Chapter 7

2020 Words
Calter “Sir, nandito na po ako sa sinabi niyong lugar," bungad ng sekretarya ko sa akin. “Alright. Alam mo na kung ano ang gagawin," sagot ko sa kanya. “Yes, Sir.” I took a deep breath and quickly hung up my phone after I talked to my secretary. Hindi okay ang pakiramdam ko. Actually, since last night. Pero pinilit ko pa rin umalis dahil importante ang lakad ko ngayon. Tahimik akong huminga muli nang malalim mula sa kinatatayuan ko, saka mabilis na sumakay sa sasakyan ko. I had a business meeting with a powerful and wealthy man here in Cebu. I don’t tend to do this kind of thing, but something drives me to do it not just for business. I don't know— bahala na. I have no relatives here, because they are all in Manila and abroad. But I chose to live here alone a month ago. Yes, dahil kailangan— kailangan kong maging maayos, gusto kong mapahinga ang utak ko mula sa pag-iisip sa maraming bagay. Lalo na sa nangyari sa 'ming dalawa ni Aila. Si Aila. Naalala ko na naman siya. Kung sa bagay, wala namang araw, oras, o kahit minuto man na dumaan na hindi siya sumagi sa isip ko. Matagal-tagal na siyang wala. Pero ang lahat sa kanya, ay hindi ko makalimutan. Hinding-hindi ko makalilimutan. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan na dala ko, nang maramdaman kong tila may gumuhit na kirot mula sa ‘king dibdib. F*ck! Ito na naman ako . . . Kahit saan ako magpunta, hindi na ‘ko tinantanan ng mga ala-ala niya. Tila dinala niya ang puso’t isip ko sa biglaang pagkawala nito. Minsan, hindi ko na alam kung ano’ng dapat kong gawin sa sarili ko. Lalo na, sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko't matamis niyang mga ngiti ang siyang sumasalubong sa akin. Damn it! I miss her. I miss my love. I miss my life. I miss her brown eyes, her nose, her heart-shaped face, and her lips as if she always wanted to kiss me. Matagal man siyang mawala, alam kong malapit lang siya sa 'kin. Not as an important being, but a living creature. Nararamdaman ko na buhay pa siya. Buhay pa ang babaeng pinakamamahal ko dahil alam ko kung gaano rin niya ‘ko kamahal. Alam ko na hindi niya magagawang iwan na lang ako nang ganito. Kaya hindi ako susuko. Hindi ko siya pwedeng sukuan. Hindi pwede, dahil naniniwala ako na matatagpuan ko rin siya. Magkikita kami ulit. Mahahalikan ko siyang muli, mayayakap, maaangkin, at maaalagaan. My everything . . . Napahinto ako mula sa ‘king iniisip nang marinig muli ang pag-ring ng phone ko. Hindi ko sana ito papansinin dahil naisip ko na baka kung sino lang ang tumatawag, pero napilitan akong sagutin ito nang mahagip ng mga mata ko na hindi naka-register ang number na lumabas sa screen ng cellphone ko. Hindi ako kumibo nang masagot ang tawag. Hinintay ko itong maunang magsalita. At nang mabosesan ko kung sino ito, ay binawasan ko ang bilis nang pagpapatakbo sa sasakyan na minamaneho ko. “Brodah!” bungad nito mula sa kabilang linya. Hindi ako sumagot. Bagkos, tumikhim lang ako. “Hey! Okay ka pa ba, Brad?” he asked. “What do you need—” “Hep, hep!” sandali siyang huminto sa pagsasalita. At bago ito muling magpatuloy ay narinig ko pa ang mabigat nitong pagbuntong-hininga. “Ganyan agad iniisip mo sa ‘kin? Kailangan, huh? Hindi ba p’wedeng gusto ko lang mangamusta—” “Don't mess with me, Carpio. I’m busy,” malamig kong sabi sa kanya. Seconds passed before he spoke again. “Alright! Sabi ko nga sawi ka ngayon— I mean, tara inom tayo? Pag-usapan natin kung bakit tayo iniiwan—” “Kayo na lang muna, kaya niyo na ‘yan,” seryoso ang aking tono. “What the f*ck?” he exclaimed. “Alonte nakakahalata na ‘ko sa ‘yo, huh. ‘Pag kay Devara one call away ka, kapag ako—” Hindi na natuloy ang ano mang nais sabihin nito, nang patayin ko ang tawag. Alam kong kilala nila ‘ko. Kilala ako ng mga kaibigan ko na kapag ganito ako ay gusto ko muna’ng mapag-isa. Malayo ako sa Manila, at isa sa rason kung bakit ayoko muna makipagkita sa kanila ay dahil sa kaibigan kong si Keen. Nahihiya ako sa kanya. Especially with his wife— Irieth Hope. Alam ko kung gaano sila nangungulila sa biglaang pagkawala ng kapatid nitong si Aila. Dahil do’n, hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko. Wala namaj talagang ibang dapat sisihin kundi ako. Dahil ako lang naman ang nagpagulo sa buhay nito. I suddenly remembered where and how it all started with the two of us . . . Una ko siyang nakita sa office ng matalik kong kaibigan na si Keen Devara. Bata pa siya no’ng una ko itong ma-meet. Keen introduced her to our friends, including me. Ewan ko. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko maipaliwanag kung anong meron sa babaeng ‘yon. Ang naaalala ko lang, basta’t sa tuwing binabalikan ko ang unang pagkakataon na makita ko ang mga ngiti niya— yes, her sweet smile, pakiramdam ko ay dinadala ako nito sa langit. Simpleng ngiti lang iyon, pero tunay na nagpagaang sa mabigat kong pakiramdam noon. Hindi ko maipaliwanag, pero siya lang ang babaeng nagpabilis ng t***k ng puso ko no’ng una ko siyang masilayan. FLASHBACK “Kuya Keen,” Napatingin ako sa babaeng bigla na lang pumasok mula sa pinto rito sa opisina ng tinawag nitong kuya, habang pinag-uusapan namin ang tungkol sa business naming magkakaibigan. “Aila?” kapansin-pansin ang gulat sa mga mata ni Keen. “Kuya, pasensya ka na kung hindi na ‘ko nag-abiso na pupunta rito. Gusto ko lang malaman— kung may balita ka na where Ate Irieth is?” Hindi agad nakakibo si Keen sa sinabi nito. “Have a seat,” Keen said. Wala akong ibang nagawa kundi pagmasdan ang babaeng nasa harapan ko, na tila walang ibang nakikita kundi ang matalik kong kaibigan. Natawa ako sa ‘king isipan. Damn! I am Calter Alonte. At hindi sa nagyayabang ako, pero kung sa ibang babae ito baka nagbuhad na agad harapan ko. Pero hindi. Dahil sa mga kilos nito, tila multo ako na hindi niya nakikita’t napapansin. Damn it! “I don't have any information on where she is now. I think someone is protecting her. And that's what I'll find out,” I saw his forehead twitch. Alam ko kapag galit ito. Ramdam ko iyon sa bawat pagbigkas niya sa mga salitang kanyang binitawan. Kilala ko ang matalik kong kaibigan. Sa tagal ng aming pinagsamahan, alam ko kung kailan siya masaya at kung kailan siya nasasaktan. “We're really worried about her, Kuya. Especially Mom,” Patago akong tumingin sa babaeng tinawag ni Keen ng Aila, nang muli itong magsalita. “Years ago but we still don't know where she is, Kuya. Nakakapanghina—” napahinto ito sa pagsasalita nang mapatingin sa akin. Naalarma ako at biglang nataranta mula sa inuupuan ko sa hindi malaman na dahilan. F*ck! Ano ba’ng nangyayari sa ‘kin? Anong pakiramdam ‘to? Damn it! “Sige na, Kuya. Dumaan lang talaga ako dahil may pinuntahan kami ni Mom malapit dito. Babalik na lang siguro ako sa ibang araw kapag available ka. Maraming salamat,” tatalikod na sana ito nang kunin muli ni Keen ang atensyon nito. “Aila.” I looked at him seriously. “This is Calter Alonte.” Sabi ko na. Hindi ako nagkamali sa kutob ko na ipakikilala nga ako nito rito. “He’s one of my business partners, and— a best friend,” tuloy niya. Natahimik ang paligid nang matapos sa pagsasalita si Keen. My eyes remained on him. Nagulat kasi ako sa ginawa niyang pagpapakilala sa babaeng ngayon ko lang din nakita. “Wow, nice to meet you, Kuya Calter!” walang emosyon ang mukha ko, nang lingunin ko ito. What the f*ck? Ano raw? Tama ba ‘ko nang dinig? Tinawag niya ‘kong Kuya? “I am Aila Zotore, Kuya,” pakilala niya sa sarili niya habang nakatingin sa ‘kin. Seriously? Tiim-bagang akong nakipag kamay sa kanya. Kahit hindi ko matanggap ang tawag niya sa ‘kin, nagpaka-professional ako sa harap nito. “Calter,” tipid kong pakilala. Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa nararamdaman ko na ‘to, pero nakakaloko lang dahil kung tutuusin— malaki ang tanda ko sa babaeng nasa harapan ko, dapat niya lang akong kuyahin kung magalang talaga siya, pero ramdam ko ang kakaibang nerbyos na hinding-hindi ko pa naramdaman sa ibang mga babae na nakakaharap at nakakausap ko. Damn it! “I’m leaving. Thank you, Kuya Keen and . . .” Nabaling ulit ang paningin ko sa kanya. “Kuya Calter,” Ngumiti itong muli bago tuluyang tumalikod sa amin. “Tss . . .” nakakairita talaga ang pagtawag niya sa ‘kin ng kuya. At hindi ko alam kung bakit. “Okay ka lang?” Napa-angat ako nang tingin dahil sa tanong ni Keen. Tumayo ako mula sa inuupuan ko, saka nagpaalam sa kanya. “I have to go. I'll call you when I get information about Irieth,” Naglakad ako palabas nang umisa itong tango sa ‘kin. Napalunok ako nang mapansin si— Aila. Hindi ko pa naihahakbang ang mga paa ko, nang lumingon ito at ngumiti sa akin bago sumakay ng elevator. Agad akong napahawak sa harap ko nang maramdaman kong tumigas ito. What the hell? Ano ba’ng meron sa babaeng ‘yon? “Kalma, Calter.” Pati ang sarili ko ay kinakausap ko na. F*ck! “Hello.” Napabalik ako sa kasalukuyan, nang muling tumunog ang cellphone ko. Napabuga ako nang hangin nang makita kong numero ng sekretarya ko ang rumihistro rito. Alam ko na importante ang sasabihin niya, kaya kahit nagda-drive, sinagot ko ang tawag niya. “Sir, pasensya na po sa abala. Nandito na po kasi sila,” bungad nito sa akin. “I’m going in,” agad kong pinatay ang tawag saka nag-park sa harap ng mall ‘di kalayuan sa subdivision na nilipatan ko rito sa Cebu. Napansin ko agad ang dami ng tao rito, kaya nang makababa sa sasakyan ko, ay sa likod ako dumaan para kahit papaano ay makaiwas sa mga tao. Nagpatuloy ako sa paglakad, hanggang sa ‘di inaasahan ay bigla na lamang may nahagip ang aking mga mata. Pinagmasdan ko ito nang mabuti. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, pero pinilit ko ang sarili ko na maigalaw ang mga paa ko papalapit sa babaeng kailanma’y hindi ko kayang kalimutan . . . “Aila . . .” “Sir Calter!” Nawala ang atensyon ko sa babaeng nahagip ng mga mata ko nang tawagin ako ng secretary ko. Sandali ko siyang nilingon, ewan ko pero matapos kong magawa ‘yon, ay bigla na lang akong nakaramdam ng inis. Lalo, nang mawala sa paningin ko ang nakita ko kanina. F*ck! Hindi ako p’wedeng magkamali. Siya ang nakita ko. “Sir!” Nahilamos ko ang isa kong palad sa ‘king mukha nang marinig kong muli ang boses ng secretary ko. Ayoko man na umalis sa lugar kung saan ako nakatayo ngayon dahil umaasa ako na muli ko siyang makikita, pero wala. Nawala itong parang isang bula. Nagtiim-bagang ako nang mapagtanto na baka guni-guni ko lang ‘yon. Madalas kasi akong ganito, dahil sa sobrang pag-iisip sa babaeng mahal na mahal ko. Bahagya akong yumuko saka bumuga nang hangin. Nasasaktan ako. Laging ganito, sa tuwing sumasagi siya sa isip ko. Gano’n pa man, ayokong sumuko sa paghahanap sa kanya. Dahil alam ko, na magkikita rin kami. Namulsa ako saka inihakbang ang aking mga paa matapos maisip ang bagay na iyon. Alam ko na hindi magiging madali ang lahat, pero siya ang lakas ko. Siya ang lahat sa akin kaya sa tuwing naiisip ko na balang araw ay muli kaming magkakaharap, ay nabubuhayan ako ng loob. Nakahanda akong gawin ang lahat para sa kanya. Lahat-lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD