"What the f**k are you talking about Xavier!?" matinis ang boses na sigaw ng isang babae.
"Listen, Charm. I just found my father's will before he even died at nakalagay roon na kailangan kong magka-anak bago ako tumuntong sa edad trenta. I'm already twenty nine, dalawang buwan na lamang ay mag-eedad trenta na ako. Wala na tayong panahon. Kapag nag-edad ako ng trenta at wala akong anak, mapupunta sa wala lahat ng pinaghirapan ko. Lahat-lahat." mahabang lintaya ng lalaki.
Napaawang sa gulat ang bibig ng babae, hindi siya makapaniwala sa mga binitawang salita ng kaniyang asawa. Pagak siyang napatawa saka hindi makapaniwalang napatitig sa asawa.
"So, what do you want me to do huh?" nanginginig ang boses na sambit ng babae.
"Charm..." paos ang tinig ng lalaki na sinambit ang kaniyang pangalan.
"Xavier..." nanghihinang sambit ng babae.
"Alam mong baog ako," hindi na napigilan ng babae na pigilin ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo. Hindi niya na napigilan ang maging emosyonal. "P-paano kita mabibigyan ng anak?" naiiyak pa rin na saad nito.
Malalim na bumuntong hininga ang lalaki saka dahan-dahan na naglakad palapit sa asawa at saka mahigpit iyong niyakap. Napasandal naman sa kaniyang dibdib ang asawa.
Mahina niyang hinimas-himas ang buhok ng asawa upang ito ay pakalmahin. His wife is very emotional.
"Shhh... We'll do everything. Just please, don't cry. Bumibigat ang aking pakiramdam." emosiyonal na sambit ng lalaki.
Lumipas ang ilang minuto na nasa ganoon silang posisyon ng bigla ay magtanong muli ang kaniyang asawa.
"So, what is your plan?" curious na tanong ng asawa.
"Charm, you know how much I love you, right?"
"Yes."
"Do you trust me?"
"Anong klaseng tanong ba iyan? Syempre naman." kunot-noo pa nitong sambit.
"Plano kong mag-hire ng babae para siya ang magdalang tao." diretsong sambit ng lalaki.
"What!?" malakas na sigaw muli ng kaniyang asawa.
Sa pagkakataong ito ay napatakip na siya ng kaniyang tainga dahil sa tinis ng boses ng kaniyang asawa.
"Charm, can you please lower down your voice? Masakit sa tainga, masiyadong matinis ang boses mo." naiinis na sambit ng lalaki.
"So ako pa ang nakakainis? What the hell Xavier! for pete's sake, para mo na din akong tinanong kung hahayaan ba kitang makipag-s*x sa ibang babae. No hell way!" determinadong sambit ng dalaga.
Malalim itong huminga saka matalim na napatitig sa kaniya habang nakahalukipkip ang mga kamay.
"But Charm, that's the only choice we have!" hindi napigilang sigaw ng lalaki.
"We always have a choice! Xavier, hindi ako papayag! Ako o iyang kayamanan mo!? Pumili ka!" galit na sambit ng kaniyang asawa.
Dahil sa narinig ay napaawang ang labi ng lalaki, hindi niya inaasahan na ito ang lalabas sa bibig ng kaniyang asawa. Pera niya ang nakasalalay rito, mula pagkabata ay siya na ang nagpalago ng kanilang business.
Dugo at pawis ang pinuhunan niya bago narating ng kaniyang kumpanya ang lahat ng natamo niya, marami na siyang nasakripisyo at nagawa. Ngayon pa ba siya titigil at mawawalan ng pag-asa?
Kahit bago niya pa man nakilala ang kaniyang asawa ay ito na ang kasama niya. Halos buong buhay niya ay sa kumpanya umiikot ang kaniyang buhay. Magagawa niya bang mabitawan ito?
"How dare you make me choose, Charm." paos ang boses na sambit ng lalaki.
Sandaling natigilan ang babae at napatitig sa kaniyang asawa at saka niya lamang napagtanto ang kaniyang sinambit kung kaya't sandaling nanginig ang kaniyang mga labi dahilan para siya ay mautal.
"Xavier... I can't do that. I can't let you have s*x with other woman, I can't let anyone touch you, I don't want to have a competence--"
"No one will compete with you because you know I only love you and always will. I only need to produce a heir for me to get my money. I've sacrificed enough, you said you trust me but your actions tells the opposite."
"I do... but I don't trust anyone, ikaw lang Xavier. What if agawin ka niya sa akin? What if gamitin niya 'yung anak mo sa kaniya--"
"Stop. Stop, stop. Ano ba ang iniisip mo? Bakit ka ba nag-iisip ng ganyan?"
"I'm sorry I can't help it..."
"Hindi mangyayari ang mga iyan, kumalma ka at huwag mag-isip ng kung ano-ano. Kailangan ko lang magka-anak, pagtapos no'n pwede ko na sila iwanan or tustusan ko nalang yung bata pero mahal kita. Charm, mahal kita. Naririnig mo ba ang sinasabi ko? Mahal kita."
Mabilis na yumakap ang babae sa kaniyang asawa, mahigpit na mahigpit na para bang ayaw niya ng pakawalan pa.
Ang marinig ang mga ito sa kaniya, nais niyang marinig iyon hanggang sa kaniyang pagtanda.
"Xavier..." nanginginig ang boses na sambit ng babae.
"Hmm?"
"Pwede bang huwag mo na lang ituloy? Please... Ayoko. Ayoko no'n. Xavier. Ayoko. Please... Xavier." nagmamakaawang sambit ng babae.
"Charm..."
"Just thinking that idea made me lost my sanity. I can't take it. I don't want to do that. Please give me a chance... I'll do everything for me to get pregnant. Just please... Don't. Please... please... please..." pakiusap na sambit ng babae sa kaniyang asawa.
Napatitig naman sa kawalan ang lalaki at natulala sa narinig, ang marinig na magmakaawa ang kaniyang asawa ay para bang hinihiwa pira-piraso ang kaniyang puso.
Kung kaya't mabilis niya itong kinabig palapit at saka mahigpit na niyakap. Mariin siyang napapikit kasabay ng unti-unti niyang paghigpit lalo sa pagkakayakap niya sa asawa.
Hindi niya kaya saktan ang kaniyang asawa, ngunit makakaya niya kayang balewalain ang lahat ng pinaghirapan niya simula ng siya ay bata pa?
Kaya niya kayang bitawan ang kaniyang kayamanan? Ano nga ba ang mas matimbang para sa kaniya? Kayamanan nga ba o ang kaniyang asawa?
To be continued...
K.Y.