Chapter 1: Miara

2010 Words
Third Person's POV "Miss, one cocktail!" sambit ng isang customer mula sa di kalayuan. Mabilis na naglakad pabalik ang dalaga sa Bar counter upang kuhanin ang in-order na alak ng isang costumer. "One cocktail, Ma'am Abby." sambit ng dalaga sa kaniyang manager. "Right away, Miara." Napangiti na lamang ang dalaga habang naghahantay na matapos haluin ang isang inumin. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa isa sa pinakasikat na Resto-bar dito sa Manila. Wala sa sariling napatingin siya sa kaniyang relos na nasa kaniyang pambisig. It's already four fifty five in the morning. Five minutes na lamang at malapit na siyang mag-out. Palihim siyang napasuntok sa hangin. 'Yes!' "Here's the cocktail." Nabalik siya sa wisyo ng marinig niya ang tinig ng kaniyang manager, nakangiti siyang lumingon rito at saka maingat na kinuha ang alak. Dahan-dahan siyang naglalakad palapit sa customer. "Here's your cocktail, ma'am." magalang niyang sambit. Sakto pagkabigay niya ng inumin ay tumunog ang kaniyang relos na nasa kaniyang pulsuhan. "Time to go home, Ma'am Abby!" masiglang sambit ng dalaga, napailing na lamang ang kaniyang manager saka siya sinenyasan na puwede na siyang umalis. Wala siyang sinayang na sandali at saka mabilis na tumakbo palabas, dumaan muna siya sa guard upang kuhanin ang kaniyang bag. "Manong guard, good morning po!" masaya niyang sambit sa guwardiya. Napangiti naman ng malawak ang guwardiya at saka saktong pag-alpas niya sa pintuan ay inabot sa kaniya ng guwardiya ang kaniyang bag kung kaya't hindi na siya tumigil pa. "Mag-iingat ka, hija." pahabol na sigaw ng guwardiya. Hindi tumigil sa pagtakbo ang dalaga ngunit bahagya niyang itinaas ang isang kamay upang magba-bye. "Salamat manong!" dugtong pa niyang sigaw. Sandali muna siyang lumingon sa kaniyang relos at nakita na mayroon na lamang siyang mahigpit isang oras upang mag-asikaso para sa pagpasok at pag-aasikaso sa kaniyang mga kapatid. Mabilis siyang lumapit sa jeep na handa ng lumarga ngunit nakita niyang puno na ito ng pasahero kung kaya't sumabit na lamang siya sa pintuan nito. "Go na manong! larga na at maraming mali-late!" hyper niyang sigaw, napailing na lamang ang mga driver. Sa halos araw-araw niyang ginagawa iyon ay nakasanayan na siya ng mga tao roon. Mahigpit siyang kumapit sa bakal na hawakan ng jeep, kung hindi ay mahuhulog siya, gastos lamang iyon. Mahigit kumulang kinse minutos bago siya nakarating sa kanilang bayan. Nasa kabilang baryo pa kase ang bahay nila. Ang totoo niyan ay nangungupahan lamang sila sa isang apartment, kung saan ay tatlo silang naninirahan kasama ang mga kapatid niya. Hindi na siya pinagbayad pa ng driver kung kaya't todo ang pasasalamat niya rito, matapos iyon ay mabilis siyang tumakbo papasok sa building ng apartment nila. Nasa ikalawang palapag ang kanilang silid. Nang makarating sa harapan ng pintuan ay kaagad niyang inilabas ang susi at binuksan ang naka-lock na pintuan. Bumungad sa kaniya ang marumi at madaming kalat sa loob ng kanilang bahay. Napatulala siya saglit at saka mabilis na napahinga ng malalim. Kailangan niyang pagpasensyahan ang dalawang kapatid niyang lalaki, nasa high school na rin kase ang mga ito kaya naman ganoon kagulo sa silid. Nagsimula siyang maglinis, mula sa sofa hanggang sa kanilang munting kitchen. Nang makarating doon ay nagsimula siyang magluto ng almusal. Habang nagluluto ay hindi niya napigilan ang mapahikab, ang totoo ay nakakaramdam siya ng pagod at pagkaantok. Ngunit kaagad napawi iyon ng makaramdam siya ng dalawang tao na yumakap sa kaniya mula sa likuran. Napawi ang kaninang nararamdaman niya. Kaagad siyang napangiti at saka mabilis na humarap sa kanila. "How's my boys doing?" "Ate!" sabay na sambit ng dalawa. Mabilis nilang niyakap ang kanilang ate. "Ang tagal mong umuwi, hinintay ka namin ni kuya Jeff." pagpapa-cute na sambit ng kanilang bunso. Napangiti siya lalo at saka mahinang kinuroy ang pisnge ng kapatid. "Kian, alam mong may trabaho si ate." malumanay niyang pagpapaliwanag sa bunso. "Ate, anong niluluto mo?" "Jeff, how was your school yesterday?" "All good, ate! nga pala I need to pay for my graduation fee." Imbis na sumimangot ay kaagad na napangiti ang dalaga. "Oh my God, I totally forgot na graduating kana pala!" "Yeah, ate matutulungan na kita." Lumambot ang mukha ng dalaga saka napaakbay sa kapatid. "Owws, talaga ba Jeff?" "Oo ate, ayokong magtrabaho ka jan sa Resto-bar forever 'no. Sapat na sa'kin 'yung natulong mo. Kaya ko naman na magtrabaho at mag-aral." determinadong saad ng kapatid niya. Kung kaya't hindi niya napigilan ang maging emosyonal at mapatitig rito. "Jeff, you don't need to do that. Kaya ko naman kayong tustusan--" "No, ate. ilang buwan na lamang ay ga-graduate na ako. naghahanap na rin ako ng trabaho for this coming summer. Kailangan kong makatulong sa'yo, magka-college na ako. Hindi naman puwede na sa iyo ko na naman iaasa ang mga personal kong gastusin." Hindi napigilan ng dalaga na mapayakap sa kapatid. "Salamat, pero Jeff. Hangga't buhay ako, hindi ko kayo hahayaan na mahirapan. Sapat na sa'kin 'yung nag-aaral kayo ng mabuti ni Kian." "Nga pala ate, graduating na rin si Kian for elementary." "Talaga?" "Opo, ate!" "Halika nga rito," sandali siyang yumukod at niyakap ang dalawang kapatid. "I love you two, salamat naman at hindi napupunta sa wala ang paghihirap ni ate. Masaya na ako makita ko lang kayo na masaya at natutustusan ko ang mga pangangailangan niyo. Pero sa ngayon, anong oras na at sabay-sabay tayong mali-late sa klase, halina na at mag-almusal." Mabilis naman na tumalima ang dalawa niyang kapatid. Sumunod ito at saka mabilis na umupo sa upuan. ------- "Jeff! Paki-hatid si Jeff, mali-late na talaga ako ng sobra!" nagmamadaling sambit ng dalaga sa kapatid. "Sige, ate." malumanay na sambit ng binata. "Sige, sige mauuna na ako. 'yung mga bilin ko sa iyo ha? may pagkain jan sa refrigerator, hindi agad ako makakauwi ng gabi didiretso na ako sa trabaho ko. Ikaw na muna ang bahala sa kapatid mo." "Noted ate, sige na at tarantang-taranta ka na e." Mabilis na lumapit sa kapatid ang dalaga saka mabilis na hinagkan sa noo. "Alright, I'm going." nagmamadaling saad ng dalaga saka kumaripas ng takbo. Mabilis siyang nakalabas ng apartment, salamat naman at saktong may jeep na tumigil sa harapan niya, ngunit puno itong muli. Kung kaya't dating gawi, sumabit muli siya sa Jeep. ----- "Maraming salamat, manong!" malakas niyang sigaw saka mabilis ka tumakbo, she's already late. seven fifteen na, alas siyete sakto ang oras ng klase niya. Mabilis siyang tumakbo papunta sa building ng course niya, She's taking Dentistry as her course. At kasalukuyan na naman "I'm sorry Ma'am! I'm late!" "Miss. Ford, at dahil late kana naman. Please present your presentation. Now." Napakamot na lamang ang dalaga sa kaniyang batok saka naglakad sa unahan. She's currently studying here in prestigious school. Morgan's Academy, owned by Xavier Ian Morgan. She got a full scholarship because of her intelligence. Maayos naman ang takbo ng buhay niya, walang nangbu-bully sa kaniya dahil sa mga palabas lamang iyon,pero ang totoo kung tahimik kang mag-aaral ay walang kaguluhan ang mangyayari sa'yo. ---- "We are currently studying about cleaning the teeth properly, aside from having a toothbrush twice everyday, we need to clean our teeth and that's what we call Oral prophylaxis--" Naudlot ang sasambitin ng dalaga ng bigla ay tumunog ang bell na tanda na oras na ng lunch. "Alright, class dismissed. Miss Ford, you got an A for your score. You'll continue your presentation tomorrow." "Yes, Prof!" "As for your assignment, you need to make an essay with minimum words of three thousand about Oral Prophylaxis." Lahat ay nagreklamo sa in-announce ng kanilang professor. "At may gana pa kayong magreklamo? Fine. Bukas na bukas rin ipapasa iyan. that's 60% of your grade. No essay, no midterm examination." Napatulala ang lahat at hindi namalayan ang pag-alis ng kanilang professor. Lahat ay nagreklamo. Ngunit ang nagsimulang lumapit ang karamihan sa dalaga. "Miara! Miara!" "Miara!" "Igawa mo ako, oh! may gagawin kase ako bukas hindi ako makakagawa." nagmamadaling sambit ng kaniyang kaibigan. "Sige, 1000 pesos." walang pagdadalawang-isip niyang sambit. "What?!" gulat na tanong ng binata. "Ayaw mo ba? Ayos lang din naman sa akin." "Mukhang pera ka talaga, kung hindi lang kita bestfriend e!" "Pfft. Barya lang sa iyo ang isang libo, Laurence. If I know. anong dinadrama mo riyan?" "Haha. joke lang, sige sige. Deal!" "Deal!" Laurence Kyle Romero, her one and only best friend. Dakilang playboy at womanizer ang binata, puro babae at kalibugan ang alam. Matapos umalis ng kaibigan ay isa-isa namang nagsilapitan ang iba niya pang mga kaklase upang magpagawa. This is her part-time job. Taga-gawa ng kanilang essay o ano pa mang project. Sulit naman dahil malaki rin ang kinikita niya sa dami ng nagpapagawa ngunit maraming kumain ito ng oras. Kaya naman imbis na kumain ay sinimulan niyang gawin ang mga ito. Mayroon na lamang siyang isang klase mamayang alas tres ng hapon, mayroon pa siyang tatlong oras para matapos ang mga ito. Bago simulan ay nag-inat inat na muna siya ng katawan at mga kamay. ----- "Miara." sambit ni Laurence habang ginigising ang dalaga dahil nakatulog ito habang gumagawa ng essay. Naalimpungatan ang dalaga saka dahan-dahan na nag-angat ng tingin. Napatitig siya sandali sa kaniyang kaibigan. "Laurence?" "Yeah, you fell asleep. Hindi ka pa ba natutulog? Mukhang antok na antok ka ha." "Oo eh, alas singko out ko kanina tapos nag-asikaso pako sa bahay at naglinis. Tapos diretso klase na. Teka, anong oras na ba?" "Alas lang singko na ng hapon." "Ano!?" malakas niyang sigaw kasabay ng mabilisan niyang pagtayo. "Sandali nga, kumalma ka muna--" "Oh my God, Laurence! Bakit hindi mo ako ginising kanina?! Hindi na ako nakapasok sa last class ko for today!" "Kaya nga kita pinuntahan dito gawa ng hindi ka sumipot sa klase natin e. Sinasabi ko na nga ba at dito kita makikita." "Omg!!" "It's okay, discussion lang naman ginawa and don't worry. Nag-take down notes ako para sa'yo. Alam ko kaseng magpi-freak out ka jan--" natigilan ang binata ng bigla ay yakapin siya ng dalaga. "Thank you so much!" Hanggang ngayon ay napatulala lamang ang binata at wari mo ay natuod sa kaniyang kinatatayuan dahil sa hindi siya makagalaw. Ang totoo ay may lihim siyang paghanga sa dalaga ngunit inililihim niya ito dahil ayaw niyang masira ang kanilang pagkakaibigan. Isa rin sa dahilan kung bakit panay ang pambababae niya ay baka sakali na mawala ang tunay na nararamdaman sa dalaga. Ngunit paano siya makakaiwas sa dalaga kung sweet ito sa kaniya? natural ang pagiging sweet sa dalaga, kahit siya ay hindi niya alam na sweetness na pala ang ginagawa niya sa ibang tao. Tatlong taon na ang nakalilipas magmula ng makilala niya ito, at masasabi niyang may mamon na puso ang dalaga. Sa tatlong taon na lumipas ay pag-aaral, trabaho at kapatid nito ang inaasikaso niya. Bagay na isa sa hinangaan ng binata, napangiti na lamang siya saka yumakap pabalik sa dalaga. "Welcome para sa best friend kong panget." "Aba't!" Malakas na napatawa ang binata dahil sa likas na mapikon ang dalaga, nacu-cutan kase siya rito dahil sa reaksyon niya. Sa totoo lang ay hindi naman panget ang dalaga dahil sa natural ang mukha nito, hindi siya mahilig maglagay ng kahit anong palamuti at kolorete sa mukha. Simpleng jeans at T-shirt ang palagi nitong suot, kailanman ay hindi niya nakitang nagsuot ito ng maikli at ng palda. In short, conservative na babae ang dalaga. "Joke lang e." "Ay nga pala, kailangan ko ng mauna sa iyo, Laurence. Ito," sandali siyang tumalikod at saka inabot ang makapal na papel sa kaniya. "Paki-abot naman sa mga kaklase natin, may mga pangalan na iyan. Ikaw na rin magsingil. Ten thousand iyan ha. Hindi pa kasama 'yung sa'yo. Hmmp!" Laurence couldn't help but to chuckle, "Sure, kailan ba kita hindi binayaran?" "Iyan ang nagustuhan ko sa'yo kase galante ka e." Matapos iyon ay sabay silang nagtawanan. "Sige na, Laurence ha!" "Yeah, yeah, yeah, whatever Miara." "Salamat! See you tomorrow!" masiglang pamamaalam ng dalaga sa kaibigan. Habang ang binata naman ay napatulala sa dalaga, sinundan niya ito ng tingin hanggang paglabas ng silid. And he couldn't help but to put a smile on his lips. "I'll make you mine, Miara." To be continued... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD