CHAPTER 7

1298 Words
SA LOOB ng maraming taon mula nang mag-debut si Stephanie kasama ang mga kabanda niya bilang musicians ay noon pa lang yata siya nag-enjoy nang husto. Paminsan-minsan ay nagugulat pa siya kapag naririnig ang sariling tawa habang naglulunoy sa dagat kasama si Oliver. Masaya itong kasama. Bukod sa may sense of humor si Oliver ay talagang nag-uumapaw ito sa charm. Dahilan kaya palagi siyang tila kinikiliti nakikita pa lamang niya ang mga ngiti ng lalaki. Tuwing naglalapat ang mga balat nila sa isa’t isa ay para naman siyang kinukuryente. At kapag nagtatama ang mga mata nila ay bumibilis ang t***k ng kanyang puso dahil pakiramdam niya ay nababasa niya sa mga mata nito na nararamdaman din ng lalaki ang mga sensasyong nararamdaman niya. Ngunit kahit tila may magnet na nagdudulot ng kakaibang atraksiyon sa pagitan nila ay hindi nila napapag-usapan ang personal na buhay nila. Ang pinag-uusapan nila ay pulos general topics at tungkol sa opinyon ng isa’t isa sa maraming bagay. May bahagi niya ang nare-relieve dahil hindi pa niya alam kung paano niya sasabihin kay Oliver kung sino talaga siya. Ngunit sa kabilang banda ay hindi rin siya mapakali dahil gusto niyang malaman ang tungkol dito. Dahil alam niyang unfair ang nararamdaman niya kaya hindi na rin siya nagkomento pa. Hanggang sa dumilim na ay hindi pa rin sila naghiwalay kahit ilang minuto lamang. Napakabilis ng oras kapag si Oliver ang kasama ni Stephanie. “Do you want to have dinner before we call it a night?” “That sounds good,” nakangiting sagot niya habang nagpupunas sila ng katawan at naghahanda na upang umalis sa dalampasigan. Madilim na kasi kaya pinapayuhan ang mga guests na kung gusto pa rin nilang lumangoy ay sa pool na lamang para hindi masyadong delikado. Muli ay sumilay ang napakagandang ngiti ni Oliver. Naramdaman niya ang paghaplos ng kamay nito sa braso niya na nagpatayo sa kanyang mga balahibo hanggang sa lumapat iyon sa bandang siko niya. “Then let’s change our clothes at the shower room first, shall we?” yaya nito. Napatango na lamang siya bago siya nito inakay patungo sa direksiyon ng mga shower room. SA SEASIDE open restaurant napiling maghapunan nina Stephanie at Oliver. Kapwa na sila nakapagpalit ng damit bagaman basa pa rin ang kanilang mga buhok. Paminsan-minsan ay napapatitig siya sa ilang hibla ng buhok ni Oliver na bumabagsak sa noo nito at sa tuwina ay nangangati siyang hawiin iyon. Napipigilan lamang niya ang sarili. Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang may matandang gitaristang lumapit sa mesa nila at nagsimulang tumugtog. Napangiti siya habang nakikinig sa mabining strum sa gitara. “Do you like music?” tanong ni Oliver. Napatingin siya rito at ngumiti sa kabila ng matamang pagtitig nito sa kanya. “Yes. I love it, in fact.” Iyon ang unang beses na may sinabi siyang ganoon kapersonal kay Oliver. Marahan itong tumango at bahagyang ngumiti. “Then why don’t you request a song from him?” Natuwa si Stephanie sa suhestiyon ni Oliver at napatingin sa naggigitara. “Can I?” Nang tumango ito ay lalo siyang napangiti. “Let’s see, ano ba’ng maganda…” Nang may maisip ay napaderetso pa siya ng upo. “Manong, alam mo ba `yong ‘Speechless’ ng The Veronicas?” alanganing tanong niya. Natuwa siya nang tumango ang gitarista. Ngumiti ito at sandali pa ay tinutugtog na ang awitin na naging acoustic version. Huminga siya nang malalim at pumikit pa habang pinapakinggan iyon. Mayamaya ay dumilat siya at hindi na nakatiis na hindi sumabay na kumanta sa tugtuging iyon. “Feels like I have always known you. And I swear I’ve dreamt about you. All those endless nights I was alone. It’s like I’ve spent forever searching. Now I know that it was worth it. With you it feels like I am finally home.” Napatingin siya kay Oliver na titig na titig sa kanya. nginitian niya ito nang matamis at ipinagpatuloy ang pag-awit. For the first time in her life, she felt like singing for someone special. Iba pala ang pakiramdam. Ngayon ay alam na niya kung ano ang pakiramdam ni Cham kapag kinakantahan ang asawang si Rick. At oo, kahit na kung tutuusin ay hindi pa rin sila lubusang magkakilala ay alam niyang espesyal para sa kanya si Oliver.   NAIPAGPASALAMAT ni Oliver na naibaba niya nang maayos ang kubyertos na hawak niya bago pa iyon tuluyang naibagsak sa labis na pagkamangha. Ivy was singing and her voice resonated in his soul. Ang akala niya kanina ay sapat ng panggulat sa kanya na masaya itong kasama at halos magkapareho sila ng wavelength tungkol sa lahat ng bagay na napag-usapan nila maghapon. But now, listening to her sing while smiling at him made him nearly lose his sanity. Hindi niya alam na ganoon kaganda ang boses nito. O ganoon ito katagos sa kaluluwa kumanta. Ang akala ba niya ay gitarista ito? She could be a solo singer and her songs will surely hit the charts! “`Coz you leave me speechless. When you talk to me, you leave me breathless. The way you look at me, you manage to disarm me, my soul is shining through. `Can’t help but surrender, my everything to you,” nakangiting pagkanta nito habang nakatingin sa kanya. I’m the one you’re leaving speechless here. Muntik na niyang masabi. Tapos nang kumanta si Ivy ay ni hindi pa rin kumukurap si Oliver. Pakiramdam niya ay may humahalukay sa kanyang sikmura habang nakikinig sa dalaga. Why the hell was he affected by her like this? Bago pa man niya lapitan si Ivy kaninang umaga ay naplano na niya ang lahat ng kanyang gagawin sa araw na iyon. Pasimple niyang susuyuin si Ivy at magtatanong nang kaunti tungkol sa dalaga. At kapag nadulas ito sa tunay na propesyon ay pasimple niyang sasabihin sa dalaga ang tungkol sa Exposed upang kumbinsihin itong tanggapin ang alok niyang exclusive interview ng banda nito. Ang kaso, mula pa kaninang umaga ay nawawala palagi sa isip ni Oliver ang tungkol doon. Until all he could do was notice her every movement, her every smile, her every word and nothing else. At ngayon, kung kailan nahamig na niya ang sarili na ituon ang atensiyon sa tunay niyang agenda kay Ivy ay nawala na naman siya dahil sa biglang pagkanta ng dalaga. “Oliver?” nagtatakang untag ni Ivy. Iniangat pa nito ang isang kamay at bahagyang iwinagayway sa harap niya. Mabilis na hinawakan niya ang kamay nito. Suminghap ito. Ibinaba niya ang mga kamay nila sa mesa. Sinulyapan niya ang naggigitara, dumukot siya ng pera sa bulsa at iniabot sa lalaki. Nang makalayo na ang lalaki ay saka lamang niya muling binalingan si Ivy. “You surprised me. Hindi ko alam na maganda pala ang boses mo.” Ngumiti uli si Ivy nang matamis. Ginagap niya ang kamay nito. “You’re beautiful,” hindi na niya napigilang sabihin. Namula si Ivy at biglang tila nahiya ang ngiti. Parang may sumuntok sa sikmura ni Oliver at ngalingaling hilahin ang dalaga palapit sa kanya. Sa halip ay lalo lamang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito. Ang plano niyang mapalapit kay Ivy para sa magazine niya ay dagling nilipad ng hangin. He held her hand tight, never wanting to let her go, at least for tonight. Dahil alam niyang kakailanganin din niyang bumalik sa realidad. Kung saan isa siyang negosyanteng kailangang isalba ang importanteng bagay sa kanya at si Ivy naman ay isang maningning na bituin sa mundong wala siyang balak na mapasama. But for tonight, he will give in to what he so desired. And she was what he so desired.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD