NAPAPIKIT si Stephanie at dinama ang malakas na hampas ng hangin sa kanyang buong katawan. Pati ang mahaba at kulot niyang buhok ay hinahangin ngunit sa unang pagkakataon mula nang maging professional musician siya ay hindi siya nag-aalala kahit pa magulo iyon. Nilanghap niya ang amoy ng dagat at masayang pinakinggan ang bawat hampas ng alon sa dalampasigan. She loved it that even in that simple way, she felt liberated and independent.
Isang linggo na mula nang dumating sila sa Pilipinas. Pagkatapos ng press conference nila at saglit na kumustahan kasama sina Cham, Rick at ang banda nito na naging malapit na rin nilang mga kaibigan ay naghiwa-hiwalay na sila ng mga landas. Siya ay napadpad sa super private resort na iyon at kasalukuyang solong-solo ang dalampasigan.
Pangalawang gabi na niya roon at naipag-pasalamat niyang halos wala siyang nakikitang tao roon. Alam niya na may ibang guests pa roon. Masyado lamang malaki at exclusive ang resort na halos hindi nagkakakitaan ang mga guest. She preferred it that way. Na-relax rin siya na mukhang wala namang makakakilala sa kanya sa naturang lugar. Kunsabagay, sa banda nila ay si Carli ang pinakakilala dahil ito ang bokalista nila. Most people didn’t even notice them, unless they were really huge fans of their band.
Tuwing nakikita ni Stephanie na halos hindi makalabas ng hotel room nila si Carli dahil agad na nakikilala at dinudumog ng tao ay naipagpa-pasalamat niyang hindi siya ang main face ng kanilang banda. Gusto pa rin niya ng kalayaang makapunta sa gusto niyang puntahan nang hindi dinudumog ng tao.
Dumilat siya at tumingala sa kalangitan. Nahigit niya ang hininga at napangiti nang makitang napakaraming bituin. Sa Maynila at kahit sa New York ay malabong makakita siya ng ganoon karaming bituin sa langit dahil sa liwanag ng mga building.
May gumuhit na liwanag sa kalangitan na nagpalaki ng kanyang mga mata at nagpaigtad sa kanya.
“Shooting star!” namamanghang bulalas niya. Napanganga na siya at napangiti nang may gumuhit na namang liwanag, at isa pa, at isa pa.
“Wow!” Sa dalawampu’t siyam na taon ng buhay ni Stephanie ay noon lang siya nakakita ng shooting star. She was so busy chasing her dreams that it never occurred to her to just look at the night sky. Was it pure luck that she was seeing these now?
Napaigtad siya nang may marinig na mahinang tawa mula sa kanyang likuran. Marahas na napalingon siya. Nahigit niya ang hininga nang makita ang matangkad na lalaki ilang metro lamang ang layo mula sa kanya. Madilim sa bahaging iyon ng resort maliban sa ilang lamppost na nakatayo malapit sa restaurant bar na nasa likuran ng lalaki, kaya hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito.
Ngunit malinaw na nakikita ni Stephanie ang bulto ng lalaki sa pamamagitan ng dim light na tumatama rito. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay may gumuhit na kakaibang pakiramdam sa buong katawan niya habang nakatingin sa lalaki.
“It was on the news that there will be a meteor shower today. I just didn’t expect to see it myself. But you are more fun to watch than the shooting stars,” sabi ng lalaki sa baritonong tinig na nagdulot ng tila pagliliparan ng mga paruparo sa kanyang sikmura. Wala tuloy sa loob na napahawak siya sa kanyang tiyan.
“K-kanina ka pa riyan?”
“Medyo,” sagot ng lalaki, saka naglakad palapit sa kanya.
Napaderetso si Stephanie ng tayo, tuluyang nawala ang atensiyon sa mga bulalakaw sa kalangitan at napatitig na lamang sa lalaki. Habang lumalapit ito sa kanya ay unti-unti rin niyang naaaninag ang mukha ng lalaki.
Lumuwang ang pagkakangiti nito na nagpasikdo sa t***k ng puso niya. “Nagpunta ako rito para magpahangin. Then I saw you,” patuloy ng lalaki.
Napatango na lamang siya ngunit hindi pa rin magawang alisin ang tingin sa mukha nito. Pakiramdam niya ay hindi siya si Stephanie Ivy Alarcon, gitarista ng sikat na bandang Wildflowers, kundi si Stephanie na isang simpleng babae lamang.
“Ayaw mo bang magpaistorbo? It seems that you don’t want to talk to me,” puna ng lalaki.
Noon siya napakurap at napatikhim. “Hindi naman sa gano’n. Nagulat lang ako. Ang akala ko, ako lang mag-isa rito.”
Tinitigan siya ng lalaki. “Do you like being alone?”
“What makes you think that I like being alone?” namamanghang tanong niya.
Nagkibit-balikat ito. “Dahil mag-isa kang nandito. Hindi ba dapat ine-enjoy mo ang meteor shower at ang dagat nang may kasama? Miss…”
“I’m Ivy. And it’s not that I like being alone. More like, I’m used to it.”
Hindi alam ni Stephanie kung bakit mas pinili niyang sabihin sa lalaki ang kanyang second name kaysa sa pangalang mas kilala siya. Siguro ay dahil may bahagi niya ang natatakot pa ring makilala nito. Or maybe, she just wanted him to know a part of her that the world didn’t know.
Saglit siyang tinitigan ng lalaki pagkatapos ay ngumiti. Inilahad nito ang kamay sa kanya. “I’m Oliver.”
Saglit siyang napatitig sa lalaki bago tinanggap ang pakikipagkamay nito. Marahang ginagap ni Oliver ang kamay niya. It made her whole body tingle. The sensation was so new to her she could not help but just stare at him. Mukhang wala rin naman itong balak alisin ang pagkakatingin sa kanyang mukha.
Kapwa lang sila napakurap nang muling may gumuhit na mga liwanag sa kalangitan. Sabay pa silang napatingala. Muli ay namangha siya sa nasaksihan. “Ang ganda,” sabi niya.
“Yeah. It’s so beautiful that it makes you smile like that,” wika ni Oliver.
Natawa siya. “Ang corny ng pickup line mo,” bulalas niya.
Mukhang nalito si Oliver. “I don’t have pickup lines that people love to throw at anyone these days. What I have is honesty.”
Napangiti si Stephanie. “Thank you.”
Naisip lang niya, gaano katinding coincidence ang makakilala ng lalaking gaya nito sa lugar na iyon habang may meteor shower? No matter how she thought about it, it felt like destiny.
Bahagyang kumunot ang noo ni Oliver. “You don’t sound like you believe me,” nagdududang tanong nito.
Muli ay natawa siya. Weird. Pakiramdam niya ay para siyang kinikiliti. “Sorry. Ilang beses ko na kasing napanood sa sine ang linyang `yan.”
“Oh really?”
Bago pa maisip ni Stephanie ang gagawin ni Oliver ay naramdaman niyang humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya at hinila siya palapit. Napasandig siya sa dibdib nito at awtomatikong nalanghap niya ang mabangong amoy ni Oliver. He smelled masculine and had the smell of sandalwood that she had the urge to just bury her face in his neck and stay there all night. Namangha siya sa reaksiyon ng kanyang isip. Kailan pa siya naging ganoon kahalay?
Nang lumapat ang isang kamay nito sa batok niya ay may lumukob na kakaibang kilabot sa bawat ugat yata ng kanyang katawan. Napatingala siya kay Oliver at napagtanto niyang gahibla na lamang ang layo ng mga labi nila sa isa’t isa. Then he whispered, “Then I will make you believe me.” Pagkatapos ay tuluyan nang tinawid ang pagitan ng mga labi nila.
Nabigla si Stephanie sa epekto ng biglang paghalik ni Oliver sa kanya. Hindi iyon ang pakiramdam na nais niya itong itulak sa kapangahasan nito, kundi sa pakiramdam na tila iyon ang pinakamasarap na pakiramdam na kanyang naranasan sa buong buhay niya.
Napapikit siya at ninamnam ang masarap na pakiramdam na idinudulot sa kanya ng bawat paggalaw ng mga labi ni Oliver. Bigla ay nawala sa isip niya na isang estranghero ang lalaking humahalik sa kanya at napakapit na lamang siya sa mga balikat nito.
Saglit lamang ang halik na iyon ngunit pakiramdam niya ay ilang oras nilang ginagawa iyon. Nang ilayo ni Oliver ang mga labi sa kanya at marahan siyang dumilat ay nasalubong niya ang mga mata nito at ngumiti.
“Naniniwala ka na ba sa akin?”
Huminga siya nang malalim at ibubuka pa lamang ang mga labi upang sumagot nang kapwa sila magulantang ng tunog ng cell phone na nanggagaling kay Oliver. Nawala ang ngiti nito at tila binuhusan ng malamig na tubig na lumayo sa kanya.
“Damn, I have to take this call,” sabi nito na mas sarili ang kausap kaysa kanya. Dinukot ni Oliver ang cell phone at sinagot iyon. “What now, Elirei? Papunta na ako.” Nang tapusin nito ang tawag ay bumuntong-hininga pa ito at hinawi ang buhok. Pagkatapos ay tumingin sa kanya.
Sa isang iglap ay tila nawala ang mahikang nakapalibot sa kanila kanina. Nakaramdam si Stephanie ng pagkadismaya. Kasunod niyon ay ang pag-iinit ng mukha niya sa pagkapahiya. Ano ang ginagawa niya at nakikipaghalikan sa isang lalaking hindi niya kilala? Hindi siya ganoong klase ng babae.
“Go now. Kailangan ko na ring bumalik sa mga kasama ko,” aniya kahit ang totoo ay wala talaga siyang kasama.
“Ivy—”
“Stop,” mariing saway niya habang nakataas ang isang kamay. Huminga siya nang malalim. “Umalis ka na. Please.”
Ilang sandaling tinitigan lamang siya ni Oliver bago marahang tumango. “`See you around, Ivy.” Pagkatapos ay naglakad na ito pabalik sa kung saan man ito nanggaling.
Nang hindi na matanaw ni Stephanie si Oliver ay nanghihinang napaupo siya sa buhanginan at naisubsob ang mukha sa kanyang mga palad. Halos kapusin siya ng hangin sa bilis ng t***k ng kanyang puso. It was the boldest thing she ever did in her life. Nang bahagyang bumalik sa normal ang pintig ng kanyang puso ay napatingala siya sa kalangitan. May mangilan-ngilang bulalakaw pa rin ngunit hindi na kasing liwanag ng kanina.
“It was late at night and I was alone, I felt the wind against my skin, loving how it made me feel…” wika niya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtantong may mga sumasaging linya sa kanyang isip.
Napatayo siya. Hindi siya makapaniwala. Isang linggo na siyang napu-frustrate na wala siyang maisip ni isang linya para sa awitin niya ngunit hayun at tila nag-uunahan ang mga salita sa kanyang isip. Sa kabila ng matinding pagkapahiya sa sarili sa ginawang kapusukan ay napangiti siya.
Dahil iyon kay Oliver at sa halik nito.