CHAPTER 6

1587 Words
“SAAN ka ba galing, Kuya? Bigla ka na lang nawala. Hello, Kuya, nakikinig ka ba sa akin?!” “Nagpahangin lang ako sandali,” sagot ni Oliver kay Elirei. Mula nang makabalik siya sa restaurant kung saan ginanap ang birthday party ng pamangkin niya ay wala nang ibang ginawa ang kapatid kundi ang usyosuhin siya. Silang pamilya na lamang ang mga naroon dahil kasalukuyan nang naglulunoy sa pool ang mga bisita. Kumunot ang noo ng kapatid ni Oliver. “`Yon lang? Eh, bakit parang lalo ka lang naging restless kaysa kaninang bago ka umalis?” nagdududang tanong nito. Hindi siya nakaimik dahil sumagi na naman sa kanyang isip ang mukha ng babaeng nakilala niya sa dalampasigan kanina. Ivy. Just the thought of her name made his insides churn. Napailing siya. Sa totoo lang ay hindi siya makapaniwala sa kanyang ginawa. He actually kissed a stranger. Worst of all, he actually desired her. Nagpunta lang si Oliver sa dalampasigan upang takasan ang ingay ng party. Gusto lang niyang mapag-isa upang isipin kung paano niya mapapapayag ang Wildflowers na maging cover story ng Exposed. Noon niya napansin ang mga bulalakaw sa kalangitan at ang babaeng tuwang-tuwang pinagmamasdan iyon. Hindi niya naaninag ang mukha nito ngunit kahit ganoon ay hindi niya naialis ang tingin sa babae. She seemed to be having so much fun that it also made him smile. Dagli rin niyang nakalimutan ang trabaho. Hanggang sa hindi siya nakatiis na kausapin at lapitan ito. And when their eyes met, he felt a jolt of awareness he had never felt with a stranger before. Saglit na pakikipag-usap lang kay Ivy ay nakuha ng babae ang kanyang interes. She seemed to be sweet and innocent, iba sa halos lahat ng babaeng nakakasalamuha niya. Bago pa niya mapagana nang husto ang kanyang isip ay nahalikan na niya si Ivy. At hanggang ngayon ay wala siyang pagsisisi sa kanyang ginawa. Hayun nga at kahit dalawang oras na siyang nakabalik sa restaurant ay parang nangangati pa rin ang mga paa niyang bumalik sa dalampasigan dahil baka naroon pa si Ivy. “Mommy, Tito!” tili ni Joan habang papalapit sa kanilang magkapatid. “Someone said that Stephanie of Wildflowers is here at the resort. I want to see her and get her autograph!” masayang sabi pa ng pamangkin niya. Tila iyon malamig na tubig na ibinuhos kay oliver. Oo nga pala. Wala siyang panahong magsimula ng relasyon sa kahit na sinong babae sa mga oras na iyon kahit gaano pa niya kagusto. Ang Wildflowers lang ang kailangan niyang pagtuunan ng pansin para maisalba ang Exposed. “are you a fan, baby?” tanong ni Oliver sa pamangkin. Tumingin sa kanya ang bata at ngumiti. “Yes! I love them. Nag-aaral na nga rin po akong maggitara dahil sa kanila. Especially Stephanie. She’s so cool whenever she plays her guitar.” Lumampas ang tingin nito sa kanya at nanlaki ang mga mata. “Oh my! That’s her!” tili ng pamangkin niya. Bago pa nila mapigilan ni Elirei si Joan ay tumakbo na ito patungo sa entrada ng restaurant. May bahagi pa kasi niyon ang tumatanggap ng ibang guest ng resort. Hinabol ito ng kapatid niya. Ngunit si Oliver ay napako sa kinatatayuan nang makita kung sino ang nilapitan ng kanyang pamangkin. It was Ivy, the woman he’d been itching to see again. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya nang mga sandaling iyon. Ivy was Stephanie, one of the Wildflowers. Bahagya siyang nakaramdam ng pagkadismaya sa kaalamang bahagi ito ng napakagulong mundo ng show business. He wanted her to be an ordinary woman. Then maybe, they might have a chance to be together. Ngunit ngayong nalaman niya kung sino talaga ito ay tumunog ang warning bells sa isip niya na huwag ma-involve sa babae. Bigla ay may naisip siyang ideya. Ayaw niya ng magulong buhay at alam niyang hindi magandang ideya ang kanyang naiisip. Ngunit kapag nilapitan niya si Ivy at makuha ang tiwala ng babae ay malaki ang posibilidad na mapapayag niya ang banda nitong maging cover story ng Exposed. At base sa karanasan niya sa mga taga-show business, lalo na ang asawa ng kanyang ama, ay nasisiguro niyang papayag si Ivy na ma-involve sa kanya na walang commitment. May isang bahagi ni Oliver ang nagrerebelde sa posibilidad na ganoon itong klase ng babae. Pero hindi niya kilala si Ivy kaya ano ang malay niya? Yes, that was it. He never mixed business with pleasure but at that moment he knew no other way. He wanted her band to be on his magazine and he wanted her badly. Pero hindi muna niya sasabihin kay Ivy na alam na niya kung sino talaga ito. After all, hindi ibinigay sa kanya ng babae ang tunay nitong pangalan. Kaya sa halip na lumapit ay tumalikod siya at nagtungo sa kabilang direksiyon.       MAGANDA ang gising ni Stephanie kinabukasan. Pakiramdam niya ay maraming magandang nangyari sa kanya nang nagdaang gabi. Nakapagsulat siya ng dalawang stanza ng kanta at nang magpunta siya sa restaurant upang kumain ay may isang magandang batang babae ang lumapit sa kanya para sabihing iniidolo raw siya nito. Kung sa ibang pagkakataon ay mababahala siyang may nakakilala sa kanya roon. Ngunit dahil masyadong charming ang bata at na-touch siya nang husto sa mga sinabi nito sa kanya ay natuwa na rin siya. At siyempre, kasama sa dahilan kung bakit ang gaan ng pakiramdam niya ay dahil sa engkuwentro niya kay Oliver. She wondered if she would see him again today. Sana. Pero hindi niya alam kung paano haharapin ang lalaki pagkatapos ng nangyari sa kanila. Worst, paano kung hindi siya nito mamukhaan? Si Oliver pa rin ang sentro ng kanyang isip habang naliligo siya at nagbibihis. Isinuot ni Stephanie ang two-piece swimsuit niya at pinatungan lamang iyon ng sarong. Bitbit ang kanyang beach bag ay lumabas siya ng cottage niya at nagpahatid na sa isang golf cart na service ng mga guest patungo sa restaurant kung saan siya mag-aalmusal. Pagkatapos niyon ay plano niyang lumangoy. May mangilan-ngilang guests na sa restaurant nang makarating siya roon. Iginala niya ang paningin upang hanapin ang batang si Joan ngunit wala ito. Marahil ay umalis na si Joan at ang pamilya ng bata. Pagkatapos niyang kumuha ng pagkain sa buffet table ay pumuwesto siya sa pinakadulo at tagong bahagi ng kainan. Nakakailang subo pa lang siya nang maramdamang may lumapit sa mesa. Ang unang rumehistro sa isip ni Stephanie ay ang pamilyar na amoy ng sandalwood. Bumilis ang t***k ng kanyang puso. napatingala siya. Sumalubong sa kanya ang masuyong ngiti ni Oliver. “Good morning, Ivy,” bati nito. Napaderetso siya ng upo at namamangha pa ring nakatingin sa lalaki. “O-Oliver,” tanging nasabi niya. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ng lalaki nang umupo sa katapat na silya. “Sinasabi ko na nga ba at ikaw ang nakita ko. At mag-isa ka na naman,” puna nito. Napalunok si Stephanie. “Actually, mag-isa lang kasi talaga akong nagbabakasyon dito,” pag-amin niya. “Really? Actually, mag-isa lang din ako. Do you mind if I join you for breakfast? If you have other plans, then maybe later? Mas masaya kung may kasama,” alok ni Oliver. “Sure,” aniyang ngumiti nang matamis. Hindi niya napigilan ang sayang naramdaman sa sinabi nito. Saglit na hindi nakapagsalita si Oliver at tila natigilan habang tinititigan siya. Sumikdo ang kanyang puso sa paraan ng pagtitig nito sa kanya kaya hindi niya naiwasang mapatikhim. “Oliver?” untag niya. Tumingin ito sa mga mata niya at ngumiti. “I’ll just go get something to eat.” Tumayo ito. Nagtatakang napasunod na lamang si Stephanie ng tingin kay Oliver. Noon lamang niya napagmasdan ang ayos ng lalaki. He was wearing khaki shorts and a plain white polo shirt. Ang buhok nito ay magulo na tila ba hinangin iyon. Kinuyom niya ang mga kamay dahil parang nais niyang hawiin ang buhok ni Oliver. Naka-leather sandals lang ang lalaki kaya nakikita niya ang malalaki ngunit magagandang hubog ng paa. She could not believe that a man’s feet could be so sexy. Nag-init ang mukha ni Stephanie sa itinatakbo ng kanyang isip. Ang aga-aga ay pulos kahalayan ang naiisip niya. Samantalang dati ay wala namang ganoong pumapasok sa kanyang isip. Iniangat na lamang uli niya ang tingin at tiyempo namang napabaling ito sa panig niya kaya nagtama ang kanilang mga mata. Maluwang itong nakangiti sa kanya. Natunaw yata ang kanyang puso. Bigla ay naalala niya ang biro ng producer nila. “Really you girls, I thought you might want to go to the Caribbean and have a love affair there so that you would be inspired or something.” Habang nakatingin siya kay Oliver ay bigla niyang naisip na maganda yatang ideya ang sinabi ni Mr. Gallante. Nag-init ang mga pisngi niya sa naisip. Siya, makikipag-love affair sa isang lalaking nakilala lamang niya sa resort na iyon? Ni sa hinagap ay hindi niya maiisip na may kakayahan siyang gawin iyon. O mas tamang sabihing, wala siyang lakas ng loob na makipag-affair. Dahil kung mayroon ay matagal na sana niyang ginawa. Ngunit nang muling mapatingin si Stephanie kay Oliver ay nahigit niya ang hininga. Pagkatapos ay napaisip uli siya. Baka hindi pa lang niya nakikita ang lalaking handa siyang itapon ang inhibisyon niya dahil nais niya itong makasama. Maybe, it was only now that she found that man. Nang muling tumingin sa kanya si Oliver ay napangiti na rin siya. Maybe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD