Labing Apat✟:

1745 Words
THE DRAWING OF TWIN. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay parang mahimbing lang natutulog sa kama. Awa ang nararamdaman ko para sa kanya. Ni-hindi niya magawang magkwento sa akin at masyado ko na rin pa lang napagtutuunan ng pansin ang ibang bagay kesa sa pag gagabay sa mga estudyante ko. Maingat na hinawakan ko ang kaliwang kamay niya. Nakabenda ang pulsuhan nito habang may dugo pang makikita mula sa benda dahil sa laki ng hiwa. Nakaupo ako sa gilid ng kama niya. Dito sa hospital malapit lang sa Wanda. Nakatarak sa pulsuhan niya ang dextrose. "Miss Belle." Pagtawag niya sa akin kaya napatingin ako sa medyo maputla pa rin niyang mukha. "Gising ka na." Sabi ko sabay ngiti. Maingat na inilapag ko sa kama ang kamay. Kahit gustuhin ko mang umiyak ay hindi pwede dahil ayokong mag alala siya. Itinungkod ko ang dalawa kong kamay sa kama. "Ano pong iniisip mo Miss Belle?" Biglaan niyang tanong. Napaiwas ako ng tingin dahil sa tanong na iyon. Ano nga ba ang iniisip ko? Hindi ko na alam. Bumaba ang tingin ko sa may pulsuhan niya. "Maybe...."Saad ko. At sa pag tingin ko sa kanyang pulsuhan ay doon naalala ko na naman ang nangyari sa kapatid ko. ".....maybe my brother." Saad ko sa kanya nang mapaangat ang tingin ko at nagkasalubong muli ang aming paningin. "You have a brother?" Tanong niya pero sa mahinang boses lang. Sabi naman ng doktor ay normal lang daw iyon dahil kumukuha pa siya ng lakas. Tumango tango ako sabay pilit ngumiti. "Yung kuya ko." Sagot ko sa kanya. "Why you didn't mention him before?" Tanong niya ulit. Unti-unting nawala ang pilit na ngiti ko pero pinilit kong ngumiti at..... "Wala na siya eh." Sabi ko sa kanya. Nararamdaman kong malapit nang lumabas ang mga likido sa mga mata ko. "Patay na siya." Sabi ko pa dahilan para bumakas ang lungkot at awa sa mukha niya. Napayuko rin siya dahil doon. Napatingin siya sa pulsuhan niya. "What happened to him?" Tanong niya muli sabay angat muli ng tingin sa akin. Humugot muna ako ng isang bunting hininga at doon tuluyan nang naglandas ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Napatingin ako sa ilaw na nasa table, sa gilid ng kamay niya at Doon nagsimulang manumbalik ang mga alaala na kahit kailan ay ang hirap kalimutan. "Kami lang dalawang naiwan noon sa bahay nung gabing yon....." Panimula ko. Naglalakad ako sa dining room namin. Hawak ko yung flashlight. Tipid kasi kami sa kuryente eh. "Tapos....." Pumunta ako sa may altar namin. Nandoon nakalagay ang picture na lolo at lola ko na matagal nang sumakabilang buhay. Sa gilid lang yung altar. Tapos sa kanan non ay nandoon yung kwarto ni kuya. Dahil madilim ay tinapat ko yung flashlight doon sa puting pader tapos hinarang ko yung isa kong kamay tapos ginawa ko siyang shape na parang aso then mukhang aso yung lumabas sa anino doon sa pader. ".....pinuntahan ko yung kuya ko sa kwarto niya...." Pagkapasok ko pa lang sa kwarto ni kuya ay hindi ko nakita doon. Tahimik lang yung paligid. Yung kama niya malinis rin. Sa kaliwang banda nakita ko yung pinto ng banyo niya. Nakabukas iyon. "......t-tapos.....n-naalala ko pa yung amoy sa buong kwarto....." Doon na ako nagsimulang humikbi. Napatakip na ako ng ilong dahil nga ang baho talaga ng amoy pero sinikap ko pa rin pumunta sa banyo niya dahil baka nandoon siya. Nakatapat ang flashligt sa dadaanan ko kaya kita ko......pagkapasok ko sa banyo niya.... .....may mga dugo. ".....h-hinawi ko yung k-kurtina na nakaharang sa b-bathtub.....tapos......t-tapos....." Doon ko na hindi kinaya tuluyan na akong napahagulgol sa iyak. Nakita ko sa kuya nakahiga sa bathtub na punong pungo ng tubig kaso yung tubig may mga dugo na. Yung isa niyang kamay may hiwa na. Hindi na rin siya gumagalaw at violet na ang bibig. ".....m-matagal na siyang nagbibigay ng senyales pero wala man lang nakinig ni-isa." Dagdag ko pa. Habang nanggigil ang mga kamay dahil wala man lang akong nagawa para sa kuya ko noon. Muli akong tumingin sa kanya. Umiiyak siya dahil siguro nalungkot sa sinapit ng kuya ko. "Anna." Pagtawag ko sa kanya. "I didn't save my brother...." Sabi ko sa kanya na sinabayan ko ng iling. ".....si Selena.......si Christine......pero ikaw." Sabi ko sa kanya. Maingat muli na hinawakan ko yung kaliwa niyang kamay at pinanghawakan ko ng mabuti iyon pero hindi siya masaktan. "Promise me you'll fight this one, huh? I can't bear to lose another one, Anna." Pakiusap ko sa kanya. Yumuko ako ng konti at hinalikan ang kamay niya. Umiiyak siya pero tumango naman siya sa pakiusap ko sa kanya sabay ngiti kaya napangiti na rin ako. *** "How is she?" Tanong ni Jacob sa akin. Ang tinutukoy niya ay si Anna. Matapos kong patulugin si Anna ay nandito kami ngayon sa labas ng room niya dito sa hospital. Nakasarado na yung pinto niya. Nakatingin lang ako sa sahig habang kaharap si Jacob. "She can talk now but she still need to stay here for a while." Pagod na sagot ko sa kanya. I know nakatingin siya sa akin ngayon pero hindi ko magawang tumingin sa kahit kaninong mata ngayon. Nakakapagod na. "Bakit ka nga pala nagpunta dito?" Ako naman ang nagtanong sa kanya pero nasa sahig pa rin ang tingin ko. "They already closed the cased." Sagot niya dahilan para mapaangat ang tingin ko sa mukha niya. Malakas naman ang dating ng aura niya pero wala talaga akong hilig na pansinin ang mga bagay na ganoon kahit na may itsura siya. "Belle, si Tonio talaga ang pumatay kay Christine." Dagdag niya pa kaya lalong bumagsak ang balikat ko. Bakit ganoon? Inosente si Mang Tonio kaya paano niya magagawa yon? "We can't do anything about it." Dagdag niya muli kaya mabagal na lang na tinalikuran ko siya. Inayos ko ang dala kong shoulder bag. "Belle." Pagtawag niya sa akin nung magsimula na akong maglakad papalayo sa kanya pero hindi ko siya pinansin. "Belle, wait." Pahabol niya pa at may kalakasan na iyon pero hindi ko pa rin siya pinansin at dire-diretsong naglakad papunta sa exit nitong hospital. *** *Blaggg!! Tunog ng marahas na pag sarado ko ng drawer ko na nakakadikit sa dingding dito sa banyo ko. Nakadikit sa pinto non ang salamin ko na hindi naman kalakihan. Sakto lang hanggang sa balikat ko. Inilagay ko yung contact lense ko sa lalagyanan nito na kinuha ko sa drawer. Muli kong binuksan yung salamin at iniligay muli sa loob non ang lalagyanan ng contact lense at marahas ko muling sinarado iyon. Sa baba kasi ng salamin na drawer ay nandoon yung sink. Binuksan ko yung gripo at yumuko para maghugas ng mukha ko. Nang hindi na ako makahinga ay tumigil muna ako sa paghilamos at inangat ang mukha ko sa salamin. Kitang kita ko ang mga tubig sa mukha ko. Muli akong yumuko at nag patuloy sa paghilamos. Todo kuskos ako sa mukha ko. Muling umangat ang mukha ko pero nang makita ko ang mukha ko sa salamin ay nanlaki ang mga mata ko at napanganga ako dahil.......s-sa m-mukha k-ko........a-ang mukha ko........ ......punong puno ng dugo ang buong mukha ko. Awtomatiko akong kinabahan ng sobra dahil doon. Ano na naman ito?! U-unti unting bumaba ang tingin ko sa sink at doon.......s-sa may sink.........p-pati ang mga kamay ko...... .......punong puno rin ng dugo! Muli akong tumingin sa salamin. N-nandoon pa rin ang dugo. Kusa na lamang lumabas ang mga luha ko mula sa dalawang mata ko. A-anong nangyayari? B-bakit ganito ang mukha ko? Bakit may dugo? Sa takot ko ay pumikit na lamang ako at inarko na bato ang mga kamay ko. Pagmulat ko muli ng mga mata ko ay....... .......wala nang mga dugo. Agad agad kong hinawakan ang mukha ko. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Patuloy pa rin sa pagragasa ng luha ang mga mata ko. *** Rinig na rinig ko ang pagsayad ng mga lapis dahil sa diin ng sulat nila. Nandito kami ngayon sa office ko. Kasama ang dalawang students ko, magkakambal sila. Pinapunta sila dito ng isang teacher namin para kausapin ako pero hindi ko naman sila makausap dahil hindi sila nagsasalita. Kaya binigyan ko na lamang sila ng tig isang papel at lapis para isulat kung ano ang naiisip nila. Sa table ko nakapatong ang mga papel. Mga kamay nila na nakapatong din at patuloy sa pagsusulat ng kung anong bagay na hindi ko naman maaninag mula dito sa pwesto ko dahil nga may kalakiha ang table ko. Nakapatong sa table ko din ang dalawang kamay ko, ang posisyon ay para akong nagdarasal habang halik ko ang isang hinlalaki ko. Kanina pa rin ako naririndi sa mga inga ng lapis nila. Mas lalo pa akong narindi ng bilisan nila ang pag guhit nila ng kung anong larawan kaya napapikit na lang ako sa pag kairita at hindi ko na napigilan kaya... "Girls, that's enough." Sabi ko sa kanila sa mahinahong boses at bahagya akong yumuko sa kamay ko at napapikit. Hindi sila sumagot at hindi rin sila nakinig kung hindi mas lalo pa nilang binilisan ang pag guhit na parang isang linya lang ang giniguhit nila. "Girls, I said that's enough." Sabi ko muli at napatingin na ako sa kanila pero mas tuluyan na akong narindi sa tunog ng lapis dahil imbis na tumigil ay mas lalo pa nilang binilisan ang pag guhit sa papel. Ang mga mukha at tingin nila ay nakafocus talaga sa papel kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko at...... "Girls!!!" Sigaw ko sabay hampas ng dalawa kong kamay sa mga papel nila para tumigil sila. Doon sila parang natauhan at napatingin sa akin. Tinignan ko sila isa isa bago ko kinuha ang mga papel na binigay ko sa kanila pero ganoon na lang ang pagragasa ng kaba ko ng makita ko ang ginuhit nila........ ......ang kalahating papel ang doon nakaguhit ang kalahating mukha......sa isang papel naman ang kalahating mukha.......nang pagdikitin ko iyon ay kilalang kilala ko kung kanino ang nakakadiring mukha na ito...... Agad na rumagasa ang kaba sa dibdib ko......p-paano n-nila na-drawing ito.... ......p-pinaghiwalay ko pagitna ang dalawang papel para sana tanungin sila kung bakit at saan nila nakuha ang ganito pero napatayo ako bigla sa inuupuan ko at napaatras dahil........d-dahil.......s-sa g-gitna nang kambal........m-may n-nakaupo rin......ang madungis niyang m-mukha......ang b-bibig niyang punong puno ng bulate...........a-ang magulo niyang buhok.........ang malademonyo niyang ngisi........a-ang m-mukha na nakadrawing s-sa d-dalawang papel na hawak ko......... ........s-si A-annie!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD