One year later
“NABALITAAN mo ba? Magkakaroon daw ng meteor shower mamayang gabi diyan sa Pilipinas. Hindi iyon makikita sa Amerika kasi nagkataong may araw no’n.”
“Yeah, I heard about it,” sagot ni Oliver kay Ivy na kausap niya sa iPad habang pumipirma ng mga papeles niya sa opisina niya.
May kumatok sa pinto at sumungaw ang bago niyang sekretarya na dating sekretarya ng kanyang ama. Nagdesisyon na kasi ang kanyang ama na ibigay na sa kanya ang pamamahala ng kompanya. Sa ngayon ay abala na ito sa pakikipaglaro ng golf sa mga kaibigan na retirado na rin na gaya nito. Nasa proseso pa rin ang annulment nito kay Daressa ngunit nakakuha ito ng court order para siguruhing hindi makakalapit ang babae sa kanilang buong pamilya. Mula noon ay wala na siyang nabalitaan pa sa babae. At wala na rin siyang nabalitaang may ibang babae ang kanyang ama.
Isang taon na ring maganda ang sales ng Exposed. Maganda ang idinulot ng pagbabago nila ng format. Mula noong lumabas ang issue nila na ang Wilfdflowers ang cover story ay ginawa na niya ang lahat para magkaroon pa ng maraming artist na maging cover story nila. Professionally ay maayos na maayos na ang takbo ng buhay niya.
“Sir, confirmed na po ang meeting ninyo mamayang gabi with Diamond Records,” sabi ng sekretarya niya.
“Thanks, Nelly.” Pagkatapos ay lumabas na ito.
“Wait, aren’t you going to watch the meteor shower?”
Nilingon niya ang iPad niya at nakita niya ang nakasimangot na mukha ni Ivy. Kasalukuyan silang nagbi-video chat sa Skype dahil ngayon lang daw ito nagkaroon ng libreng oras. Tuluyan na niyang inalis ang atensiyon sa mga papeles at humarap dito.
“I don’t want to watch it alone. I will just miss you because it will remind me of the first time we met each other,” paliwanag niya.
Lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Ivy at kung kaya lang sana niya itong hilahin palabas sa screen ay ginawa na niya. God, he missed her. Halos isang beses sa isang buwan naman silang nagkikita dahil pinupuntahan niya ito pero pakiramdam niya ay hindi pa rin iyon sapat. Gusto niyang araw-araw itong nakikita, nahahawakan at nahahalikan. He wanted to sleep with her every night and wake up with her by his side every morning. Subalit hindi niya iyon maaaring sabihin dito. After all, nangako siyang susuportahan ito sa lahat ng desisyon nito pagdating sa career nito.
“I want to watch it with you too, Oliver,” sabi nito. Umangat ang kamay niya at hinaplos ang pisngi nito, wanting to feel her hot cheek but only felt the cool and smoot texture of the screen. May bumikig sa kanyang lalamunan. s**t, maiiyak pa yata siya sa sobrang pagka-miss niya kay Ivy.
“But you can’t,” wika niya.
“I can,” sagot nito.
Pagak siyang natawa. “Paano? Nasa kabilang panig ka ng mundo.”
“Sino naman ang may sabi sa `yo?” tanong nito.
Napakunot-noo siya at napatitig dito. Ngumiti ito.
“Hindi mo napapansin kung nasaan ako?”
Pinagmasdan niya ang background nito. “Nasa loob ng kotse. You are going somewhere, right?”
Tumango si Ivy. “Ah-huh, papunta ako… dito.” Iinilingon nito ang iPad patungo sa labas ng bintana ng sinasakyan nito. Kumabog ang kanyang dibdib nang makita ang harap ng building ng kompanya niya.
“W-what the hell?” gulat na tanong niya.
Tumawa ito at muling hinarap ang iPad nito. “don’t you want to see me?”
Hindi na nagsalita si Oliver at mabilis na tumayo. Pagkatapos ay halos takbuhin na niya ang elevator. Nang makapasok siya roon ay inis na inis siya na parang ang bagal-bagal bumaba niyon. Nang makababa siya sa ground floor ay agad na nakita na niya ang pigura ng babaeng nakatayo sa gitna ng lobby, walang pakialam kahit na nakatingin dito ang lahat ng taong naroon. Nang makita siya nito ay matamis itong ngumiti.
“Hi, I’m home,” bati nito.
Malalaki ang mga hakbang na nakalapit na siya rito at walang pakialam sa mga taong naroon na ikinulong niya ang mukha nito sa mga palad niya at pinakatitigan ito. Lumunok siya upang alisin ang bara sa lalamunan niya. Pagkatapos ay hindi na siya nakatiis at siniil ito ng halik sa mga labi. Gumanti ito ng halik at pakiramdam niya ay lulutang siya anumang oras. Pinakawalan niya ang mga labi nito at muli itong tinitigan. “You are really here,” usal niya.
“Yes.”
Nalito siya. “How? Why?”
Tumawa si Ivy. And he realized he missed hearing her laugh like this, without the barrier of a computer screen or telephone. “Mahabang kuwento. Sasabihin ko sa `yo kung ika-cancel mo ang meeting mo mamayang gabi at panonoorin natin ang meteor shower sa resort kung saan tayo unang nagkita.”
Napangiti si Oliver at niyakap si Ivy. “Of course. Hell, aalis na tayo ngayon mismo.”
Niyakap din siya nito at hinalikan. “May sasabihin ako sa `yo, Oliver.”
“Ano `yon?”
Ngumiti ito at inilapit ang mga labi sa kanyang tainga. “Secret lang ito, ha? I am here to stay.”
Humigpit ang pagkakayakap niya rito at isinubsob ang mukha sa buhok ni Ivy. “God, it’s about time. Malapit na akong mabaliw kapag hindi pa kita nakasama araw-araw.”
Tumawa ito. “Ako rin.”
Hindi niya alam kung paano nangyari iyon pero hindi na iyon mahalaga. Ang mahalaga ay yakap na niya ito ngayon at hindi na sila maghihiwalay pa kahit kailan.
•••WAKAS•••