Labing Tatlo✟:

1125 Words
BAKIT ANNA? "Nana Clarrise." Pag-tawag ko sa kanya. Nagsimula siyang maglakad patungo sa direksyon ko suot ang seryosong tingin sa kanyang mukha. Nang malapit na siya sa akin ay ako na ang unang nagtanong. "Ano pong ginagawa niyo dito?" Agad kong tanong. "Shouldn't I be the one asking you that question?" Balik tanong niya at ngayon ay nasa harap ko na Siya. Nasa may gilid lang kami ng estatwang babaeng nakapiring. Hindi ako agad nakaimik. How can I forget about that new bullshit rules. "There's a new rules in this academy isn't it?" Dagdag niya pa. Tumalim ang tingin ko sa kanya. "There is no one should be here pagkalampas ng ALAS SAIS ng Gabi." Sabi niya pa at in-emphasize pa talaga ang oras sa sarkastikong tono. Lihim akong humugot ng isang buntong hininga at inayos ang tindig ko. Nakipagsabayan ako sa kalamigan na pinapakita niya. "What about you, Nana?" Balik tanong ko din sa kanya. Bahagyang kumunot ang kanyang nuo at gumilid. "I'm just making sure na walang gumagala dito sa loob ng campus......" Agad niyang sagot. "......alam mo namang hindi na nagtatrabaho dito si Tonio, hindi bah?" Pero nang mabanggit niya ang pangalan ni Mang Tonio ay Doon na ako hindi nakapagpigil. "Anong nangyari kay Christine nung gabing pinarusahan niyo Siya?" Tanong ko sa kanya dahilan para manlaki ang Mata niya na nakatingin sa akin. Na para bang hindi Siya makapaniwala. "What are you trying to say, Belle?" Tanong niya din at parang hindi talaga makapaniwala sa inaasal ko. "May namatay sa loob ng pesteng academy na Ito at alam nating dalawa na hindi si Mang Tonio ang salarin doon!" Sagot ko din sa kanya at bahagya nanv lumakas ang Boses ko dahil sa nararamdaman Kong galit. "Hindi peste ang school na ito, Matriaga!" Sagot niya rin sa akin. Huminga muna siya ng ilang beses na para bang pinipigilan niyang sumabog sa galit. "If you're going to make any trouble....." Sagot niya na pinipilit maging mahinahon. "....habang ang iba ay nangungumpisal....." Dagdag pa niya. Lumapit ng bahagya sa akin dahilan para umatras ako sa Kaba. ".....huwag ka na lang pumasok." Pagtatapos niya. "Tsssk, really Nana?" Sarkastiko Kong sagot. "Hindi ba mas ngayon ako kailangan dito?" Balik tanong ko sa kanya. "Kung kailan hindi alam ng mga inosenteng dalagita ang mga gagawin nil-" "Malalaman nila kung gusto nilang makinig." May diin na sabat niya sa akin. "Gusto ko lang malaman kung-" May diin din na sambit ko at nakipagmatigasan pa ako sa kanya pero hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil lumapit na Siya sa akin. Hinawakan ako sa kanang braso ko at... "I'll give you the last chance, Matriaga." May diin na sambit niya at pabulong Lang iyon dahil sa kahinaan non. "Huling pagkakataon para pag-nilayan mo ang mga nagawa mo." Dagdag niya pa. "Isang beses pa na mahuli kita dito sa gabi...." Sabi niya pa at nakipagtitigan talaga sa mga mata ko. "......mapipilitan akong tanggalan ka nang trabaho....Belle Matriaga." Pagtatapos niya Kaya kusa nang kumuyom ang kaliwang kamao ko. "Naiintindihan mo?" Tanong niya pa. Hindi ako nakaimik. Parang may bumara sa lalamunan ko. "Hindi kita kinuha para dito." Sambit niya muli. Ilang segundo ang nakalipas, ang galit niyang mukha ay nabahidan ng pag aalala dahilan para magkaroon na naman ng isang tanong sa utak ko dahil..... "Magdasal ka nang mabuti Belle......" ".....nang sa ganon ay tumahimik ang konsensya mo." Pero nang dahil sa sinabi niyang iyon ay ako na ang kumalas sa braso ko sa pagkakahawak niya na agad niya namang nabitawan at matalim muli na tinignan siya. Paano niya nasasabi ang mga ganyang bagay gayong may mga nadadamay na hindi naman dapat madamay? Umatras ako at tuluyan ko na siyang tinalikuran at iniwan Doon sa harap ng estatwang babaeng nakapiring ang mga mata. Third Person Kinabukasan..... Nakatayo lamang si Anna sa harap ng estatwa ng babaeng nakapiring. Nakatingala siya rito. Nag iisip ng malalim. Maya Maya pa ay napayuko na lamang siya bigla at kalaunan ay nilisan ang estatwa. Naglakad siya patungo sa hagdanan paakyat. Belle Matriaga Nakatingala lang ako sa tubong nakita ko sa panaginip ko nitong nakaraang gabi. Ang tubo na kung saan nakita ko na ginamit ni Nana Clarrise sa pagpatay sa isang estudyante. Hindi ako sigurado kung si Christine nga ba talaga ang nasa panaginip ko. Bumaba ang tingin ko sa malinis na toilet bowl. Nakabukas ang pinto ng dulong cubicle at nasa harap Lang ako non. Muling nagbalik ang tagpo ko dito sa lugar na Ito na Kung saan nahawakan ko si Annie. Ano pa kayang gagawin kong paraan para malaman ang katotohanan? Napabuntong hininga muna ako bago ko sinarado ang pinto non. Habang naglalakad ako palapit sa sink ay napasuklay ako sa buhok ko. Komplikado na ang lahat. Nang maabot ko na ang sink ay agad kong binuksan ang gripo. Yumuko ako at naghilamos ng mukha. Matapos maghilamos ay tumingin ako sa salamin non. Tinignan ko kung maayos ba ang mukha ko. "Huh!" Buntong hininga ko at napasandal ang dalawa Kong kamay sa sink habang nakatingin sa mukha ko sa salamin. Halata talagang puyat ako dahil maitim na medyo ang ilalim ng Mata ko. *Blaggggg!!!! Napakunot ang nuo ko dahil sa tunog na iyon. Napatingin ako sa salamin muli pero hindi ako sa mukha ko nakatingin......Kung hindi sa cubicle kung saan nanggaling tunog na iyon. Ano yon? Multo na naman ba? Bakit ang aga naman yata nila magparamdam? Unti-unti akong napalingon doon. Mabagal ang lakad ko papunta doon. Feeling ko ay nasa pangalawang dulo na cubicle iyon. Sa may gitna. Kaya naman nang matapat ako doon sa cubicle na iyon ay tinignan ko muna ang kabuuan ng nakasaradong pinto nito. Ano naman kayang mayroon dito? Kaya para malaman ang kasagutan sa sarili Kong tanong ay marahas ang ginawa kong pagbukas ng pinto na iyon pero ganoon na lang ang pag atras ko. Nanlaki ang Mata ko at napanganga ako na sinabayan ko ng pagtakip sa asking bibig dahil......d-dahil.... "A-anna?" Pagtawag ko sa kanya pero hindi Siya sumagot kaya nataranta na ako. "Anna!" Sigaw ko at lumapit na ako sa kanya. Lumuhod ako para iangat ang mukha niya at kitang Kita ko Doon na sobrang puti na nang buong mukha niya. Nakita ko rin ang mga dugong nagkalat. "Anna gumising ka!" Sabi ko pa at tuluyan na akong naiyak dahil hindi na siya sumasagot pero nararamdaman ko pa rin ang pagtibok ng puso niya sa may leeg. "A-anna!" Naiyakap ko Siya sa akin dahil bagsak na talaga ang katawan niya habang nakaupo sa toilet bowl kaya wala na akong nagawa kung Hindi ang sumigaw ng........ "Tulonggggggg!!!!" Bakit ba nangyayari ito? Saan ba ako nagkulang sa pag gagabay at pag aalaga sa mga emosyon nila? Bakit mo nagawa Ito Anna...... ......b-bakit ka naglaslas ng pulsuhan mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD