CHAPTER 4

1941 Words
OLIVER was having one of the worst days of his life. At tulad ng dati, dahil iyon sa kanyang amang si Gary Matias, ang chairman and owner ng Matias Media and Publishing Company. “Hindi mo puwedeng gawin `yan, Papa! Hindi mo puwedeng basta na lang itigil ang circulation ng Exposed. It was one of the major magazines of the company even before I was born,” giit niya sa masamang balitang hatid nito sa kanya. Hindi natinag ang kanyang ama sa pagkakaupo sa likod ng mahogany table sa opisina nito. “Exposed no longer sells, Oliver. Malulugi tayo kung palagi nating gagastusan ang magazine na wala nang gustong bumili. Halos lahat ng tao ngayon ay may access na sa Internet at mas mabilis kumalat ang mga balita tungkol sa mga celebrity sa Internet bago pa man lumabas sa Exposed o sa kahit anong celebrity magazines sa Pilipinas. It’s time to just put money into the other magazines na bumebenta pa. Exposed is dying. You have to accept that.” Nagtagis ang mga bagang ni Oliver at naikuyom niya ang mga kamay. “No. It’s not just a magazine and you know it. It’s the only thing my mother left me. Exposed is her legacy. Hindi ako papayag na basta na lang `yon mawala,” matatag na sagot niya. Noong nabubuhay pa ang kanyang ina ay ito ang namamahala ng publishing department ng kompanya. Sa pagkakaalam niya ay nagkakilala ang kanyang mga magulang dahil nag-apply na editorial assistant ang kanyang ina noong nagsisimula pa lamang mag-print ng magazines ang kompanya ng kanyang ama. Ang Exposed ay brainchild ng mama niya noon. It was her most prized achievement in her life and her dream was to let the magazine circulate even after she was gone. Isang linggo lamang nang sabihin iyon sa kanya ng kanyang ina ay pumanaw ito sa isang aksidente nang magpunta ito sa isang out-of-town job sampung taon na ang nakararaan. Kaya sa libingan nito ay nangako siyang aalagaan niya ang Exposed. And now, his father was telling him he wanted to close down Exposed. He thought he had already seen the worst in him when he married another woman wala pa mang isang taon na namamatay ang kanyang ina. But now, he realized he could be more cruel than that. Bumuntong-hininga ang kanyang ama. “This is business, Oliver. If you want to inherit this company, you have to use your brain and not your emotions.” Marahas na napatayo si Oliver. “Kung ikaw, wala ka nang pakialam kay Mama, ako mayroon. Hindi ako papayag na basta na lang mawala ang Exposed! This was very important to her. Ayokong maging gaya mo na mabilis itinapon ang alaala ni Mama. Don’t make me hate you more than I hate you now, Father,” nanggigigil na banta niya. Tinitigan siya nito. Tulad ng dati ay hindi niya mabasa kung ano ang naglalaro sa isip ng kanyang ama. Hindi siya umiwas ng tingin. Gusto niyang makita nito na hinding-hindi siya magba-back down pagdating sa isyung iyon. “Fine. I will give you a chance. Gusto kong pataasin mo ang sales ng Exposed hanggang sa susunod na anniversary issue nito. Kapag hindi mo nadoble ang sales sa anniversary issue, ititigil na natin ang circulation ng magazine na `yon.” Tatlong buwan na lamang bago ang anniversary ng Exposed. It was as if his father really wasn’t giving him a chance. “I will do it. Kapag nadoble ko ang sales ng Exposed hanggang sa anniversary issue, hinding-hindi mo na pakikialaman pa ang publication na `yon. Is that a deal?” Tumango ito. Mabilis na tumalikod si Oliver at lumabas ng opisina ng kanyang ama. Huminga siya nang malalim ngunit hindi pa rin niya magawang kalmahin ang sarili. Palaging ganoon ang nangyayari tuwing nakikipag-usap siya sa kanyang ama. Unfortunately, he didn’t have a choice but to meet with him every now and then. Kahit siya ang head ng publishing department ng kompanya ay kailangan pa rin niyang humingi ng permiso sa ama sa lahat ng desisyon na balak niyang gawin para sa mga magazine nila. Dere-deretso siya sa palapag kung nasaan ang  kanyang department. Mabilis na pumasok siya sa kanyang opisina at kulang na lang ay ibalibag niya ang pinto. Nilingon ni Oliver ang direksiyon ng sekretarya niya na mukhang natatakot habang nakatingin sa kanya. “Laida, call the staff. We are going to have an emergency meeting,” utos niya. Napatayo si Laida. “Yes, sir.” Pagkatapos ay lumabas na ng opisina nila. Lumapit siya sa glass paneling at tinitigan ang Kamaynilaan habang pilit na pinapagana ang isip kung ano ang kanyang gagawin upang magtagumpay sa hamong iyon ng kanyang ama. Huminga siya nang malalim. I will win this, Father. I will not let you throw away all the memories of my mother. Napalingon siya sa mesa nang marinig na tumunog ang kanyang cell phone. Bahagyang nawala ang init ng ulo niya nang makita kung sino ang tumatawag. “Kuya, nasaan ka na?” bungad ng kapatid niyang si Elirei bago pa man siya makapagsalita. Natigilan si Oliver at napakunot ang noo sa pagkalito. “Nasa office. Why?” “Oh, my God, you forgot?! Birthday ni Joan ngayon, Kuya. Hindi ba, nangako ka sa kanya na pupunta ka sa party niya rito sa resort? She’s so excited to see you again.” Shit, I forgot. Marahas na ginulo niya ang kanyang buhok. “I’m sorry,” tanging nausal niya. Masyado siyang maraming inaasikaso nitong mga nakaraang araw at idagdag pa ang problema niya sa Exposed kaya nawala sa isip niya ang pangako sa pamangkin. Pitong taon na si Joan sa araw na iyon at nag-organize ng party ang kapatid niya sa resort na pag-aari ng kaibigan ng asawa nito. “No, Kuya. I will not accept that. Pumunta ka na rito. Makakahabol ka pa. Mamayang hapon pa naman ang party.” Napabuga si Oliver ng hangin. “I can’t, Elirei, may kailangan akong gawin ngayon.” Mabilis niyang ipinaliwanag sa kapatid ang sitwasyon. Ilang segundong hindi ito nakaimik. “Kuya, hanggang ngayon ba nakikipag-away ka pa rin kay Papa? Ang tagal-tagal na niyan. You are already thirty. Imbes na nakikipagmatigasan ka sa kanya, bakit hindi mo na lang ituon ang lakas mo para humanap ng mapapangasawa mo?” “I don’t want to make the same escape you did, Elirei. I don’t want that b***h to think she won,” mariing sagot ni Oliver. Matagal bago ito sumagot. “Pinakasalan ko ang asawa ko hindi dahil tumatakas ako, Kuya. Sure I married young, but that’s because I love him,” mahinang sagot ng kanyang kapatid. Napabuntong-hininga siya. “I know, honey. I’m sorry if I offended you. Hindi `yon ang gusto kong ipunto.” “Alam ko, Kuya. You hate his new wife. I don’t like her too. Pero hindi ko makuha kung bakit si Papa ang palagi mong binabangga. Kung galit ka sa asawa niya, bakit kailangan mo siyang idamay?” Nagtagis ang mga bagang niya. “Dahil hindi niya ako pinakinggan nang sabihin ko sa kanya kung ano ang tunay na kulay ng babaeng `yon. Dahil hindi niya nirespeto ang alaala ni Mama at nagpakasal siya wala pa mang isang taon na namamatay si Mama. Dahil kahit ano’ng sabihin ko ay hindi niya ako pinaniwalaan,” galit na sagot niya. Ang kapatid naman niya ang bumuntong-hininga. “I get it. Tama na nga, hindi naman `yan ang dahilan kung bakit ako tumawag sa `yo. Why don’t you get away from the office kahit saglit lang? Puwede ka naman dito mag-isip ng solusyon sa problema ng Exposed. Gusto ka talagang makita ng mga pamangkin mo, you know.” Sinuklay ni Oliver ang kanyang buhok gamit ang mga daliri habang pinag-iisipan ang suhestiyon ni Elirei. Napasulyap siya sa staff niya na halata sa kilos at sulyap sa kanya na natetensiyon din. Maybe, he needed to take a break. Minsan ay nagi-guilty siya na pati mga tauhan niya ay nadadamay sa init ng ulo at tensiyon niya. Napabuga siya ng hangin. “Okay, sis, you win. Pupunta ako riyan. I can spend the night pero uuwi rin ako bukas, maliwanag ba?” Tumawa ito. “Thank you, Kuya! `See you later.” Napailing na lamang siya at saglit na nanatiling nakatayo roon bago hinablot ang coat niya at iba pa niyang gamit na nasa kanyang mesa. Pagkatapos ay lumabas siya ng opisina niya. “The emergency meeting is cancelled. Saka na tayo mag-usap pagbalik ko bukas,” anunsiyo niya sa mga tao roon. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang relief sa mukha ng mga ito. “are you all really that relieved? I’m going to work you hard when I return.” Bahagyang natawa ang kanyang mga tauhan. Saglit pa siyang nagbilin bago siya tuluyang umalis. Nasa lobby na siya ng ground floor nang marinig ang pumapailanlang na awitin doon. Bahagya siyang napahinto sa tapat ng receptionist. Hindi siya masyadong mahilig sa musika ngunit may kung ano sa awiting iyon na tila hinahatak siyang makinig. “What’s that song?” hindi na nakatiis na tanong ni Oliver sa receptionist. Mukhang nagulat ito nang bigla niyang kinausap ngunit ngumiti nang matamis at nangislap ang mga mata. Pinigilan niya ang mapailing. Iniisip pa yata ng receptionist na interesado siya rito. “‘Our Song’ ang title niyan, Sir. Isa sa mga pinakamagandang kanta ng bandang Wildflowers.” “Ah, so that’s the Wildflowers,” nausal niya. Kilala niya ang all-girl band na iyon ngunit hindi pa niya narinig ang awitin ng banda. “Ang alam ko, nasa Pilipinas sila ngayon, Sir. Nagpa-press conference pa sila kahapon. Bakasyon lang daw kaya sila nandito at hindi raw sila tatanggap ng kahit anong appointments dito sa Pilipinas. Kahit interview, hindi raw,” imporma pa ng receptionist. Tumango lang si Oliver at sumenyas dito bago umalis. Wala na siyang oras para makipagkuwentuhan. Kailangan niyang makapunta agad sa party ng pamangkin niya dahil kung hindi ay tatalakan na naman siya ng kanyang kapatid. He just grew curious about the song that’s all. Hindi siya interesado sa grupong iyon kahit pa halos lahat yata ng tao sa Pilipinas ay kilala ang mga ito. Marami rin siyang kakilala na pinapantasya ang Wildflowers. Everyone said the band was composed of beautiful women. But he’d never been interested in their type. Ayaw ni Oliver ng babaeng involved sa showbusiness dahil galing din doon ang asawa ngayon ng kanyang ama. He knew how bitchy and materialistic she was. Wala siyang balak kumuha ng gaya ng madrasta. Napailing pa rin siya kahit nasa loob na siya ng kanyang sasakyan at nagmamaneho patungo sa resort kung saan gaganapin ang party ng pamangkin. Saglit lang niyang narinig ang awitin ng Wildflowers ay doon na agad napunta ang takbo ng isip niya. Hindi na siya nagtaka kung nababaliw ang buong mundo sa naturang banda. Nanlaki ang mga mata ni Oliver nang may ideyang kumislap sa kanyang isip. “That’s it! They will be the perfect cover story for Exposed’s anniversary issue,” bulalas niya. Sumagi sa isip niya ang sinabi ng receptionist na hindi raw tumatanggap ng interview ang Wildflowers. Subalit kung tumitigil agad siya nang dahil lang doon ay baka matagal nang nalugi ang lahat ng magazines ng publishing company nila. Lalo pa at malakas ang pakiramdam niyang ang bandang iyon ang solusyon sa hamon ng kanyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD