CHAPTER 11

1405 Words
GUSTONG maiyak ni Stephanie sa labis na frustration na sa kabila ng pagpoprotesta ng kanyang isip ay tila traidor ang katawan at puso niya na nagre-react sa halik ni Oliver. Bigla ay mas malinaw na bumabalik sa kanya ang pinagsamahan nila sa resort lalo na ang gabing ibinigay niya ang sarili sa binata. He was kissing her the way he kissed her that night and it was making her heart ache. Hanggang sa tila may sariling isip na ang mga labi niyang tumugon sa halik nito. He groaned in her mouth and deepened the kiss in a hungry way. Na para bang napakatagal nitong inaasam na mahalikan siyang muli. Na para bang na-miss siya. Tuluyan nang nag-init ang mga mata niya nang madama ang katotohanan sa mga sinabi nito kanina. Tumunog ang elevator at noon lamang nito pinakawalan ang mga labi niya. Kapwa pa sila hinihingal na nagkatitigan lang hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator sa rooftop ng hotel. “Hindi ka pa rin ba naniniwala sa akin?” tanong ni Oliver. Nakagat ni Stephanie ang kanyang ibabang labi at napayuko na lamang. Bumuntong-hininga ito bago hinawakan ang kanyang kamay at hinila siya palabas ng elevator. Sinalubong sila ng may-kalakasang hangin. Matagal bago ito muling nagsalita. “Nang makita kita sa dalampasigan, hindi ko pa alam kung sino ka. I really approached you because you looked so beautiful that night,” usal ni Oliver. Napatingala na siya. Gagap pa rin nito ang kamay niya at humarap ito sa kanya na puno ng determinasyon ang ekspresyon ng mukha. “Noong lapitan ka lang ng pamangkin ko sa restaurant, doon ko lang nalaman kung sino ka talaga. Bago pa ako magpunta sa resort, buo na ang pasya kong kunin ang banda ninyo para maging cover story ng isa sa mga magazine na pina-publish ng kompanya namin.” Muli ay nakaramdam siya ng pait. “Kaya sinadya mong lumapit sa akin. Kahit ano’ng sabihin mo, mali pa rin ang ginawa mo. Nagsinungaling ka pa rin. Nakilala mo na ako, bakit naisip mo pa rin gawin `yon?” sumbat niya. Bumuga si Oliver ng hangin at marahas na hinawi ang buhok. “I told you I was sorry. It’s just that… I don’t trust women from show business so I thought that maybe, what I did wouldn’t matter to you.” Nasaktan si Stephanie sa sinabi nito at mukhang nakita nito iyon sa mukha niya dahil marahas itong nagmura bago siya hinigit para yakapin. Lumukob ang init nito sa kanya. “I’m really sorry, Ivy. But believe me, habang kasama kita nawawala sa isip ko kung ano talaga ang intensiyon ko. I ended up focusing all of my attention on you. And that night when we made love, it was also special to me. More than you’ll ever know.” Unti-unting nabasag ang kanyang depensa. Bahagya siyang kumalas upang makita ang mukha ni Oliver at bumilis ang pintig ng kanyang puso. Dahil nakikita niya sa mga mata nito ang sinseridad at pagkalito. Na para bang hindi nito alam ang gagawin sa mga emosyong nararamdaman. Naiintindihan niya ang nararamdaman ni Oliver dahil ganoon din ang nangyayari sa kanya. “Pero iba ang sinabi mo sa babaeng kausap mo noon,” aniya rito. At sino ba ang babaeng iyon? Bumakas ang iritasyon sa mga mata nito nang tila maalala ang babae. “Dahil ayokong malaman niya kung sino ka. Mahilig siyang makialam sa buhay ko at sa mga taong nasa paligid ko, lalo na kung makikita niyang espesyal sa akin. And you are special to me, Ivy. Dalawang linggo na nga akong iritado at hindi makapag-concentrate sa trabaho ko dahil palagi kitang naiisip. Ngayong nakita kita, lalo kong nasiguro na hindi ako matatahimik kung hanggang doon na lang tayo. I cannot just let you go.” Huminga siya nang malalim dahil tila sasabog na sa labis na emosyon ang puso niya. Hinaplos nito ang pisngi niya. “Won’t you give me another chance, Ivy?” anito sa tinig na wala yatang babaeng hindi makakatanggi. Kasama na siya roon. Napabuntong-hininga si Stephanie, tuluyan nang binale-wala ang reserbasyon at takot. “Hindi ka rin nawala sa isip ko mula nang umalis ako ng resort. In fact, dalawang linggo akong nagkulong lang sa hotel room ko dahil wala akong ganang kumilos. I-I can’t just let go of you too, Oliver,” pag-amin niya. Ngumiti ito, pagkatapos ay masuyo nitong hinalikan ang noo niya at niyakap siya. “I promise I will make it up to you. We will do this one step at a time, okay?” Isinubsob niya ang mukha sa balikat nito at sinamyo ang pamilyar na mabangong amoy ng binata. Mariin siyang pumikit at marahang tumango. Sa likod ng kanyang isip ay hindi niya alam kung may oras silang mag-one step at a time. Lalo pa at alam niyang babalik din sila ng banda niya sa Amerika. Ni hindi niya alam kung may kalayaan ba siyang makipagrelasyon nang seryoso. Hindi niya na-check kung may provision ba sa kontrata nila para doon. Ngunit agad niyang pinalis ang isiping iyon. Sa ngayon ay itutuon na lamang niya ang buong atensiyon niya sa kasalukuyan, sa lalaking ito na habang tumatagal ay lalong napapalapit sa puso niya.   “OKAY ka lang ba? You look tired,” hindi nakatiis na wika ni Stephanie kay Oliver. Dinala siya nito sa condominium unit ng binata upang ipakita raw sa kanya kung saan ito nakatira. Doon na lang din daw sila kumain ng hapunan. Dalawang linggo na mula nang magkita sila sa ground floor ng hotel na tinutuluyan niya at mula noon ay araw-araw silang nagkikita. Sa tuwina ay palagi pa rin siyang tila lumalakad sa ulap kapag kasama niya si Oliver. Nausyoso na rin siya nina Ginny at Anje tungkol kay Oliver at mukha silang luka-lukang nagtilian at hagikgikan na parang mga teenager dahil doon. Iyon lang tulad niya ay inisip agad ng mga ito na baka hindi magustuhan ng management nila kapag nalamang nakikipagrelasyon siya habang nasa bakasyon siya. Huwag na lang daw siyang magpapahuli sa media. Naiintindihan iyon ni Oliver kaya tuwing lumalabas sila ay dinadala siya nito sa mga eksklusibong lugar kung saan walang makakapansin sa kanya. Nalaman din kasi niyang hindi pala basta-bastang tao lang si Oliver. He was the heir to a huge media and publishing company in the country and he had exclusive memberships to many clubs and leisure resorts. Bukod doon ay nalaman niyang matalino ito, dedicated sa trabaho, at mabait na kapatid at tito. Tuwang-tuwa pa ang pamangkin nito nang ipakilala siya nito sa bata. Kahit sinabi na nito kay Stephanie ang tungkol sa mga magazine na hawak ni Oliver ay hindi nito in-open sa kanya kahit kailan ang tungkol sa nais nitong maging cover story ang banda niya. Nalaman niya ritong ang magazine na iyon lamang daw ang tanging naiwan dito ng namatay nitong ina at gagawin daw nito ang lahat upang manatili iyon sa sirkulasyon. Nabagbag ang damdamin niya sa kuwento nito kaya nagsuhestiyon siyang tutulungan niya itong kumbinsihin si Rob ngunit tumanggi ito. Ayon dito ay dine-date daw siya nito dahil gusto nito at hindi dahil sa trabaho. Ang manager na lamang daw nila ang kakausapin nito tungkol doon. Ngumiti si Oliver sa kanya ngunit halatang tila may inaalala ito. Lalo lang tuloy siyang nag-alala para dito. Lumapit ito sa kanya at pumaikot ang braso nito sa baywang niya bago siya masuyong hinalikan sa mga labi. “I’m okay. Pressured lang nang kaunti dahil kailangan nang i-release ang issues ng magazines namin next week. Ganito talaga ako kapag end of the month. Mabuti na lang at nakilala kita, the pressure has become more bearable,” paglalambing nito at isinubsob pa ang mukha sa leeg niya. Napangiti siya at niyakap ito. “Dapat pala, itulog mo na `yan pagkatapos nating kumain. Aalis na ako para makapagpahinga ka,” aniya rito. Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Napaigtad siya nang bigla nitong halikan ang leeg niya. Kumalat ang pamilyar na nakakakiliting sensasyon sa buo niyang katawan. “Do you think I will just let you go tonight? Think again,” bulong nito sa tapat ng tainga niya. Hinagkan siya nito sa mga labi. They kissed slowly for a while then suddenly became passionate and deep. Hanggang sa nawala na ang isip nila sa ibang bagay maliban sa bawat isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD