Chapter 6: The Accident

2006 Words
Charm's POV It's been a week since the thing on the Bar happened, I thought Xavier will tell me about his problem but he just said he's tired and wanted to rest so I let him sleep. And the next morning came, I waited for him to tell me what's wrong but he didn't tell anything and a day turns to week. One week had passed and yet, he's not saying any word and I'm so tired waiting for him to open up. If he's really willing to tell me about his secret, magkukusa siya. Malalim akong napabuntong hininga habang napaayos ng pagkakahiga rito sa duyan dito sa garden namin, malayo ang tingin ko at ngayon ko lang napagtanto na napakaganda pa lang pagmasdan ng aming garden. Xavier is the one who's personally taking care of them, he doesn't want anyone to touch his plants and trees here even on me. Wala sa sariling napangiti ako sa aking naiisip, he's a good man. Bakit nga ba hindi ko mapigilan ang matakot? Hindi ko alam kung bakit, pero natatakot ako. I couldn't explain why, I'm just feeling it lalo na ngayon na naglilihim na siya sa akin ngayon na dati naman ay hindi. "Madame, Sir Xavier is on the phone."pagsambit ng isang tinig mula sa aking likuran. Nasa ganoong pag-iisip ako ng may magsalita sa aking likuran kung kaya't walang buhay ko itong nilingon. Dahan-dahan at maingat ang bawat kilos niya habang naglalakad palapit sa akin, they know how sensitive I am, they should be. Napangisi ako sa hindi malamang dahilan. Kinuha ko naman ang aking cellphone at saka inilagay ito sa aking tainga. "Xavier?"mababa ang boses kong sambit. "Charm, I'm sorry hindi ako makakauwi ng bahay for one week, I have business trip," diretsong sambit niya. Natigilan ako saglit, ni wala man lang ni-hi hello. Pagak akong napatawa ng mahina. "Charm? you're laughing?" sambit ni Xavier sa kabilang linya kung kaya't nabalik ako sa wisyo. Malalim akong huminga bago nagsalita,"Uhm, nothing. I just saw something funny. If that's the case, well that's alright," besides, sanay naman akong palagi ka nang wala rito sa bahay.' gusto ko sanang isatinig iyon ngunit mas pinili kong tumahimik na lamang. "All right, how are you?" sandali akong natigilan, hindi ko inaasahan na tatanungin niya ako. "I'm fine." iyon na lamang ang sinambit ko. "All right, I have to go now." sambit niya kasabay ng pagbaba niya ng linya. I was fool for waiting for him to say something but he didn't said anything like 'take care always' or 'I love you.' Walang emosiyon kong ibinaba ang cellphone at sandaling tinignan kung nagte-text siya ngunit lumipas na ang limang minuto na wala pa rin na nadating kung kaya't walang emosiyon ko iyong ibinigay sa isang katulong. "What was I'm waiting for?" natatawa kong sambit sa aking sarili. Mariin ko na lamang ipinikit ang aking mga mata saka dahan-dahan na inayos ang pagkakahiga ko sa duyan. He's cold. What should I do for him not to act like that? Miara's POV "Ano!?" gulat kong tanong kasabay niyon ang hindi ko inaasahan na mabunggo ang isang lalaking naka-all black ang suot. Sandali akong napatitig sa kaniya, ang weird lang kase naka face mask pa siya. "Pasensya na po!" sambit ko ng matauhan ako ngunit hindi niya ako pinansin bagkus ay dire-diretso lang siyang naglakad paalis. Napataas ang kilay ko habang nakatitig sa kaniya, nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang tinig ni Laurence sa kabilang linya. "Aish! Hinaan mo nga ang boses mo Miara." sambit ni Laurence sa kabilang linya. "Oh." iyon na lamang ang sinambit ko saka naglakad muli. Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa aming apartment ng biglang tumawag sa akin si Laurence kanina and saying annoying stuff now. Inalis ko sa aking isipan ang nabunggo ko saka nagpatuloy sa paglalakad, malapit na ako sa apartment namin. Sandali ko munang hinalukay ang bag ko upang kuhanin ang susi. "Bakit ba Laurence Vargas? Ha? Sino naman may sabi sa iyo na sasali ako sa contest? Sinabi ko na sa iyo, wala na akong balak sumali sa kahit anong pageant!" inis kong sambit sa kaniya. Hindi ko na mapigilang mainis sa kaniya. "Miara, makakatulong sa iyo ito--" putol niyang sambit dahil hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makapagsalita pa. "Laurence, makinig ka sa aking mabuti. Okay? Hindi ako puwedeng sumali, alam mong isang linggo iyon doon sa Cruise Ship, alam mong walang bantay ang dalawang kapatid ko. Sino mag-aasikaso sa kanila?"paliwanag ko sa kaniya. Saktuhan na nakuha ko ang susi kung kaya't ginamit ko ito para buksan ang pintuan ng aming apartment. Third Person's POV Nang mabuksan ng dalaga ang pintuan ay walang salita siyang pumasok sa loob saka muling sinara ang pintuan. Alam niya kaseng wala roon ang kapatid niyang dalawa dahil sa pareho itong may pasok, hapon na, malamang na pauwi pa lang ang mga ito. Prente siyang umupo habang nasa katapat pa rin ng kaniyang tainga ang kaniyang cellphone at kausap ang kaibigan sa kabilang linya. "Miara, kase..." putol na sambit ng binata, nagdadalawang isip siya kung dapat niya bang sabihin sa kaibigan ang totoo. "Kase?"tanong ng dalaga, sandali siyang naglibot ng paningin. "Nalista na kita e... Hindi na puwedeng alisin kase final candidates na iyon, at saka mamayang gabi na ang alis."sambit ng kaibigan niya, narinig niya ang sinambit nito ngunit wala sa kaibigan ang atensiyon niya, kung hindi sa lagay ng kanilang bahay. as usual gulo-gulo ang bahay nila. Ngunit parang may mali kung kaya't tinalasan niya ang kaniyang paningin at wala sa sariling napatingin siya sa kanilang tiles sa lapag. Patak ng dugo. Kung kaya't naman ay taranta siyang napatayo at saka napa ungot ng kaunti dahil sa kaba. "Miara? What happened? What's that?"nag-aalalang tanong ng kaniyang kaibigan. Malakas na tumatambol ang kaniyang dibdib kasabay ng dahan-dahan niyang paglalakad habang sinusundan ang patak ng dugo. Sandali siyang natigilan ng makita niyang sa silid ng kaniyang bunsong kapatid iyon. 'Kian!' sigaw ng isipan niya. Naibaba niya ang cellphone ngunit hawak niya pa rin iyon kasabay ng pagtakbo niya ng mabilis papunta sa silid ng kaniyang kapatid. Walang pag-aalinlangang niyang binuksan ang pintuan at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya ng makita niyang nakahandusay sa lapag ang kaniyang bunsong kapatid at naliligo sa sariling dugo. His eyes are half close. "Kian! Oh my god! Kian! Kian!" malakas niyang sigaw, nabitawan niya ang cellphone sa lapag kasabay ng pagtakbo niya sa katawan ng kapatid. "Miara! Miara! Miara!" sambit ni Laurence sa kabilang linya ngunit hindi siya marinig ni Miara dahil sa nasa kapatid niya ang atensiyon. Sandaling napatingin ang binata sa cellphone at nakitang naka continue pa ang call nilang dalawa, mabilis siyang napatayo dahilan para maagaw niya ang atensiyon ng lahat. Saktuhan na nagsidatingan ang lahat ng mga ka-business partner ng company nila. Nagtatakha ang mga ito sa kaniya, sandali siyang napatitig sa mga ito ngunit mabilis ring tumakbo palabas. "Where is he going?" Narinig niya pang tanong ng mga ito ngunit wala roon ang atensiyon niya dahil mas nangingibabaw ang pag-aalala niya sa taong mahal niya. Mabilis siyang tumakbo papunta sa elevator at ng makasakay sila ay saka siya nagsalita. "Rain, Cancel the meeting now and for the next two days and prepare our private plane, I'm going back to Philippines." taranta niyang sambit sa kaniyang secretary. "But Sir--" "No f*****g buts and just do what I said! Now!!" Malakas na sigaw nito kung kaya't napayuko na lamang ang kaniyang secretary. "Right away sir!" Taranta siyang naglalakad pabalik-balik sa loob ng elevator. Napatitig na lamang sa kaniya ang secretary kasabay ng pagkuha nito ng kaniyang cellphone at ginawa ang ipinag-uutos ng kaniyang boss. 'Wait for me, Miara. I'll be there as soon as possible!' sambit ng kaniyang isipan. Samantala ay kasalukuyang humihikbi ang dalaga sa nakita at nagsisisigaw. "Kian! Oh my god!" umiiyak nitong sigaw, sandali at dahan-dahan niyang pinahiga ang ulo ng kapatid sa kaniyang hita. "A-ate..." nahihirapang sambit ng kaniyang kapatid. "K-kian..." nanghihinang sambit ng dalaga. Nanghihina siya ngunit kahit na gano'n ay pinilit niya ang sa na buhatin ito ngunit kaagad ring napaupo. "I love you, a-ate..."nakangiti nitong sambit. "K-kian... N-no... D-don't say anything. All right? P-pupunta tayong Hospital..." umiiyak pa nitong sambit. Nasa ganoong situwasyon sila ng bigla ay dumating ang kanilang pangalawang kapatid, si Jeff. Nagmamadali pa siya dahil hindi na siya makapaghintay na ipakita sa kaniyang bunsong kapatid ang pokemon na binili niya para rito. Ito ang gustong-gusto laruan ng kaniyang kapatid. Kung kaya't wala siyang sinayang na sandali at mabilis na nagtungo sa silid nilang magkapatid. "Kian--" naputol sa ere ang sasabihin niya ng makita niya ang situwasyon sa loob niyon. Nawala ang ngiti niya sa labi, sandali siyang natuod sa kinatatayuan na para bang bubuhusan siya ng malamig na tubig. Namutla siya, kasabay niyon ang mabilis niyang pagtakbo sa mga kapatid. "Ate! Anong nangyari?" Natataranta niyang tanong. "J-jeff..." Nanghihinang sambit nito. Naluluha na napatitig ang binata sa lagay ng kaniyang kapatid. Ngunit kahit na gusto niyang umiyak ay mas gusto niyang mailigtas ang kapatid kung kaya't walang salita niyang binuhat ang kapatid. "Ate, tara bilisan mo! Kailangan nating makapunta ng hospital."sambit ng kapatid. Kung kaya't inayos niya ang sarili saka sumunod sa mga ito. Mabilis silang nakalabas ng apartment, mabuti na lamang at mababait ang mga sasakyan na naroon dahil sa pinasakay sila nito ng walang pagdadalawang-isip. "Kian, huwag kang matulog, pakiusap." nagmamakaawang sambit ni Jeff sa kapatid. Lumipas ang ilang minuto at mabilis silang nakarating sa Hospital. "Tulong! Tulungan niyo po kami!" sigaw nilang magkapatid. Mabilis na nakalapit sa kanila ang nurse at ang isang doctor. Inihiga nila ang kapatid sa hospital bed saka mabilis na itinakbo papunta sa emergency room. Nang makarating sa emergency room ay hindi sila pinapasok, hanggang sa labas lamang sila. Kung kaya't natigilan silang magkapatid, doon lamang nakaramdam ng panghihina ang dalaga. Muntikan na siyang mapaupo sa sahig kung hindi lang siya naalalayan ng kapatid at dahan-dahan na pinaupo sa waiting chair doon sa labas. Umiiyak ng masagana ang kaniyang ate. "Ate..." pag-agaw niya sa atensiyon ng kapatid. "J-jeff si K-kian..." umiiyak nitong sambit. Mahigpit niyang niyakap ang kapatid saka dahan-dahan na inalo, siya ang panganay na lalaki, sa mga panahon na parehong nanghihina ang mga kapatid niya dapat ay magpakatatag siya. "Shhh, ate. Tahan na... Walang masamang mangyayari kay Kian. You know how strong he is. Let's just pray and wait."pagpapalakas ng loob niyang sambit sa kaniyang ate. Dahan-dahan naman na tumango ang dalaga. Nasa ganoong posisyon sila ng bigla ay lumabas ang doctor kung kaya't sabay silang napatayo. "D-Doc kamusta po ang kapatid namin?" nanginginig ang boses na sambit ng kaniyang ate. "He's currently on operation, but we can't proceed yet, you're sibling needs a blood. Sino sa inyo ang ka-match niya? He's type AB+ rare ang dugo niya, i've checked our blood banks but we don't have a type AB+ blood." paliwanag ng doctor. Nanginginig na sumagot ang dalaga. "A-ako po! I'm type AB+, I can donate my blood." sambit nito. "That's great, we need to check first if you'll match his blood. Let's go inside." Sandali muna niyang nilingon ang kapatid, "Jeff, umuwi ka sa bahay at ayusin doon. Kuhanin mo ang wallet at cellphone ko saka ka bumalik dito, I'll handle the things here so now go!" habilin ng kaniyang kapatid. Tumango siya rito at saka sumunod. Mabilis siyang tumakbo palabas ng hospital ngunit imbis na tahakin ang daan papunta sa kanilang bahay ay sa presinto siya pumunta. "Excuse me, Sir! Ma'am! nasaksak po ang kapatid ko, tulungan niyo po kami." nagmamakaawa niyang sambit. Nang marinig iyon ng mga police ay mabilis nilang nilapit ang binata. "I'm a detective,nasaan ang kapatid mo?" "Saan kayo nakatira, tara at samahan mo kami." Tumango siya sa tatlong police na lumapit sa kaniya at saka itinuro sa mga ito ang bahay nila. Nang makarating sa bahay ay ipinaliwanag niya ang lahat sa mga ito kasabay ng pagkuha niya ng gamit ng kapatid, kumuha na rin siya ng damit at pagkain para sa kaniyang mga kapatid. To be continued... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD