ay tuluyan ng napuno si Nana Clarisse at napalingon sa kanya at tumaas ang isang kilay ni Nana nang tumingin sa kanya. "You're suspended until further notice." Sabi ni Nana Clarisse kay Belle na ngayon ay malamig na nakatingin sa lamesa niya. Pagkarinig na pagkarinig ni Belle sa sinabi niyang iyon ay marahas siyang tumayo at walang lingong likod na naglakad patungo sa pintuan. Nang mabuksan niya na ang pinto at lalabas na sana siya at muling nagsalita si Nana Clarisse. "If you were doing job right...." Napatigil siya sa paglabas dahil sa pagputol nito sa sasabihin. "......hindi sana nagsuicide attempt si Anna." At sa sinabing iyon ni Nana Clarisse ay tuluyan na siyang nainis sa ginang at marahas na napalingon dito. Ngumisi lamang si Nana Clarisse nang tumingin sa kanya si Belle na lalong kinainis ni Belle. Magsasalita pa sana si Belle pero naisip niya.... Para saan pa? Guidance counselor lamang siya kaya wala siyang magagawa kung iyon ang sinabi ng walang kwentang principal ng school na pinagtatrabahuhan niya. Hindi na lamang siya sumagot at tuluyan nang lumabas at pabalibag na sinarado ang pinto. Si Nana Clarisse naman ay lumingon muli sa bintana at ilang beses humugot ng hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD