CHAPTER 14

1323 Words
HALOS lumuwa ang mga mata ni Stephanie sa nasasaksihang paghalik ni Adam Cervantes kay Ginny. Dahil katabi niya si Ginny ay malinaw niyang nakikita kung gaano kasensuwal ang halik na iginagawad ng binata rito na ikinainit ng mukha niya. Pagkatapos ay pinakawalan nito ang mga labi ni Ginny, ngumiti nang nakakaakit at hinaplos pa ng hinlalaki nito ang gilid ng mga labi ni Ginny kung saan lumampas ang lipstick nito. Pagkatapos ay dumeretso na ito ng tayo. “`See you around, ladies,” ani Adam at tumalikod na. Iniwan ng lalaki si Ginny na parang hihimatayin sa pagkabigla. Napasunod siya ng tingin kay Adam. Nakita niyang nakatayo sa di-kalayuan si Oliver. Tinapik ni Adam ang balikat ni Oliver na tila magkakilala ang dalawa. “See? It’s easy. And now you’re not the first one to involved them in a scandal. I am,” nakangising sabi pa nito bago tuluyang lumabas ng studio. Ilang segundong katahimikan ang namayani sa buong studio bago biglang tumawa si Oliver na tila aliw na aliw. Nang tumingin ito sa kanya ay ngumiti ito sa paraan na sa tuwina ay nagpapalambot ng mga tuhod niya. “Why don’t we have a thirty-minute break first? I’ll order food,” malakas na sabi nito. Noon lang muling bumalik ang ingay sa paligid. Muli itong tumingin sa kanya. Then he mouthed “out” at her. Pagkatapos ay tumalikod na ito at lumabas na rin ng studio. Agad siyang tumayo at sumunod.   NATAGPUAN ni Stephanie si Oliver sa munting pasilyong nakapagitan sa elevator at sa malaking glass door ng publishing department. Nang makita siya ay agad itong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay niya. Pagkatapos ay hinila siya nito patungo sa bahaging natatakpan ng mataas na halaman at niyakap siya nang mahigpit. “I’ve missed you,” bulong nito sa pagitan ng paghalik nito sa tuktok ng ulo niya. Napangiti siya at gumanti ng yakap. Huminga siya nang malalim. “I’ve missed you too.” Bahagya siyang inilayo sa katawan nito. “A whole week without seeing you was pure hell. Kung hindi pa dahil sa photo shoot na ito hindi pa kita makikita,” anito sa tila naghihimutok na tinig. Napangiti siya. He looked so handsome sulking like that. “Ako rin kaya. Walang ibang ginawa si Rob kundi pagtrabahuhin kami. Nahuli kasi niya ako noong madaling-araw na ako umuwi pagkagaling ko sa condo mo. `Tapos hindi lang pala ako ang kung saan nagpunta kasi lahat ng kaibigan ko wala rin sa hotel nang dumating siya. Sinermunan niya kami nang husto,” pagsusumbong niya. Naningkit ang mga mata ni Oliver sa amusement. “Bad girls.” Natawa si Stephanie. “Aba, sila ang nagsabing magpalit kami ng image,” biro niya. Ngumiti ito at tiningnan siya nang mataman. He touched her chin with his knuckles and stared at her. “I want to kiss you so badly but I don’t want to ruin your makeup,” usal nito. “I can have my makeup retouched,” aniya sa pabirong tinig. Dahil sa totoo lang ay gustong-gusto rin niya itong halikan. Mariin itong pumikit. “Urgh, don’t tempt me,” anito sa kaparehong tinig. Ngunit naramdaman niya ang isang kamay nito sa batok niya. Nang dumilat ito ay kumikislap na sa kapilyuhan ang mga mata nito. “I’ll be careful not to smear your lipstick.” Pagkatapos ay bumaba na ang mga labi nito sa kanya. Napangiti siya nang maramdaman ang magaang na paghalik nito sa kanya, na para bang ingat na ingat talaga. Napakapit siya sa mga balikat nito at inilapit ang katawan dito, wanting to get as close to him as much as she could. Umungol ito na tila nahihirapan dahil sa ginawa niya at bahagyang lumalim ang halik nito na agad niyang tinugon. Tila walang gustong tumigil sa kanilang dalawa. Hanggang sa makarinig siya ng click at kislap ng flash. Sabay silang napahinto at napalingon sa bahagi ng elevator. Nanlamig siya nang makita ang pigura ng isang taong nasa loob ng elevator. Kahit pasara na ang pinto niyon ay agad niyang narekognisa ang camera na nakasabit sa leeg nito. “s**t, a reporter. And he’s not one of my reporters,” marahas na wika ni Oliver. Akmang hahabulin nito iyon ngunit tuluyan nang sumara ang elevator. Marahas na nahawi nito ang buhok at tumingin sa kanya. Hinaplos ang buhok niya at bumuntong-hininga. “I’m sorry, Ivy, he will surely post that on the Internet later. I’ll try to call the guards and try to stop him. Go back at the studio. Baka hinahanap ka na nila,” anitong muli siyang hinalikan sa mga labi bago dinukot ang cell phone nito at may tinawagan. Gusto niyang sabihin na ayos lang siya at hindi na nito kailangang mataranta nang ganoon. Pero alam niyang hindi iyon totoo. Kapag nakarating iyon kay Rob at sa producer nila ay patay siya. Kaya napabuntong-hininga na lamang siya at laglag ang mga balikat na naglakad pabalik sa studio.       MARAHAS na napamura si Oliver dahil gaya ng inaasahan niya ay bumandera sa Internet, tabloids, at showbis talk shows ang larawan nila ni Ivy. Hindi niya nahabol ang reporter nang nagdaang araw at dahil hindi niya iyon kilala ay hindi niya nalaman kung paano iyon kokontakin. Bukod doon ay nang bumaba siya sa lobby ay nakita niyang napakarami pang mga reporter doon na nais mabistahan ang Wildflowers. Mahigpit niyang ibinilin sa staff niya na hindi dapat makalabas ang balitang naroon ang banda ngunit naunahan na siya ng manager ng mga ito. Si Rob ang mismo ang nag-leak ng balita upang pagkaguluhan ang banda. Maganda man para sa Exposed ang ginawa nito dahil tiyak na maraming bibili ng magazine ay naging dahilan iyon upang bumalandra ang larawan nila ni Ivy. And right now, her reputation was more important to him than their sales. Nang dumating siya sa opisina ay nasigawan na niya ang staff niya dahil binabato siya ng mga ito ng tanong. Pagkatapos ay wala pang tigil sa pagtunog ang lahat ng linya ng telepono nila. Pati cell phone niya ay ring nang ring. Wala siyang pakialam sa mga iyon. Ang inaalala niya ay si Ivy. Kanina pa niya ito tinatawagan subalit out of reach ang cell phone nito. Hindi niya alam kung low batt lang ba ito o kinumpiska na ng manager nito ang cell phone nito. Isipin pa lamang niya na naiipit sa sitwasyon ang dalaga ay hindi na siya mapakali. Gusto niyang pumunta sa hotel nito upang makita ito. But he knew that was a bad idea. Malamang na marami ng reporters ang naroon upang guluhin ito. “s**t. This was my fault. No, this was Adam’s fault. Hindi ako dapat nagpadala sa pambubuyo ng lalaking `yon,” nanggigigil na sabi niya habang nagpaparoo’t parito sa opisina niya. Napabuga siya ng hangin. He just wanted to be with her. Bakit ba kailangang maging komplikado ang lahat? “It’s difficult to date a celebrity.” Naririnig pa niya ang tinig ni Adam sa isip niya. Pagak siyang natawa. Hell, but I’ve always known from the start that it would be difficult. But I cannot just give her up. I– Natigilan siya. Ano ang sasabihin sana niya? Nanlaki ang mga mata niya sa realisasyon. He loved her. Iyon lang ang tanging rason kung bakit kahit ayaw niyang ma-involve sa isang gaya nito ay sumige pa rin siya. Kahit ayaw niya ng magulong buhay ay hinayaan pa rin niyang masali sa magulong mundo nito. Because he was in love with her. He waited for panic to rise but it didn’t. Bagkus ay parang mapupugto ang hininga niya sa biglang sayang naramdaman niya. Hanggang sa mapangiti na siya. “I love her,” parang luko-lukong ulit pa niya. The realization was exihilarating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD