Third Person's POV
Madiing napakuyom ng kamao ang dalaga ng makita niyang May hawak-hawak na babae ang kaniyang asawa.
Nasa mga bisig nito ang babae, siguro kung siya ay normal na babae baka matuwa siya dahil sa pagiging gentleman at matulungin ng asawa, but she's different, madali siyang magselos sa kahit na maliit na bagay.
Gaya ng situwasyon ngayon kahit na alam niyang walang kasalanan ang babae at aksidente lamang ang naganap ay hindi niya napigilan ang pagkulo ng dugo.
Walang emosiyon siyang nakatitig sa asawa na kasalukuyan ring walang emosyon ang mukha, it's like he's acting like it was nothing.
Mahigpit na napalibot ang kamay niya sa baso na nasa harapan niya at walang salita na tinungga ang cocktail na lamang niyon.
Napaismid siya ng makita niyang nahumaling ang babaeng tinulungan niya, well she can't blame anyone her husband is handsome as freak.
Kahit na sinong tititig rito ay mahuhumaling at mapapatitig sa angking kaguwapuhan ng kaniyang asawa.
Sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa baso ay nabasag ito mula sa kaniyang kamay, hindi niya iyon ininda at hindi inalis ang tingin sa asawa.
Maya-maya pa ay umalis ito sa lugar kung nasaan ang asawa niya at doon lamang siya napahinga ng malalim.
"Oh my god! Ma'am, you're hand is bleeding!" sigaw ng isang waitress dahilan para mabaling dito ang atensiyon niya.
She can't feel the pain, she's feeling numb at all. Walang-wala ito kumpara sa sakit at selos na pinaparamdam ng kaniyang asawa.
Sinenyasan niya itong linisin ang nabasag na baso.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nakita niya ang dalaga na may ngiti sa mga labi niya.
'How I want to tear that smile of her ugly face.' bulong ng kaniyang isipan sa sarili.
Nang magtama ang paningin nila ay hindi niya inalis ang tingin rito at mas lalong sinamaan ang tingin sa dalaga.
Unti-unting nawala ang mga ngiti nito sa labi.
Kasabay niyon na nakita niya ang papalapit na waitress na may dalang balde upang mag mop sa floor, saktong dadaan ito kasabay ng babae.
And suddenly, a playful smirk put on her lips.
'let's see what you've got, bitch.' mataray na sambit ng kaniyang isipan.
Kasalukuyan na naglalakad palabas ng Resto Bar si Miara, ngunit bago siya tuluyang makalabas ay madadaanan niya ang table ng babae kanina na ngayon ay masama ng nakatitig sa kaniya.
Sa paraan ng pagkakatitig nito ay para bang handa siyang saktan anumang oras.
Kaya naman dahan-dahan na napabagal ang paglalakad niya palabas, sinubukan niyang maglihis ng paningin ngunit kahit na hindi siya nakatitig rito ay masama pa rin itong nakatitig sa kaniya.
Yumuko na lamang siya, hindi niya hilig ang makipag-away.
Tahimik siyang nananalangin sa isipin na sana ay ligtas at mapayapa siyang makalampas rito.
Mukhang dininig yata siya ng may kapal dahil sa kasabayan niyang dadaan ang kasamahan niyang waitress na si Janice.
Kaya naman medyo napalis ang kaba sa kaniyang dibdib.
Diretso ang tingin niya palabas, ngunit sadyang pinaglihi siguro ang babae sa kasamaan dahil nakita niyang tinalisod ng babae si Janice kung kaya't matutumba ito.
Para iligtas sa pagkakabagsak ang kaibigan ay mabilis siyang lumapit rito at inalalayan ngunit natigilan siya ng mabuhos sa kaniya ang balde na hawak-hawak nito.
Napaawang ang labi niya sa gulat, wala na siyang extra shirt dahil last shirt na ang suot niya ngayong pauwi na naman siya.
Nilingon niya ang babae na ngayon ay nakangisi sa kanila. This is below the line, that girl is messing with her, oo nga at hindi siya palaaway ngunit palaban siyang babae.
Tumayo ang babae at akmang aalis na ng pigilan niya ito at hawakan sa braso. Natigilan naman ito.
"Hey Miss, I saw what you did." mahinahon na sambit ng dalaga.
Hindi siya nilingon ng babae bagkus ay nakatitig ito sa kamay niya.
Natigilan naman siya at saka dahan-dahan na napabitiw saka lamang siya nilingon ng dalaga.
"How dare you touch me with your dirty hand?" maarteng saad nito.
Napaawang ang labi ni Miara sa sinambit nito, bastos ang ugali ng babaeng ito, kaya ang dapat dito ay pinapalasap ang karma.
"Excuse me, hindi madumi ang kamay ko at isa pa, ang kapal naman ng mukha mong mangtalisod, sino ka para malaya kang gawin ang gusto mo?" matapang na saad ni Miara sa dalaga.
Pagak na napatawa ang babae matapos ay unti-unti siya nitong tinitigan.
"And how about you? How dare you play victim in front of everyone." ganting saad nito.
"What?" naguguluhang tanong ni Miara sa babae. Napakunot ang noo niya at sinusubukang isipin kung ano ang ginawa niya wala siyang maalala na kahit ano na ikakasama ng loob nitong babae na ito, ni hindi nga niya ito kilala.
"Stop acting victim para magkagusto sa'yo ang lahat ng lalaki. Huwag kang gumawa ng eksena sa harap ng maraming tao." pabalang na sambit nito, sa sinambit niya ay na-gets niya ang ibig sabihin ng babae.
'Nakita niya ang ginawang pambabastos sa akin ng mga lalaki. Pero sa layo ng distansiya mukhang malabo niyang malaman ang dahilan.' sambit ng kaniyang isipan.
Sa pagkakataong ito ay siya naman ang napangisi.
"Who are you to tell me what to do? Sinuswelduhan mo ba ako para husgahan ako? Miss, sorry not sorry but you don't have the rights to judge me besides, you don't know a thing about me. Wala kang alam sa naganap kanina." matapang na sambit ni Miara.
Akmang magsasalita pa ito ng may magsalita sa gilid nila dahilan para lingunin nila iyon pareho.
"What do you think you're doing, Charm?" malamig na tanong ng isang lalaki sa gilid nila.
Nilingon nila ito at bahagyang nagulat si Miara ng makita niyang ang lalaking sumalo sa kaniya ang nagsalita.
Nagpalipat-lipat ang paningin niya sa dalawa.
'Sabi na e, may relasyon sila.' sambit ng isipan ng dalaga.
"Xavier--"
"What do you think you're doing here? You're not supposed here. Sinusundan mo ba ako?"
"A-Ah--"
Hindi na nakapag salita pa ang babae dahil sa walang salita siyang hinila palabas ng binata.
Nagkatitigan na lamang sila ng kanilang kaibigan saka sabay na nagkibit balikat.
"Miara, huhu sorry!" umiiyak na sambit ng kaibigan.
Matipig lamang na ngumiti ang dalaga saka mabilis na umiling.
"Baliw, wala ka namang kasalanan kaya ayos lang." nakangiting sambit nito.
"Oh, ano pang tinatayo-tayo mo jan Miara? Akala ko ba nagmamadali kang umuwi?" pagsingit ng kung sino sa kanilang usapan.
Sabay silang napalingon sa kung sino ito na nakitang ang boss nila iyon.
"Ma'am!"
"Ah hehe, wala si Janice kase naaksidente lang po, tinulungan ko lang hindi ba Janice?" pagpapalusot nito sa kanilang amo, nilingon niya ang kaibigan at sinenyasan ito na um-oo.
"A-Ah o-oo! Opo Ma'am pasens'ya na po." paggatong niya sa sinambit ng dalaga.
"Ganu'n ba? Sige bilisan mo na Miara. Akala ko ba kailangan mong makauwi ng maaga sa bahay niyo?"sambit ng kanilang amo.
Sa sinambit nito ay bumalik sa ala-ala niya kung bakit siya nagmamadaling umuwi. Pictorial ng kapatid niya ngayong araw.
"Hala! Oo nga pala! Naku Janice, mauna na ako ha. Hindi na kita matutulungan maglinis, omg!" sambit nito saka mabilis na tumakbo palabas.
Napailing na lamang ng sabay sina Janice at ang amo nito.
"Naku talaga, napakasipag na bata." sambit ng kanilang amo.
"Oo nga po, Ma'am e. Hindi na ako magtatakha kung bakit siya ang paborito mong empleyado." pabirong sambit ni Janice.
"Naku, tigil-tigilan mo ako Janice ha at ituloy mo na ang paglilinis jan."
Napatawa na lamang ang dalawang babae.
-----
Samantala ay madiin ang pagkakahawak ni Xavier sa kamay ng asawa.
Hinila niya ito papunta sa parking lot.
"A-Ah! Ano ba Xavier!? Nasasaktan ako!"hindi napigilang sigaw ng kaniyang asawa, doon lamang natauhan ang lalaki saka mabilis na binitawan ang pulsuhan ng asawa.
Mariin itong nakapikit habang nakahawak ang ulo sa sentido na para bang pinapakalma ang sarili.
"What are you doing here?" malumanay na tanong ng lalaki sa asawa, nilingon niya ito ng wala siyang marinig na sagot mula rito.
"Charm, answer my f*****g question. Did you follow me?" dugtong pa nitong tanong.
"K-kasalanan mo naman e. H-hindi ka umuuwi sa bahay, tapos h-hindi ka nagsasabi sa akin. Malay ko ba kung ano ng gagawin mo, m-malay ko ba kung mambababae ka," emosyonal na sambit ng kaniyang asawa kung kaya't mas lalo siyang nakaramdam ng frustration.
"f**k, Charm. f**k!" hindi mapigilang sigaw ng lalaki sa kaniyang asawa.
"X-Xavier..." she trailed off as she stared at her frustrated husband.
"Damn it, Charm! Damn it! Sa tagal nating magkarelasyon, wala ka ng ibang ginawa kung hindi ang pagdududahan ako! Ilang taon na tayo!? Dalawa Charm. Two f*****g years and yet I stayed faithful to you! Wala akong ginawa para pagdudahan mo ako!" hindi napigilan na sigaw ng binata.
Napakagat labi lamang ang babae sa sinambit ng asawa dahil totoo ang mga sinambit nito.
"Kung talagang may balak akong magcheat sa iyo, sana noon pa! noong una pa sana! Kaso hindi eh, deserve ko ba iyang pagdududa mo? Kahit wala naman akong ginagawa sa iyo," dugtong ng binata.
"I-I'm s-sorry..." humihikbing saad ng dalaga.
"Charm, may problema ako. Takte, hindi ko na nga alam 'yung gagawin ko e. Ayokong sabihin sa iyo kase ayokong masaktan ka, hangga't maari gusto kong sarilinin 'yung problema ko kase ayokong madamay ka. Ayokong madagdagan iyang iniisip mo, iniisip ko iyang mararamdaman mo, takte overthinker ka pa naman," paos na sambit ng lalaki.
"X-Xavier..." umiiyak pa rin niyang sambit.
"Hindi mo alam kung gaano kahirap sa akin na huwag sabihin sa iyo, kaso hindi ko kaya e. Ayokong makita kang madurog dahil lang don, ginagawan ko na nga ng paraan e. Ayokong mawala ka. Mahal kita e. Kung may balak akong magloko o mambabae, matagal ko na sanang ginawa. Noong una pa sana, tatagal ba tayo ng dalawang taon at pakakasalan ba kita kung hindi ako seryoso sa iyo?" mahinang paliwanag ng lalaki.
Doon na hindi nakapagpigil pa ang babae at saka mabilis na yumakap ng mahigpit sa asawa.
"I-I'm so sorry... H-hon pasens'ya na nagpadala ako sa emosiyon ko. S-sorry..." humihikbing paghingi ng tawad ng babae.
Doon lamang natigilan ang binata.
"Why did you do that?" biglaang tanong ng lalaki sa asawa.
"Huh?"walang alam niyang pagtatanong.
"Why did you do that to that girl? Wala naman siyang ginagawang masama sa iyo. Don't you dare deny it, I saw it," dugtong na sambit ng kaniyang asawa.
"I felt jealous." matapat na pag-amin ng asawa niya.
"What? Why are you feeling jealous to that girl? I never know her. I just help her, binabastos kase siya ng ibang kalalakihan doon." paliwanag ng lalaki sa asawa ngunit umismid lamang ang asawa niya.
"Tsk, papansin kase e," bulong nito na hindi naman nakatakas sa pandinig ng kaniyang asawa.
"I heard you. Hindi papansin ang babaeng iyon, marangal ang trabaho niya at maayos niyang ginagawa ang trabaho niya talagang mga siraulo lang 'yung lalaki. Kung hindi dumating 'yung owner baka nasapak ko sila." nandidilim na sambit ng lalaki dahilan para mapataas ang kilay ng kaniyang asawa.
"What? Bakit mo naman gagawin iyon? Eh kakasabi mo lang hindi mo naman kilala ang babaeng iyon." mataray na sambit ng asawa.
"Kahit sino pa ang mapunta sa situwasyon na iyon o ikaw, ganu'n pa din ang gagawin ko. Hindi ko masisikmura na makitang binabastos ang isang babae, kung sa iyo gawin iyon baka mapatay ko pa iyon e," dugtong na sambit ng kaniyang asawa.
Maayos naman ang paliwanag nito ngunit hindi maintindihan ng babae kung bakit parang may mali, actually this is the reason why she fell in-love with her husband. Maalaga at marespeto.
He never disrespect her, he never did something that can hurt her, in fact he's doing everything to make her happy.
"Let's go home, I'll tell you the reason. Just promise me you won't do anything and let me handle it." nabalik siya sa wisyo ng marinig ang sinambit ng dalaga.
"Let's go, ipapakuha ko na lang iyan sa driver natin. Doon kana sumakay sa sasakyan ko," sambit ng lalaki at napatango na lamang ang babae saka sumunod sa asawa.
To be continued...
K.Y.