CHAPTER 3

1256 Words
KAHIT walang press release na darating sa Pilipinas ang Wildflowers, nagulat si Stephanie at ang mga kabanda niya nang makitang may press people na sumalubong sa kanila sa NAIA. Mabuti na lang pala at kasama nila ang manager nilang si Rob na umalalay sa kanila. Ngunit bago pa rin sila makalabas ng airport ay hindi rin nila natakasan ang mga press people. Sa huli ay wala rin silang napagpilian kundi ang sumagot sa ilang mga tanong ng mga ito. “We are just here for a vacation. We only want our stay to be as private as possible while we are here,” napipilitang sagot ni Stephanie sa tanong ng isang reporter na nasa kanan niya. “No, we can’t do any interviews and appointments while we are here. We hope all of you understand that we want a quiet vacation, thank you,” narinig niyang sabi ni Carli. Sa tulong ng ilang security personnel ay nakapasok sila sa itim na van na ayon kay Rob ay ipinadala ng Diamond Records para sa kanila. Malamang si Cham at ang asawang si Rick na siyang presidente ng Diamond Records ang nagpadala niyon. “Pero kung ako lang, okay lang siguro kung magpa-press conference tayo kahit isang beses lang. I feel bad na hindi natin sila mapaunlakan. Can’t we do that, Rob?” tanong ni Stephanie sa manager nila. “Oo nga, Rob. Kahit isang beses lang,” pagsang-ayon ni Yu. Tila nag-isip si Rob. Sa tagal nilang kasama ang manager ay nakakaintindi na ito ng Tagalog. Hirap nga itong magsalita ng naturang lengguwahe. “Okay, I’ll call Mr. Gallante and ask for his permission. If he says ‘yes,’ I will organize a presscon. For now, we should go to your hotel so you can all rest. After that, we will discuss how each of you wants to spend your time here. According to Mr. Gallante, you can go your separate ways if you want as long as you will update me about the progress of your song writing. And of course, no scandals while you are all here.” Sumang-ayon silang lahat. “Gusto kong magbakasyon sa may dagat. Iyong exclusive para kaunti lang ang tao. Feeling ko mas makakapagsulat ako ng kanta kapag tahimik,” komento ni Stephanie. “Then I will look for a resort for you, Stephanie,” sagot ni Rob. “Kayo? Gusto n’yong sumama sa akin?” baling niya sa mga kaibigan. “Kailangan kong bisitahin ang pamilya ko. Matagal ko na silang hindi nakikita,” sagot ni Ginny. “Ako rin. Malamang galit na galit na sa akin sina Papa. Hindi ko alam kung bakit pero kung kailan sumikat tayo saka sila nagalit na nagbabanda ako. They said my talent was being wasted here. Gusto nilang magpaka-professional pianist ako kaysa magbanda,” naiiling na sagot ni Anje. Sikat kasi sa classical music ang mga magulang nito. Conductor ang papa ni Anje sa Europa samantalang ang ina  ay pianist. “Hindi ko alam kung ano ang problema nina Tito, ha? Hindi pa ba sapat sa kanila si Theodore?” pakli ni Ginny. “Ako rin. Kailangan kong umuwi sandali. Kahit gano’n ang mga magulang ko, wala naman silang ibang aasahan kundi ako lang. Kailangan kong masigurong ginamit nila sa maayos ang ipinapadala ko sa kanila,” sabi ni Yu na tila napipilitan lang sumagot. Tumango na lamang si Stephanie. Isa ang kondisyon ni Yu na hindi maaaring ungkatin. Tumingin siya kay Carli na mukhang walang balak sumagot. “Carli?” Kumurap ito at bahagyang ngumiti. “Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko,” tanging sagot nito. Hindi na niya inungkat pa si Carli. Hindi tulad ng mga kaibigan ni Stephanie ay wala siyang pamilya. Bago pa man siya magkolehiyo ay ulilang-lubos na siya. Wala rin siyang kamag-anak na kilala noon kaya natuto siyang mabuhay nang mag-isa. Kaya nga matindi ang pagnanais niyang magtagumpay sa pagiging musician dahil iyon lang ang matatawag niyang kanyang sanctuary. Whenever she played music, she felt like nothing was missing in her life. Kahit na ang totoo ay mayroon. Kaya natatakot siyang hindi niya mabuo ang awiting nais ng kanilang producer. How can she write a passionate song when she didn’t have any inspiration? She never even had a lover. Ni hindi pa nga siya nai-in love. Sa tagal nila bilang isang banda ay hindi pa niya nasubukang gumawa ng awitin. Sinabi na ni Stephanie iyon kay Mr. Gallante ngunit sinabi nito na kailangan niyang subukan. Nais daw kasi ng producer na lahat sila ay may magawang kanta para sa anniversary album nila. Sila rin daw ang kakanta ng mga awiting isusulat nila, tutal lahat daw sila ay magaganda ang boses. Kung pagkanta lang ay wala siyang problema. It was her love song that was going to be her problem. “Oh, by the way, Mr. Gallante said we will collaborate with someone to produce the other songs aside from your individual assignments, Ginny, he said he wants you to be the one working with him since you are the primary lyricist,” ani Rob. “Sino ba `yan? Tagarito rin sa Pilipinas?” curious na tanong ni Ginny. “Not really. He’s half Filipino but he’s also based in the US. We have information that he’s also here in the country for a vacation. You know Adam Cervantes, right?” sagot ni Rob. Nanlaki ang mga mata nilang lahat. “Adam Cervantes? The rock star?” namamanghang tanong niya. “Yep. He might look like a bad boy but he is known as a genius composer in the music industry. He will help us make your songs.” Napatingin si Stephanie kay Ginny na nakaawang pa rin ang mga labi sa pagkabigla. “Bakit ako?” nakangiwing tanong nito. Pumalatak si Yu. “Good luck, cousin. And be careful with him. It’s well-known that he eats women for breakfast, lunch, dinner and anytime he wants,” ani Anje na tinapik ang braso nito. Umasim ang mukha ni Ginny. “Thank you for those encouraging words, Angelica.” “Huwag kang mag-alala. Kayang-kaya mo siya. Isipin mo na lang na para ito sa ikagaganda ng album natin. Besides, kaya ikaw ang pinili ni Mr. Gallante ay dahil ikaw ang pinakamagaling magsulat ng kanta sa atin. You can do it, Ginny,” aniya rito. Bumuntong-hininga si Ginny at mariing pumikit. “Sige na nga. Thank you, Steph.” Lumuwang ang pagkakangiti niya. “No problem.” “We’re here,” anunsiyo ni Rob nang huminto sa parking area ng isang five-star hotel ang sinasakyan nila. “Cham!” tili nilang magkakaibigan nang makita ang dating kabanda na naghihintay sa kanila pagbaba nila ng sasakyan. Tumawa si Cham at mabilis na lumapit sa kanila. Kasunod nito ang asawang si Rick na nakangiti rin. It had been years since they last saw each other. “Na-miss ko kayo!” naiiyak na bulalas ni Cham. “Kami rin!” sabay-sabay pang bulalas nila. It was a very heartwarming reunion. Bigla ay nakalimutan ni Stephanie na isa sila sa pinakasikat na banda sa mundo at si Cham ay hindi isa sa pinakasikat na solo singer sa Asia. Bigla ay pakiramdam niya bumalik sila sa panahong mga struggling musician pa lamang sila, mga simpleng babaeng nangangarap makilala sa larangang pinili nila. She felt young. It was then that Stephanie wholeheartedly admitted it was good to be back.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD