CHAPTER 15

1716 Words
“I TOLD you, no scandals! What do you think is this, huh? Stephanie, I can’t believe you will do something like this. You are the last person I thought would ever get involved in something like this!” Mariing napapikit si Stephanie dahil nag-e-echo sa buong hotel room niya ang boses ni Rob sa lakas ng pagsigaw nito sa kanya. Nasa center table ang mga tabloid na may larawan nila ni Oliver. Ang laptop nito na nakabukas sa isang Web site kung saan nito unang nakita ang larawan ay muntik na nitong maibato kanina. Ang mga kaibigan niya ay nagsipulasan sa kusina dahil takot madamay sa galit ni Rob. Palibhasa ay mukhang may mga kalokohan ding ginawa ang mga ito. “Wait till Mr. Gallante hears about this. No, I am sure he already knows about this. My God!” Dumilat siya at tiningnan ito. “Rob, I love him,” pag-amin niya. Nanlaki ang mga mata ni Rob. “You can’t. Not right now. You still have responsibilities to the band till your anniversary concert. You know that.” Nakagat niya ang ibabang labi at nag-init ang mga mata kaya napayuko siya. “I know,” usal niya. Muli ay narinig niya ang marahas na paghinga nito. “I’m already fixing your papers so that we can go back to the US by next week. You already have schedules and obligations to fulfill out there. Rehearsals, recordings, appearances, and a lot more. We’re done here,” sabi pa nito. Hindi na siya nakaimik dahil alam din niya iyon. Nasulat na nila ang mga kanta nila. Hindi pa man plantsado ang mga iyon ay sa Amerika na raw nila iyon aayusin ayon kay Rob. “Don’t get out of this room. There are so many reporters outside. I will keep your cell phone with me until we go back to the US.” Pagkasabi niyon ay lumabas na ito. Huminga siya nang malalim upang pawiin ang sakit sa dibdib niya ngunit hindi pa rin iyon nawawala. Tuluyan nang namasa ang mga mata niya. Ni hindi niya man lang makausap si Oliver. Mas gagaan ang pakiramdam niya kung maririnig niya ang boses nito. “Steph,” tawag ni Ginny sa kanya. Nilingon niya ito. Nang makita niya ang malungkot na ekspresyon sa mukha ng mga kaibigan niya ay tuluyan na siyang napaiyak. Mabilis na lumapit ang mga ito sa kanya. Nang yakapin siya ni Ginny at Yu ay napahikbi na siya. “I just fell in love. Is it really that bad? What’s the use of writing all those love songs when we can’t fall in love?” paghihimutok niya. “Naiintindihan ka namin, Steph. Believe me,” ani Ginny sa garalgal na tinig. “Gusto ko man lang sana siya makausap at makita kahit saglit lang bago tayo bumalik sa Amerika. Pero ayaw ako payagan ni Rob.” Bumuntong-hininga si Yu. Pagkatapos ay may dinukot ito sa bulsa nito at inumang sa kanya ang cell phone nito. “Gamitin mo itong sa akin. Kabisado mo naman siguro ang cell phone number niya,” sabi nito. Napamaang siya rito at maging ang mga kabanda nila. “Yu, pinapayagan mo ako?” namamanghang tanong nito. Bilang leader ng grupo nila ay magka-level ito at si Rob ng kahigpitan sa kanila. “Alam ko ang pakiramdam na may taong gustong makita pero hindi ko magawa. Ikaw, isang tawag lang makakausap mo na siya. Alam ko ring espesyal ka sa kanya. Hindi kami bulag para hindi makita ang palitan ninyo ng ngiti noong nasa studio tayo. Hindi lang ako nagkomento dahil `yon ang unang beses na nakita kitang masayang-masaya. Sige na, tawagan mo na siya. Magagawan na namin ng paraan na hindi mapansin ni Rob kapag umalis ka mamaya para puntahan siya.” Nayakap niya si Yu. “Thank you, Yu.” Nang tumingin siya sa mga kaibigan niya ay nakangiti ang mga ito. Isa-isa rin niyang niyakap ang mga ito. “Thank you, girls. I love all of you.” Inabot na sa kanya ni Yu ang cell phone nito at sa nanginginig na mga kamay ay tinawagan niya si Oliver. Matagal bago nito sinagot iyon. “Hello?” may pagkairitable pa ang boses nito. “Oliver.” “Ivy, honey, I’ve been trying to reach you mula pa kaninang umaga. Are you okay?” anitong mabilis na lumambot ang tinig. Sumulyap muna siya sa mga kaibigan na nagsipagtayuan at sumenyas na magtutungo lang sa kusina. Marahil ay upang bigyan siya ng privacy na makausap si Oliver. Nang bahagyang makalayo ang mga ito ay saka lamang siya nagsalita. “Kinuha ni Rob ang cell phone ko, galit na galit siya dahil sa pictures. Hindi rin niya ako pinapayagang umalis ng hotel room ko.” Narinig niya ang marahas na pagmumura nito sa kabilang linya. “But I want to see you, Oliver. I have to tell you something.” “Do you want me to go there?” malumanay na tanong nito. “Hindi puwede. Makikita ka ni Rob. At maraming reporters sa ibaba. Okay lang ba kung ako na lang ang pupunta sa `yo? Nasa condo ka ba?” “Are you sure? Paano ka makakaalis diyan na hindi napapansin ni Rob? I’m worried about you, Ivy.” Bahagya siyang napangiti. “I will be okay. Tutulungan ako nina Yu.” Ilang segundong hindi ito nagsalita bago muling bumuntong-hininga. “Fine. Mag-iingat ka. I’ll wait for you.” “Oliver, I—” Nakagat niya ang ibabang labi nang muntik na niyang maibulalas ang kanyang damdamin. Hindi sa telepono ang tamang pagkakataon upang sabihin iyon dito. “What is it, honey?” Umiling siya kahit hindi siya nito nakikita. “Later. I will tell you later. `Bye, Oliver.” Nang magpaalam na ito ay saka lang niya pinindot ang End button at huminga nang malalim. “Magbihis ka na. Sasamahan ka namin bumaba hanggang second floor. `Tapos, sa fire exit tayo dadaan pababa ng first floor. Ililigaw namin ang atensiyon ng mga reporter para makaalis ka nang hindi nila napapansin,” ani Yu. “Magsuot ka ng magandang disguise,” ani Anje. “Natawagan ko na si Cham para sunduin ka sa parking lot para may maghahatid sa `yo papunta sa kung nasaan man si Oliver. Limang minuto lang daw nandoon na siya,” sabi ni Ginny. Napangiti siya at tumango. Napakasuwerte niya at ang mga babaeng ito ang mga naging kaibigan at kabanda niya.   ILANG minuto lamang ang lumipas ay nasa pinto na sila ng fire exit ng ground floor ng lobby. Nakasuot lamang si Stephanie ng jeans, leather jacket, at baseball cap. May suot siyang pulang mahabang wig at naka-shades pa siya. Naunang lumabas sina Yu na kunwari ay pupunta sa restaurant upang kumain. Agad na pinagkaguluhan ang mga ito ng press at sinundan ang mga ito hanggang sa restaurant. Iyon ang ginamit niyang pagkakataon upang lumabas at pasimple ngunit malalaki ang hakbang na nagtungo sa direksiyon ng back parking area ng hotel. Pagdating niya roon ay agad na bumusina sa kanya ang isang itim na Mercedes-Benz. Nakahinga siya nang maluwag nang bumukas ang pinto niyon at nakita niya si Cham. Sumakay siya roon. “Nice disguise. Saan tayo pupunta?” Sinabi niya sa driver nito ang address ni Oliver. “Okay ka lang ba?” tanong ni Cham. Noon lang niya ito muling tiningnan. Noon lang din niya napansin na nakaayos ito. “May pupuntahan kang event?” Ngumiti ito at nagkibit-balikat. “Isang party lang para sa Diamond Records. Nauna na nga sa akin si Rick.” Na-guilty siya. “Sorry kung naistorbo kita.” Tumawa ito at niyakap siya. “Don’t be. Alam ko ang pakiramdam mo ngayon, Stephanie. I’ve been there. Noon hindi ninyo ako pinabayaan at tinulungan n’yo pa ako kaya tingnan mo, masayang-masaya kami ni Rick ngayon. Noon pa man nangako na ako na kapag dumating ang araw na makikita n’yo rin ang mga lalaking mamahalin ninyo nang husto ay susuportahan ko rin kayo.” Kumalas ito at ngumiti. “You found him, Stephanie. And doesn’t it feel good to have someone you love? Doesn’t it make you feel like you want to sing more, to create more songs so that the world could hear how good it is to be in love?” Sa kabila ng tensiyon ay napangiti rin siya at napatango. Mula nang makilala niya si Oliver pakiramdam niya palagi siyang inspirado. Gustong-gusto niyang tumugtog dahil pakiramdam niya sa paraang iyon ay nailalabas niya ang kakaibang ligayang dulot ng damdamin niya para dito. “So, don’t ever let him go, okay? No matter what, no matter how difficult it will be, you must never let him go,” seryosong sabi ni Cham. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi. “Baka hindi ako payagan ni Mr. Gallante. Ang sabi ni Rob, we can’t fall in love because we still have responsibilities as artists.” Iwinasiwas ni Cham ang kamay. “Oh, nonsense. Hayaan mo sila. Stephanie, ilang taon na tayo sa industriya. Ang pangarap lang natin noon ay marinig ng maraming tao ang musika natin. And now the whole world knows Wildflowers. Panahon na para mga personal na buhay naman ninyo ang isipin ninyo. Ikaw, gusto mo bang mawala sa `yo si Oliver dahil sa career mo?” Marahas siyang umiling. “Sa tingin mo ba, magkakaproblema ka kay Oliver dahil kailangan mong ituloy ang career mo?” Huminga siya nang malalim. “I don’t know. Kaya ko siya gustong makita ngayon. Gusto ko siyang makausap dahil ang sabi ni Rob, kailangan na naming bumalik sa Amerika next week.” “Then talk to him. Sa tingin ko naman, mabuti siyang lalaki. After all, you fell in love with him. And you are a good judge of character, Steph.” Tumingin siya rito at ngumiti, pagkatapos ay determinadong tumango. Huminto ang sasakyan sa tapat ng condominium building ni Oliver. “This is it,” aniya, saka bumuntong-hininga bago umibis ng kotse. “Go get your man,” nakangiting wika ni Cham sa kanya. Ngumiti rin siya. “I will.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD