MAHIGPIT na niyakap ni Stephanie si Oliver at gumanti sa halik nito. She didn’t want to stop kissing him, didn’t want to let him go. Subalit kailangan nilang mag-usap. Kailangan niyang sabihin dito ang nararamdaman niya. Nang pakawalan nito ang mga labi niya ay dumilat siya at tiningala ito.
“Oliver, I love you.”
“Ivy, I love you.”
Saglit na natigilan siya nang sabay pa silang nagsalita pagkatapos ay kapwa sila napangiti. Hinaplos nito ang buhok niya at masuyo siyang hinalikan sa noo. Nag-init ang mga mata niya.
“I think I have been in love with you ever since that night of the meteor shower. Pero kaninang umaga ko lang na-realize,” usal nitong humigpit ang pagkakayakap sa kanya.
Napabuntong-hininga si Stephanie at sumubsob sa balikat nito. “I think I fell in love with you that night too. Pero hindi gaya mo, na-realize ko agad na mahal kita.”
Bahagya itong tumawa at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. “Sorry for being late. But I love you. Iyon naman ang importante, hindi ba?”
Bigla niyang naalala ang isa pa niyang problema. Bahagya siyang kumalas dito para matingnan niya ito sa mga mata. “Oliver.”
“Hmm?”
Nagsikip ang dibdib niya. “K-kailangan na naming bumalik sa Amerika next week.” Nakita niya kung paano nawala ang ngiti sa mga labi at mga mata nito. May bumikig sa kanyang lalamunan. Ayaw niyang makita iyon sa mukha nito ngunit wala siyang pagpipilian.
“That soon?” usal nito pagkalipas ang mahabang sandali.
Tumango siya at kinagat ang ibabang labi upang pigilan ang pagtulo ng mga luha niya. “I’m sorry. I must leave next week. Hindi ko puwedeng talikuran ang banda. I-I just want to see you for the last time—”
“The last time? What do you mean by that?” Iknulong nito ang kanyang mukha sa pamamagitan ng mga palad nito at iniangat iyon upang magtama ang mga mata nila. “This will not be the last time, Ivy,” determinadong sabi nito.
“This will be the last time, Mr. Matias.”
Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa direksiyon kung nasaan si Rob. Galit na galit ito habang ang mga kabanda niya ay hinihingal na nakasunod dito. Mukhang hindi napigilan ng mga ito ang manager nila na puntahan siya.
“Stephanie, come here. We are going to leave now,” mariing sabi nito.
“Rob,” nakikiusap na usal niya.
“Mr. Gallante called. He wants all of you to be there ASAP. He knew what you’ve been doing here, Stephanie.”
Kumabog ang kanyang dibdib. Napatingala siya kay Oliver nang maramdaman niyang inakbayan siya nito at hinapit. It was a protective manner that slighlty calmed her senses. Deretso ang tingin nito kay Rob.
“What’s wrong with what she’s doing? She’s just having a life outside her career. She just fell in love, is that bad?”
Naningkit ang mga mata ni Rob na tumingin kay Oliver. “It is bad if it will affect her career. If the man she loves will be a hindrance to her career. If he is a selfish bastard who will want her to be just his and his alone. If he wanted her to stay here. Because it will not be possible, at least as long as they are under contract with Warner Music. Now, let her go.”
Hindi tuminag si Oliver. “You don’t know me well enough to judge me like that. I will not be a hindrance to her career. I just want to love her,” matatag na sagot nito.
Pagak na tumawa si Rob. “Nonsense. She has to leave, Mr. Matias, and it will be at least a year before she could take another break. You will just be a nuisance to her.”
Naningkit ang mga mata ni Oliver. “What we feel for each other will never be a nuisance to her. She will go to the US as planned. Even if she stays there for a year, I don’t care. I’ll still love her and she will love me. And you can’t do anything about it. Do you hear me?” galit na bulalas nito.
Mukhang nagulat si Rob dahil napamaang lang kay Oliver at hindi nakapagsalita.
Binalingan siya ni Oliver. Lumambot ang ekspresyon sa mukha nito at hinaplos ang pisngi niya. “You don’t have to worry, Ivy. Go and do what you have to do. Maghihintay ako sa `yo kahit gaano pa katagal. I will be the home you will wish to come back to when you get tired of the limelight.”
Napuno ng luha ang kanyang mga mata. “Oliver. Okay lang ba talaga sa `yo ito? We will have a long-distance relationship. Hindi ka ba mahihirapan? Kasi ako, mahihirapan ako. Mami-miss kita nang sobra.”
Ngumiti ito at hinalikan siya sa noo. “Ayokong papiliin ka dahil alam kong mahalaga sa `yo ang musika. Alam ko mahirap, pero kakayanin natin ito. Kapag nami-miss mo ako, I’m just a phone call or Skype away. O kapag gusto mo akong makita, sabihin mo lang sa akin at pupuntahan kita kahit saan ka man lupalop ng mundo naroon. And I will do the same whenever I miss you. So go back there without any pain in your heart because I will always be here, loving you.”
Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya at niyakap ito. “Thank you, Oliver. I love you.”
Niyakap din siya nito.
“God, Stephanie,” frustrated na bulalas ni Rob.
“Oh come on, Rob, let them be. They love each other!” mukhang hindi na nakatiis na sikmat ni Yu.
“If you’re worried about Mr. Gallante, we will talk to him,” sabi ni Carli.
Namula ang mukha ni Rob na mukhang inis na inis na sa kanila. “Geez! Bahala na nga kayow!” nanggigigil na usal nito sa baluktot na Tagalog. Pagkatapos ay nagmartsa ito pabalik sa elevator. Ikinagulat nilang lahat ang biglang pagta-Tagalog nito at nang sumara ang elevator ay sabay-sabay pa silang natawa.
Pagkatapos ay tumingin sa kanila ni Oliver ang mga kaibigan niya at ngumiti lahat. “Well, maiwan na namin kayong dalawa rito,” nakangiting sabi ni Ginny.
“Ihatid mo sa hotel nang maayos `yang si Stephanie, ha?” bilin ni Anje.
“I will. Thank you, girls,” sagot ni Oliver. Kumaway ang mga ito bago tumalikod at tinungo ang elevator. Napasinghap siya nang hilahin siya ni Oliver papasok sa condo unit nito at isinara ang pinto. Then he kissed her so long and so deep that she almost melted.
“Just promise me one thing before you go back to the US.”
“Ano `yon?” she asked breathlessly.
“Don’t fall in love with someone else while you’re there.”
Bahagya siyang natawa at ikinawit ang mga kamay sa batok nito. “Imposible `yon. Ikaw lang kaya ang lalaking minahal ko. Ang tagal ko do’n, ha? Baka ikaw ang biglang ma-in love sa iba,” sagot niya sa pabirong tinig.
Tumawa rin ito. “That’s impossible. Haven’t you realized it yet? Our meeting was pre-destined. The shooting stars proved that.”
Napangiti siya, halos mapugto ang hininga sa labis na saya. Marahil ay tama ito. No, she believed it. It was her destiny to meet this man. And they loved each other. What more could she ask for?